Pagiging bata
para sa ika-20 ng Enero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 2: 41 - 52
Sa
Dakilang Kapistahan ng Sto. Niño, pinaalalahan tayo ng Inang Simbahan
na huwag ituring na anting-anting o instrumento ng pagiging swerte ang
kanyang banal na imahe, kundi gawing modelo ang Batang si Hesus bilang
isang batang may malinis na puso.
Ang pagiging bata ng Panginoo’y
nangangahulugan ng pagtalima’t pagkadalita. Ang bata’y tumatalima sa
kanyang Ama. Siya ri’y abang walang inaasahan kundi ang Ama. Ikalawa,
nilalarawan ng batang si Hesus ang kadakilaan ng Diyos Ama na Siyang
nagkakaloob sa atin ng buhay dito sa lupa. Nawa’y magpakumbaba tayo sa
harap ng ating Ama. Ikatlo, huwag nating dulutan ng kasalanan o
iskandalo ang mga bata dala ng makasalanang pamumuhay. Igalang din
natin ang proseso ng buhay, simula sa paglihi nito. Igalang ang buhay
na nasa sinapupunan ng ina.
Tularan natin si Hesus na tapat na Anak ng Diyos Ama para sa ating lahat. (Fr. Lito Jopson)
--
Posted By josephdream to
bibliarasal at 1/06/2013 07:56:00 AM