Google Groups no longer supports new Usenet posts or subscriptions. Historical content remains viewable.
Dismiss

Bonifacio O Rizal... Sino ba ang dapat na pambansang bayani ?

12,003 views
Skip to first unread message

sylvain cormier

unread,
Jul 18, 1999, 3:00:00 AM7/18/99
to
Si Rizal na gustong maging probinsiya ang Pilipinas ng Espanya o si
Bonifacio na ang kagustuhan ay tunay na kalayaan sa kuko ng sumakop na
banyaga ?

Si Rizal na pabor sa mahinahong pakikibaka o si Bonifacio na
naniniwala na ang tunay na kalayaan ay makakamit lamang sa madahas na
pakikibaka ?

Sino-sino ba ang mga miyembro ng komite na namili at anong kasukatan o
gabay ang kanilang ginamit upang ideklara na si Rizal ang ating
pambansang bayani ?


Tansong Isda

unread,
Jul 18, 1999, 3:00:00 AM7/18/99
to
sylvain cormier wrote:

Ang mga Amer'kano ang nagbigay ng desisyon na si Rizal, unang una dahil
hindi niya gustong mag-ka giyera. Ayaw bilang magka isip ang tao ng
maghimagsik.
Para sa akin? Kahit na sino, maraming bayani ang Pilipino, lahat sila
gusto ko! Unang una, dahil sa me sakripisyo ang lahat ng mga ito. Bagay na
hindi natin kakayanin ngayon.


Carl

unread,
Jul 19, 1999, 3:00:00 AM7/19/99
to
Yup tama si isda, kaya si Rizal ang pinili na National Hero dahil sa
influence ng mga Amerikano. Dahil namili sila ng National Hero nung panahon
ng Kano.. Well para hindi magkaroon ng "suicidal" ideas ang mga pinoy - ang
kinuha nila ay repormista at hindi isang rebolusyonaryo.

Tansong Isda <dig...@natanso.ito> wrote in message
news:37921131...@natanso.ito...

Djun

unread,
Jul 21, 1999, 3:00:00 AM7/21/99
to
Carl wrote:
>
. Well para hindi magkaroon ng "suicidal" ideas ang mga pinoy - ang
> kinuha nila ay repormista at hindi isang rebolusyonaryo.

Well, you guys have a point. However, I think Rizal was chosen as our
National hero - and I don't think our government would have maintained
that decision if they did not agree, is that because Rizal was known
nationally and globally. Perhaps its thru the instigation of Rizal's
world renowed novels that US was enticed to come to rescue ( but
eventually salvage) the islands from the Spanish imperialism. History
reminds us that the freedom brought about by the KKK revolution was
short lived and unrecognized by the international community. We can
thus say that it was Rizal who primarily led to achieve our freedom from
Spain. I'm not saying that its good but perhaps the American occupation
was less evil.

--
<==================================================================>
Djun dj...@geocities.com
http://www.geocities.com/ResearchTriangle/8615
"The Truth is the limit of Science as time approaches infinity"

egayc...@my-deja.com

unread,
Jul 21, 1999, 3:00:00 AM7/21/99
to
Una, ang ating kalayaan ay hindi makakamit mula sa mga Kastila kung
hindi sa panghihimasok ng mga tusong Amerkano na insinangkot ang
kanilang sarili sa giyera (laban sa Kastila). Ang mga bagay tungkol sa
Spanish-American War ay basahin mo na lang sa mga sites na nandito sa
internet.

Nais ko munang bangitin ito dahil ang kalayaan natin ay BINIGAY NG
PAGKAKATAON hindi lamang sa pamamagitan ng KAGITINGAN ng ating mga
bayani. Kung hindi sa pakikialam ng mga amerkano, at sinasabi nating
kalayaan ay wala pa rin sa atin hanggang ngayon.


In article <379187b5...@news.sprint.ca>,


sylvain...@umoncton.ca (sylvain cormier) wrote:
> Si Rizal na gustong maging probinsiya ang Pilipinas ng Espanya o si
> Bonifacio na ang kagustuhan ay tunay na kalayaan sa kuko ng sumakop na
> banyaga ?

Alalahin natin na si Rizal ay isang taong mahilig pag-isipang mabuti
ang mga pagkakataon at mga pangyayari. Iniisip nya na ang mga
pananandata (weaponry) ng mga Pinoy ay hindi sapat na labanan ang mga
Kastilaloy. Ang pagiging makabayan ni Boni ay dala ng kapusukan at
kahirapan. Si Rizal ay isang taong gumagamit ng lohiko. Ayaw nyang
dumanak ang dugo ng kanyang mga kababayan na walang kahihinatnan.


>
> Si Rizal na pabor sa mahinahong pakikibaka o si Bonifacio na
> naniniwala na ang tunay na kalayaan ay makakamit lamang sa madahas na
> pakikibaka ?
>

Si Andres ay walang pinagkaiba sa mga magigiting na nag-aklas katulad
ni Gabriela at Diego. Pare-pareho silang naniwala sa marahas na
pakikibaka sa pamamagitan ng dahas. Pero alalahanin natin na noong mga
panahon ng paghihimagsik nila Andres ay unti-unti ay nagkakaroon na rin
ng pag-aaklas sa iba't ibang bansa na kinolisa ng mga Kastila katulad
ng Cuba, Mexico at Peru. Bukod dito ang mga educadong kastilaloy na
naninirahan sa bansa mismo nila ay halos wala ng pakialam sa mga
pangyayari na kinasasangkutan ng kanilang bayan. Idagdag mo pa ang
insidente ng USS Maine na pinagmulan ng Spanish-American war. Ito ay
nagresulta sa : una, mahinang deployment ng reinforcements, at
pangalawa, hindi malaman ng kaharian ng Espana kung ano ang uunahin
nyang lutasin sa mga problemang nasabi. Kung walang "outside factors"
na katulad ng mga nasabi, sa palagay ko, ang himagsikan ni Andres et al
ay panandalian lamang.

> Sino-sino ba ang mga miyembro ng komite na namili at anong kasukatan o
> gabay ang kanilang ginamit upang ideklara na si Rizal ang ating
> pambansang bayani ?

Sa ganang akin bagama't ang nasabing mga kumite ay impluwensyado ng mga
'Merkano. Tama ang desisyon nila. Mas magandang maging ROLE MODEL
isang taong merong mga katangiang katulad ni Rizal. Ano pa ang
katangiang hahanapin mo? Isang doctor at dalubhasa sa mata, atleta,
nobelista at manunula at makabayan.

Sa mga panahon ng kapayapaan hindi natin kailangan ng mga taong
kasintapang ni Andres. Ang kailangan natin ay mga taong nag-iisip muna
bago gumalaw. Pinag-aaralan ang kanyang kapasidad sa pakikibaka. Ang
katapangan ay hindi nasusukat sa suicidal tendencies pero sa pag-aaral
ng galaw at kapasidad ng kalaban. Noong panahon na hindi sumang-ayon
si Rizal sa marahas na himagsikan, naisip nya na dehado ang Pinoy dahil
wala tayong pananandatang itutumbas sa mga Kastilaloy. Alalahanin na
ang Spanish Armada ay isa sa mga Naval Powers at that time.

The "Philippine Indepence" proved several things:

1. The Filipinos were capable to be soveriegn without foreign
intervention.

2. The Americans became a Naval Power when they defeated the Spanish
Armada fleet.

3. It was a false independence.

Sent via Deja.com http://www.deja.com/
Share what you know. Learn what you don't.

revelync...@gmail.com

unread,
Aug 5, 2017, 7:27:32 PM8/5/17
to
To too bayan
Message has been deleted
Message has been deleted

jecj

unread,
Feb 14, 2018, 7:20:41 AM2/14/18
to
On Saturday, July 17, 1999 at 7:00:00 PM UTC-12, Tansong Isda wrote:
> sylvain cormier wrote:
>
> > Si Rizal na gustong maging probinsiya ang Pilipinas ng Espanya o si
> > Bonifacio na ang kagustuhan ay tunay na kalayaan sa kuko ng sumakop na
> > banyaga ?
> >
> > Si Rizal na pabor sa mahinahong pakikibaka o si Bonifacio na
> > naniniwala na ang tunay na kalayaan ay makakamit lamang sa madahas na
> > pakikibaka ?
> >
> > Sino-sino ba ang mga miyembro ng komite na namili at anong kasukatan o
> > gabay ang kanilang ginamit upang ideklara na si Rizal ang ating
> > pambansang bayani ?
>
> Ang mga Amer'kano ang nagbigay ng desisyon na si Rizal, unang una dahil
> hindi niya gustong mag-ka giyera. Ayaw bilang magka isip ang tao ng
> maghimagsik.
> Para sa akin? Kahit na sino, maraming bayani ang Pilipino, lahat sila
> gusto ko! Unang una, dahil sa me sakripisyo ang lahat ng mga ito. Bagay na
> hindi natin kakayanin ngayon.

fuck u

kole...@gmail.com

unread,
Apr 18, 2018, 4:47:17 PM4/18/18
to
On Sunday, July 18, 1999 at 3:00:00 PM UTC+8, sylvain cormier wrote:
> Si Rizal na gustong maging probinsiya ang Pilipinas ng Espanya o si
> Bonifacio na ang kagustuhan ay tunay na kalayaan sa kuko ng sumakop na
> banyaga ?
>
> Si Rizal na pabor sa mahinahong pakikibaka o si Bonifacio na
> naniniwala na ang tunay na kalayaan ay makakamit lamang sa madahas na
> pakikibaka ?
>
> Sino-sino ba ang mga miyembro ng komite na namili at anong kasukatan o
> gabay ang kanilang ginamit upang ideklara na si Rizal ang ating
> pambansang bayani ?

Ang problema, bakit ba kelangan isa lang maging pambansang bayani? Yan ang dahilan kung bakit ang Pilipinas hindi makapag release ng official statement kung sino o sinu-sino ba dapat ang maging bayani.

No man is an island, kaya naniniwala ako na di dapat limitahan lang sa iisang tao ang pambansang bayani. Madami e ang continuous ang evolution nyan :P
0 new messages