Tanda ng pagbabago
para sa ika-3 ng Marso, sanggayong panahon C, Lk. 13, 1 - 9
Mayroong
tinatawag na “just-world hypothesis”. Alam ito ng marami dahil ito ay
maipapaliwanag ng kasabihang “Kung ano ang itinanim, siya ring
aanihin.” Ito rin ang paniniwala ng mga taong nagbalita kay Hesus
tungkol sa mga taga-Galilea na pinapatay ni Pilato. Kung may nangyaring
sakuna o kamalasan, ito’y dahil nagkasala sila.
Hindi sang-ayon
dito si Hesus. Sa halip na husgahan nila ang isang pangyayari, nais ni
Hesus na anyayahan ang mga taong suriin nila ang kanilang sarili na may
pangangailangang lagi ng pagbabago. Ang pagbabago ay hindi isang
pangarap o plano na naiiwan lamang sa isip kundi nauuwi sa gawa o
aksyong tigib sa kabutihan upang manaig laban sa kasamaang tulad ng
hinahanap na bunga mula sa ubasan. Ayon nga kay San Pablo, “Huwag
kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.”
(Rom 12,21) (Fr. Alex Pelayo)
--
Posted By josephdream to
bibliarasal at 3/09/2013 01:37:00 AM