[bibliarasal] Ika-20 linggo ng Karaniwang Panahon, sanggayong panahon B
2 views
Skip to first unread message
josephdream
unread,
Sep 1, 2012, 5:44:55 AM9/1/12
Reply to author
Sign in to reply to author
Forward
Sign in to forward
Delete
You do not have permission to delete messages in this group
Copy link
Report message
Show original message
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to bibli...@googlegroups.com
Kanin ninyo Ako
para sa ika-19 ng Agosto 2012, Jn. 6: 51 - 58
Sa unang pagbasa, nag-aanyaya ang Karunungan na kumain ang tao sa kanyang piging. Sabi niya, “Ang kulang sa kaalaman, dito ay lumapit.” Bakit kaya nagmistulang isang tao ang Karunungan na nag-aanyaya na kumain tayo sa kanya?
Marahil nasisilayan na natin ang kasagutan – maraming tao ang kumakain ngunit di nabubusog; kumakain sila ngunit hindi marunong magbahagi. Ang mga taong ang pinagtatrabahuhan ay ang pagkain lamang dito sa lupa ay hindi nababalutan ng karunungan.
Inaanyayahan tayo ng Panginoong Hesukristo na kainin ang tunay na tinapay – Siya mismo. Lunukin natin ang lahat ng kanyang mga tinuro. Tularan natin ang pag-aalay ng kanyang sarili alang-alang sa kapwa. Pagkatanggap natin sa kanya sa bawat Eukaristiyang dinadaluhan natin, maging pagkain rin nawa tayo sa ating kapwang salat sa pagkaing espiritual at materyal. Makikita nating ang pagkaing ating tinanggap at binabahagi sa iba ay magwawakas hanggang sa buhay na walang hanggan. (Fr. Lito Jopson)
--
Posted By josephdream to bibliarasal at 9/01/2012 02:44:00 AM