Marco Valbuena
unread,Apr 24, 2012, 3:34:20 AM4/24/12Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to ab_b...@googlegroups.com, ab_en...@googlegroups.com, ab_hil...@googlegroups.com, ab_i...@googlegroups.com, ab_pi...@googlegroups.com, ab_w...@googlegroups.com, Alexander Caballero, andrea bermudez, angb...@yahoo.com, angbayan_up...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_upda...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_up...@yahoogroups.com, bobby...@gmail.com, Carsten Stormer, Cong Corrales, corr...@gmx.com, CPP_news...@yahoogroups.com, cpp_re...@googlegroups.com, davida...@gmail.com, Dnoysaur Eriksson, Editorial Staff, Elmo Guevarra, Eva Fe Nacional, Fortunato Magtangol, Franciscan JPIC Office- Philippines, Francisco de Jesus, GMA NETWORK INC., Gmail, gomez.kalore...@gmail.com, hwh...@tninet.se, ilove...@yahoo.com.tw, ilp515, James Kenny, James Zamora, jeevin dran, jeof....@gmail.com, Jeoffrey Maitem, Jessica Evans, John, joma, K. M. Kabataang Makabayan, karlos maglinte, Liberation International, liliosa...@yahoo.com, louie & coni ledesma, lucill...@gmail.com, Malou Logan, mandal...@gmail.com, manl...@gmail.com, Marco Valbuena, markal...@gmail.com, marvyn benaning, Marvyn Benaning (LinkedIn Invitations), michael valencia, Navarro Osmena, n...@casema.nl, NDFP Monitoring Committee, ndfp.m...@gmail.com, ndfp...@gmail.com, Nika Antares, nio_c...@yahoo.com, Norbin Gruta, npa...@gmail.com, npap...@yahoo.com, Oliver Garcia, padepa...@instructor.net, Padraic Mc Cotter, pidee, rage...@yahoo.com, rage...@gmail.com, RFS, rommel...@yahoo.com, Ruth De Leon, SCM philippines, Siegfred Deduro, tum...@gmail.com, vencercr...@gmail.com, zaibat...@gmail.com
Cordillera People’s Democratic Front
Ipagtanggol ang Lupang Ninuno, Kabuhayan, Karapatan at Likas ng Kayamanan!
(Pahayag ng Cordillera People's Democratic Front sa Araw ng Cordillera)
Simon “Ka Filiw” Naogsan, Spokesperson
20 April 2012
Taas-kamaong bumabati ang Cordillera People’s Democratic Front sa
libu-libong mamamayang lumalahok sa mga pagdiriwang ng ika-28 taon ng
Cordillera Day sa iba’t ibang probinsya at syudad sa loob at labas ng
bansa.
Tunay ngang makasaysayan ang araw na ito sa paggunita ng madilim na
araw ng pagpaslang kay Ama Macliing Dulag sa kamay ng mga berdugong
militar noong Abril 22, 1980 at ng mga sumunod pang martir ng
Cordillera. Maningning ang kabayanihang ipinamalas ng mga elders na
nag-alay ng buhay para sa pakikibaka, kabilang na sina Ama Luciano
Lumbaya, Ama Maneksek Mangatam, Ama Daniel Ngayaan, Ama Manzano
Domin-eng, Marcelo Fakilang, Fabian Beswilan at mga sumunod pa.
Idinadakila din natin ngayong araw ang kabayanihan ng mga Pulang
mandirigmang nagbuwis ng buhay, kabilang na sina Jennifer Carino,
Wright Chadli Molintas, Lejo Caliwan, Leonardo Pacsi, Augustin
Begnalen, Nona del Rosario, Fr. Zacharias Agatep, at Fr. Alfredo
Cesar. Sumasaludo tayo sa mga aktibistang pinaslang o dinukot sa
ilalim ng rehimeng US-Arroyo, kabilang na sina Markus Bangit, Alyce
Claver, Albert Terredaño, Pepe Manegdeg, James Balao at marami pang
iba.
Hindi mababalewala ang sakripisyo ng mga martir ng Cordillera noon at
ngayon sapagkat ang ipinaglaban nila noon – ang pagtutol sa delubyo at
kalamidad na idudulot ng Chico River Dam Project at ng planong
pagtotroso ng Cellophil Resource Corp.—ay ipinagpapatuloy ng ilang
salinlahing lumipas. Nariyan pa rin ang banta sa kabuhayan dulot ng
malalaking minahang korporasyon at ng mga bagong proyektong hydropower
at geothermal. Nariyan din ang pagtindi ng militarisasyon, na ngayon
ay nagpanibagong-damit ulit sa katawagang Oplan Bayanihan.
Noon at ngayon, ang panggagahasa sa Inang kalikasan, sa mga mineral sa
kabundukan, kapatagan at baybay-dagat ng Ilocos-Cordillera ng iilang
sakim at mapagsamantalang naghaharing uri, ay sinasabayan ng mabangis
na pananalakay ng mga militar sa komunidad. Nagpapatuloy ang
pag-alipusta ng mga hayok ng tropa ng AFP sa mga kababaihan lalo na
ang mga menor-de-edad. Tumitindi ang kanilang mga paglabag sa
karapatang tao, pang-aabuso at pagmamalupit upang pigilin ang
rumaragasang kilusang masa ng mga katutubo sa mga kagubatan at
kabundukan at mga mamamayan sa kapatagan.
Mga kasama, kapanalig at kailian!
Padagundungin natin ang nagkakaisang tinig ng matagal nang naghihirap
na mga katutubo, inaaping pambansang minorya, at pinagsasamantalahang
sambayanan: sobra na, tama na! Wakasan na ang mapaniil na paghahari ng
iilan at ng mga dayuhan. Kalagin ang kadena ng pang-aalipin! Ilantad
ang mapanlinlang at huwad na pag-asta ng rehimeng US-Aquino 2 na
lumalaban sa korupsyon samantalang patuloy na naninibasib ang among
imperyalismo at mga kamag-anak, kapanalig at kaibigan ni Pnoy Aquino
sa kaban ng bayan! Walang pinag-iba ang pagbabalatkayo ng rehimeng
US-Aquino 2 sa daang matuwid, na sa aktuwal ay pagpapatuloy ng pagkait
ng karapatan, paghuthot sa lakas at pawis ng anakpawis at ibayong
pagpapahirap sa malawak na masa ng sambayan na isinagawa ng nakaraang
rehimeng US-Arroyo.
Libu-libo tayong nagtitipon ngayon, nagmamartsa at bumubuhos sa
lansangan. Hinihiling ng panahon na daan-daan sa pinakamahusay nating
mga anak ng bayan ang sumapi sa armadong pakikibaka at palakasin ang
tunay na Hukbong Mapagpalaya. Samantala, itayo natin ang laksa-laksang
lihim na mga konseho ng mga elders at rebolusyonaryong organisasyong
masa ng mga magsasaka, kabataan at kababaihan, sa antas ili hanggang
antas munisipyo, antas distrito at antas probinsya upang maipanday ang
moog na mga rebolusyonaryong baseng masa. Ipanday natin ang matibay na
pagkakaisa ng mga katutubo at mamamayan ng Cordillera, kabilang na ang
mga kawani ng pamahalaan, taong-simbahan, propesyonal at akademiko,
laban sa tumitinding pambansang paniniil ng mga minorya.
Tiyak ang ating tagumpay tungo sa pagkamit ng tunay na kalayaan at
pambansang kasarinlan. Tuloytuloy na makibaka at buong tatag at
mapanlikhang harapin ang karahasan at panlilinlang ng mga kaaway sa
uri. Sabay-sabay nating isiwalat ang nagdudumilat na katotohanan ng
lipunan. Isigaw ang panawagan para sa lahatang-panig na paghahanda:
Fetad!
Labanan at Biguin ang Oplan Bayanihan!
Patalsikin ang mga baseng militar at detachments sa mga komunidad sa kanayunan!
Ipaglaban ang lupang ninuno, karapatan, kabuhayan at likas na kayamanan!
Mabtad tayo amin!#