[bibliarasal] Ikatlong linggo ng karaniwang panahon, C

2 views
Skip to first unread message

josephdream

unread,
Jan 26, 2013, 9:03:21 AM1/26/13
to bibli...@googlegroups.com

Pagkamangha kay Hesus

Para sa ika-27 ng Enero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 1: 1-4, 4: 14 - 21

Pagkatapos na basahin ni Hesus ang bahagi ng aklat ni Propeta Isaias kung saan nakasaad, “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,” sinabi niya, “Natupad ngayon ang bahaging ito ng kasulatan samantalang nakikinig kayo.”
   Siya na nga ang hinihintay ng marami, sapagkat nakita nilang napapagaling ni Hesus ang mga maysakit at napapalayas niya ang mga demonyo sa mga inaalihan nito.  Ang kanyang salita ay may kapangyarihang kaiba sa mga eskriba.
   Ang kanyang katanyagan ay umabot na sa iba’t ibang bayan. Kaya naman sa kanyang pag-uwi sa bayang nilakhan niya, gaya ng nakagawian, pumunta siya sa sinagoga.  Sa pagbasa ng Aklat ni Propeta Isaias, ang lahat ay namangha, lalo na nang sabihin niya, “Natupad ngayon ang bahaging ito ng kasulatan …”  Lahat ng nasa sinagoga ay napatingin sa kanya.
   Tayo ba ay napapamangha kay Hesus sa mga milagrong nangyayari sa araw-araw nating buhay?  (Fr. Maico Rescate)



--
Posted By josephdream to bibliarasal at 1/26/2013 06:03:00 AM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages