Kaya sa may ganitong karamdaman, maging matatag ka. Kahit na pilit kang pinapabagsak, wag mo piliing tapusin ang lahat. Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat, marami ka pang pwedeng gawin. Matutupad mo pa mga pangarap mo, maabot mo pa din ito. Tulungan mo sarili mo dahil walang ibang tutulong sayo kundi ikaw lang. Ikaw ang may hawak ng buhay mo kaya ikaw rin ang makakatulong sa sarili mo. Huwag mo sukuan ang laban o buhay, labanan mo. Labanan natin. Kakayanin natin ito. Magtiwala ka lang sa sarili mo at Sakanya.
And to those people, who need someone to talk to. I am willing to be there for you, I am willing to listen. No judgement. I want to help you in this kind of situation. I want you to know that it is okay to be a fighter, it makes you more stronger than you ever imagined.
Ilang beses ko ng gustong bumigay sa mga pagsubok sa buhay. Pakiramdam ko, magpapatuloy parin naman ang mundo sa pag-ikot kahit wala ako. Oo, ilang beses na. May ilang beses na gusto ko ng tapusin lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Kaunti nalang ang natitirang katinuan sa pag-iisip ko nang minsang tamaan ako ng matinding lungkot na hindi ko na magawang labanan. Nanghingi ako ng tulong, pero walang sumagot. Tinanong ko rin ang Diyos kung bakit ba lagi nalang akong nasasaktan, hanggang kailan ba ako mahihirapan? Ano bang klaseng tao ako, bakit ba nangyayari sa akin ang mga ganitong bagay at di ko maramdaman na maging totoong masaya? Mapapansin lang naman natin na masaya tayo kapag hindi tayo malungkot diba? At malungkot tayo kapag hindi tayo masaya. Ganun ang buhay, binabalanse lang. Walang pinakamalungkot o pinakamasayang araw. Kung may mawawala, may darating. Pantay lang. May pagkakataon na umaabot ang bawat isa sa hangganan at kung hihinto ka na dun, wala ka ng mapupuntahan. Bumalik ka lang at baka nagkamali ka lang ng napasukan. Tumakbo ka uli, takbo lang habang iniisip mo ang mga dahilan kung bakit hindi ka dapat umayaw. Lahat ng mga dahilan kung bakit nagpapatuloy ka parin kahit sobrang sakit na minsan. Higit sa lahat, magtiwala. Ilagay ang buong tiwala sa Diyos dahil sya ang nakakaalam kung hanggang saan nya tayo susubukin. Hinahanda nya tayo sa mas magagandang bagay na parating, mga bagay na karapat-dapat para sa atin. Madalas akong magduda sa kung ano ba ang plano nya para sa akin. At narealize ko na malalaman ko lang ang sagot kung patuloy akong lalaban hanggang magawa ko na ang mga dapat kong gampanan sa buhay.
Mababatbat ng kahirapan ang mga huling araw at lalaganap ang kasamaan. Kaya hindi natin dapat ipagtaka ang nangyayari sa kasalukuyan sapagkat ipinagpauna na ito ng Banal na Kasulatan. Hindi rin natin dapat ipagtaka kung bakit sa kabila ng pagdagsa ng maraming relihiyon at tagapangaral ay patuloy pang sumasama ang kalagayan ng mundo sapagkat ibinabala rin ng Biblia ang tungkol sa mga hindi tunay na relihiyon na nagkukunwa lamang na totoo.
Nais ng Panginoong Diyos na patunayan natin ang katapatan ng ating pananampalataya sa Kaniya. Hindi pala dapat ikahapis o ikapanghina ang mga pagsubok, sapagkat dito dinadalisay ang ating pananampalataya at ito ay maikling panahon lamang. Ito ang layunin ng Diyos kaya tayo na Kaniyang mga hinirang ay pinararaan Niya sa mga pagsubok. Dito makikilala kung sino ang tapat sa Diyos at tunay na kay Cristo at kung sino naman ang nagpapanggap lamang. Kaya sa pagdalisay na ito sa loob ng Iglesia ay mahahayag ang nanghahawak at sumusunod sa mga utos ng Diyos. Ang mga ipinasok na lihim ng diablo sa loob ng Iglesia ay makikila rin. Makikilala sila sa kanilang mga gawa, sapagkat hindi naman sila totoong namumuhay ayon sa mga aral at utos ng Diyos.
Ang Diyos ang mag-iingat sa atin kung iingatan din natin ang ating pananampalataya. Kaya matitiyak natin na tayo ay makapagtatagumpay sa mga pagsubok sa atin. Ito ang Kaniyang pangako at dapat nating panaligan.
Ang makapapasa ay ang katulad ni Job na hindi lumilihis sa Kaniyang mga daan at nananatili sa pagsunod sa Kaniyang mga utos. Napakatindi ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Job subalit sa kabila nito ay pinatunayan niya ang kaniyang katapatan sa Diyos. Pinahalagahan niya ang mga kautusan ng Diyos nang higit kaysa kailangan niyang pagkain. Mabigat ang naging karanasan ni Job kaysa atin ngunit napagtagumpayan niya ang mga ito. Sana ay mapagtagumpayan din natin ang mga lalang ng diablong kaaway sapagkat gumagamit siya ngayon ng ibang pamamaraan.
Maaring may mga kaanib na panatag ang kalooban sapagkat ang nasa isipan niya ay nakatala naman siya sa Iglesia. Ngunit, tama pa kaya ang kaniyang pagtrato sa mga aral ng Diyos? Ang Diyos kaya ang tunay nating sinusunod at pinaglilingkuran? Taglay ba natin sa ating puso ang banal na takot sa Diyos? Baka sa tao lang tayo natatakot at naglilingkod? Baka wala na tayong pakialam kung tayo man ay nailalayo na sa mga dalisay na aral na tinanggap natin sa Sugo at kay kapatid na Erao G. Manalo.
Kailangan ay mapagbantay tayo hindi kampante lang na sumusunod. Itanong natin sa sarili, wasto ba ang paggamit at pagbibigay ng kahulugan sa mga talatang nakasulat? Baka pinipilipit na ang Biblia para lamang tumugma sa nais na ipakahulugan? Kapag ganito ay magkakasalungatan ang mga aral na nakasulat. Makita sana sa atin ng Panginoong Diyos ang paninindigan kahit ano pa ang banta sa atin. Nais ng Diyos na makita tayong naninindigan sa panig ng Kaniyang mga Katotohanan at Katuwiran.
Sa harap ng mga pagsubok dapat nating tatagan ang ating loob. Patunayan natin sa Diyos ang ating katapatan sa paraang mamalagi tayong nasa pagsunod ng Kaniyang mga utos anuman ang dumating sa ating buhay. Ang sabi ay dapat maging tapat sa Diyos. Samakatuwid, sa Diyos ang katapatan at hindi sa tao lamang. Baka ang higit nating pinahahalagahan, sinusunod, at kinatatakutan ay ang tao kahit na nilalabag na natin ang mga kalooban ng ating Panginoong Diyos. Ang ganito ay tapat lamang sa tao ngunit hindi na tapat sa Diyos.
Ngayon ay sinusubok at dinadalisay tayong lahat bago humarap sa ating Panginoong Jesucristo. Patunayan natin sa ating Panginoong Diyos at Panginoong Jesucristo na hindi tayo tatalikod at lilimot sa mga aral na ibinigay sa atin. Sa kabila ng mga pagbabanta at mga pag-uusig, ay patuloy pa rin tayong susunod.
Kaya habang may panahon pang nalalabi, habang nagpapahinuhod pa ang ating Panginoong Diyos, ay magbago na ang mga nasa katiwalian, ang mga nasa kalikuan, at ang mga nasa paglabag. Huwag nating sayangin ang ating karapatan na makapagmana ng buhay na walang hanggan. Huwag nating ipagpalit sa karangyaan at kapangyarihan ang pangakong kaligtasan na ating tatamuhin.
Pangkaraniwan sa buhay ng tao nakapag dumaranas ng pagsubok ay halos parang pasan nya ang daigdig. Hindi nya alam kung ano ang kanyang gagawin masulusyunan lamang ang kanyang problema. Halimbawa ng pangkaraniwang suliranin ng tao, lalo na mga Pilipino ay tungkol sa pera. Nandyan ang mangungutang o kaya tatakbo sa pawnshop at magsasangla. Sa Biblia, may napakagandang aral po tayo na mababasa na naglathala kung ano ang dapat nating maging pag-uugali sa oras na tayo ay nasa ganitong kalagayan. Ang buhay ng bawat mananampalataya ay hindi exempted sa mga pagsubok na dinadanas ng lahat ng tao sa ibabaw ng lupa. Ang magandang assurance na mayroon tayo ay tapat ang Diyos at mapagtatagumpayan natin ang mga ito. Basahin po natin ang: Santiago 1:2-8.
Ang sumulat nito ay isang pinuno sa simbahan sa Jerusalem (Act 12:17; 15:13), walang iba kundi si Santiago, half brother ni Jesus, hindi si James the apostle. Ang aklat ni Santiago ay isa sa mga naunang sulat , probably written before A.D. 50. Matapos ang martyr na pagkamatay ni Esteban sa Acts 7:55-8:3. Nagsimula ng araw na iyon ang mahigpit na pag-uusig laban sa iglesia sa Jerusalem, At liban sa mga apostol, lahat ng sumasampalataya ay nangalat sa lupain ng Judea at Samaria.
There were thriving Jewish-Christian communities in Rome, Alexandria, Cyprus, and cities in Greece and Asia Minor. Because these early believers did not have the support of establishing Christian churches, James wrote to them as a concerned leader, to encourage them in their faith during those difficult times.
Ang isa sa mga susi po ng isang matagumpay na buhay Kristyano ay ang isang matatag na pananampalataya. Ang magandang balita po mga kapatid ang pagsubok po ay sa loob lang ng maikling panahon. (1 Peter 1:6)
2.(v. 5) Humingi ng tulong sa Diyos sa oras ng pagsubok: let him ask God. Ano ang kailangan nating hingin sa Diyos sa oras ng pagsubok? Karunungan! Kung kulang ng karunungan ang sinuman sa atin, humingi tayo sa Diyos. Pansinin po natin bakit naugnay ang paghingi ng karungun sa Diyos samantalang ang unang pinag-uusapan natin ay hinggil sa pagdanas sa pagsubok. Sa aking palagay, nais ng Panginoon na tayo ay maging matalino sa pagharap sa mga pagsubok upang hindi tayo mapaglalangan ni Satanas. Ang pagtatagumpay sa pagsubok ay nangangailangan ng karunungang mula sa Diyos. Kalakip nang dapat nating maging ugali sa mga pagsubok ay ang pagtitiwala sa karunungang ibibigay ng Diyos sa atin sa oras ng mga mabibigat na pagsubok.
1. It is practical. The wisdom from God relates to life even during the most trying times. It is not a wisdom isolated from suffering and trials. This wisdom is the tool by which trials are overcome. An intelligent person may have profound ideas, but a wise person puts profound ideas into action. Intelligence will allow someone to describe several reasons why the car broke down. The wise person chooses the most likely reason and proceeds to take action.
3. (Vv. 6-8) Magtiwala sa Diyos sa oras ng pagsubok. Let him ask in faith, with no doubting, for the one who doubts is like a wave of the sea that is driven and tossed by the wind. Hindi nais ng Diyos na tayo ay nag-aalinlangan. Sapagkat kung nag-aalinlangan ka wala kang matatanggap sa Diyos. Kaya sa oras ng mga pagsubok ang kailangan ay ang pagtitiwala sa Diyos! For that person must not suppose that he will receive anything from the Lord; he is a double-minded man, unstable in all his ways. Ayaw ng Panginoon na tayo ay pabago-bago ng isip at hindi natin alam kung ano ang ibig. Hindi ka magiging matagumpay sa mga pagsubok na darating sa iyo kung ang pagtitiwala mo sa Diyos ay pabagobago!
c80f0f1006