Unang alay
para sa ika-17 ng Pebrero, sanggayong panahon C, Lk. 2: 41 - 52
Sa
unang pagbasa, pinaalala ni Moises sa bayan ng Israel na sila’y alipin
ngunit pinalaya na ng Diyos at tinaguriang Kanyang bayan. At bilang
pagtanaw ng malaking utang na loob sa Panginoon, inalay nila ang
kanilang unang bungang nararapat ialay sa Kanya. Yumukod pa sila bilang
tanda ng paggalang at pagsamba sa Dakilang Diyos na may-ari ng langit
at lupa.
Sa pagpasok ng Kwaresma, hindi kaya dapat isipin na rin
natin ang unang bunga na ating ihahandog sa Panginoon? Hindi lamang
pagbabagong-loob, hindi lamang spiritual ang pagturing natin sa Diyos
kundi ang unang bunga, ang “the best” na bunga ng ating buhay ay para
lamang sa Kanya. Kaya pagnilayan ang tamang paghahanda sa Kwaresma –
manalangin upang pahalagahan ang Diyos at hindi sarili; mag-ayuno upang
makiisa sa Kanyang gagawing sakripisyo; at magkawangga, sapagkat utang
nating paglingkuran ang mga aba at nangangailangan. (Fr. Lito Jopson)
--
Posted By josephdream to
bibliarasal at 2/09/2013 03:12:00 PM