Dumaan si Hesus
para sa ika-4 ng Pebrero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 4: 21 - 30
Dumaan
si Hesus at umalis matapos na ipagtabuyan siya ng kanyang mga kababayan
dahil sa kawalan ng pananalig sa kanya. Bagama’t namangha sila kay
Hesus noong siya’y nagbasa sa sinagoga, hinamak naman nila ang kanyang
pagkatao dahil kilala nila ang kanyang mga magulang. Saan ngayon
nanggaling ang kanyang kapangyarihan?
Sinabi ni Hesus, “Walang
propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan.” Wala silang tiwala sa
kapangyarihan ni Hesus. Alam din ni Hesus ang kanilang layunin. Ayaw
niyang maniwala sila sa kanya dahil lamang sa kababalaghan kundi sa
pagtanggap sa kanya ng buong kalooban at hindi napipilitan lamang.
Ganoon din ang gagawin ni Hesus sa atin - dadaanan lang tayo dahil di natin siya napapansin. (Fr. Maico Rescate)
--
Posted By josephdream to
bibliarasal at 1/26/2013 06:04:00 AM