[bibliarasal] ika-5 linggo ng karaniwang panahon, C

5 views
Skip to first unread message

josephdream

unread,
Feb 9, 2013, 6:10:55 PM2/9/13
to bibli...@googlegroups.com

Paglingkuran ang Diyos

Para sa ika-10 ng Enero 2013,  sanggayong panahon C, Lk. 5: 1- 11

“Hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo; ngunit isang salita mo lamang ay gagaling na ako.” 

Ito ang parati nating sinasambit bago tayo magkomunyon.  Hindi tayo karapat-dapat tanggapin ang banal na katawan ni Kristo.  Ngunit bakit natin tinatanggap si Kristo?  Dahil iniutos Niya ito sa atin.  Hindi rin natin karapat-dapat tanggapin ang mga biyaya ng Diyos.  Ngunit bakit tayo nakatatanggap ng mga biyayang ito?  Kasi iniutos ng Diyos na tayo’y mabigyan ng biyaya at pagpapala.

    Ganito ang nangyari kay Pedro.  “Gagawin kitang mamalakaya ng tao,” kahit hindi karapat-dapat si Pedro.  Pero pinili siya dahil kalooban ito ng Diyos.

   Sana malaman din nating hindi tayo karapat-dapat, pero dahil pinili tayo ng Diyos, maglingkod tayo sa Kanya nang tapat.  Sa mga biyayang binigay niya, alagaan at pabungahin natin ito tulad ng mga aliping tapat sa kanilang Panginoon.  Huwag na tayong magmalaki na atin ang buhay natin.  Kung gagamitin natin ito para sa gawain ng Diyos, tayo’y magiging mga Pedro, tagabigay ng isda at buhay.  (Fr. Lito Jopson)


--
Posted By josephdream to bibliarasal at 2/09/2013 03:10:00 PM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages