Date/Serenata ng Asawa

1 view
Skip to first unread message

norma dollaga

unread,
Feb 14, 2012, 6:47:45 AM2/14/12
to pacda deaconesses, pac myaf, jocey_...@yahoo.com, Omega Lee Ramos, Paco Albano
Break time.....:) 

Date

Bakit pa kaya ngayon pa umulan
Kung kailan ako dadalaw sa’yo!
 
Nakalimutan ko na kung sino kumanta  nito
Pero cute at gusto ko ang  tiempo
             
Lalo ko itong naalala
Sa panahong tulad nito
 
Bakit pa kaya sa panahong butas ang bulsa ko
Saka ako naki-pag-set ng date sa iyo
Mangungutang ba ako sa Bumbay
Para may pang-Jolibee tayo?
Paano kung di ako makapag-bayad?
 
Kamakailan lang kasi nag-cash advance ako
Pambili ng pagkain ng mga kapatid ko
 
Hay!! Hirap naman nito
Sige wala naman sa betsin ng chicken joy
Ang laman ng nais kong sabihin sa iyo
 
Ngayon kung papayag ka sa sago at pande-coco
Mamasyal na lang tayo sa Luneta at bibilhan kita ng lobo
Mahirap ipangako ang roses en chocolates
Wala talaga ito sa kapos kong budget.
 
Sige pagmasdan na lang natin ang pag-lubog ng araw
At sana nga ang kagutuman ay tuluyan ng pumanaw.
                    
                                                           
 Serenata ng asawa
 
Sa panahon din ng tag-gutom
Nakilala kita
Ginutom pati ang puso ko
Sa pag-aabang kung darating ka pa…..
 
Siguro namimili ka pa ng pechay, kamatis at repolyo
Tumatawad pa sa aleng paninda ay naka-kariton sa kanto
Baka naman hinabol pa ng MMDA ang  kinukuripot mo
Pero nauunawaan ko
Pagkat hanggang ngayon
Ang siento bentesingkong dagdag suweldo
Ay nananatiling napakong pangako….

Kung sumama ka man sa welga
Itaya ang  tapang at sakripisyo
Ito'y pag-ibig pa rin na laging nasa uso 
Hanggang saan , hangagng kailan?
Hanggang sa ating tagumpay. 

for even in our dance
we see the gift of grace
no matter how dangerous
and difficult each step we may take
we can rise
for we know how to dance amidst struggle

                                - nô!/nong/norms/norma

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages