Iwaksi ang Bagahe
Communist Party of the Philippines
March 28, 2014
Originally sung by Agaw-Armas in Visayan dialect.
Translated and Performed by The Protracted
iwaksi ang mga bagahe
paandarin ang makina
humakbang na paabante
nang walang alinlangan
pagyamanin ang mga natutunan
pag-aralan ang mga karanasan
mula sa praktika tungo sa teorya
at iangat ito sa mas mataas na praktika
hindi kailangang makuntento
sa kaunti na kaalaman
hindi kailangang maging kampante
sa mga lumang diskarte
iwaksi ang mga bagahe
paandarin ang makina
humakbang na paabante
nang walang alinlangan
lumahok tayo sa digma
upang digma’y pag-aralan
mangahas matuto ng bago
lumahok tayo sa digma
upang digma’y pag-aralan
iwaksi ang konserbatismo
pawiin ang agam-agam sa ’ting isip
tanggalin mga gawing di maganda
isapuso ang pagpapanibagong-hubog
upang makasulong nang husto
iwaksi ang mga bagahe
paandarin ang makina
humakbang na paabante
nang walang alinlangan
pairalin ang pagkamalikhain
maging magiting sa mga labanan
sundalo ng api
ikaw ang pag-asa
ng rebolusyon
magtatagumpay ka!