Google Groups no longer supports new Usenet posts or subscriptions. Historical content remains viewable.
Dismiss

Filipino Brodkas -29

18 views
Skip to first unread message

Wayne Johns

unread,
Mar 29, 2001, 11:41:27 AM3/29/01
to
NARITO ANG MGA TAMPOK NA BALITA ...

---GMA HINAMON ANG MGA TAGA-LOKAL NA INDUSTRIYA NG SHOWBIS
---GMA NAMAHAGI NG SERTIPIKO NG LOTE SA 10,000 PAMILYA SA LAS
PINAS CITY
---GOBYERNO PINALAKAS ANG KAMPANYA LABAN SA DROGA
---PANINIKTIK, SUPORTA NG AFP SA PAGPUKSA SA KRIMEN -- REYES
---NA-PIRATANG MGA KOPYA NG "LIVE SHOW" SA VCD MABILI SA TARLAC

-000-

NGAYON ANG MGA DETALYE ...

SA MALAKANYANG ...

HINAMON KAHAPON NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO ANG MGA MIYEMBRO NG
LOKAL NA INDUSTRIYA NG PELIKULA NA MAGING CONSCIOUS SA KANILANG MGA
PANANAGUTAN SA MORALIDAD AT KAGANDAHANG ASAL SA LIPUNAN AT GUMAWA NG MGA
PELIKULA NA MAKAKAPAGTUNGGALI SA DAIGDIG TAGLAY ANG ATING MORAL AT VALUES
BILANG ISANG BANSA.

SINABI NG PANGULO NA HINDI MAAARING PAYAGAN ANG PORNOGRAPIYA NA SIRAIN
ANG MALINIS NA ISIPAN NG MGA TAO.

TINURAN NIYA NA ANG KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG AY HINDI LISENSIYA UPANG
GAWIN ANG LAHAT KAHIT NA SA IKAPIPINSALA NG IBA.

INAMIN NI PANGULONG MACAPAGAL-ARROYO NA NAPANOOD NIYA ANG PELIKULANG
"LIVE SHOW" AT ANIYA ITO'Y ISANG "WELL-MADE SOFT-CORE PORNOGRAPHIC FILM".
-000-

SAMANTALA ...

PATUNGO NGAYONG ARAW NA ITO SI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO SA
PANAY, DADALAWIN ANG MGA LUNGSOD NG ROXAS SA LALAWIGAN NG CAPIZ AT ILOILO.

SA ILOILO, TUTULOY SI PANGULONG MACAPAGAL-ARROYO SA PUNTA VILLA KASAMA
ANG ILANG MIYEMBRO NG KANYANG GABINETE UPANG MAGING LUNCHEON SPEAKER SA 5TH
NATIONAL CAPABILITY CONFERENCE OF THE COMMISSION ON HUMAN RIGHTS.

INAASAHANG DADALUHAN ANG PAGTITIPONG ITO NG 1,600 NA DELEGADO.

MAKIKIPAGPANAYAM SIYA SA MGA LOKAL MEDIA SA HAPON BAGO SIYA BUMAL;IK SA
MANILA.

-000-

SA IBANG BALITA ...

NAMAHAGI SI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO NG SERTIPIKO NG LOT
ALLOCATION SA ILANG 10,000 PAMILYA SA CAA HOUSING PORJECT SA LAS PINAS CITY
BILANG KATUPARAN NG MGA PAG-ASANG SECURITY OF TENURE SA MGA NAKATIRA SA CAA
NOON PANG 1960's.

NAUNANG SINABIHAN NI PANGULONG MACAPAGAL-ARROYO SI HOUSING AND URBAN
DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL O HUDCC CHAIRMAN MICHAEL DEFENSOR NA
MADALIIN ANG PAGSASAAYOS SA MGA PAPELES NG MGA INFORMAL SETTLERS SA MGA
LOTE NG GOBYERNO.

SA KAGANAPAN NG PROGRAMA, INALIS NG PANGULO ANG BELO NG MARKER NG
HOUSING PROJECT .
-000-

MULI SA MALAKANYANG ...

INATASAN NI JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ ANG LAHAT NA MGA PROSECUTOR
SA BANSA NA HUWAG PAHINTULUTAN ANG PLEA BARGAINING NG MGA AKUSADO SA DROGA.

GINAWA NI PEREZ ANG PAHAYAG NA ITO SA LINGGUHANG PRESS BRIEFING NI
PANGULONG MACAPAGAL-ARROYO SA MALAKANYANG SA PAGLULUNSAD NG PAGPAPALAKAS SA
KAMPANYA NA GOBYERNO LABAN SA ILEGAL NA DROGA.

PINANINDIGAN NG KALIHIM NA HINDI MAPAPAYAGAN NG GOBYERNO ANG PROBATION
AT PLEA BARGAINING SA KASO NG ILEGAL NA DROGA.

KASABAY NITO, ISINUMPA NI INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT SECRETARY JOSE
LINA AARESTUHIN NIYA ANG MGA MALALAKING ISDA SA ILEGAL NA DROGA.

-000-

SA MALAKANYANG PA RIN ...

SAKSI KAHAPON SI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO SA PIRMAHAN NG
DALAWANG MEMORANDUM OF AGREEMENT O MOA SA PROBISYON NG PAUTANG SA PABAHAY
PARA SA MGA OFW AT SA END-USER FINANCING SCHEME SA MGA KUWALIPIKADONG
EMPLEYADO NG TEAM PACIFIC CORPORATION.

HUDYAT NG PIRMAHAN NG DALAWANG MOA ANG PAGTUPAD SA ALITUNTUNIN NG
GOBYERNO NA HIKAYATIN ANG MGA REALTOR-DEVELOPER NA MAKISALI SA NATIONAL
SHELTER PROGRAM.

-000-

SA IBA PA RING BALITA ...

SINABI KAHAPON NI DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES NA SUSUPORTA ANG
MILITAR SA PNP AT NBI SA PAGLABAN SA KRIMEN SA PAMAMAGITAN NG INTELIHENSIYA.

AYON KAY REYES PARTIKULAR NA MAMANMANAN ANG PAGSUGPO SA KIDNAP FOR
RANSOM AT SMUGGLING.

ANIYA ANG KAKAYAHAN NG AFP SA PANINIKTIK NA GINAGAMIT SA MGA TERRORISTA,
REBELDENG SESIYONISTA AT MGA EXTREMISTA AY AKMA SA KIDNAPPING AT SMUGGLING.

SA PRESS CONFERENCE DIN ITO, SINABI NI PANGULONG MACAPAGAL- ARROYO NA
MAAARING MAITIGIL ANG PAOCTF SA SUSUNOD NA TAON.

SA KASALUKUYAN MULING BINABALANGKAS LAMANG ANG KAKAYANAN AT KARAKTER NG
PAOCTF, ANI PANGULO.

-000-

SA KABILANG DAKO ...

INIUTOS NI PHILIPPINE AIR FORCE CHIEF LT. GEN. BENJAMIN DEFENSOR NA
SUSPINDIHAN MUNA ANG PAGPAPALIPAD NG 15 OV-10 BRONCO LIGHT ATTACK PLANE
MATAPOS NA BUMAGSAK ANG ISA NITO SA MABALACAT, PAMPANGA NITONG LUNES NA
IKINAMATAY NG ISA SA DALAWA NITONG PILOTO.

SINABI NI DEFENSOR NA HINDI MUNA MAGPAPALIPAD NG NASABING EROPLANO
HABANG HINIHINTAY ANG RESULTA NG IMBESTIGASYON.

SI FIRST LT. MARY BALOYO AY NAMATAY SA NASABING INSIDENTE NANG HINDI
SIYA MAKALABAS BAGO SUMABOG ANG EROPLANO.

NAGTAMO NAMAN NG SUGAT SI CAPT. BEN NASAYAO NA MAKAPAG- PARACHUTE ILANG
SANDALI BAGO SUMABOG ANG EROPLANO.

ANG OV-10 AIRCRAFT ANG GINAMIT SA MINDANAO LABAN SA MILF AT ABU SAYYAF.
-000-
SAMANTALA ...

KINUMPISKA NG CUSTOMS AUTHORITIES SA NAIA NITONG LUNES NG GABI ANG 20
UNIT NG HAND-HELD RADIO AT TELECOMMUNICATION PARAPHERNALIA PARA KAY DATING
PNP CHIEF PANFILO LACSON NA NGAYO'Y KUMAKANDIDATO PARA SENADOR.

ANG MGA RADIO EQUIPMENT AY DALA NI REY DAVID LACSON NA SAKAY NG
PHILIPPINE AIRLINES MULA SA HONG KONG.

SINABI NI MARIFE DANGILAN, HEPE NG CUSTOMS IN-BOUND SECTION NG NAIA
TERMINAL 2 NA WALANG MAIPAKITANG IMPORT PERMIT SI LACSON MULA SA NATIONAL
TELECOMMUNICATIONS COMMISSION KAYA INIMBARGO ANG NASABING MGA KARGAMENTO.

KAHAPON AY NAGBALIK SA NAIA SI REY DAVID LACSON AT SINABI NIYANG ANG MGA
TWO-WAY RADIO AY GAGAMITIN NI PING SA PANGANGAMPANYA.

PERO IGINIIT NI DANGILAN NA IRI- RELEASE LANG NIYA ANG NASABING
KARGAMENTO KUNG MAY IMPORT PERMIT MULA SA NTC.
-000-

SA LALAWIGAN ...

SA TARLAC CITY ...

SAMANTALANG PINAHIHINTO ANG PAGPAPALABAS NG PELIKULANG "LIVE SHOW" NG
MALAKANYANG, MABILIS NAMANG NAUUBOS ANG MGA IBENEBENTANG VCD O VIDEO
COMPACT DISC NG "LIVE SHOW" DITO.

NAPAULAT NA NAGKALAT ANG MGA NAGBEBENTA NG VCD - SA BANGKETA MALAPIT SA
PALENGKE, SA MGA STALLS AT SA MAGIC STAR MALL SA LUNGSOD NA ITO.

ANG KALUWAGAN NG MGA VCD AY SANHI NG KAKULANGAN NG PAG-MOMONITOR NG
DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY DITO, AYON SA ULAT.
-000-


SA PALAKASAN ...

ANG MOBILINE AT ANG DEFENDING CHAMPION ALASKA NA PAREHONG NAGHAHABOL
PARA SA TOP 4 NG PBA ALL-FILIPINO CUP AY MAGHAHARAP MAMAYA SA PHILSPORTS ARENA.

ANG DALAWA NA PAREHONG NATALO SA HULI NILANG LABAN AY MAY KARTANG 5-6.

SA IKALAWANG LABAN, PIPILITIN NAMAN NG STA. LUCIA NA MASUNDAN ANG
MALAKING PANALO NILA SA RED BULL NITONG SABADO SA PAG-ASANG MAKAPASOK ANG
REALTORS SA QUARTERFINALS.

PERO TIYAK NA PAPASOK SA BUTAS NG KARAYOM ANG REALTORS DAHIL ANG
MAKAKASAGUPA NILA AY ANG BUMABANDERANG SHELL.

-000-

AT SA ULAT SA PANAHON...

ANG KALAKHANG MAYNILA AY MAKAKARANAS NG BAHAGYA HANGGANG SA MAULAP NG
PAPAWIRIN NA MAY PAG-ULAN AT PAGKULOG-PAGKIDLAT.

ANG HILAGA AT GITNANG LUZON AY MAKAKARANAS NG MAULAP NA PAPAWIRIN NA MAY
KALAT-KALAT NA PAG- ULAN AT PULU-PULONG PAGKULOG- PAGKIDLAT.

SAMANTALANG ANG NATITIRANG BAHAGI NG BANSA AY MAKAKARANAS NG BAHAGYA
HANGGANG SA MAULAP NA PAPAWIRIN NA MAY PULU-PULONG PAG-ULAN.

ANG ARAW AY SUMIKAT KANINANG ALAS-5:55 NG UMAGA AT LULUBOG MAMAYANG
ALAS-6:08 NG GABI. (PNA)

larj/ MAGI/

PNA 03281252

0 new messages