Paghahanda At Ebalwasyon Ng Kagamitang Panturo.zip

3 views
Skip to first unread message
Message has been deleted

Osman Blunt

unread,
Jul 16, 2024, 7:12:33 PM7/16/24
to congtworadle

Ang kagamitang panturo ay mga materyales na ginagamit ng mga guro upang mapadali at mapahusay ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga kagamitang panturo ay maaaring maging tradisyonal o makabago, depende sa uri, layunin, at kaangkupan nito sa aralin. Ang paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo ay mahalagang proseso upang matiyak ang kalidad at kahusayan ng mga ito.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hakbang na dapat gawin sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo:Pagpili ng kagamitang panturo. Ang unang hakbang ay ang pagpili ng kagamitang panturo na angkop sa paksa, layunin, at antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Dapat isaalang-alang ang mga katangian, kahinaan, at kalamangan ng bawat kagamitang panturo. Halimbawa, ang powerpoint presentation ay maaaring magbigay ng malinaw na impormasyon at biswal na suporta sa aralin, ngunit maaari ring maging nakakaantok o nakakasawa kung hindi ito maayos na ginawa o ginamit.Pagsulat ng plano sa paggamit ng kagamitang panturo. Ang ikalawang hakbang ay ang pagsulat ng plano sa paggamit ng kagamitang panturo na naglalaman ng mga sumusunod na bahagi: a) layunin ng aralin; b) pamaraan o estratehiya sa pagtuturo; c) kagamitang panturo na gagamitin; d) oras na ilalaan sa bawat bahagi ng aralin; e) pamantayan o batayan sa pagsusuri ng pagkatuto; at f) pamamaraan sa pagsusuri o ebalwasyon.Paghahanda ng kagamitang panturo. Ang ikatlong hakbang ay ang paghahanda ng kagamitang panturo batay sa plano. Dapat siguruhin na ang kagamitang panturo ay malinaw, tumpak, kumpleto, maayos, at kaakit-akit. Dapat din itong sumunod sa mga alituntunin sa pagsulat o paggawa ng kagamitang panturo tulad ng wastong gramatika, baybay, bantas, estilo, kulay, laki, atbp.Paggamit ng kagamitang panturo. Ang ikaapat na hakbang ay ang paggamit ng kagamitang panturo sa aktuwal na pagtuturo. Dapat gamitin ang kagamitang panturo nang wasto, epektibo, at malikhain upang makatulong sa pagpapaliwanag, pagpapakita, pagbibigay-halimbawa, pag-uudyok, pagganyak, at iba pang layunin sa aralin. Dapat din itong makapukaw ng interes, pansin, partisipasyon, at kooperasyon ng mga mag-aaral.Pagsusuri o ebalwasyon ng kagamitang panturo. Ang ikalimang hakbang ay ang pagsusuri o ebalwasyon ng kagamitang panturo upang malaman ang epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagsusuri o ebalwasyon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon o puna sa kagamitang panturo, o sa pamamagitan ng paggamit ng mga instrumento tulad ng checklist, rubric, rating scale, survey, atbp. Ang pagsusuri o ebalwasyon ay dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa mga sumusunod na aspeto: a) ang katumpakan at kahusayan ng kagamitang panturo; b) ang kaangkupan at kagamitan ng kagamitang panturo sa aralin; c) ang pagtugon at reaksyon ng mga mag-aaral sa kagamitang panturo; at d) ang mga kahinaan at suhestiyon para sa pagpapabuti ng kagamitang panturo.

paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo.zip


Download https://urluso.com/2yM6pD



Ang mga hakbang na nabanggit ay hindi naman mahigpit na sinusunod. Ang mahalaga ay ang guro ay may sapat na kaalaman, kakayahan, at kahandaan sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapaunlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral. dbecece10e

Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga teorya, simulain, pamamaraan, paggamit at ebalwasyon ng kagamitang panturo kasama ang mga kagamitang para sa alternatibong pagtuturo at pagkatuto gayundin ang paggamit ng teknolohiya

Layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng modyul para sa pagtuturo ng pagsulat sa baitang 12 alinsunod sa programang K-12 kurikulum sa Filipino. Batay sa hangarin ng Kagawaran ng Edukasyon, ang mga mag-aaral na nasa senior years ay dapat magtaglay ng mga akademikong kasanayan na kakailanganin sa pagpasok niya sa kolehiyo o sa unibersidad gayundin ang ilang mahahalagang kasanayan at kaalaman sa pagtatrabaho o pagnegosyo. Kung kayat lubos na isinaalang-alang ang mga tunguhing ito sa pagbuo ng kagamitang panturo na lilinang sa kakayayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat.

Nagpokus lamang ang mananaliksik sa pagtuturo ng pagsulat sapagkat ito ang pangunahing kasanayan na dapat malinang sa senior years lalo na sa baitang 12. Nakapaloob dito ang mga aralin sa akademikong pagsulat at batayang kaalaman sa pananaliksik.

Ang mga sinundang dulog upang linangin ang mga aralin sa modyul ay ang pagtuturo ng wika sa mga tiyak na gamit, ang dulog komunikatibo at ang akademikong pagsulat. Integrated din sa mga aralin ang kasanayan sa pag-iisip gaya ng malikhaing pag-iisip, kakakayahan magsuri, kumilatis at ilan pa. Ang mga aralin sa pagsulat ay nasa kontekstong akademik at pagtatrabaho.

Sa pagbuo ng modyul sinundan ang hulwarang nilinang ni Inglis (1975) at Nichols at Nichols (1972). Itinatakda nito ang mga prosesong dapat pagdaanan ng isang kagamitang panturo mula sa paghahanda at pagdidisenyo ng aralin, ebalwasyon at ang rebisyon.

Sa paghahanda ng mga aralin, isinaalang-alang ang mga tunguhin at layunin na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon sang-ayon sa K-12 Kurikulum sa Filipino at suhestiyon ng mga guro at ekspertong nag-ebalaweyt ng modyul.

Sumailalim sa mga serye ng ebalwasyon ang modyul. Sa unang serye ng ebalwasyon, ipinasuri ito sa tatlong guro / eksperto sa pagtuturo ng Filipino at pagbuong kagamitang pampagtuturo. Matapos masuri at maebalweyt ang modyul, muli itong isinulat at inirebisa batay sa kanilang mga komento at suhestiyon. Matapos ang unang rebisyon, sumalilaim ang modyul sa pilot testing ng dalawang klase noong Mayo, 2014 sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Ang dalawang klase ay kumukuha ng Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino at Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Itinala ang mga obserbasyon at karanasan ng mga guro at mag-aaral na gumamit ng modyul. Ang kanilang mga fidbak ay isinaalang-alang sa pagrerebisa ng modyul. Matapos nito, muling ipinasuri ang modyul sa limang guro / eksperto, kasabay na rin ng pilot testing sa tatlong klase ng mga mag-aaral sa unang taon na kumukuha ng Filipino 1 sa Unibersidad ng Sto. Tomas, Kolehiyo ng Narsing.

Sa ebalwasyon ng modyul ginamit ang instrumento na dinesenyo ng Unibersidad ng Sto. Tomas, Opisina ng Bise Rector para sa Akademikong Gawain ng Textbook and Learning Materials Committee (TLMC). Sinusukat ng instrumento ang apat na mahahalagang elemento sa pagbuo ng isang kagamitang panturo ito ay ang 1. Nilalaman 2. Mga Gawain sa Pagkatuto 3. Format at Organisasyon at 4. Wika at Isitilo. Kalakip ng mga elementong ito ay ang kwalitibong pagsusuri, kung saan itatala ng mga ebalwator ang kanilang mga puna, obserbasyon at mungkahi.

Samantala sa mula sa panayam at paghingi ng fidbak sa mga guro na lumahok sa pilot study, naging gabay sa interbyu ang instrumento na dinesenyo ni Brian Tomlinson ng Cambridge University. Nagkaroon bahagayang modipikasyon sa instrumento at isinalin din sa Filipino.

Batay sa resulta ng unang ebalwasyon gamit ng instrumento ng UST, TLMC ang modyul sa Filipino 12 ay nakakuha ng 71 puntos. Nangangahulugang inirerekomenda para sa adapsyon ngunit marami pang rebisyon / modipikasyon. Matapos ang unang rebisyon muli itong pina-ebalweyt. At sa ikalawang ebalwasyon mula sa limang eksperto ang modyul ay nakakuha na ng 87.8 na puntos, nangangahulugang ang modyul ay inirerekomenda para sa adapsyon at may ilang rebisyon / modipikasyon.

Mula naman sa fidbak ng mga guro at mag-aaral sa pilot testing ng modyul ng Filipino 12, ang ilan sa pangunahing punto ay: 1. Katanggap-tanggap patungo sa mahusay ang mga aralin sa pagtuturo ng batayang pananaliksik at detalyadong pagtuturo ng pagsulat ng talumpati 2. Sapat ang mga halimbawang sulatin upang tiyak na makita ang istruktura at nilalaman ng bawat uri ng akademikong sulatin 3. Masinop ang koleksiyon ng mga sulatin ng mga mag-aaral upang magamit na mga halimbawa sa bawat anyo ng sulatin 4. Orihinal ang mga sulatin at dinesenyong mga aralin 5. Mahusay ang pagsulat para sa pagtatrabaho at kumpleto ng mga halimbawa. Mas mainam din siguro kung ituro din ang pagsulat para sa pagnenegosyo. Ang ilan naman sa mga kahinaan ng modyul at mga mungkahi ay: 1. Hindi naging maayos ang pagkakasunud-sunod ng pahina ito marahil ay sa printing at compilation 2. Dahil xerox, malabo ang ilang bahagi ng modyul at ang mga larawan ay hindi masyadong malinaw na nakaaapekto sa pagsagot ng modyul 3. Mahaba ang aralin sa panananaliksik at tinatamad magbasa ang mga mag-aaral 4. Karamihan sa halimbawa ng pananaliksik papel na ipinakita ay pang-narsing dahil tumatalakay sa sakit at pag-aaruga 5. Maging konsistent sa framework ng bawat aralin.

Nakatuon ang pananaliksik sa pagtaya ng modyul ng K-12 sa asignaturang Filipino. Nilalayon nitong maihanay ang paralelismo ng TG (Teachers Guide), LM (Learning Module) at CG (Curriculum Guide) sa isa't isa; mailarawan ang lawak ng nilalaman at pamamaraan at kasanayan na nakapaloob sa modyul na kaugnay sa ika-21 siglong kasanayan na dapat taglayin ng mag-aaral; mabakas ang mga problema na kinaharap sa modularisasyon ng Filipino sa K-12; at makapagmungkahi ng angkop na modelo sa pagsasagawa ng isang ebalwasyon para sa kagamitang panturo na tutugon sa ika-21 Siglong Kasanayan. Upang maisagawa ito, nagsagawa ng focus group discussion sa mga guro ng dalawang paaralang gumagamit ng modyul. Gayundin ay sinipat at sinuri ng mananaliksik ang mga gawain ng modyul kung ito ay tumutugon sa ika-21 siglong kasanayan. Mula rito, nalaman na hindi nakatutugon ang nasabing kagamitang panturo sa ika-21 siglong kasanayan ngunit para sa mga guro na gumagamit nito ay lubos naman silang sumasangayon na may bahagi ng modyul na makikitaan ng ika-21 siglong kasanayan. Batay sa mga datos na nakalap ng mananaliksik, bumuo ang mananaliksik ng Modelo ng balwasyon para Kagamitang Panturo na Tutugon sa Ika 21 Siglong Kasanayan. Iminumungkahi ng pananaliksik na gamitin ito sa nalalabi pang mga modyul sa Filipino na ginagamit sa K 12.

The research focuses in assessment of modules in K-12 for Filipino subjects. The objectives are the following: (1) To see the parallelism of Teacher's Guide, Learning Modules, and the Curriculum Guide to each other; (2) to describe the scope of the content, strategy and skills in the modules based on the 21st century skills; (3) To trace the problem in using the modules in Filipino; and lastly to suggest appropriate model to evaluate a teaching materials based on the 21st Century Skills. The researcher used Focus Group Discussion for teachers in the two high schools that uses the modules. The researcher also analyze the activities in modules if its suited for the development of 21st century skills. Based on the findings of the study the researcher develop an Evaluation Model for Teaching Materials Based on the 21st Century Skills. The researcher suggest to used the said model for the other modules in Filipino.

7fc3f7cf58
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages