Tutulan ang pagsasanay ng US sa lokal na pulis, militar -- PKP

1 view
Skip to first unread message

prw...@gmail.com

unread,
Feb 26, 2015, 2:01:20 AM2/26/15
to prw...@gmail.com

Tutulan ang pagsasanay ng US sa lokal na pulis, militar — PKP

View on the web

Communist Party of the Philippines


February 26, 2015


Nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa sambayanang Pilipino na tutulan ang sinasabing mga programa sa pagsasanay na isasagawa ng US special forces para sa lokal na pwersa ng pulisya matapos ang kamakailang pagbubunyag tumutukoy sa direktang papel na ginampanan ng militar ng US sa pagpapakana, pagpaplano at pagsasagawa ng madugong operasyon sa Mamasapano noong Enero 25.

Inilabas ng PKP ang pahayag sa harap ng panibagong bugso ng mga programa sa pagsasanay na ipinatupad simula kahapon ng US Marines sa 6th Special Action Battalion ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Sagay City, Negros Occidental.

Noong Lunes, ibinunyag ng dating kumander na ang militar ng US ang nagbigay ng pagsasanay sa mga tropa nitong ginamit para sa operasyon sa Mamasapano. Nabunyag sa mga ulat na nagsagawa ang militar ng US ng mga pagsasanay sa loob ng La Vista del Mar resort sa Zamboanga City, na matagal nalantad na isang pasilidad militar ng US.

Nagbigay din ng impormasyong paniktik at kagamitan ang US. Nagtalaga rin ng mga upisyal militar ng sa mga tactical command post ng PNP na nagkakaloob sa kumander ng aktwal na bidyo mula sa paniktik na drone na pinalilipad ng militar ng US.

“Sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito, ng pagbibigay ng mga kagamitan at impormasyong paniktik, nagagawa ng militar ng US na palakasin ang pang-operasyon at pang-doktrinang kontrol sa mga lokal na pwersang mulitar at pulis,” anang PKP. “Sinasabi ng mga US at ng mga papet na upisyal nito na ang mga pagsasanay na ito ay ‘nagpapaunlad ng pagtutuwangan sa operasyon’ subalit ang totoo, pinatitibay lamang nito ang pagsandig ng lokal na militar at pulis sa pinansya at pagsasanay ng US.”

“Habang higit na nagpapataw ng impluwensya at kontrol ang militar ng US sa pulisya at militar ng Pilipinas, lalong nalalapastangan ang soberanya ng Pilipinas dahil pinahihina ito ang kakayahan ng papet na estado na independyenteng gamitin ang kapangyarihan nito sa paggigiit at paggamit ng pampulitikang kapangyarihan,” dagdag ng PKP.

Mas marami pang pagsasanay ang nakatakdang ilunsad ng militar ng US sa mga susunod na buwan sa ilalim ng nakaplanong mga ehersisyong Balikatan at iba pang programa. “Ginagamit rin ng gubyernong US at Aquino ang tinaguriang ‘paghahandang panseguridad’ para sa kumperensya ng APEC upang bigyang-matwid ang panghihimasok ng mga pwersang militar ng US.”

“Hindi tanda ng paghupa ang seremonya ng pagsasara kahapon ng US Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P) sa militar na interbensyon ng US, bagkus ay nagpapaigting ng mga lihim na operasyon,” anang PKP. Ginanap ang seremonya ng pagsasara ng JSOTF-P sa punong himpilan nito sa loob ng Camp Navarro, ang base ng Western Mindanao Command ng AFP sa Zamboanga City.

“Asahang mas maraming yunit ng AFP at PNP ang mapaiilalim sa direktang operasyunal na kontrol ng militar ng US habang ibunubukas ng AFP ang mga kampo nito sa militar na presenya ng US sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagbibigay sa US na tinaguriang Agreed Location kung saan maari silang magtayo ng mga pasilidad para sa kanilang operasyon at mga pagsasanay,” dagdag ng PKP.

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages