Marco Valbuena
unread,Oct 15, 2011, 3:39:09 AM10/15/11Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to ab_b...@googlegroups.com, ab_en...@googlegroups.com, ab_hil...@googlegroups.com, ab_i...@googlegroups.com, ab_pi...@googlegroups.com, ab_w...@googlegroups.com, andrea bermudez, angbayan_up...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_upda...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_up...@yahoogroups.com, angb...@yahoo.com, bobby...@gmail.com, Cong Corrales, corr...@gmx.com, CPP_news...@yahoogroups.com, cpp_re...@googlegroups.com, davida...@gmail.com, Dnoysaur Eriksson, dzrh...@yahoo.com, Editorial Staff, Elmo Guevarra, Franciscan JPIC Office- Philippines, GMA NETWORK INC., Gmail, gomez.kalore...@gmail.com, hwh...@tninet.se, ilove...@yahoo.com.tw, James Kenny, James Zamora, jeevin dran, jeof....@gmail.com, Jessica Evans, karlos maglinte, Liberation International, Malou Logan, mandal...@gmail.com, Marco Valbuena, markal...@gmail.com, michael valencia, n...@casema.nl, ndfp.m...@gmail.com, ndfp...@gmail.com, Nika Antares, nio_c...@yahoo.com, Norbin Gruta, npa...@gmail.com, npap...@yahoo.com, Oliver Garcia, padepa...@instructor.net, Padraic Mc Cotter, rage...@gmail.com, rage...@yahoo.com, RFS, rommel...@yahoo.com, Ruth De Leon, Siegfred Deduro, tum...@gmail.com, zaibat...@gmail.com
Fortunato Magtanggol
Revolutionary Council of Trade Unions - Southern Tagalog
October 14, 2011
Pinakamataas
na pagpupugay ang ipinapaabot ng buong rebolusyonaryong pwersa ng uring
manggagawa ng Timog Katagalugan sa buhay at kamatayang pakikibaka na
inialay ni Gregorio “Ka Roger” Rosal sa sambayanang Pilipino. Simbigat
ng bundok Sierra Madre ang pagpanaw ni Ka Roger sapagkat buong puso
niyang inialay ito para sa lubos na paglaya ng uring manggagawa at ng
sambayanang Pilipino. Pumanaw si Ka Roger noong Hulyo 22, 2011 sa atake
sa puso, sa edad 64.
Sa mahigit apat na dekada
ng kanyang paglilingkod bilang kadre at tagapagsalita ng Partido
Komunista ng Pilipinas, at bilang pulang mandirigma ng Bagong Hukbong
Bayan, binigyan ni Ka Roger ng tinig ang rebolusyon at masa ng
sambayanang naglalayong ganap na lumaya mula sa iba’t ibang mukha ng
kahirapan. Hindi matatawaran ang kanyang naging ambag sa paghahatid ng
magandang balita tungkol sa patuloy na paglakas ng rebolusyonaryong
kilusan sa kanayunan, kaalinsabay ng paglawak,pagpapatatag at
pagpapatibay ng rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran.
Matapang
at matatag niyang ipinaliwanag sa sambayanan ang ugnayan ng tatlong
ugat ng kahirapan—ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo
– bilang sanhi ng walang humpay na pagsahol ng kalagayan ng manggagawa,
magsasaka, kababaihan, kabataan, maralitang lunsod at iba pang sektor
ng lipunan. Gamit ang mga pananalitang tunay, lapat, at payak, malinaw
na naihatid ni Ka Roger ang mga
mensahe ng rebolusyon sa bawat
mamamayang nag-aasam ng substansyal na pagbabago. Gayundin, buong buo
niyang inialay ang kanyang talino at lakas sa paghahatid ng tunay na
kalagayan ng uring manggagawa, at ang katumbas at pinakalapat na sagot
sa hindi-maiiwasang pagkabulok ng sistemang kapital na siyang
nagpapahirap at nagsasamantala sa hukbo ng paggawa.
Batid at
isinawalat ni Ka Roger ang paglala ng krisis ng sistemang kapitalista sa
buong daigdig, ang higit na pagsahol ng kalagayan ng uring manggagawa
sa loob ng mga pagawaan. Sa Timog Katagalugan, kung saan matatagpuan ang
napakaraming bilang ng mga engklabo at special economic zones, naging
malaganap ang paggamit ng iba’t ibang iskema ng pagsasamantala tulad ng
kontraktwalisasyon, iligal na tanggalan, masaker ng regular na
hanapubuhay, pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso, pagsupil sa batayang
karapatang mag-unyon, militarisasyon ng mga sonang industriyal,
extra-judicial killings, at iba pa. Ang lahat ng ito ay ipinapatupad ng
mga kapitalista, kasapakat ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, para sa
ultimong layunin na magkamal ng tubo at isalba ang kanilang mga sarili
mula sa papadalas at papalalang pagdausdos ng sistemang kapitalista sa
buong daigdig.
Sa gitna ng lahat ng ito, naging pundamental at
esensyal ang tungkulin ni Ka Roger sa pagbibigay ng pag-asa sa hanay ng
mga manggagawa at magsasaka — ipinaunawa niya ang kahalagahan ng
paglulunsad ng pambansa-demokratikong rebolusyon upang bawiin ang
kanayunan mula sa mga panginoong maylupa, gayundin ang mga pagawaan mula
sa mga kapitalista, at itaguyod sa malapit na hinaharap ang lipunang
tunay na magsisilbi sa masa ng sambayanan.
Tanging sa
makatarungang himagsikan makakamit ang isang lipunan kung saan ang
produksyon ay hindi nakatuon sa pagkamal ng tubo at sa halip para sa
pangangailangan ng mamamayan. Tanging sa demokratikong rebolusyong bayan
na niyakap ni Ka Roger at nilalahukan ng masang anakpawis matatamasa
ang nararapat na kanila. Ito ang malinaw na inihatid ni Ka Roger sa
sambayanan—ang pag-asa na sa kabila ng walang kaparis na krisis ay
napakahinog at napakainam ng panahon upang lubos na ipagtagumpay ang
rebolusyong magsasalba sa masa mula sa pananalasa ng imperyalismo,
pagpapanatili ng pyudalismo, at panlilinlang ng reaksyunaryong gobyerno
sa mamamayang Pilipino.
Ang kanyang pagbibigay-tinig at pag-aalay
ng buhay sa armadong rebolusyon sa kanayunan ay nararapat lamang
pagpugayan, at gawing inspirasyon ng malawak na hanay ng uring
manggagawa, magsasaka, at iba pang aping uri at sektor upang wakasan ang
daan-taong pagsasamantala ng naghaharing uri. Sa kabila ng pandarahas
ng estado at pilit nitong pagsugpo sa armadong rebolusyon, itinataas
natin ang Pulang bandila ng gintong karit at maso bilang tanda ng
pagpapatuloy ng pakikibaka ni Ka Roger at ng libu-libong martir ng
rebolusyong Pilipino.
Tulad ng iba pang mga martir ng rebolusyon,
walang hinangad si Ka Roger kundi ang higit na pagpapalakas,
pagpapatatag, at lubusang pagpapalawak tungo sa ganap na tagumpay.
Sundan at ipagpatuloy natin ang mga simulain at paninindigan ni Ka
Roger. Mapagpasyang humakbang tungo sa kanayunan, umanib sa Bagong
Hukbong Bayan, at lumahok sa digmang bayan.
Mabuhay ka, KA ROGER!
MABUHAY ang lahat ng rebolusyonaryong martir ng sambayanan!
Manggagawa, tumungo sa kanayunan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Sagot sa kahirapan, DIGMANG BAYAN!