Google Groups no longer supports new Usenet posts or subscriptions. Historical content remains viewable.
Dismiss

FILIPINO BRODKAS

14 views
Skip to first unread message

Wayne Johns

unread,
Mar 28, 2001, 6:27:29 PM3/28/01
to
NARITO ANG MGA TAMPOK NA BALITA ...

-- CHR, SINUSUPORTAHAN SI GMA SA ISYU HINGGIL SA "LIVE SHOW"
-- BRAGANZA, MAKIKI-PAGDALAYAGO SA MGA EMPLEYADO NG D-A-R
-- PEZA, INILAHAD ANG MARAMIHANG KARAGDAGAN SA MGA BAGONG
INVESTMENT
-- BIR, BUKAS SA TAX COMPROMISE UPANG MADAGDAGAN ANG PAGSUNOD SA
TAX REQUIREMENTS
-- DSWD, HINIHIGPITAN ANG PAMIMIGAY NG TRAVEL PERMITS SA MGA
MINORS

-000-

NGAYON ANG MGA DETALYE ...

SINUPORTAHAN NG COMMISSION OF HUMAN RIGHTS O C-H-R ANG PAGBABAWAL
NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO SA PAGPAPALABAS SA SINENG "LIVE
SHOW" SA PANIWALANG ITO'Y NAKAKAPINSALA SA MORALIDAD AT SENSIBILIDAD
NG MAMAMAYANG FILIPINO.

ANG PAHAYAG NA ITO NA PINIRMAHAN NI C-H-R CHAIRMAN AURORA
NAVARETTE- RECINA AT APAT PANG COMMISSIONERS AY NAGSASABI RING ANG
TINUTUKOY NA FREEDOM OF EXPRESSION AY MAY LIMITASYON AT HINDI
ABSOLUTE.

BINALANGKAS DIN NG MGA C-H-R COMMISSIONER ANG GENERAL WELFARE
CLAUSE KUNG SAAN ITINATAGUYOD ANG KALUSUGAN AT KALIGTASAN UPANG
PAG-IBAYUHIN ANG MORALIDAD, KAPAYAPAAN AT MABUTING KAAYUSAN NG
MAMAMAYAN.

---
-000-

PAHAYAG PA RIN NG C-H-R ...

NAKIKITA NG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS O C-H-R NA MAY PAGLABAG SA
KARAPATANG PANTAO SA HINDI PAGSASAGAWA NG SPECIAL REGISTRATION PARA
SA KABATAAN.

SA PANGUNGUNA NI C-H-R CHAIRMAN AURORA NAVARETTE-RECINA, SINABI NG
MGA COMMISSIONERS NA PINAGTITIBAY NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN
RIGHTS AT ANG KONSTITUSYON NG PILIPINAS ANG KARAPATAN SA PAGBOTO.

AYON PA SA KANILA ANG PAGPIPIGIL SA MGA KABATAAN NA MAGPAREHISTRO
SA ISANG SPECIAL REGISTRATION AY NAG-AALIS SA KARAPATAN NILANG LEGAL
NA PILIIN ANG KANILANG KINATAWAN SA PAMAHALAAN.

-000-

SA IBANG BALITA ...

NAKATAKDANG MAKIPAG-DAYALOGO SI AGRARIAN REFORM SECRETARY HERNANI
BRAGANZA SA MGA KAWANI NG D-A-R UPANG TALAKAYIN ANG MGA ISYU TUNGKOL
SA KANILANG MGA HINIHILING.

TAMPOK SA MGA DEMANDS NG D-A-R EMPLOYEES ASSOCIATION O DAREA AY
ANG PAGPAPATALSIK KAY UNDERSECRETARY ROLANDO QUERUBIN NA UMANO'Y
HINDI MAN LAMANG NAGING SUPORTIBO SA MGA PROGRAMA NG KAGAWARAN.

AYON SA PANGULO NG DAREA NA SI VIOLETA BONILLA, SI QUERUBIN ANG
SIYANG INSTRUMENTAL SA PAGPIGIL NG COMMISSION ON AUDIT SA PAMAMAHAGI
NG BENEPISYO SA MGA EMPLEYADO NG D-A-R.

-000-
INIULAT KAHAPON NI TRADE AND INDUSTRY SECRETARY MANUEL "MAR" ROXAS
II NA NAKAPAGTALA ANG PHILIPPINE ECONOMIC ZONE AUTHORITY

O PEZA NG MARAMIHANG KARAGDAGAN NG BAGONG INVESTMENT NA NAGKAKAHALAGA
NG P11.8 BILYON MULA ENERO 1 HANGGANG MARSO 8, 2001.

AYON KAY ROXAS, TINATAYANG MAKAKAPAGLUNSAD NG HUMIGIT- KUMULANG NA
$37 MILYON NA HALAGA NG EXPORT TAUN-TAON AT MAGLALAAN NG 2,953 NA
TRABAHO PARA SA MGA FILIPINO.

ANG PINAKATAMPOK SA MGA BAGONG INVESTMENT NA ITO AY ANG P326
MILYON MULA SA CUSTOMER CONTACT CENTER INC. NA MAGPAPATAKBO NG CALL
CENTER SA BANSA.

-000-

SAMANTALA ...

WINALANG-BAHALA NI JOHNNY NOE RAVALO, PUNONG EKONOMISTA NG
BANKERS' ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES ANG PANGAMBA NA MAAPEKTUHAN
ANG EKONOMYA SA PILIPINAS ANG PAGBAGAL NG EKONOMYA SA ESTADOS
UNIDOS.

AYON KAY RAVALO, ANG ISANG PORSYENTONG PAGBAGSAK BAWAT QUARTER SA
EKONOMYA NG ESTADOS UNIDOS AY NANGANGAHULUGAN NG PAGKAWALA NG
PHILIPPINE EXPORT SA HALAGANG $212 MILYON AT ITO'Y HINDI MASYADONG
NAKAKAAPEKTO SA EKONOMYA.

PINANGAMBAHAN NA MAKAKAAPEKTO SA PILIPINAS ANG 0.09% NA PAGBAGSAK
SA FOURTH QUARTER NG 2000.

-000-

SA IBA PANG BALITA ...

SINABI NI BUREAU OF INTERNAL REVENUE O B-I-R COMMISSIONER RENE
BANEZ NA HINDI PABOR ANG B-I-R SA TAX AMNESTY SUBALIT BUKAS ITO SA
KOMPROMISO SA MGA TAXPAYERS NA DAGDAGAN ANG PAGSUNOD SA MGA
ALITUNTUNIN.

AYON KAY BANEZ SA MGA SUMUSUNOD NA BUWAN AAMIYENDAHAN NG B-I-R ANG
TAX SYSTEM SA PAMAMAGITAN NG INTEGRATED AT COMPREHENSIVE NA
PAGRE-REBISA SA INTERNAL REVENUE CODE.

IDINAGDAG PA NIYA NA PAHIHINTULUTAN NITO ANG PAG-EVALUATE SA

MGA REFORM MEASURE SA BUONG TAX SYSTEM AT SA COMPLIANCE REQUIREMENT
NA BABALIKATIN NG MGA NAGBABAYAD NG BUWIS.

-000-

SA IBA PA RING BALITA ...

NAKATAKDANG BUMUO NG BAGONG ANTI-KIDNAPPING UNIT ANG PAMAHALAAN
PARA SUPILIN ANG TUMATAAS NA BILANG NG KASONG KIDNAPPING SA BANSA.

ANG PANUKALANG ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE AY KINABIBILANGAN

NG MGA TAUHAN MULA SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, PHILIPPINE
NATIONAL POLICE AT NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION.

PANGUNGUNAHAN NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES ANG NATURANG TASK
FORCE NA KUNG SAAN SILA ANG MGA ARMAS AT KAGAMITAN, SAMANTALANG ANG
PHILIPPINE NATIONAL POLICE AT NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION AY
MAGBIBIGAY NG GANAP NA SUPORTA, PARTIKULAR NA PAGPAPATUPAD NG POLICE
POWERS.

INAASAHANG MAKATUTULONG NANG MALAKI SA KAMPANYA NG PAMAHALAAN
LABAN SA KRIMINALIDAD ANG PAGKAKATALAGA NG AFP.

-000-

SA BALITANG D-S-W-D ...

HINIGPITAN NG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT O
D-S-W-D ANG PAGPAPALABAS NG PERMIT SA MGA MINOR DE EDAD NA MAY GULANG
NA 13 HANGGANG 17 TAON.

ITO ANG IPINAHAYAG NI D-S-W-D SECRETARY DINKY SOLIMAN NA NAGSABING
PAG-IIBAYUHIN ANG PANGANGALAGA NG KAGAWARAN SA MGA KABATAAN.

IPINAPATUPAD NG D-S-W-D NA KAILANGANG MAY KASAMA ANG ISANG MINOR
SA PAGLALAKBAY.

KAILANGAN SA PAGKUHA NG PERMIT ANG BIRTH CERTIFICATE, MARRIAGE
CONTRACT NG MAGULANG, AFFIDAVIT OF CONSENT NG MAGULANG O GUARDIANS AT
NOTARIZED AFFIDAVIT OF SUPPORT NG SPONSOR NA NAGPAPAKITA NG TRABAHO
AT SUWELDO, HULING KOPYA NG INCOME TAX RETURNS NG MAGULANG AT
PASSPORT AT VISA NG KASAMANG MAGLALAKBAY.

-000-
SA PALAKASAN ...

MAGSASAGAWA NGAYONG ARAW NA ITO ANG PHILIPPINE SPORTS COMMISSION O
P-S-C NG ISANG VALUE FORMATION SEMINAR PARA SA MGA ATLETA BILANG
PREPARASYON SA SOUTHEAST ASIAN GAMES AT IBA PANG PANG-INTERNATIONAL
NA PALARO SA TAONG ITO.

GAGANAPIN ITO SA NINOY AQUINO STADIUM NA MAY LAYUNING PAGPAPAUNLAD
SA MGA KAKAYAHAN NG MGA ATLETA NA MAY KASAMANG VALUES EDUCATION TUNGO
SA PAGPUPUNYAGI.

-000-

AT SA ULAT SA PANAHON ...

ANG KALAKHANG-MAYNILA AY MAKAKARANAS NG BAHAGYA HANGGANG SA
MAULAP NG PAPAWIRIN NA MAY PULU-PULONG PAG-ULAN AT
PAGKULOG-PAGKIDLAT.

ANG HILAGANG LUZON, MINDANAO, KASAMA ANG PALAWAN, AY MAKAKARANAS
NG MAULAP NA PAPAWIRIN NA MAY KALAT-KALAT NA PAG- ULAN AT PAGKULOG-
PAGKIDLAT.

SAMANTALA, ANG NATITIRANG BAHAGI NG BANSA AY MAKAKARANAS NG
BAHAGYA HANGGANG SA PAMINSAN-MINSANG PANGUNGULAP NG PAPAWIRIN NA MAY
PULU-PULONG PAG-ULAN.

ANG ARAW AY SUMIKAT KANINANG UMAGA BANDANG ALAS-5:56 AT LULUBOG
MAMAYANG ALAS-6:08 NG GABI . (PNA)

SCS/MAGI/

PNA 03271225

0 new messages