[katoliko] oral presentation para sa Gospel ni St. John at invitation sa paggawa ng marami pang presentation

349 views
Skip to first unread message

Wilberto Piczon

unread,
Oct 21, 2007, 2:43:40 AM10/21/07
to kato...@yahoogroups.com

Hello groupmates,
Advanced happy Anniversary!!
Sa tingin ko,malaking tulong ang madadala ng ating gagawing mga oral presentation dahil  sa pagbuo ng mga ito, nabibigyan natin ng focus ang ilang aspeto ng ating pananampalataya. Nasubukan na natin ang paglalagay sa internet at sa CD ng mga presentation. Siguro, dahil madadagdagan na naman ang isang taon ang grupo, magiging maganda kung lalong bigyang pansin ang mga projects at lalong maghikayat na sumali ang mga groupmates. Nakakalakas ng loob ang makita na may mga taong nakikinig ng ating mga presentation araw araw, lalo na sa presentation ni Bro Carlos sa Sola Scriptura. Isusunod ko sa aking post ang bilang ng mga nakinig sa bawat presentation ng grupo
.
 Sa pagbuo ng mga presentation, mas napapadali ang pag-aaral ng mga groupmates dahil may makakapagbigay sa kanila ng overview ng mga bagay na mapapag-aralan nila sa hinaharap. Magagamit natin ang pag-uugnay ng mga maraming information at pagdinig sa sistematikong pagtalakay nito para lalo nating maintindihan ang bawat paksa.

Para naman sa lalahok sa pagbuo ng mga presentasyon na ito, ito ay maghahanda sa kanila sa mga taong magtatanong tungkol sa ating pananampalataya at maghahanda sa atin kung sakaling magkakaroon tayo ng pagkakataon na magsalita para sa maraming tao.
 
Bilang isa sa mga moderators ng grupo na ito, susubukan ko na mabigyan pa lalo ng atensiyon ang activity na ito na makaka-akay sa ibang tao sa kanilang mga pag-aaral at pagninilay. Kung may oras kayo na makasali sa oral presentation projects, paki record lang sa CD o Tape ang mga presentation at pakibigay sa moderators ng group. Para naman magabayan kayo sa pagsulat ng sasabihin, hihikayatin ko kayo na ipost ninyo sa group ang sasabihin para matulungan , madagdagan o makapagbigay ng payo ang grupo. Heto nga at ito ang gagawin ko sa pag sulat ko ng ipre-present ko.

Nakakadagdag kumpiyansa na di lang isa ang nagrereport. Nandian na din si Dwen, si bro Prinz at ang experience ni Bro Angelo sa paggawa ng  kaparehong project para sa mga bulag. Ang gandang project nito lalo na at napakarami nating pwedeng matalakay tulad ng mga paksa na gustong matalakay ng bawat isa sa atin, tulad ng mga spiritual books, apologetics o pulyeto, mga libro sa Bibliya, buhay ng Santo at napakarami pang iba!!
 
At mula sa panghihikayat na ito, gusto ko lang ishare ang mga sasabihin ko para sa oral presentation na gagawin ko. Pipilitin ko na ibalik ang oral presentation activity natin sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking oras para dito. Sana ay makasali din kayo pag makalibre kayo sa oras. Matagal na din tayong di nakakagawa ng oral presentation kaya sana ay magtuluy tuloy na ito. Paki-email na lang kung meron kayong gustong idagdag sa report. Salamat!

Live Jesus!!


your groupmate,
eric


5th week of lent Jn 8:1-11 monday 8:21-30Jn 8:31-42Jn 8:51-59Jn 10:31-42 Jn 11:45-57
Ang pakanang patayin si Jesus
Mababasa natin na marami sa pumunta kay Maria ay naniwala kay Jesus . Ang iba ay nagpunta din sa mga pariseo para saibihin ang mga nangyari.
Bilang pagbabalik tanaw, gagamitin natin ang 3 punto ni St. Ignatius. Una) Pinaalam ni Maria at Martha kay Jesus ang karamdaman ni Lazaro. Nang malaman ni Jesus ito, namalagi pa si Jesus sa kanyang kinaroroonan para mas makita ng mga tao ang kadakilaan ng gawa ng Diyos. 2) Bago magpabangon kay Lazaro, hiningi ni Jesus ang pananalig nina Martha at Maria at sinabi “ako ang pagkabuhay na muli at ang buhay. Ang sinumang maniniwala sa akin kahit siya ay mamatay ay mabubuhay”. 3) Ibinangon ulit ni Jesus si Lazaro matapos Siyag magtangis at magdasal sa pamamagitan ng pagsabing “Lazaro, halika sa labas”
45-48:Nagtipon ang punong pari, mga pariseo at mataas na sanggunian at nagtanong nang gagawin nila kay Jesus.
11:45-52Nagsabi si Jesus ng talinhaga kung saan ang may ari ng ubasan ay magpapadala pang mary ari ng mga tao para puksain ang mga masasamang tao at ang kanilang lugar dahil nga sa pagkakapatay ng kanyang anak,. Ganon din sa kasaysayan, pinahintulutan ng Diyos ang mga taga-roma na dumating at sirain ang Jerusalem.At nasabi ni Caiphas sa patitipon na iyon, ""50 Ni hindi n’yo naiintindihan na mas makabubuti sa inyo na isang tao ang mamatay alang-alang sa sambayanan kaysa mapahamak ang buong bansa.” Nasabi ito ni Caiphas bilang punong pari at para tuparin ang plano ng Panginoon na pag-isahin ang bansa at ang nagkalat na anak ng Diyos. At nasabi na "53 Kaya mula sa araw na iyon, si Caifas ay nagbigay ng propesiya sa mas malalim na kahulugan."
11:51-53 Mababasa din natin na di na lantaran ang paglibot ni Jesus sa mga Judio at nagtungo Siya sa malapit sa disierto kasama ng mga alagad. Nang malapit na ang Paskuwa, nagpupuntahan ang mga tao sa Jerusalem para sa paglilinis.
_______________________________________
Chapter 5-11 si Diyos ay nagtuturo sa gitna ng iba't ibang mga piyesta.
Palm Sunday 12:1-11 Monday 13:21-33,36-38 Jn 13:1-15 Thurs Jn 18:1-19;42
Ang hapunan sa Betania
(Mt 26:6; Mk 14:1)
Mababasa natin na 5 na araw bago ang paskuwa ay pumunta si Jesus sa Betania kung saan nakatira si Lazaro. naghanda sila roon ng hapunan para sa Knya. Nagsilbi si Marta at kabi­lang naman sa mga kasalo niya ay si Lazaro
Hatiin natin ito sa 3 punto.
12:1-8 1)Kumain ang Panginoon sa bahay sa Betaniakasama ni Lazaro 2) Ibinuhos ni Maria ang pabango at pinahiran ang paa ni Jesus at pinunasan ito ng kanyang buhok.3) Nagsalita si Judas kung bakit sinayang ang pagbango Kaya sinabi ni Jesus: “Pabayaan mo siya’t ini­laan niya ito para sa araw ng paglilibing sa akin. Kasama ninyong lagi ang mga dukha ngunit hindi n’yo ako laging kasama.”
12:1-8 Si maria, bilang pagpapasalamat, ay nagdala ng pabango, na katumbas ng 300 na denaryo. ang denaryo ay katumbas ng isang araw na trabaho kaya ang 300 na pilak ay katumbas ng kita sa isang taong trabaho . Di binibilang ni Maria ang ibibigay para kay Jesus. Ito ay maiuugnay natin sa mga palamuti na ginagawa natin sa Simbahan na inirereklamo ng ibang mga tao. Bakit daw di na lang ibigay sa mga mahihirap. Ito ay dahil sa simbolo ng ating pagmamahal kay Kristo. Sabi ni Bishop Sheen na pag binebenta ng tao ang Panginoon, binebenta lagi Siya sa murang halaga tulad ng ginawa ni Judas. Si Judas ay sinasabi na di naniwala sa Eucharist. Matatandaan na sinabi na ang isa sa kanila ay may demonyo dahil di siya naniwala. Kahit sinabi ni Jesus na iwan siya ng mga di naniniwala, sumama pa din si Judas.
May mga hentil na naniniwala sa pananampalataya ng mga Judeo dahil ang mga Judeo ay nagkalat sa buong mundo. Kalat din ang mga synagoga. Nadinig ng mga hentil ang tungkol kay Jesus at tinanggap nila si  Jesus. Bakit kaya nagpunta ang mga hentil kay Felipe? Ang pangalan ni Felipe ay pangalang grieg. Siguro ang mga magulang ni Felipe ay may impluwensiya ng mga griego.
12:9-11 Ang mga tao ay lumalapit kay Jesus at gusto nila ding makita si Lazaro. at nagplano ang mga Pariseo na patayin si Lazaro
-------------------------------

Pumasok ang Mesiyas sa Jerusalem
(Mt 21:5; Mk 11:1) Nang madinig ng mga tao an darating si Jesus para sa
a12 Kinabukasan, pagkarinig ng maka­pal na pulutong na dumating para sa piyesta na parating si Jesus sa Jerusalem, 13 kumuha sila ng mga palas­pas at luma­bas para salubungin siya, at kanilang inihihiyaw: “Osanna! Kapuri-puri ang dumarating sa nga­lan ng Panginoon, siya ang Hari ng Israel!”
14 Pagkatagpo ni Jesus sa isang batang asno, sinakyan niya ito, tulad ng nasu­­sulat,

12:12-14 Palm Sunday
Matatandaan na sa isang bahagi ng Ebangleyo pinapatahimik ng mga Pariseo ang mga tao , at sinabi ni Jesus na kung sila ay matatahimik ang mga bato ay sisigaw. Kailangan nang kilalanin si Jesus at luwalhatiin at pumapasok Siya sa pagluluwalhating ito sa pagpasok niya sa kanyang pagpapakasakit sa Krus


15 Huwag nang mata­kot, dalagang anak na Sion. Haya’t duma­rating na ang iyong hari, sakay sa bisiro ng isang asno.”

Hangga’t hindi namamatay ang butil
• 20 Ngayon, may ilang mga Griyego sa mga umahon para sumamba sa Piyes­ta. 21 Kaya lumapit sila kay Felipe na taga-Betsaida ng Galilea at ipina­kiusap sa kanya: “Ginoo, gusto naming makita si Jesus.” 22 Pinuntahan at sinabihan ni Felipe si Andres. Pinun­tahan naman at sinabihan nina Andres at Felipe si Jesus.
23 Sumagot si Jesus sa kanila: “Duma­ting na ang oras para luwalha­tiin ang Anak ng Tao.
12:20-22 Parang Public Relations Officer si Andres na laging nagpapakilala ng tao kay Jesus. At gusto makilala ng mga Griego si Jesus.
12:23 Matatandaan natin ang sinasabi ni Jesus tuwing sinusubok Siyang hulihin, na ang Kanyang Oras ay di pa dumadating tulad ng nasabi Niya sa Cana. Malapit na ang pagluluwalhati kay Jesus na Kanyang Oras at ito din ang  oras ng kadiliman.

----katoliko 6-14
24-26 Para tayong mga butil na dapat ay mamatay sa kasalanan at mamunga pagkahulg sa lupa. Tayo ay dapat na sumunod sa ehemplo ni Jesus

• 27 “Ngayo’y nababagabag ang aking kalu­luwa. Sasabihin ko bang ‘Ama, iligtas mo ako sa hatid ng oras na ito? Ngunit dahil dito kaya ako sumapit sa oras na ito. 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong Panga­lan.”

[CCC 607]  Ang buhay ni Hesus ay  ang kagustuhan na sundin ang plano ng pag-ibig ng Ama. Ang kanyang nakapangliligtas na pagpapakasikit ang dahilan ng Kaniyang pagkakatawang-tao. "...Sasabihin ko bang  'Ama, iligtas mo ako sa hatid ng oras na ito? Ngunit dahil dito kaya ako sumapit sa oras na ito...'. " (Jn12:27). At "Hindi ko ba iinumin ang kalis na ibinigay sa  akin ng Ama?"(Jn 18:11). At sa Krus bago niya sabihin na "Natupad na !", sinabi niya na "Nauuhaw ako."

Kaya may tinig na nagmula sa langit: “Niluwalhati ko at muli kong lulu­­wal­ha­tiin.” 29 Kaya pagkarinig ng mga taong naroon, sinabi nila: “Ku­mulog!” Sinabi naman ng iba: “Nangu­sap sa kanya ang isang anghel.”
30 Sumagot si Jesus: “Hindi alang-alang sa akin kaya ito ipinarinig kundi alang-alang sa inyo. 31 Ngayo’y paghu­hukom sa mun­dong ito; ngayon itataboy palabas ang pinuno ng mun­dong ito. 32 At kapag itinaas ako mula sa lupa, hihila­hin ko sa akin ang lahat.”
12:24-32 Nagkuwento si Jesus tungkol sa butil ng trigo na kailangan na mamatay para mamunga na nagtuturo sa pagkamatay ni Jesus at muli Niyang pagkabuhay. Makikita natin sa mga unang kabanata, sinasabi  ni Jesus na di pa dumadating ang oras.
Sa  Chapter 2 at Chapter 6 nabanggit ang Paskuwa at ngayon, ito ay binabanggit ulit na ika-3 paskuwa sa kabanata 12 kaya nasasabi na ang ministro ni Jesus ay tumagal ng 3 taon. Ang oras na tinutukoy ang pagluluwalhati ni Jesus sa Krus.

Ang kawalang-paniwala ng mga Judio

12:42 Kung mahal natin si Jesus ay di dapat nating ikahiya si Jesus. Si Pontio Pilato ay naghangad ng papuri ng mga tao.

4th Week of Easter
Jn 12:44-50
Palm Sunday 12:1-11 Monday 13:21-33,36-38 Jn 13:1-15 Thurs Jn 18:1-19;42
IKALAWANG BAHAGI: TINAPOS NI JESUS ANG KANYANG GAWAIN
Ang libro ng Gloria ay ang Chapter 13-20
Marami sa mga may awtoridad ang naniniwala kay Jesus pero dahil sa takot at sa kagustuhan nila ng papuri ng tao, di sila sumusunod kay Jesus. At ng sinusulat ni Juan ito, iniisip niya ang mga unang Kristiano na inuusig dahi sa kanilang pananampalataya. May paalala na ang luahlahating makamundo ay iba sa lualhati ni Kristo.

Makikita natin na si Nicodemo  ay nagtanggol kay Jesus sa Sanhendrin. Sa Huli sa pagkamatay ni Jesus, tumulong Siya sa pagtanggal kay Kristo sa Krus at paglilibing. Sa verse 45, pinapaalala ulit ang nakasulat sa prologoue na ang nakikita sa Anak ay nakakita sa Ama.

Ang 13-17 ay tungkol sa huling hapunan. Pagpapakasakit, Pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus. At ang pagpapakita ni Jesus.   Ang 21 ay parang naidagdag na lang . Sinasabi sa chapter 15 na di na sila mga alipin kundi mga kaibigan dahil naibahagi Niya ang ipinakita ng Ama. Bago ang paskuwa, alam ni Jesus na dumating na ang oras para pumunta sa Ama, magsasalita Siya tungkol sa Espiritu Santo, ang bagong kautusan, ang kaligayahan at kapayapaan at pagpapakita ng pagmamahal sa paghuhugas ng paa ng mga apostol. Ito ay nangyari sa gabi kung saan siya ay mahuhuli at magpapakasakit, ipapako at mamatay.
13:1-5 gamitin natin ang 3 puntos ng pagninilay  ni St. Ignatius sa kanyang Spiritual Exercise. 1) kumain si Jesus ng kordero o Paschal Lamb kasama ng kanyang mga disipulo at nagpahayag ng tungkol sa kanyang kamatayan at nagsabi ng "Amen, sinasabi ko sa inyo, ang isa sa inyo ay magkakanulo sa akin." 2)Hinugasan niya ang paa ng mga apostoles kabilang ang paa ni Judas. Inumpisahan niya ang paghuhugas kay Pedro na unang tumanggi 
“Pangi­noon, ikaw ba ang mag­hu­hu­gas sa aking mga paa?”3) Itinaguyod ni Jesus ang Sakripisyo ng Eukaristiya

. Di alam ni San Pedro na nagbibigay ng ehemplo si Jesus at  sinabi ni Jesus na
13:1-5 Ang mga alipin ay di napupuwersa na hugasan ang paa ng amo Bakit nakuha pa ni Jesus na hugasan ang paa ng Kanyang mga disipulo? Dahil ang isa sa mga pinakamahalagang turo ni Jesus ay ang paninilbihan at pagsisilbi.

Sumagot si Jesus: “Hindi mo alam ngayon ang ginagawa ko pero mauuna­waan mo makaraan ang mga ito.”
Sinabi sa kanya ni Pedro: “Hinding-hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus sa kanya: “Kung hindi kita huhu­gasan, hindi ka makababahagi sa akin.” Sinabi sa kanya ni Simon Pedro: “Pangi­noon, hindi lamang ang mga paa ko kundi pati na ang mga kamay at ulo.”
10 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Mga paa lamang ang kailangang hugasan ng naligo na dahil malinis na ang buo niyang sarili. Malinis nga kayo pero hindi lahat.” 11 Alam ni Jesus ang mag­kakanulo sa kanya. Dahil dito kaya niya sinabing: “Hindi lahat kayo’y malinis.”
13:6 -11 sinabi Niya iyon dahil alam Niya na si Judas ang  magkakanulo sa Kanya. Binibigay Niya nag kapangyarihan ng pagigign pari. Pagpapalit ng tinapay at alak sa Kanyang Katawan at Dugo. Ang mga namumuno ay dapat na maging mapagkumbaba at tagapaglingkod ng ibang mga tao. Dapat gayahin si Jesus.

12 Kaya nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, kinuha niya ang kanyang panlabas na damit at bumalik sa hapag, at sinabi niya sa kanila: “Nauu­nawaan n’yo ba ang ginawa ko sa inyo? 13Tinatawag n’yo akong ‘Guro’ at ‘Pangi­noon.’ At tama ang pagsasabi ninyo: ako nga. 14 Kaya kung hinu­gasan ko ang inyong mga paa, akong Panginoon at Guro, gayundin kayo dapat mag­hugasan ng mga paa ng isa’t isa.
15 Isang halimbawa ang ibinigay ko sa inyo upang gawin din ninyo gaya ng ginawa ko sa inyo.

4th Week of Easter
Jn 13:16-20
16 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, walang ali­ping mas dakila sa kanyang pangi­noon, ni walang sinugong mas dakila sa nagpadala sa kanya. 17 Kung alam ninyo ito, mapalad kayo kung isina­sagawa n’yo ang mga ito.
13:12-17 Tulad ng pagbibigay ni Lord ng Kanyang sarili sa Eucharist, kailangan din na ibigay natin ang ating sarili sa ibang mga tao.
18-20
------------------------------------------------------------------------------------------
21 Pagkasabi ng mga ito, nabagabag ang kalo­oban ni Jesus, at nagpatunay: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” 22 Nag­ti­­nginan ang mga alagad at pinag­ta­takhan kung sino ang tinutukoy niya. 23 Nakahilig sa tabi ni Jesus ang isa sa kanyang mga alagad, ang mahal ni Jesus. 24 Kaya tinanguan ito ni Simon Pedro para usisain si Jesus kung sino ang kanyang tinutukoy.
25 Kaya paghilig niya sa tabi ni Jesus, sinabi niya sa kanya: “Pangi­noon, sino ba iyon?” 26 Suma­got si Jesus: “Siya iyong ipagsasawsaw ko ng kapirasong tinapay at siya kong bibigyan.” At pag­kasawsaw ng kapirasong tinapay, ibi­nigay niya iyon kay Judas, anak ni Simon Iskariote. 27 Kasunod ng kapira­song ito, pumasok sa kanya si Satanas. Kaya sinabi sa kanya ni Jesus: “Magmadali ka sa gagawin mo.”
13:18-27 Ang mga Mystic ang minsan ang nakakaalam ang mga bagay na tungkol sa Diyos. Si Juan ang Mystic dito . At pumasok si Satanas sa puson ni Judas.
28-35
13:28-30 sinabi Niya na gabi iyon dahil lumakad papaalis si Judas sa liwanag. Ang kanyang pagluluwalhati ay ang pagsunod sa kalooban ng Ama.
13:34-35 nagbigay ng propesiya si Jesus tungkol kay Pedro. Nagbigay si Jesus ng bagong kautusan, na mahalin ang isa't isa tulad ng pagmamahal sa atin ni Jesus. Tulad ng mga Santo na laging nagsisilbi sa mga tao. kapwa ko mahal ko , gawad kalingan, anawim ni Bro Bo Sanchez, elsie Gaches, Tahanang walang hagdan, Golden Acres.

36 Sinabi sa kanya ni Simon Pedro: “Panginoon, saan ka papunta?” Suma­got si Jesus: “Hindi ka maka­su­sunod ngayon sa akin saan ako papunta; susunod ka pagka­tapos.” 37 Winika sa kanya ni Pedro: “Panginoon, bakit hindi ako makasu­sunod ngayon? Maiaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyo.” 38 Sumagot si Jesus: “Iaalay mo ang buhay mo alang-alang sa akin? Talagang-talagang sina­sabi ko sa iyo, hinding-hindi titilaok ang tandang hanggang makaitlo mo akong maita­tuwa.”
13:36-38 nasa 4 na ebanghelyo ang tungkol sa propesiya ng kay Pedro dahil si Pedro ang puno sa mga apostol
chap 14



www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com

__._,_.___
Recent Activity
Visit Your Group
Moderator Central

An online resource

for moderators

of Yahoo! Groups.

Yahoo! Groups

Get info and support

on Samsung HDTVs

and devices.

Endurance Zone

A Yahoo! Group

Learn how to

increase endurance.

.

__,_._,___

Eric Piczon

unread,
Oct 24, 2007, 2:15:48 AM10/24/07
to kato...@yahoogroups.com

hello Groupmates!!

Advanced Happy Anniversary sa inyo ha!!

Ito na ang karugtong ng aking sasabihin sa napili kong gawin na oral presentation sa Friday! Sana ay magtuluy-tuloy na at sana din na maka-enganyo sa inyo ang gagawin ko para makasali di sa project na ito.  Susubukan ko ulit na mailagay sa CD ang mga gagawin nating presentation para maipamigay sa ating mga kaibigan. At siempre, di mawawala ang paglalagay natin ng ating project sa Google Video o Youtube.

Kaya...sali na! :)

muling bumabati na pagsaluhan ang Salita ng Diyos!!

eric



Mababasa ang huling mga pagsasalita ng Panginoon mula kabanata 14-17. Ito ay sinabi Niya sa Huling hapunan.


4th Week of Easter
Jn 14:1-6
Papunta ako sa Ama

14:1 - 3 Nasabi ng Panginoon na manalig sa Kanya ang pagsasabi sa paghahada niya ng mga sild ng bahay. . Ang ating mga gawa dito sa lupa ay nagkakaron ng gantimpala sa langit at inihahanda ito ng Panginoon. Si Jesus ay naghahanda ng lugar sa atin sa langit.

At alam n'yo ang daan sa pupun­tahan ko." Sinabi sa kanya ni Tomas: "Pangi­noon, hindi namin alam kung saan ka pu­punta. Paano namin malalaman ang daan?" Sinabi sa kanya ni Jesus: "Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
4th Week of Easter
Jn 14:7-14

14:4-12 kailangan nating manalig pag tayo ay nagdarasal. Ang mga ginagawa ni Jesus ay nagpapakita sa atin kung sino ang Ama.  Sa pagsagot  ni Kristo sa tanong ni Felipe na ipakita ni Jesus ang Ama, pinahayag ni Jesus ang lalong pagiging isa Niya kasama ng Ama.  Pagkatapos nito, pinalakas ni Jesus ang loob ng mga apostoles sa mga gagawin nila at sa pagdadasal.
13 Anu­mang hingin n'yo sa Pangalan ko'y gaga­win ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. 14 At kung may hingin kayo sa akin sa Pangalan ko, gagawin ko.
--------------------

14:15 -17 Nabanggit ni Jesus ang pagpapadala ng Espiritu Santo. tinawag na paraclete para cleo. cleo ay call at para ay nasa tabi . Sa griego ang paraclete ay lawyer para magtanggol. Sinabi na isa pang paracletos dahil habang si Jesus ay kasama natin, Siya ay nasa tabi natin. . Ang misyon ni Kristo ay gagawin ng Espiritu Santo. Magsasalita si Jesus nang tungkol sa Paracletos ng 4 na beses.

18 Hindi ko kayo iiwang ulila; pabalik ako sa inyo. 19 Kaunti pang panahon at hindi na ako mapapansin ng mundo; ngunit papansinin ninyo ako sapagkat buhay ako at mabu­buhay din kayo. 20 Sa araw na 'yon ninyo malalaman na nasa Ama ako, at nasa akin kayo at nasa inyo naman ako.
5th Week of Easter
Jn 14:21-36
Nasabi sa Daily Missal, na ang pagbasa na ito ay binabasa sa paglapit natin sa panahon ng Pag-akyat ni Jesus sa Langit at sa Pentecostes. Nandito pa din tay sa pagbasa ng mga sinabi ni Jesus sa Huling Hapunan. Dito ay magpapapalam din si Jesus. Aalis na si Jesus. Dito din, pinaalala ang pangako ng Espiritu Santo.
.
5th Week of Easter
Jn 14:27-31
Nasabi sa Daily Missal ang pagkukumpara ng Oriental na pamamaalam na "kapayapaan"na Shalom sa Hebreo. Ang kapayapaan ni Jesus ay pagsigurado ng esprititwal at nakapanliligtas na kalakasan na atin ding hinihiling sa Misa tuwing tayo ay nagbibigay ng kapayapaan bago ang Komunyon.

5th Week of Easter
Jn 15:1-8
Jn 15:9-11
Jn 15:12-17
Jn 15:18-21
Ang puno ng ubas at ang mga sanga
15:1-3 Tayo ay mga sanga na nakakabit kay Jesus at ang Ama ay ang vinedresser o magsasaka ang buhay na sanga ay kanyang pinupungusan para tayo ay lalo pang mamnga. Si Jesus ang totoong puno ng ubas
15:4-5 Hiwalay sa Panginoon wala tayong magagawa para sa ating ikaliligtas. si Jesus lang ang makakapagbigay ng Espiritu Santo.

5th Week of Easter
Jn 15:9-11
Sabi sa Daily Missal na ang mensahe sa relasyon sa puno ng ubas at mga sanga ay ang pangangailangan sa presensiya ng pag-ibig sa mga magiging alagad ni Kristo.

5th Week of Easter
Jn 15:12-17

15:7-8 Dapat nakikita ang bunga ni Jesus sa atin.
15:9 Ang pagmamahal ng Ama sa anak ang modelo ng pagmamahal ni Jesus sa atin.
15:10 dapat nating gawin ang utos ni Jesus. Ang ating relasyon kay Jesus at relasyon ni Jesus sa atin ay nakamodelo sa Relasyon ni Jesus at Kanyang Ama at Kanyang Ama kay Jesus.
15:11 Ang Panginoon lang ang makakapagbigay sa atin ng kaligayahan.
15:12 Ang modelo ng ating pagmamahal sa ibang  tao ay ang pagmamahal ni Jesus sa atin Sabi nga ni Sister Myrna"Mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Ang pag-ibig na handing ibigay ang sariling buhay para sa nangangailangan o nag-kukulang ng pag-ibig." .

Mga kaibigan naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbibigay-alam ko sa inyo lahat ng narinig ko mula sa aking Ama.
16 Hindi kayo ang humirang sa akin, ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para humayo at mamunga, at mamalagi ang inyong bunga. At ipagka­kaloob sa inyo anumang hingin n'yo sa Ama sa pangalan ko.
15:16 napakahalaga ng nasabing ito ni Jesus para sa mga ating paniniwala tungkol sa bokayson o vocation.
17 Iniuutos ko nga sa inyo: magma­halan kayo.

15:17 Pinapaalala sa atin ng Sister Myrna. "Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo. Isa sa pinakaimportanteng punto sa mensaje na iniwan ni Jesus sa atin. Ang jueves santo ay tinatawag na araw ng fraternidad , napakagandang araw upang ipamalas natin ang pag-ibig sa ating pamilya, mahal sa buhay at kapwa. "
5th Week of Easter
Jn 15:18-21
Ang napopoot sa mundo
15:18-21 Sabi sa Daily Missal, nasabi ang pagkapoot ng pagkapoot ng mundo kay Kirsto at sa mga Kristiano. Nagsabi si Kristo sa pag-uusig ng mga Kristiano na madalas na binabanggit din sa Bagong Tipan bilang "pag-uusig sa pangalan ni Jesus". At makikita sa mga post ni Dwen an lubhang mahalaga ang pangalan tulad ng nakikita natin sa Biblia. Ang mga pag-uusig ay iniutos ng mga emeperador ng mga Romano.
  At tulad ng naipost ko kahapon, sa kababaang loob na ito, una nito tayong dinadadala sa pagkasuklam sa mortal sin. At pagkatapos nito ay unti-unting paglakas ng pagkasuklam natin sa venial sin. at pagkatapos nito ay mas pagpili sa 1) pagkahamak tulad ni Kristo kaysa maituring na may kamunduhang katalinuhan 2) mas pagkakaroon ng kagustuhan ng  pagiging mahirap katulad ni Jesus kaysa maging lubos na pagharian ng materyal na bagay 3) mas pagpili na maituring na walang kuwenta at hibang alangalang kay Kristo kaysa bitawan ang pagmamahal sa Kanya! Kaya pala naipost ni Dwen ang tungkol sa pagsama sa pagninilay ng mga Capital Sin dahil nakapagdudulot ito ng kababaang loob.
.

22 Kung hindi ako naparito at nangu­sap sa kanila, wala sana silang kasa­lanan. Ngunit ngayon, hindi nila mapag­tatakpan ang kanilang kasa­lanan.
23 Napopoot din sa aking Ama ang napopoot sa akin. 24 Kung hindi ko ginawa sa piling nila ang mga gawang wala pang ibang nakagawa, wala silang kasalanan. Ngayo't nakita nila'y kinapootan ako at ang aking Ama. 25 Kaya magaganap ang salitang nasu­sulat sa kanilang Batas: Napoot sila sa akin nang walang dahilan.
6th week of easter
Jn 15:26-Jn 16:28  M-F
Monday 15:26-16:4
Darating ang Espiritu
15:26-16:4 Mababasa muli ang pangako ni Jesus tungkol sa Espiritu Santo.ng Katotohanan para matulungan ang mga susunod kay Kristo. Ang pagsasabi ng  pag-uusig sa mga synagoga ay nagtuturo na malamang na naisulat ang Ebanghelyo nang mga 90 AD
15:21 kailangan naisasabuhay natin ang pagmamahal natin Kay Jesus.
15:22-24 Nananahan ang Santa Trinidad sa atin, ang estado ng grasya.
15:25-26 Ituturo ng ES ang lahat at ipapaalala ang lahat at nararamdaman natin ang karunungan ni Kristo, tulad na lang ng nasabi ni kristo sa pagsira ng templo at naalala nila na ang tinutukoy Niya ay ang kanyang pagkamatay.
15:27 Ang kapayapaan ng mundo ay bale wala sa kaluluwa pero ang kay Kristo ay kapayapaan ng kaluluwa.
Sinasabi ng iba na dito ang parang  orihinal pagtatapos nang nasusulat tungkol sa huling hapunan pero may tatlo pang mga kabanata ang sumunod.
Sinasabi din dito na tayo ay dapat magpatotoo kay Jesus. Ang Espiritu Santo ay magpapatotoo kay Kristo. Tayo ay magpapaptotoo kay Jesus. Ang mga gawa natin ang magpapatotoo sa Kanya.
Sinasabi sa ika-15 na kabanata na mapopoot ang mundo sa kanila dahil sa ang daan ng mundo ay iba sa daan ni Jesus.


__._,_.___
Yahoo! 360°

Start Today

Get your own

place online

Yahoo! Groups

Health & Fitness

Find and share

weight loss tips.

Yahoo! Groups

Endurance Zone

b/c every athlete

needs an edge.

.

__,_._,___

Eric Piczon

unread,
Oct 26, 2007, 5:16:59 PM10/26/07
to kato...@yahoogroups.com

Hello Groupmates!

Ito na ang naipon ko na ipe-present ko sa Oral Presentation natin. Wow! maganda pala pag-paunti unti ang goal para lumakas ang loob na magawa kaagad. Sana..sana, tuluy-tuloy na ito!

Ang mga advice, insights at comments will be greatly appreciated!

your groupmate,
eric

Chapter 15 Episode 11 14:00
Sinasabi sa ika-15 na kabanata na mapopoot ang mundo sa kanila dahil sa ang daan ng mundo ay iba sa daan ni Jesus. Ipinangako din niya na dadating ang Espiritu Santo.

6th Week of Easter 16:5-11
Nasabi sa Daily Missal na ang salitang Paraclete at ang pagbasa sa araw na ito ay nagpapaalala ng ginagampanan ng isang abogado, na ang Espiritu Santo ang ating magiging abugado o tagapagtanggol habang tayo ay nililitis. Sinasabi sa Daily Missal na 'di lang magiging tapagtanggol ang Espiritu Santo pero uusigin at hahatulan ng Espiritu ang mundo sa di pagtiwala kay Kristo.
16:1-2 Ang halimbawa nito ay si Saul ng Tarsus na dating sumubok sumira sa grupo ng Kristiano.
16:3-7 Dapat na kailangan umalis ni Kristo at ipagpapatuloy ng Espiritu Santo ang gawain at misyon ni Jesus. At para maipadala ang ES, kailangan daanan ni Jesus ang pagdurusa at pagkabuhay na muli, ang unang bunga ng pagliligtas. Hiningahan ni Diyos ang tao at nasa kanya ang Espiritu Santo. Dahil sa pagkakasala ni Adan, nawala sa kanya ang sanctiifying grace o Espiritu Santo. Iniligay ng Diyos ang Espiritu Santo sa ,templo. Walang makakapunta sa Holy of Holies maliban sa isang araw. Ang punong saserdote sa Holy of Holies ay isang beses lang sa isang taon mamakapunta duon at iyon ay sa araw sa yankapour o Day of Atonement. Ang espiritu ay hindi maibigay hanggang mapatawad ang mga kasalanan. Sinabi ni JPII na ang  H.S. ay hindi pa naiibigay dahil  kailangan umalis si Kristo, at sa pamamagitan ng Krus, maibibigay ang HS dahil sa Krus, napapawi ang kasalanan. Ang Espiritu ay ibinibigay sa muli niyang pagkabuhay.

At pagdating niya, hihiyain niya ang mundo tungkol sa kasalanan, sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol.
Ito ang kasalanan: hindi sila nana­nalig sa akin. 10 Ito ang daan ng pagka­matuwid: sa Ama ako papunta, at hindi na ninyo ako mapapansin. 11 At hina­tulan na ang pinuno ng mundong ito: ito ang paghatol.
16:8 sinasabi ni Jesus na papatunayan ng ES ang kamalian ng mundo tungkol sa kasalanan, pagigng matuwid at paghahatol.
16:9 -11 Ang pagtanggi ng pagkilala kay Jesus ay kasalanan. Ang paghahatol, dahil inakala ng mga Judeo na di Siya tunay na Mesiyas nang mamatay Siya sa Krus, pero malalaman ng tao na tapat ang Anak sa kalooban ng Ama.
Siguro kung alam ng demonyo n  ang kamatayan ni jesus ang sisira ng kanyang kaharian, di na sana niya tutuksuhin ang mga tao na patayin si Jesus.
16 week of Easter 16:12-15 Wednesday

16:12-15
16:12-13 Sa mga bunga ng ES mas maitindihan natin ang katotohanan.
16:14-15 Si Jesus ay niluluwalhati na sa langit at kagustuhan ng Ama na luwalhatiin din ang Anak sa lupa, at ang ES ang gagalaw sa simbahan para sa pagluluwalhati kay Jesus.



Ang pangako ng bagong pamamalagi
 16 Sandali pa at hindi n'yo na ako mapapansin, at sandali pa at makikita ninyo ako."
17 At sinabi ng kanyang mga alagad sa isa't isa: "Ano itong sinasabi niya sa atin: `Sandali pa at hindi n'yo na ako mapa­pansin at sandali pa at makikita ninyo ako.' At `Papunta ako sa Ama'?" 18 At sinabi nila: "Ano ba itong sinasabi niyang `sandali'? Hindi natin maintin­dihan ang sinasabi niya."
19 Naintindihan ni Jesus na gusto nila siyang tanungin kaya sinabi niya sa kanila: "Nagtatanungan kayo tungkol dito dahil sinabi kong `Sandali pa at hindi n'yo na ako mapapansin, at san­dali pa at makikita ninyo ako.'
6th week of easter 16:20-23 Friday

20 20alagang-talagang sinasabi ko sa inyo, iiyak kayo at tataghoy, at maga­galak naman ang mundo. Maninimdim kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong paninimdim. 21 Naninimdim ang babaeng malapit nang manganak sa­pag­kat sumapit na ang kanyang oras. Ngunit pagkasilang sa sanggol, dahil sa galak ay hindi na niya naaalaala ang kagipitan: isang tao ang isinilang sa mundo.
22 Gayon nga rin kayo naninimdim ngayon. Ngunit muli ko kayong maki­kita at magagalak ang inyong puso, at walang makaaagaw ng inyong kaga­lakan sa inyo. 23 At sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin sapagkat talagang-tala­gang sinasabi ko sa inyo na ipagkakaloob sa inyo anumang hingin ninyo sa Ama sa Ngalan ko.
16:16-20 Pag dinakip si Jesus at pinatay, sila ay malulungkot, at pag nakita nila ulit si Jesus sa pagkabuhay muli, masasayahan sila ulit.
16:21-22 sinabi ni Bishop Sheen na sa griego ang sinabi ni Jesus ay "The Woman", na si Maria sa paanan ng krus ay nanganganak ulit.Sa Kanyang pagpapanganak kay Jesus, di syan nakaranas ng paninimdim, pero sa pagpapanganak ng Simbahan duon siya nakaranas ng paninimdim.


6th week of easter 16:23-28 Saturday sa pagbasa na ito, sinasabi na magdasal tayo sa pangalan ni Jesus kaya naman ang mga opisyal na dasal ng Simbahan ay nagtatapos sa mga salitang "through Jesus Christ"
24 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hiningi sa Ngalan ko. Humingi kayo at tatanggap kayo upang maganap ang inyong kaga­lakan.
25 Sa mga paghahambing ko ipina­ngungusap sa inyo ang mga ito. Ngunit may oras na sasapit na hindi sa pagha­hambing ako mangungusap sa inyo kundi lantaran ko nang ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama.
26 Sa araw na 'yon, sa ngalan ko kayo hihingi; hindi ko sinasabi sa inyo na makikiusap ako sa Ama alang-alang sa inyo 27 pagkat iniibig kayo mismo ng Ama dahil iniibig n'yo ako at pinaniniwalaang sa Diyos ako galing. 28 Galing ako sa Ama at dumating sa mundo. Muli kong iniiwan ang mundo at papunta sa Ama.
7th Week of Easter
Jn 16:29- 21:20 M-F
7th Week of Easter
Jn 16:29- 33

29 Kaya sinabi ng kanyang mga ala­gad: "Hayan, lantaran ka na ngayong nangu­ngusap, at hindi na sa pagha­ham­bing nagsasalita. 30 Alam na namin ngayon na alam mo ang lahat at hindi mo kailangang may magtanong pa sa iyo. Dahil dito kaya naniniwala kaming sa Diyos ka galing."
31 Sumagot sa kanila si Jesus: "Nani­niwala ba kayo ngayon? 32 Narito't may oras na sumasapit at sumapit na upang mangalat kayo – bawat isa sa sariling kanya – at iiwan n'yo akong nag-iisa. Ngu­nit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama.
33 Sinabi ko sa inyo ang lahat ng ito upang sa akin kayo magkaroon ng kapayapaan. Kagipitan ang meron kayo sa mundo pero lakasan n'yo ang loob, napagtagumpayan ko ang mundo."
Sa 16:29-33 Nagsabi ang mga apostoles na naintindihan na daw nila ang sinasabi ni Jesus na pagluluwalahati, ang kamatayan, pagkabuhay at ang pag-akyat sa langit. Sinabi ni Jesus na kailangan din nilang magdusa pero dapat ay huwag matakot.
7th Week of Easter
Jn 17:1-11
Panalangin ni Jesus para sa bagong bayang banal Sinabi ni
Sister Myrna
Sa liturgia, ang panalanging ito ni Jesus ay ipinatungkol sa mga kaparian pero kung pag-aaralan mong maigi ito ay patungkol sa ating lahat na mananampalataya.Napakasarap isipin, namnamin ang bawat salita na binitawan ni Jesus sa panalangin niyang ito sa ama. Ang bawat salita ay nagsasaad kung gaano niya tayo kamahal, at kung gaano ang pagtitiwala at pananampalataya niya sa bawat isa sa atin. This is Jesus talking with his Father, with our Father about me. Eric, this chapter is so rich, nalulunod ako sa kaligayahan na hatid ng bawat kataga ni Jesus dito. "They are my glory", this phrase is overwhelming, sa tagalong version, sila ay ang aking karangalan, kaluwalhatian, gloria.
ang kabanata 17 ay ang panalangin ni Jesus.
17:1 sa kanyang pagpapakakit pagkamatay, at muling pagkabuhay, pag-akyat sa langit.
5 bagay na pinanalangin ni Kristo
Na sila ay maprotektahan ang mga disipulo
na sila ay maging isa
na sila ay makabahagi sa kaligayahan
maprotekahan sa Masama
Consecration sa katotohanan.
At sinabi na pinagdasal ni Jesus ang mga maniniwala sa kanila para sila ay maging isa tulad ng pagiging isa ni Kristo sa Kanyang Ama. Tinatawag ang babasahin na dasal ni Jesus na High-Priestly Prayer.

 
17    • Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala siya sa langit at nagsabi: "Ama, sumapit na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong Anak upang maluwalhati ka ng Anak dahil ibinigay mo sa kanya ang kapangyarihan sa bawat tao upang bigyan niya ng buhay magpa­kai­lanman ang lahat ng bigay mo sa kanya. Ito naman ang buhay magpa­kailanman: ang makilala ka, ang tanging totoong Diyos at si Jesu­cristong sinugo mo.
Niluwalhati kita sa lupa, ginanap ko ang gawang bigay mo sa akin para tra­ba­huhin. At ngayon, luwalhatiin mo ako, Ama, at ibigay sa aking katabi ang luwalhating meron ako sa tabi mo bago pa man nagkaroon ng mundo.
Ipinahayag ko ang pangalan mo sa mga taong kinuha mo sa mundo at ibinigay sa akin. Iyo sila at sa akin mo sila ibinigay, at tinupad nila ang iyong salita. Ngayon, nakilala na nila na sa iyo galing ang lahat ng ibinigay mo sa akin. Totoo, ibinigay ko sa kanila ang mga pana­nalitang ibinigay mo sa akin, at tinanggap nila at kinilalang totoong sa iyo ako galing at naniwala sila na ikaw ang nagsugo sa akin.
Sila ang ipinapakiusap ko. Hindi ang mundo ang ipinapakiusap ko kundi ang mga ibinigay mo sa akin dahil iyo sila. 10 Iyo ang lahat sa akin, at akin naman ang iyo, at naluwalhati ako sa kanila. 11 Wala na ako sa mundo ngunit nasa mundo pa sila habang pa­punta ako sa iyo. Amang banal, inga­tan mo sila sa iyong Pangalang ibinigay mo sa akin upang maging isa sila gaya natin.
7th Week of Easter
Jn 17:11-19 Wednesday
Binabasa ang pagpapatuloy ng pagdadasal ni Jesus at ang pagkokonsagra sa mga magpapatuloy ng misyon ni Jesus.
12 Nang kasama nila ako, iningatan ko sila sa iyong Pangalang ibinigay mo sa akin, at pinangalagaan ko sila at wala sa kanilang napahamak liban sa nagpa­hamak sa kanyang sarili upang maganap ang kasulatan. 13 At ngayon, papunta ako sa iyo at sinasabi ko ang mga ito habang nasa mundo upang maganap sa kanila ang aking kaga­lakan.
14 Ibinigay ko sa kanila ang salita mo at napoot sa kanila ang mundo sapagkat hindi sila mula sa mundo gaya nang hindi ako mula sa mundo. 15 Hindi ko ipinapa­ki­usap na alisin mo sila sa mundo kundi pangalagaan mo sila sa masama.
16 Hindi sila mula sa mundo gaya nang hindi ako mula sa mundo. 17 Pabanalin mo sila sa katotohanan. Katotohanan ang sali­ta mo. 18 Kagaya nang ako'y sinugo mo sa mundo, sinu­go ko rin sila sa mundo. 19 At alang-alang sa kanila'y pinababanal ko ang aking salita upang pati sila'y pabanalin sa katotohanan.
7th Week of Easter
Jn 17:20-26 Thursday

Binabasa ang patatapos ng High-Priestly Prayer ni Jesus sa Huling Hapunan. Dito,nagdadasal si Jesus pagkakaisa ng Simbahan. Dahil dito, kailangan tayong magsikap na magka-isa. Pagkatapos nito, nagpunta na sina Jesus at ang mga apostol sa Halamanan ng Gethsemani

Kaiba sa mga ibang 3 ebanghelyo, di masyadong  pinapakita ang nararamdaman na pagdurusa ni Jesus. Mababasa sa kabanata 12:27-28 Na Siya ay naparito para luwalhatiin ang oras ng luwalhati. Mapapansin din na ang paraan ng pagkukuwento ng mga nangyari kay Jesus sa Gethsemane ay nagpapaalala ng kung ano ang nangyari sa Hardin ng Eden. Si Adan ay nakausap ni Satanas. Makikita natin sa pelikulang "Passion of the Christ" nang pagpapaalala ng nangyari kay Adan. Nakita natin sa pelikula na nanduon ang demonyo na patuloy na tumutukso sa Panginoon na iwan ang kanyang Misyon. Nasabi pa nga kay Jesus na walang sinumang makakagawa ng gagawin niya dahil ang pagliligtas ng tao ay isang napakabigat ng bagay. Tinatatnong din ng demonyo kung sino ang Ama ni Jesus. Nakita natin na sa mga oras na iyon, patuloy ang pagdadasal ni Jesus at ang mga dasal na iyon ay mababasa din natin sa Psalms.
 Sa huling hapunan, sinabi ni Juan na ang pag alis ni Judas ay sa  gabi at umalis siya sa liwanag. Wala kay Juan ang kuwento sa pagdurusa sa hardin, wala din ang pagtulong sa Kanya ni Simon sa pagbuhat ng krus, wala din ang kadiliman nang si Jesus ay nasa Krus, at ang pagkapunit ng kurtina sa templo dahil pinalitan na ni Jesus ang templo. Sa pagpaptuloy ng kuwento pinapakita na si Jesus ay hari, pari o saserdote, at Siya ang kordero. (ganito din ang sa  sa prologue.)

Magbalik tanaw tayo  sa ating mga natalakay sa mga paggamit ng paghahati ng Bibliya ng Sambayanang Pilipino (Katolikong Edisyong Pastoral)  1) Ang paghuhugas ni Kristo ng mga paa 2) Ang pagpunta uli ni Kristo sa Ama. 3) Ang puno ng ubas at ang mga sanga 4) Ang pagsasalita ng pagkapoot ng mundo sa mga Kristiano 5) Ang pagdating ng Espiritu Santo. 5) ang pangako ng  bagong pamamalagi 6)  ang  panalangin ni Jesus sa bagon bayan na banal  at dito, pag-uusapan na natin ang pagdakip kay Jesus.

--- In katoliko@yahoogroups.com, "Eric Piczon" <eric_piczon@...> wrote:
>
> hello Groupmates!!
>
> Advanced Happy Anniversary sa inyo ha!!
>
> Ito na ang karugtong ng aking sasabihin sa napili kong gawin na oral
> presentation sa Friday! Sana ay magtuluy-tuloy na at sana din na
> maka-enganyo sa inyo ang gagawin ko para makasali di sa project na ito.
> Susubukan ko ulit na mailagay sa CD ang mga gagawin nating presentation
> para maipamigay sa ating mga kaibigan. At siempre, di mawawala ang
> paglalagay natin ng ating project sa Google Video o Youtube.
>

> Kaya...sali na! [:)]

> naisulat ang Ebanghelyo nang mga 90 AD15:21 kailangan naisasabuhay natin


> ang pagmamahal natin Kay Jesus.
> 15:22-24 Nananahan ang Santa Trinidad sa atin, ang estado ng grasya.
> 15:25-26 Ituturo ng ES ang lahat at ipapaalala ang lahat at nararamdaman
> natin ang karunungan ni Kristo, tulad na lang ng nasabi ni kristo sa
> pagsira ng templo at naalala nila na ang tinutukoy Niya ay ang kanyang
> pagkamatay.
> 15:27 Ang kapayapaan ng mundo ay bale wala sa kaluluwa pero ang kay
> Kristo ay kapayapaan ng kaluluwa.
> Sinasabi ng iba na dito ang parang orihinal pagtatapos nang nasusulat
> tungkol sa huling hapunan pero may tatlo pang mga kabanata ang sumunod.
> Sinasabi din dito na tayo ay dapat magpatotoo kay Jesus. Ang Espiritu
> Santo ay magpapatotoo kay Kristo. Tayo ay magpapaptotoo kay Jesus. Ang
> mga gawa natin ang magpapatotoo sa Kanya.
> Sinasabi sa ika-15 na kabanata na mapopoot ang mundo sa kanila dahil sa
> ang daan ng mundo ay iba sa daan ni Jesus.
>

Visit our Katoliko Geocities Homepage www.geocities.com/katolikogroup
Katoliko Group 360 Yahoo Page http://blog.360.yahoo.com/katolikogroup
and our Katoliko Group Youtube http://youtube.com/katolikogroup
Yahoo! Groups

Find Green Groups

Share with others

Help the Planet.

Cat Fanatics

on Yahoo! Groups

Find people who are

crazy about cats.

Endurance Zone

on Yahoo! Groups

Communities about

higher endurance.

.

__,_._,___

Eric Piczon

unread,
Oct 29, 2007, 1:52:19 PM10/29/07
to kato...@yahoogroups.com

Pakinggan ang pinakabago nating Oral Presentation na tumatalakay sa John 11 hanggang 17.

john Chapter 11-17

1 hr 0 min 9 sec - Oct 29, 2007
Hello Mga groupmates!!

Masaya ko ipinapaalam sa inyo na nakabuo na naman tayo ng Oral Presentation at ito ay tungkol sa Ebanghelyo ayon kay San Juan ika-11 na kabanata hanggang sa ika-17.Ang paglalagay sa CD ang isususnuod natin dito para maibigay sa mga groupmates natin at ibang tao na wala maysadong access sa computer. Susubukan natin na matapos ang Juan itong linggo na ito para makasimula ulit ng pag-aaral sa ibang libro ng Bagong Tipan.
Sana ay subukan ninyong tignan kung makakalahok kayo sa pahahanda ng oral presentation. Alam ko na magagamit tayo ng Panginoon sa paghahanda nating ginagawa na ito.

Siguro ay pagsanay na tayo sa paggawa ng Oral Presentation at tuluy-tuloy na ito, ang susunod na hakbang ay ang paggawa ng module para sa sa pag-aaral ng mga natalakay natin. Malayo pa siguro ito pero ipagpatuloy natin ang pagbuo ng mga ideya


your groupmate,
eric

Yahoo! Groups

Moderator Central

Connecting a world

of moderators.

Y! Messenger

Want a quick chat?

Chat over IM with

group members.

Endurance Zone

A Fitness Group

about overall

better endurance.

.

__,_._,___

PRINZ LUV

unread,
Oct 29, 2007, 3:09:39 PM10/29/07
to kato...@yahoogroups.com, kateki...@yahoogroups.com, pinoydefe...@yahoogroups.com

Napakaganda  aT napaka Linaw ng pagkagawa ni Bro eric sa Recording nitong Oral Presentation, sna mbigyan natin ng panahon na mapakinggan ang mga aral ng Ebanghelyo ayon ky Sn Juan, Salamt Po, & God Bless.



Eric Piczon <eric_piczon@yahoo.com> wrote:

Pakinggan ang pinakabago nating Oral Presentation na tumatalakay sa John 11 hanggang 17.
john Chapter 11-17

1 hr 0 min 9 sec - Oct 29, 2007
Hello Mga groupmates!!

Masaya ko ipinapaalam sa inyo na nakabuo na naman tayo ng Oral Presentation at ito ay tungkol sa Ebanghelyo ayon kay San Juan ika-11 na kabanata hanggang sa ika-17.Ang paglalagay sa CD ang isususnuod natin dito para maibigay sa mga groupmates natin at ibang tao na wala maysadong access sa computer. Susubukan natin na matapos ang Juan itong linggo na ito para makasimula ulit ng pag-aaral sa ibang libro ng Bagong Tipan.
Sana ay subukan ninyong tignan kung makakalahok kayo sa pahahanda ng oral presentation. Alam ko na magagamit tayo ng Panginoon sa paghahanda nating ginagawa na ito.

Siguro ay pagsanay na tayo sa paggawa ng Oral Presentation at tuluy-tuloy na ito, ang susunod na hakbang ay ang paggawa ng module para sa sa pag-aaral ng mga natalakay natin. Malayo pa siguro ito pero ipagpatuloy natin ang pagbuo ng mga ideya


your groupmate,
eric




FOR EVR LUVPRINZ FOR EVR LUVPRINZ FOR EVR LUVPRINZ


All new Yahoo! Mail
Get news delivered. Enjoy RSS feeds right on your Mail page.

Yahoo! 360°

Start Today

Get your own

place online

Y! Messenger

Quick file sharing

Send up to 1GB of

files in an IM.

Women of Curves

on Yahoo! Groups

A positive group

to discuss Curves.

.

__,_._,___

Eric Piczon

unread,
Nov 1, 2007, 3:55:58 AM11/1/07
to kato...@yahoogroups.com

Hello Groupmates!

Ipopost ko lang dito ang mga naipon ko nang sasabihin sa Oral Presentation natin na bubuuin  ko sa Sabado galing sa iba't ibang mga resources, lalo na sa EWTN series. Kulang pa ito at nasa kalahati pa lang ng chapter 18.

Sana ay makasama din kayo sa paggawa ng mga presentation kung makakalibre kayo sa oras. Ang presentation na ito ay tungkol sa Gospel ni St. John. Susubukan ko na matapos ang report ko sa Sabado at pagkatapos nito ay bubuo naman tayo ng presentation sa book of Acts.
Maraming salamat!


Ang pagdakip kay Jesus
 18     Pagkasabi ni Jesus ng lahat ng ito, lumabas siya kasama ang kanyang mga alagad sa kabilang-ibayo ng sapa ng Kedron. May bukid doon at puma­sok siya roon at ang kanyang mga alagad.

Gamitin natin ang mga puntos ng pagninilay ni St. Ignatius sa kanyang Spiritual Exercise. Ang mga puntos na ito ay di mababasa sa Ebanghelyo ni San Juan pero ito ay mababasa sa ibang Ebanghelyo, sa Mateo at sa Marco
1)Pagkatapos ng huling hapunan, at matapos ang pagkanta, si  Jesus ay punu ng takot nagpunta. Siya kasama ang mga disipulo sa Bundok ng Olivet. Iniwan ni Jesus ang walo "Sit here whilst i go yonder and pray"
2) Sinamahan nina St. Peter, St James, at St. John. Nagdasal siya ng 3 beses sa Ama "My Father, if it be possible let this cup pass from me yet not as I will but as thou wilt " "And falling inot agony He Prayed the more earnestly"
3) Napakatindi ng pagkatakot ni Jesus at nasabi niya na "My soul is sorrowful unto death" at Siya ay namawis ng dugo. Ito ay nagsasabi sa atin na ang kanyang suot ay nabasa din ng dugo.
18:1 Mababasa natin sa Lumang Tipan na nang habulin si Haring David ng kanyang anak, siya ay tumawid din sa sapa ng Kidron. Nakikita natin dito ang typology, na ang nangyari kay David ay nabibigyang liwanag ng nangyari kay Jesus. At sinabi na may bukid o hardin duon. Alam natin sa ibang ebanghelyo, ito ay ang gethsemane.
2 Duon sa hardin na iyon, siguro ay madalas magturo at magdasal sina Jesus at ang Kanyang mga alagad. Malamang na ang mga puno ng Olive duon ay buhay pa hanggang ngayon.
3 Dadakpin ng mga kasama ni Judas si Jesus. May mga kasama sila na mga romanong sundalo at  guwardiya sa templo para arestuhin si Jesus Makikita din na gumamit sila ng kanilang sariling ilawan at sulo dahil ayaw nila ang totoong ilaw.

4-8 Pinapakita na di natatakot si Jesus at nang sabihin Niya na "Siya nga" ginagamit Niya ang pangalan ng Diyos sa Kanyang sarili. Natumba sila sa lupa dahil pagka-Diyos ni Jesus. Nakikita din na sapat na ang salita ni Jesus para matalo ang mga dumadakip sa Kanya.
9-22 Gamitin natin ang mga puntos ng pagninilay ni St Ignatius para masabi ang mga susunod na nangyari. Ang pagninilay ay mula sa halamanan ng Gethsmane hanggang sa pagdadala kay Jesus kay Annas
1)Hinayaan ni Jesus na mahalikan siya ni Judas at mahuli tulad ng isang magnanakaw. Nang sabihin ni Jesus ang "Sino ang hinahanap ninyo?" Natumba ang mga naghahanap sa lupa.
2)
Ganito kailangang maganap ang salitang sinabi niya: "Hindi ko iwinala isa man sa mga ibinigay mo sa akin."
10 May tabak si Simon Pedro, binunot niya ito at tinaga ang utusan ng Punong-pari at tinagpas ang kanang tenga nito. Malko ang pangalan ng utusan. 11 Kaya sinabi ni Jesus kay Pedro: "Ibalik mo ang tabak sa suk­bitan nito. Hindi ko ba iinumin ang kalis na ibinigay sa akin ng Ama?"
3)Dinala si Jesus kay Annas. Sumunod si Pedro nang di lumalapit at itinangging kilala niya si Jesus. Sinuntok si Jesus sa mukha at sinabihan

9-11 Mababasa natin sa isang talata sa CCC
CCC1506 Iniimbitahan tayo ni Hesus na buhatin ang ating mga
krus. Maituturing natin na pagbubuhat ng krus ang mga panahon na tayo
ay nagdurusa, at sa panahon ng pagsunod natin sa turo ng Panginoon at
pagtalikod sa makamundong kagustuhan ng ating katawan. Hindi lahat ng
mga sakit ay hindi kaagad napapagaling o minsan ay hindi napapagaling
ng pagdadasal. Sinabi ni Saint Paul na ang ating pagdurusa ay may
katuturan "Natutuwa nga ako ngayon at tinitiis ko alang-alang sa
inyo ang kulang sa mga paghihirap ni Kristo ay pinupunan ko sa aking
laman alang-alang sa kanyang katawan, ang Iglesya." Col 1:24. Ang
sakripisyo ni Hesus at ang Kanyang mga gawa ay hindi na kailangan
dagdagan ngunit kailangang makibahagi tayo sa kanyang handog para sa
Ama. Tayo ay nagiging malapit sa kanya sa mga panahong naghihirap
tayo o tinatalikuran ang mga kasalan at ito ay nakakapagbigay ng
kabutihan para sa Iglesiya.

Sa inyong karanasan, anu-ano ang mga bagay na iniaalay ninyo kay Hesus para sa kabutihan ng kanyang Iglesiya?

12-14 ang paghahatol kay Annas ay ilegal dahil sa ang paghahatol ay ginawa sa gabi at dahil sa hindi siya ang punong saserdote o pari.
15-18 Nakita natin ang unang pagkakataon ng pagkakaila ni Pedro kay Jesus at nagpunta siya sa may siga o uling na may apoy na may kanilaman din sa huling kabanata.
23 Sinagot siya ni Jesus: "Kung nangusap ako ng masama. Patunayan mong masama; kung mabuti naman, bakit mo ako pinagbuhatan ng kamay?"
18:24-26 Gamitin natin muli ang 3 punto ni St. Ignatius
1) Dinala si Jesus nang nakatali mula sa bahay ni Annas patungo sa bahay ni Caifas kung saan ay ipagkaila siya ni San Pedro ng dalawa pang beses.  Nang tinignan si Pedro ni Jesus, umiyak si Pedro. Di na naisama ni St. Ignatius pero mababasa kay Juan ang tungkol sa pagtilaok ng manok.
2) nanatiling nakatali si Kristo ng buong araw. di mababasa sa Juan
3) Ang mga nagbantay sa kanya ay  nang-insulto, at nanuntok . Tinakpan nila ang  Kaniyang mukha at pinalo siya ng palad ng  kanilang mga kamay at nagatanong kung sino ang pumalo sa kanya.  Di ito mababasa sa  gospel in St. john.
Si Jesus sa harap ni Pilato
• 28 Mula kay Caifas, dinala si Jesus sa palasyo ng gobernador. Umaga na noon at hindi sila pumasok sa palasyo para makakain ng Hapunang Pampas­kuwa, kung hindi'y marurumihan sila ng lugar na iyon.
19-24 walang naisulat sa paghuhukom kay Caiphas at kay Herod.
25- pinapakita ang pagkakadapat ni Pedro na naisulat sa 4 na ebanghelyo.
28 di sila makapasok dahil ang gusali ay sa mga hentil , magiging marumi sila kung sila ay papasok kaya lumabas si Pilato at papasok para kausapin si Jesus.

18:29-40 magagamit natin ang 3 punto ng pagninilay ni St. Ignatius
1) Ang mga Judio ay nagdala kay Jesus kay Pilato at nagparatang  na sya ay laban sa pagbibigay galang kay Ceasar.
2) Matapos matanong si Jesus, nagsabi si Pilato na wala siyang nakikitang pagkakamali kay Jesus.
3) Mas pili ng mga tao si Barrabas at sinigaw nila ang :"Di ang taong ito kung hindi si Barrabas"
Malalaman na atin na ang Barrabas ay nangangahulgan ng Bar abba...na anparang nangangahulugan ay anak ni Daddy ...o Anak ni Itay. Napakinggan natin sa mga tinuturo ni Fr. Jun ng kahalaganan ng salitang Abba na pagtawag ng isang anak sa kanilang Tatay sa napaka personal na paraan. Nakita natin na pinili ng mga tao na mas pawalan si Barrabas kaysa sa  tunay na  Anak ng Ama.
Di natin mababasa kay Juan pero sa ibang Ebanghelyo, makikita natin na mula kay Pilato, dinala si Jesus kay Herodes kung saan siya ay tinanong. Pero hindi ito sinagot ni Jesus. Inakusahan din ng mga pari si Jesus. Kinutya ni Herodes at ng kanyang mga kasama si Jesus. Pagkatapos nito, dinamitan si Kristo ng puting damit.

Para sa ika-19th na kabanata,  tignan natin nag 3 puntos ni St. Ignatius nang madala si Jesus mula kay Herodes  papunta kay Pilato.
1) Pinadala ni Herodes si Jesus pabalik kay Pilato at dahil dito, sila Herodes at Pilato ay naging magkaibigan kahit noong una ay magka-away sila.
2) Pinahagupit si Jesus at ang mga sundalo ay gumawa ng koronang tinik at inilagay sa ulo ni Jesus. Nilagyan si Jesus ng pulang balabal at sinabi "Mabuhay ang Hari ng mga Judio"at pinagsasampal Siya.

3)
Nang muling lumabas si Pilato, sinabi niya sa mga Judio: "Narito't inilabas ko siya sa inyo upang mala­man n'yong wala akong matagpuang krimen sa kanya." Kaya lumabas si Jesus, suot ang tini­kang korona at ang kapang pulang-panghari. Sinabi sa kanila ni Pilato: "Hayan ang Tao!" Kaya nang makita siya ng mga punong-pari at mga bantay, nagsi­gawan sila: "Ipako sa krus! Ipako sa krus!"

Mula sa kay Pilato pupunta sa krus
Ito ang mga puntos na inirerekomenda na pagnilayan sa Spiritual Exercise.
1) Ipinaubaya ni Pilato si Jesus para maipako sa krus matapos na sabihin nila na hindi nila hari si Jesus at pagsabi ng "Wala kaming hari kung hindi si Caesar"
2) binuhat niya ang krus sa kanyang mga balikat. At nang Di Niya na makayan, pinilit ng mga sundalong romano si Simng Cyrene para buhatin ang krus.
3) Ipinako Siya sa gitna ng dalawang magnanakaw. May nakasabit na na titulong "Jesus of Nazareth, King fo the Jews"


14-16 Sinasabi ang pagdiriwang ng Paskuwa at nasabi na ang pagpapako ay naganap  sa ika-anim na oras o tanghaling tapa. o 12 nn , ang oras kung kailan ang mga kordero ay iniaalay sa templo.
Balikan natin ang mga tanda na ginawa ni Jesus .
1)Matatandaan natin ang 6 na tapayan o lalagyan ng tubig. at duon sinabi sa chapter 2 na ito duon ay ginagawa ang unang tanda ni Jesus.
2) Ang pangalawa ay ang pagpapagaling ng anak ng opisyal,
3)ang pangatlo ay ang pagpapagaling ng paralitiko,
4) ang pagpaparami ng tinapay ang 2nd na Paskuwa,
5) pagpapagaling ng bulag,
6) pag buhay muli kay Lazaro.
7) Ang pang huli ay ang pagkamatay ni Kristo at pagkabuhay muli ni Kristo.

 Inilagay ni Pilato ang INRI, Iesus Nazarenus, Rex, Iedurum. sa tatlong wika, Hebrew Latin at Greek. Bakit sa iba't ibang wika? dahil sinabi ni Jesus na ang lahat ng tao ay kanyang titipunin sa Kanya.
Ipinako si Jesus sa Krus.
Maganda na tignan natin ang mga istasyon ng Krus na ating pinagninilayan lalo na tuwing Mahal na Araw
  1. Christ condemned to death; paghatol ng pagpapako sa Krus kay Jesus
  2. the cross is laid upon him; pagbib
  3. His first fall; unang pagkakadapa ni Jesus
  4. He meets His Blessed Mother; Ang pagtatagpo ni Jesus at ni Maria
  5. Simon of Cyrene is made to bear the cross; pagbuhat ni Simon ng Krus
  6. Christ's face is wiped by Veronica; pagpahid ni Veronica ng mukha ni Jesus
  7. His second fall; pangalawang pagkakadapa ni Jesus.
  8. He meets the women of Jerusalem; pagtatagpo ni Jesus at ng mga babae ng Jerusalem
  9. His third fall; pangatlong pagkakadapa ni Jesus
  10. He is stripped of His garments; Tinanggalan ng damit si Jesus
  11. His crucifixion; Pagkakapako ni Jesus sa Krus
  12. His death on the cross;  Pagkamatay ni Jesus sa Krus
  13. His body is taken down from the cross; and Pagbababa ng katawan ni Jesus sa Krus
  14. laid in the tomb.Pagpasok ng katawan ni Jesus sa libingan.
Nang si Hesus ay nasa krus, ang isa sa kanyang intensyon ay ang paghahatid o "application" natin ng Grasya Niya mula sa krus. Nang dahil sa gawa Niya sa krus, naihahandog natin ang sakripisyo mismo ni Hesus sa ating mga sariling katawan. Ang Kanyang sakripisyo ay di lang para makita natin ang Kanyang kabaitan, pero para magkaroon tayo ng kakayahan sa tulong ng Kanyang grasya, na maialay ang kung ano ang inialay ni Hesus, ang iisa at walang hanggang pag-aalay ng sakripisyo. Naiaalay natin ang sakripisyo sa Diyos para ating sariling ikapagpapatawad at sa ikapagpapatawad ng mga tao at sa pamamagitan nito, tayo ay nakakapaghatid ng bunga ng sakripsiyo ni Hesus sa kanila

Dahil dito, nakikita natin na ang ating sariling kaligtasan ay may kakambal ng pakikibahagi natin sa nakakapanligtas na gawa ni Kristo para sa ibang tao.  At  dito,  tayo din  ay  nakagagawa ng mabuting bagay alang-alang sa mga patay sa purgatoryo, tulad ng paghahatid ni Hesus ng mabuting balita sa kanila sa Sabado de Gloria . Ang sakripisyo ni Hesus ay di nagbabago, iisa ang sakripisyo ng Misa at sakripisyo sa krus, magkapantay ang kapangyarihan nito noon hanggang ngayon.  Nagagawa natin sa ating mga sarili ang nagagawa ni Hesus sa krus nang dahil sa Misa. Eksaktong sakripisyo ni Hesus sa Viernes Santo ang nangyayari sa Misa, ang pagkakaiba lang ay hindi na ito isang madugong sakripisyo. Kung gayon, ang araw araw sa Misa para atin ay Viernes Santo at Sabado de Gloria dahil   sa pamamagitan ng gawa ng pari at ng mga mananampalataya, ang gawa ni Hesus ay nagpapatuloy sa bawat isa sa atin.

Sa episode 4 ng "Our Father's Plan" sa EWTN inulit na sa Gen 1 ang buong nilikha ng Diyos ay isang malaking templo at ang "garden", ayon naman sa  Gen 2, ay ang nagsisilbing "Holy of Holies". Sa Gen 3 naman ay ang pagkakasala ni Adam at ni Eve. Pinapakita nila na kahit sa unang libro pa lang ng Bibliya, nanduon na talaga tayo sa plano ng Diyos.
 
Pinakita din ang pagkakatulad nina Jesus at Adam.
  •  Na sa tadyang ni Adam kinuha ang babae,  sa tagiliran naman ni Jesus, naisilang ang Simbahan nang tusukin ang Kanyang tagiliran at umagos ang tubig at dugo (inaalala natin sa 3' o clock habit) 
  • Ang pagpapaalala sa atin na may relasyon ang mga nangyari kay Jesus sa kanyang pagpapakasakit at sa mga sinabing dadanasin ni Adam dahil sa pagkakasala:
Gen 3:18
Thorns also and thistles shall it bring forth to thee; and thou shalt eat the herb of the field;
 -->"Crowning with Thorns"
 
 
Gen 3:19
In the sweat of thy face shalt thou eat bread, till thou return unto the ground;
-->pagpapawis ni Jesus ng dugo
 
for out of it wast thou taken: for dust thou [art], and unto dust shalt thou return.
-->Pinapaala sa atin na ang lahat ay iiwan natin sa mundong ito, at kay Jesus, hubad Siya nang ipako sa Krus (Mt. 27:31)
Job 1:21 And said, Naked came I out of my mother's womb, and naked shall I return thither: the LORD gave, and the LORD hath taken away; blessed be the name of the LORD.
Tinawag naman si Abraham para sa plano ng Diyos para sa Israel( Gen 12:1-3)
  1. Magiging isang Bansa. Ito ay natupad para kay Isaac (Judio at Kristiano) at Ishmael (Mga Muslim)
  2. A great Name - paraan ng pananalita na ang ibig sabihin ay pagkakaron ng  dyanastic kingdom.(manggagaling ang hari ng Israel)
  3. Ang lahat ay pagpapalain ng Panginoon sa pamamagitan ni Abraham. Sa Gen 22 ay ang pinakamalaking pagpapala. Matapos subukan gawing pag-aalay ni Abaraham si Isaac, sumumpa ang Diyos na sa pamamagitan n Abraham, ang lahat ng tao ay pagpapalain. Ang pagpapala ay lalagpas pa sa pagpapala nina Adam at Eve noong sila ay malikha. at ito ay matutupad sa pamamagitan ni Jesus.

Fitness Zone

on Yahoo! Groups

Find Groups all

about healthy living.

Food Lovers

Real Food Group

on Yahoo! Groups

find out more.

Green Groups

on Yahoo! Groups

share your passion

for the planet.

.

__,_._,___

Eric Piczon

unread,
Nov 2, 2007, 4:37:29 AM11/2/07
to kato...@yahoogroups.com

hello Groupmates!
ito ang kasunod na bahagi ng aking irereport para sa Gospel ni St John mula sa kalagitnaan ng Chapter 19 hanggang sa Chapter 20.  Susubukan ko na matapos ang John sa Linggo na ito. Sana ay makapagdagdag kayo ng mga insights para maisama ko din sa report.
Para sa mga di pa nakakaalam, susubukan nating ibalik ulit ang oral presentation ng grupo at gagawa tayo ng mga paraan para mas marami pang mga groupmates ang maka-participate sa ganito.

Nakapost na ang presentation na ginawa nating last week at makikita ito sa link na ito:


john Chapter 11-17

1 hr 0 min 9 sec - Oct 29, 2007

ito ang babasahin ko sa susunod na oral presentation...sali na :)!

your groupmate,
eric
**********************

19:14-16 Sinasabi ang pagdiriwang ng Paskuwa. sa ika-anim na oras , ang oras kung kailan ang mga kordero ay iniaalay sa templo. Matatandaan natin ang 6 na tapayan o lalagyan ng tubig. at duon sinabi sa chapter 2 na ito duon ay ginagawa ang unang tanda ni Jesus. 2nd ay ang pagpapagaling ng anak ng opisyal, 3rd ay ang pagpapagaling ng paralitiko, 4th ang pagpaparami ng tinapay ang 2nd na Paskuwa, 5th pagpapagaling ng bulag, 6 pag buhay muli kay Lazaro. Ang pang huli ay ang pagkamatay ni Kristo at pagkabuhay muli ni Kristo. Inilagay ni Pilato ang INRI, Iesus Nazarenus, Rex, Iedurum. sa tatlong wika, Hebrew Latin at Greek. Bakit sa iba't ibang wika? dahil sinabi ni Jesus na ang lahat ng tao ay kanyang titipunin sa Kanya.

second halng ng episode 11

Ipinako si Jesus sa Krus

Nang si Hesus ay nasa krus, ang isa sa kanyang intensyon ay ang paghahatid o "application" natin ng Grasya Niya mula sa krus. Nang dahil sa gawa Niya sa krus, naihahandog natin ang sakripisyo mismo ni Hesus sa ating mga sariling katawan. Ang Kanyang sakripisyo ay di lang para makita natin ang Kanyang kabaitan, pero para magkaroon tayo ng kakayahan sa tulong ng Kanyang grasya, na maialay ang kung ano ang inialay ni Hesus, ang iisa at walang hanggang pag-aalay ng sakripisyo. Naiaalay natin ang sakripisyo sa Diyos para ating sariling ikapagpapatawad at sa ikapagpapatawad ng mga tao at sa pamamagitan nito, tayo ay nakakapaghatid ng bunga ng sakripsiyo ni Hesus sa kanila

Dahil dito, nakikita natin na ang ating sariling kaligtasan ay may kakambal ng pakikibahagi natin sa nakakapanligtas na gawa ni Kristo para sa ibang tao.  At  dito,  tayo din  ay  nakagagawa ng mabuting bagay alang-alang sa mga patay sa purgatoryo, tulad ng paghahatid ni Hesus ng mabuting balita sa kanila sa Sabado de Gloria . Ang sakripisyo ni Hesus ay di nagbabago, iisa ang sakripisyo ng Misa at sakripisyo sa krus, magkapantay ang kapangyarihan nito noon hanggang ngayon.  Nagagawa natin sa ating mga sarili ang nagagawa ni Hesus sa krus nang dahil sa Misa. Eksaktong sakripisyo ni Hesus sa Viernes Santo ang nangyayari sa Misa, ang pagkakaiba lang ay hindi na ito isang madugong sakripisyo. Kung gayon, ang araw araw sa Misa para atin ay Viernes Santo at Sabado de Gloria dahil   sa pamamagitan ng gawa ng pari at ng mga mananampalataya, ang gawa ni Hesus ay nagpapatuloy sa bawat isa sa atin.


Mga huling wika ni Jesus
Pagnilayan natin ang mga puntos ni St. Ignatius sa kanyang Spiritual Exercise

1)Nagsabi Siya ng pitong wika mula sa Krus. "Ama patawarin mo sila, di nila alam ang kanilang ginagawa" na pagdadasal  sa mga nagpako sa Kanya. "Sa araw na ito, makakasama kita sa Paraiso" na nagpapatawad sa magnanakaw. 25-27"Babae, iyan ang iyong anak. Anak, iyan ang iyong Ina" na paghahabilin ni Jesus sa kanyang Ina kay Juan. Ang sinabi na ito ni Jesus ay isa din sa pagpapatunay na nanatiling birhen si Maria. Sinasabi ng mga ibang hindi naniniwala sa Perpetual Virginity ni Mary na nagkaroon pa daw ng ibang anak si Maria. Kung totoo ito, bakit ihahabalin ni Jesus ang Kanyang Ina sa Kanyang alagad? At nasabi din ni Dr. Hanh na ang paghahabilin na ito ay ilegal  kung sakaling may kapatid pa na iba si Jesus kay Maria. Sinabi pa ni Jesus na "Nauuhaw ako "  at binigyan Siya ng sukang maiinom. "Ama, bakit mo ako pinabayaan", "Natapos na " at ang pagsabi Niya na"Ama sa mga kamay mo, inahahabilin ko ang Aking kaluluwa."
2) nasabi sa ibang ebanghelyo ang pagdilim ng araw, ang pagkabiyak ng mga bato, ang pagbukas ng mga libingan at ang pagkapunit ng kurtina ng templo mula taas pababa
3) Ang pagkutya ng mga tao "Ikaw na sisira sa templo, bumaba ka sa krus", ang pagpunit sa kanyang damit, ang pagtusok sa kanyang tagiliran at ang pag-agos ng dugo at tubig mula sa Kanya.

sinabi ni Fr. John Corapi na "No Cross, No Glory". Di dahil tayo ay mga masochist na naliligayahan mismo nang dahil sa mga paghihirap na nararanasan natin, sabi ni nga ni Dr. Hahn na tayo nga ay dapat pang tawaging mga oportunista dahil sa ang  kaunting  oras ng paghihirap natin sa mundong ito ay balewala sa kapalit na  walang hanggang pagiging kasama ng Diyos. Siguro nga kaya sinasabi ng iba (malamang ay si Bishop Sheen) na ang isa sa kasama ni Hesus sa Krus ay ang "Good Thief" ay puwedeng maintindihan sa isang konteksto kung saan ay tinuturing siya na isang napakagaling na magnanakaw dahil sa oras na iyon ay nanakaw niya ang langit kahit di siya karapat-dapat. Wala sa atin ang karapat-dapat sa pagmamahal ng Diyos at marapat lang na ito ay tawagin nating grasya  na nangangahulugan ding free o libre.
1-27 natatandaan natin na tinawag ni Jesus si Maria na babae sa Cana, nakikibahagi si Maria sa pagdurusa at pagkakamatay ni Jesus. Dito sinabi na kasama ni Maria si Juan sa paanan ng krus. ay ang imahen na si Juan ay ang simbahan at tinatanggap si Maria bilang Ina.   Ano kaya ang kahulugan nito? Inihabilin ni Jesus ang Kanyang Ina sa atin at di binanggit ang pangalan ni Juan dahil gusto niya na maging simbolo niya tayo. Sa Revelation 12:17 ang anak ng Babae ay ang lahat ng sumusunod sa utos ng Diyos at ang nagpapatotoo kay Jesus.

Ano nga ba ang Ark of  the Covenant? Narinig niyo na ba ang "Ark of the covenant, pray for us!" Bakit kasama  ang Ark of the Covenant sa ating mga dasal? Ano ang kaugnayan ng Ark of the Covenant kay Inang Maria?

 

Ang "Ark of the Covenant" ay naglalaman ng utos ng Panginoon, ng tinapay na nagmula sa langit o mana at  ng tungkod ni Aaron. Napakahalaga ng kaban na ito para sa mga Israelita. Ang Panginoon ang nagsabi kung paano gagawin ang "Ark of the Covenant" Exodus 25:10-21

Makikita natin na kasama ng mga Israelita ang kaban sa sa pag prosesyon nila sa palibot ng lunsod  ng Jericho at nang gumuho ang muog ng lunsod matapos na gawin nila ang iniutos ng Diyos

Sa paglalakbay ng mga Israelita sa disyerto, kasama nila ang Kaban ng Pakikipagtipan. At kapag bubuhatin nila ang kaban, sinasabi nila "Tumindig ka, Yawe, at pangalatin ang iyong mga kaaway; magsitakas nawa sa harap mo ang mga namumuhi sa iyo" at sa pagbababa nito, "Bumalik ka, Yawe, sa di mabilang na libu-libo ng Israel" (Num 10:33-36)

Makikita din natin na ito ay pinanggagalingan ng pagpapala 2 Sam 6:11.

 

Ano ang nangyari sa kaban? 

Basahin ang 2 mac 2:5-8

 

 

Sino ang nagtago sa Kaban ng Tipan o Ark of the Covenant? Kailan makikita muli ang Kaban ng Tipan?

 

Ayon sa 2 Mac  2:5-8 , tinago ni Jeremiah ang Kaban sa isang kuweba . May mga sumunod sa kanya ngunit di pa din nila makita kung saan ito nakatago. At sinabi na ang pangyayari na ito ay nasa 587 b.c.[newadvent.com]

Mananatiling sikreto ang pook na ito hangga't di naaawa ang Diyos sa watak-watak niyang bayan at tipunin sila. At muling ibubuyag ng Panginoon ang mga bagay na ito at makikita kasama ng ulap ang kanyang Luwalhati, kung paano ito nakita sa kapanahunan ni Moises at nang hilingin ni Solomon sa Diyos  na puntahan at pakabanalin ng kanyang Bahay.

 

"The Old is revealed in the New. The New is Hidden in the Old"

 

Ang mga tao, bagay at pangyayari na nakasulat sa Lumang Tipan ay mga anino ng mga magaganap sa Bagong Tipan. Dahil dito, makikita natin ang kaugnayan ng Lumang Tipan at Bagong Tipan. Makikita natin ang kahalagahan ni Inang Maria para sa atin at kung ano ang plano ng Diyos para sa kanya sa pag-aaral ng kabuang mensahe ng Salita ng Diyos..

 

Sa libro ng pahayag o Revelation, makikita natin na may sinasabi tungkol sa Kaban ng Pakikipagtipan matapos itong mawala ng mga 6 na siglo ...

 

 

 Rev 11:19-12:2 Nabuksan ang templo ng Diyos sa kalangitan at nakita ang Kaban ng kanyang Tipan sa loob ng kanyang templo. At saka may kidlat, ugong at kulog may lindol din at umuulan ng mga batong yelo.

 

at pagkatapos ng chapter 11:19, sa bibliya ito ay sinundan ng:

 

Rev 12:1 May lumitaw na dakilang tanda sa langit: isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin.

 

Ayon sa Rev11:19-12:2, nasaan ang Kaban ng Tipan?

 

Matapos ng mga 6 na siglo, sinabi ni Juan na nakita ulit ang Kaban. Ang Kaban ay ang babaeng nadaramtan ng araw, ang ating Ina na si Maria. Nang isulat ni Juan ang Revelation, hindi ito nahahati sa mga chapters. Kung di nahahati ang sinulat niya, madali nating makikita ang kaugnayan ng nasusulat sa Rev 11:19 sa sumusunod na verses sa 12:1.

 

Rev 11:19-12:2 Nabuksan ang templo ng Diyos sa kalangitan at nakita ang Kaban ng kanyang Tipan sa loob ng kanyang templo. At saka may kidlat, ugong at kulog may lindol din at umuulan ng mga batong yelo... May lumitaw na dakilang tanda sa langit: isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin.

 


Sinibat ang kanyang tagiliran, at may umagos na dugo at tubig
28-30 Sinabi ni Jesus na "natapos na". Tulad ng mababasa natin sa Isaiah, ang Salita ay gagawa ng kalooban ng Ama at babalik sa Ama. Sinabi ni Jesus na siya ay nauuhaw, ito ay pagkauhaw Niya sa pagmamahal ng babaeng Samaritana.
31. Ang pagpatay ng mga kordero ay nangyayari ng alas 3 sa araw ng paghahanda bago ang paskuwa. Ang Paskuwa ay nagsisimula sa ika 6 ng gabi. at dahil dito para mailibing ang mga nakapako, pinabali nila ang mga binti para mamatay. Sinasabi sa mga nagpapaliwanag ng mga nangyayari sa pagpako sa krus na mahalaga sa mga napapako na maiangat ang sarili para makahinga at makapagsalita. Kaya pag binali na ang mga binti, mahihirapan nang huminga ang mga nakapako na hahantong sa kanilang pagkamatay.

32 Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at ng isa pang kasama niyang ipinako sa krus. 33 Ngunit pagsapit nila kay Jesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. 34 Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran, at biglang may umagos na dugo at tubig. 35 Ang nakakita ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At Siya ang naka­aalam na totoo ang sinasabi niya para maniwala kayo.
36 Gayon kailangang maganap ang Kasulatan: Walang babaliin sa kanyang mga buto. 37 At sinasabi ng isa pang Kasulatan: Pagmamasdan nila ang kanilang sinibat.
31-37 Mababasa ang pag-agos ng tubig at dugo sa tagiliran ni Jesus. Nakikita ng marami na ang imahen na dito ay nagpapaalala ng pagkakakuha kay Eba sa katawan ni Adan. Sa 35, pinakita ang patotoo na parang Korte. Sinasabi sa "a doctor at Calvary" na libro na sinulat ng doktor, na ang mga pinapako ay namamatay dahil sa affixiation kung saan ang likido ng katawan ay pumupuno sa baga ng tao. Nang tusukin ang tagiliran ni Jesus, umagos ang mga likido mula sa baga ni Jesus at ang tubig mula sa Kanyang puso. Bakit  kaya ito mahalaga kay Juan? dapat nating tandaan ang nangyari sa feast ng tabernacle na aagos sa Kanya ang tubig ng buhay. at pinapasabi ni Juan ni si Jesus ang tunay na templo at ang tunay na altar ay ang Kanyang puso. Ang Espiritu Santo ay ang ang tubig.
May malalim din na kahulugan na nakikita ang marami tungkol sa pagbibigay ng Espiritu Santo sa punto na itoKapag titignan natin ang  nasa 7:39, ang E.S. ay di pa naiibigay dahil hindi pa naluluwalhati si Jesus. Sinasabi na ito ay nagpapahayang ng katotohanan ng Santa Trinidad o Holy Trinity. Ang imahen ng Ama ay ang Anak. Minamahal ng Ama ang Anak.  Nakikita ng Anak ang kabutihan ng Ama at gusto niyang ibigay ito pabalik ito sa Ama. ibinibigay ng Anak ang sarili sa Ama, at ang nanduon ang pagmamahal ng Anak sa Ama at ng Ama sa Anak.. Ang pagmamahal na iyon ay ang Espiritu Santo. 


 38 Pagkatapos ay nakiusap kay Pilato si Joseng taga-Arimatea – ala­gad nga siya ni Jesus pero palihim dahil sa takot sa mga Judio – upang maalis niya ang katawan ni Jesus. At pinahintulutan siya ni Pilato. Kaya pumaroon siya at inalis ang katawan niya.
38
CCC 982 Walang kasalanan, kahit gaano kabigat, na hindi
mapapatawad ng simbahan. Walang hindi makakaasa ng
kapatawaran kung ang kanyang pagsisisi ay totoo. Si
Kristo na namatay para sa lahat ng tao upang, sa
kanyang simbahan, ang pagpapapatawad ay laging para sa
mga taong lumalayo sa kasalanan.

Bibilangin natin ulit ang mga tanda, sinabi ni Juan na ang unang tanda ay ang pagpalit sa tubig na naging alak,  ang pangalawa ayon kay San Juan ay ang pagpapagaling sa anak ng opisyal. At matapos ay iniwan na sa atin ang pagbibilang. Ang muling pagkabuhay ni Lazaro ay ang pang 6, ang ika pito ay ang passion death at resurrection ni Kristo. Ang pito ay simbolo ng paglilikha at ginamit ni San Juan ang 7 para sa bagong paglikha. Sa Linggo ay ang bagong paglikha.

Pagnilayan natin ang 3 punto sa Spritual Exercise.
1)Ibinaba si Jesu mula sa Krus nina Joseph at Nicodemus sa piling ng kanyang Ina.
2)Binuhat ang katawan papunta sa libingan.
3) Nilagyan ng Guwardiya ang libingan.
41 pinansin ni Dr. Scott hahn ang pag banggit ng halamanan, at nagsabi na hanggang sa puntong ito, pinapaalala na ang nagaganap mula sa Gethsemane hanggang sa paglilibing ay may kaugnayan at katupara sa mga nangyari sa kuwento ng ating mga unang magulang, adam at Eba, sa halamanan/

Nabuhay ang Panginoon
Easter
Jn 20:1-9 sunday
Jn 20:2-8 John, Apostle and Evangelist 3rd Octave of Christmas
notes sa Katesismo ni Bishop Bacani
pagkabuhay muli ni Jesus

*May biro daw na kaya babae ang mga unang testigo ng pagkabuhay na muli ay para kumalat ulit ang balita.
*May mga nagbantay na mga sundalong romano
may mga testigo na mga alagad, di lang si pedro o apostol, mga 500 na tao.
*Ang iba nagpapakalat na di daw namatay pero napatunayan ni Juan na nakita niya mismong namatay si Jesus at may umulos sa Kanyang tagiliran at umagos ang tubig at dugo.
*Si Lazaro ay talagang namatay at na at binuhay ulit. Pero kaiba ito sa Resurrection ni Jesus dahil ang iba ay namatay ulit pagkabuhay nila.
*Ang buhay ni Jesus ay iba na sa buhay Niyan noon. Ang katawan Niya ay nag-iba na, ito ay naging esperitwal na, punung-puno ng Espiritu ng buhay.
Ang Kanyang anyo ay iba na din, tulad ng pag-aakala na Siya ay hardinero hanggang tawagin niya si Maria sa pangalan, at ng di pagkakakilala sa daan sa Emaus hanggang sa pagpirapirasuhin nag tinapay, sa pangingisda nila, di nila nakilala hanggang sa pagkahuli ng isda.

-->kahulugan ng Resurrection
*si Kristo ay buhay at ganap na kasama natin. Emmanuel ''God is with us"
*noon kung Siya ay nasa Nazareth wala Siya sa Egypt. Limited pa sa space.
*Joke: Flight to Egypt, nasa airplane si Mary, Joseph at si Jesus, ang nasa harap ay si Pontius the pilot.
*Ang pinakamalalang nagawa ng tao ay hindi genocide kung hindi deicide. *Puwedeng payagan ng Diyos ang masamang mga bagay para mas biyayaan ang tao.
Nang mamatay si Jesus, mabilis Siyang inilibing dahil iyon ang araw ng paghahanda at wala na silang oras. Ang mga babae ay pupunta sa libingan.

1-3 Malamang na sinusulat ito ni Juan na nasa isip na alam na ng  mga nagbabase ang nangyari sa Muling-pagkabuhay kaya pinaiikli niya ang kuwento.
4-7 siguro ay iginagalang ni Juan ang posisyon ni Pedro kaya niya siya pinauna. Nakita nila na wala ang katawan ni Jesus pero nanduon pa ang pambalot.
8 Hindi siguro naniwala si Juan pero nang makita niya na wala na ang katawan sa libingan, siya ay naniwala. Mas naniniwala si Juan na si Kristo ang muling pagkabuhay at ang buhay.
9-12 kahit nakita niya ang mga anghel, bale wala sa kanya
13-14 Makikita natin na pati sa ibang ebanghelyo, di kaagad nila nakikilala si Jesus.
15 bakit hardinero, dahil may kumalat na balita na ang hardin na malapit sa libingan ay natakot na masira ang kanyang hardin kaya kinuha nya ang katawan ni Jesus. bakit kaya  sinasabi ni Juan na may Hardin duon. Makikita natin na sa 19:41 Sinabi na sa pinagpakuan ni Jesus ay may halamanan at sa halamanan na iyon ay may libingan na wala pang naililibing
15-16 tulad ng nasabi ni Jesus na siya ang mabuting tupa na tumatawag sa pangalan ng kanyang tupa at siya ay nakikilala.  Sinasabi ang halamanan pinapakita ang katuparan ng mga nangyari sa Genesis kung saan ang nanduon din ang Halamanan at nanduon sina Adan at Eba sa Gen 2.  
17 Makikita natin na ibinabahagi ni Jesus ang kanyang pagiging anak pero Siya ang tanging bugtong na Anak kaya may pagkakaiba ang pagiging anak natin kumpara sa pagiging Anak Niya  na makikita natin sa sinabi niya na Ama ko at Ama ninyo dahil sa pagiging anak sa magkaibang paraan. Ayaw pahawak nii Jesus kay Mary Magdalene. Ang pag-akyat ay nakikita din natin sa mga sinusunog na pagaalay, na simbolo ng pagtanggap ng Diyos sa pagakyat ng usok. bakit nawakan ni Tomas si Kristo, dahil maaring hawakan ng mga saserdote ang mga iniaalay na susunugin.
Ang doktrina tungkol sa "Infallibility" ay tumutukoy sa grasya na pinagkaloob ng Panginoon upang mapigilan ang anumang pagkakamali sa pagtuturo ng totoong
pananampalataya. Ang grasyang ito ay tumutulong sa Santo Papa sa loob ng 3 kondisyon:

1)Siya ay nagsasalita bilang Ulo ng Simbahan sa kapangyarihan ng posisyon ni San Pedro
2)Siya ay nagtuturo sa aspeto ng moral at ng pananampalataya.
3)Ang pagtuturo ay kanyang pinatatanggap sa lahat ng tao.

notes sa article ng
Catholic Answer sa Infallibility
Ayon sa Vatican II ang mga obispo ay Infallible din kahit sila ay kalat sa iba't ibang bansa sa tuwing sila ay nagpapahayag ng pananampalataya hangga't sila ay nagkakaisa at kasama nila ang Sto. Papa tungkol sa isang pananaw sa moral at faith na dapat sampalatayanan ng  mga tao, ang halimbawa nito ay ang mga nangyayari sa Ecumenical Council

Ibibigay ko sa iyo [soi=singular you] ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo [deses=singular you] dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, ang kalagan mo [luses= singular you] dito sa lupa ay kakalagan dinsa Langit."Mt 16:19
Image Talagang sinasabi ko sa inyo :  ang talian ninyo [pangmaramihan] sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo [pangmaramihan] dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.  (Mat 18:18)
 


  • Simon, Simon, hinihingi ni Satanas na salain kayong [pangmaramihan] tulad ng trigo pero ipinagdasal kita [singular] nang di bumagsak ang iyong [singular] pananampalataya. At sa pagbabalikloob mo [singular] naman , patatagin mo [singular] ang iyong mga kapatid.( Luke 22:31 -32)


  • Makikita natin ang mga ebidensiya nito pati sa Bibliya sa "He who hears you hears me" (Luke 10:16), at "Whatever you bind on earth shall be bound in heaven" (Matt. 18:18).
  • Ang Tungkulin ni Pedro na kaiba sa ibang mga Apostoles. Ang gagampanan ni Pedro sa Simbahan ay nasusulat sa "At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya." Mateo 16 : 18 Ayon sa Katekismo ng Iglesia Katolika

18 Hindi naniwala ang mga alagad ni Jesus sa kanya.
19 Ang apostoles ay may kahulugan na pinadala. Pinadala ng Ama ang Anak, pinadala naman ng Anak ang mga apostoles para ipayahayag ang mabuting balita.
20-23 Sinabi ng konsilyo ng Trent  na sa puntong ito, binigay ni jesus ang kapangyarihan sa Simbahan na magpatawad ng kasalanan. Hiningahan ni Jesus ang mga apostoles para matanggap nila ang Espiritu Santo. Ang Genesis din ay mayroong pangyayari ng paghinga ng Panginoon kay Adam, ganoon din ang ginawa ni Jesus sa mga apostoles. Pagpapakita ulit ng bagong paglikha. Ngayon, ang Espiritu ay nasa labas na ng templo dahil sa bagong paglikha
>

Food Lovers

Real Food Group

on Yahoo! Groups

find out more.

Yahoo! 360°

Get Started

Your place online

To share your life

Green Groups

on Yahoo! Groups

share your passion

for the planet.

.

__,_._,___

Eric Piczon

unread,
Nov 5, 2007, 3:36:59 AM11/5/07
to kato...@yahoogroups.com

Hello Groupmates!

Ito na siguro ang huling notes kong maipopost  bago ang pagtatapos ng reporting natin sa Gospel ni St. John! Siguro isasabay ko na lang sa pagpopost ng video ang mga babasahin ko sa ika-21 na chapter ng Juan.  Masaya ako at nakapagsimula na ang Bible School on the Air sa New Testament, para mas mapadali ang pag-aaral natin ng Bagong Tipan!

Pagkatapos nito, magrerecruit ako ng makakasama para sa pagrereport sa "libro ng mga gawa" o "Acts ".  Ito'y magsisimula pagkatapos ng reporting.  Mag-iimbita sana ako ng magprepresent ng mga mabubuo nating notes. May mga nagawa na din ako at sa tingin ko ay di naman tayo mahihirapan pagbuo nito. Kaya kung kayo ay may libreng oras at makakayanang magsantabi muna ng ating pagkamahiyain para makareport, sana ay maipagbigay alam sa grupo o kahit sa akin eric_piczon@yahoo.com para maka-coordinate tayo sa bubuuin nating report na ito.

Paalala lang na patuloy ang imbitasyon natin sa paggawa ng notes o presentation bukod pa sa ating mga sharing ng mga reflections ng Salita ng Diyos.  Siguro nga, maituturing natin na namumulaklak na ang ating project kapag may mga magkakasabay na paggawa ng magkakaibang presentations at pagprepresent nito sa grupo. kung mayroon man kayong makitang mga challenges sa paggawa nito ay ipagbigay alam lang sa grupo!

aabangan natin iyan :)

your groupmate,
eric

Chapter 20


1-27 natatandaan natin na tinawag ni Jesus si Maria na babae sa Cana, nakikibahagi si Maria sa pagdurusa at pagkakamatay ni Jesus. Dito sinabi na kasama ni Maria si Juan sa paanan ng krus. ay ang imahen na si Juan ay ang simbahan at tinatanggap si Maria bilang Ina.   Ano kaya ang kahulugan nito? Inihabilin ni Jesus ang Kanyang Ina sa atin at di binanggit ang pangalan ni Juan dahil gusto niya na maging simbolo niya tayo. Sa Revelation 12:17 ang anak ng Babae ay ang lahat ng sumusunod sa utos ng Diyos at ang nagpapatotoo kay Jesus.

Sinibat ang kanyang tagiliran, at may umagos na dugo at tubig

28-30 Sinabi ni Jesus na "natapos na". Tulad ng mababasa natin sa Isaiah, ang Salita ay gagawa ng kalooban ng Ama at babalik sa Ama. Sinabi ni Jesus na siya ay nauuhaw, ito ay pagkauhaw Niya sa pagmamahal ng babaeng Samaritana.

31. Ang pagpatay ng mga kordero ay nangyayari ng alas 3 sa araw ng paghahanda bago ang paskuwa. Ang Paskuwa ay nagsisimula sa ika 6 ng gabi. at dahil dito para mailibing ang mga nakapako, pinabali nila ang mga binti para mamatay. Sinasabi sa mga nagpapaliwanag ng mga nangyayari sa pagpako sa krus na mahalaga sa mga napapako na maiangat ang sarili para makahinga at makapagsalita sa pamamagitan ng pag-unat ng kanilang mga binti. Kaya pag binali na ang mga binti, mahihirapan nang huminga ang mga nakapako na hahantong sa kanilang pagkamatay.

32 Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng una at ng isa pang kasama niyang ipinako sa krus. 33 Ngunit pagsapit nila kay Jesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. 34 Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran, at biglang may umagos na dugo at tubig. 35 Ang nakakita ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At Siya ang naka­aalam na totoo ang sinasabi niya para maniwala kayo.
36 Gayon kailangang maganap ang Kasulatan: Walang babaliin sa kanyang mga buto. 37 At sinasabi ng isa pang Kasulatan: Pagmamasdan nila ang kanilang sinibat.

31-37 Mababasa ang pag-agos ng tubig at dugo sa tagiliran ni Jesus. Nakikita ng marami na ang imahen na ito ay nagpapaalala ng pagkakakuha kay Eba sa katawan ni Adan. Sa 35, pinakita ang patotoo na parang nasa Korte. Sinasabi sa librong "a doctor at Calvary" na sinulat ng doktor, na ang mga pinapako ay namamatay dahil sa affixiation kung saan ang likido ng katawan ay pumupuno sa baga ng tao. Nang tusukin ang tagiliran ni Jesus, umagos ang mga likido mula sa baga ni Jesus at ang tubig mula sa Kanyang puso. Bakit  kaya ito mahalaga kay Juan? dapat nating tandaan ang nangyari sa feast ng tabernacle na aagos sa Kanya ang tubig ng buhay. at pinapasabi ni Juan na si Jesus ang tunay na templo at ang tunay na altar ay ang Kanyang puso. Ang Espiritu Santo ay ang ang tubig.
May malalim din na kahulugan na nakikita ang marami tungkol sa pagbibigay ng Espiritu Santo sa punto na ito. Bakit kaya kinailangan ang pagpapakasakit ni Jesus, at pagkamatay para maibigay ang Espiritu Santo? Kapag titignan natin ang  nasa verse 7:39, ang E.S. ay di pa naiibigay dahil hindi pa naluluwalhati si Jesus. Sinasabi na ito ay nagpapahayang ng katotohanan ng Santa Trinidad o Holy Trinity. Ang imahen ng Ama ay ang Anak. Minamahal ng Ama ang Anak.  Nakikita ng Anak ang kabutihan ng Ama at gusto niyang ibigay ito pabalik ito sa Ama. Ibinibigay ng Anak ang sarili sa Ama na nakikita natin lalo na sa pagpapapako ni Jesus sa Krus, at nanduon ang pagmamahal ng Anak sa Ama at ng Ama sa Anak.. Ang pagmamahal na iyon ay ang Espiritu Santo. Sa mga pangyayaring ito at sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, nakikita ng iba ang realidad sa Santa Trinidad o sa BAnal na Santatlo.


 38 Pagkatapos ay nakiusap kay Pilato si Joseng taga-Arimatea – ala­gad nga siya ni Jesus pero palihim dahil sa takot sa mga Judio – upang maalis niya ang katawan ni Jesus. At pinahintulutan siya ni Pilato. Kaya pumaroon siya at inalis ang katawan niya.

38 CCC 982 Walang kasalanan, kahit gaano kabigat, na hindi
mapapatawad ng simbahan. Walang hindi makakaasa ng
kapatawaran kung ang kanyang pagsisisi ay totoo. Si

Kristo ay namatay para sa lahat ng tao upang, sa
pamamagitan ng kanyang simbahan, ang pagpapapatawad ay posible lagi para sa


mga taong lumalayo sa kasalanan.


Bibilangin natin ulit ang mga tanda, sinabi ni Juan na ang unang tanda ay ang pagpalit sa tubig na naging alak,  ang pangalawa ayon kay San Juan ay ang pagpapagaling sa anak ng opisyal. At matapos ay iniwan na sa atin ni Juan ang pagbibilang. Ang muling pagkabuhay ni Lazaro ay ang pang 6, ang ika pito ay ang passion death at resurrection ni Kristo. Ang pito ay simbolo ng paglilikha at ginamit ni San Juan ang 7 para sa bagong paglikha. Sa Linggo ay ang bagong paglikha.


Pagnilayan natin ang 3 punto sa Spritual Exercise.
1)Ibinaba si Jesu mula sa Krus nina Joseph at Nicodemus sa piling ng kanyang Ina.
2)Binuhat ang katawan papunta sa libingan.
3) Nilagyan ng Guwardiya ang libingan.

41 pinansin ni Dr. Scott hahn ang pag banggit ng halamanan, at nagsabi na hanggang sa puntong ito, pinapaalala na ang nagaganap mula sa Gethsemane hanggang sa paglilibing ay may kaugnayan at katuparan sa mga nangyari sa kuwento ng ating mga unang magulang, na sina  adam at Eba, sa halamanan/


Nabuhay ang Panginoon
Easter
Jn 20:1-9 sunday
Jn 20:2-8 John, Apostle and Evangelist 3rd Octave of Christmas
 

Sa pagbasa natin ng mga nasusulat sa ika-20 na kabanata maganda na isama natin sa pagninilay ang mga pagpapakita ni Jesus sa Kanyang pagka-buhay na muli
1-3 Malamang na sinusulat ito ni Juan na nasa isip ang mga mambabasa na may  alam na ng  nangyari kaya nasasabi ng mga iskolar ng Banal na Kasulatan na pinaiikli niya ang kuwento.
Ang unang pagninilay dito sa Spiritual Exercise
1)Nagpakita si Jesus kay Maria na kahit di nababanggit ng tuwiran ay napakapaloob na mensahe nang sabihin sa Biblia na si Jesus ay nagpakita sa marami.
 
SA ibang ebanghelyo,   ikunuwento ang pangalawa at ang pangatlong pagpapakita ni Jesus
2)pagpapakita kay Maria Magdalena matapos maiwanan nina Maria nanay ni Santiago at ni Salome sa libingan pagkatapos masabihan ng isang persona na si Jesus ay wala na duon at nabuhay na muli.
3) Nagpakita si Jesus sa 2 Maria na galing sa libingan, puno ng takot at ligaya para sabihin ang pagkabuhay na muli ni Kristo at nasabihan sila ni Jesus na sabihin ito sa kanila at papuntahan sila sa Galilee
4) a)sa ika-20 na kabanata ng Juan, ikinuwento ang pang-apat na pagpapakita Nang madinig ni Pedro ang pag-urong ng bato nagpunta siya sa libingan kasama ang isang disipulo na naunang dumating duon. Ang  disipulo na iyon ay sinasabing si Juan na naunang nakapunta kaagad dahil sa mas bata siya.
b) pinaunang makapasok ng isang disipulo, na si Juan, si Pedro at nakita niya ang mga tela na naiwan duon. Wala na ang katawan. sa 4-7 siguro ay iginagalang ni Juan ang posisyon ni Pedro kaya niya siya pinauna. Nakita nila na wala ang katawan ni Jesus pero nanduon pa ang pambalot.20:8 Hindi siguro naniwala si Juan pero nang makita niya na wala na ang katawan sa libingan, siya ay naniwala. Mas naniniwala si Juan na si Kristo ang muling pagkabuhay at ang buhay.
c) nang iniisip ni Pedro ang mga nangyari, nagpakita sa kanya si Kristo, kaya nga nasabi ng mga apostoles na "Ang Panginoon ay nabuhay nga at nagpakita siya kay Simon"
20:13-14 Makikita natin na pati sa ibang ebanghelyo, di kaagad nila nakikilala si Jesus.
20:15 bakit hardinero, dahil may kumalat na balita na ang hardin na malapit sa libingan ay natakot na masira ang kanyang hardin kaya kinuha nya ang katawan ni Jesus. bakit kaya  sinasabi ni Juan na may Hardin duon. Makikita natin na sa 19:41 Sinabi na sa pinagpakuan ni Jesus ay may halamanan at sa halamanan na iyon ay may libingan na wala pang naililibing

sa 20:15-16 MAbabasa natin ang pagpapakita ni Jesus kay Maria Magdalena. Tulad ng nasabi ni Jesus na siya ang mabuting tupa na tumatawag sa pangalan ng kanyang tupa at siya ay nakikilala.  Sinasabi ang halamanan pinapakita ang katuparan ng mga nangyari sa Genesis kung saan ang nanduon din ang Halamanan at nanduon sina Adan at Eba sa Gen 2.  
17 Makikita natin na ibinabahagi ni Jesus ang kanyang pagiging anak pero Siya ang tanging bugtong na Anak kaya may pagkakaiba ang pagiging anak natin kumpara sa pagiging Anak Niya  na makikita natin sa sinabi niya na Ama ko at Ama ninyo dahil sa pagiging anak sa magkaibang paraan. Ayaw pahawak nii Jesus kay Mary Magdalene. Ang pag-akyat ay nakikita din natin sa mga sinusunog na pagaalay, na simbolo ng pagtanggap ng Diyos sa pagakyat ng usok. Maitatanong natin kung bakit nahawakan ni Tomas si Kristo, dahil maaring hawakan ng mga saserdote ang mga iniaalay na susunugin.
5) Ang pagpapakita sa mga disipulo na papunta sa Emmaus
6) sa 20:19-23 a) nagtipon ang mga disipulo dahil sa takot nila sa mga Judio, wala duon si Thomas. b) Nagpakita sa kanila si Jesus kahit nakakandado ang mga pinto at Siya ay nagsabi ng "Sumainyo ang kapayapaan"

18 Hindi naniwala ang mga alagad ni Jesus sa kanya.
19 Ang apostoles ay may kahulugan na pinadala. Pinadala ng Ama ang Anak, pinadala naman ng Anak ang mga apostoles para ipayahayag ang mabuting balita.
20-23 Sinabi ng konsilyo ng Trent  na sa puntong ito, binigay ni jesus ang kapangyarihan sa Simbahan na magpatawad ng kasalanan. Hiningahan ni Jesus ang mga apostoles para matanggap nila ang Espiritu Santo. Ang Genesis din ay mayroong pangyayari ng paghinga ng Panginoon kay Adam, ganoon din ang ginawa ni Jesus sa mga apostoles. Pagpapakita ulit ng bagong paglikha. Ngayon, ang Espiritu ay nasa labas na ng templo dahil sa bagong paglikha

    24-27 nabasa natin na nakakakandado pa ang pinto dahil sila ay natatakot. Nasaan kaya si thomas dahil wala siya duon. Siguro nasa labas siya at kumukuha ng mga pagkain para sa mga nasa loob. MAtatandaan natin ang nasulat tungkol kay Thomas sa  Chapter 11, na kahit ang  iba ay pumipigil sa pagpunta ni  Jesus sa  Judea para kay Lazaro, pero iba ang pananaw ni Thomas at sinabi ni thomas na sumama kay Jesus at mamatay kasama Niya. Makikita natin na puwede nating masabi na ang tapang ni Thomas
7) sa verses 20:24-29 a) Dahil wala duon si Tomas nang magpakita si Jesus, hindi sya naniwala at sinabi "hanggang di ko nakikita, hindi ako naniniwala" b) matapos ang walong araw, nagpakita si Jesus kahit na nakasara ang mga pinto, sinabi ni Jesus kay Tomas na "Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at huwag tumangging maniwala kundi ma­niwala!"  c) Sumagot si Tomas sa kanya: "Pangi­noon ko at Diyos ko – ikaw!" 29 Sinabi sa kanya ni Jesus: "Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala." Nasabi ni Fr. Jun na may malalim na kahulugan. Ang paniniwala ay di kinakailangan ng mga nakakita na, pero nasabi ni Tomas na siya ay naniniwala matapos nyang makita si Jesus. Sa mas malalim na kahulugan, sa puntong ito, sinabi ni Fr. Jun na hindi ang pagkabuhay na muli ang tinutukoy ni Tomas na kanyang paniniwalaan  dahil nakita niya na ang pagkabuhay na muli. Ang sinasabi niyang pinaniniwalaan niya ay ang pagka-Diyos ni Jesus.
 
28-30 May mga naniniwala na ito na sana ang huling verse sa Ebanghelyo . Ang pananampalataya nang hindi nakikita ay nagdadala sa atin sa bagong buhay kay Kristo.
Matututo tayo sa mga sinabi ni Bishop Ted BAcani sa kanyang programang Katesismo ni Bishop Bacani tungkol sa pagkabuhay muli ni Jesus. Maraming patunay ang pagkabuhay na muli ni Kristo. Talagang napakabigat ng mga ebidensiya at hindi maikakaila ang kanyang pagkabuhay. ito ang mga punto na ibinigay niya.
1) May mga nagbantay na mga sundalong romano kaya di masasabi na may nagnakaw ng katawan ni Hesus. Ang parusa sa  paghahayang manakaw ang katawan ay kamatayan
2)may mga testigo na mga alagad, di lang si pedro o apostol, mga 500 na tao.
3)Ang iba nagpapakalat na di daw namatay pero napatunayan ni Juan na nakita niya mismong namatay si Jesus at may umulos sa Kanyang tagiliran at umagos ang tubig at dugo.



*Si Lazaro ay talagang namatay at na at binuhay ulit. Pero kaiba ito sa Resurrection ni Jesus dahil ang iba ay namatay ulit pagkabuhay nila.

Sinabi din ni Bishop Bacani ang kahulugan ng Resurrection


*si Kristo ay buhay at ganap na kasama natin. Emmanuel ''God is with us"

*noon kung Siya ay nasa Nazareth wala Siya sa Egypt. Limited pa sa space. pero ngayon, di na nalilimitahan ng espasyo at oras ang kanyang lugar.
*Ang pinakamalalang nagawa ng tao ay hindi genocide kung hindi deicide. *Puwedeng payagan ng Diyos ang masamang mga bagay para mas mabuting ibubunga
--------------


 
Ang doktrina tungkol sa "Infallibility" ay tumutukoy sa grasya na pinagkaloob ng Panginoon upang mapigilan ang anumang pagkakamali sa pagtuturo ng totoong
pananampalataya. Ang grasyang ito ay tumutulong sa Santo Papa sa loob ng 3 kondisyon:

1)Siya ay nagsasalita bilang Ulo ng Simbahan sa kapangyarihan ng posisyon ni San Pedro
2)Siya ay nagtuturo sa aspeto ng moral at ng pananampalataya.
3)Ang pagtuturo ay kanyang pinatatanggap sa lahat ng tao.

notes sa article ng
Catholic Answer sa Infallibility
Ayon sa Vatican II ang mga obispo ay Infallible din kahit sila ay kalat sa iba't ibang bansa sa tuwing sila ay nagpapahayag ng pananampalataya hangga't sila ay nagkakaisa at kasama nila ang Sto. Papa tungkol sa isang pananaw sa moral at faith na dapat sampalatayanan ng  mga tao, ang halimbawa nito ay ang mga nangyayari sa Ecumenical Council

Ibibigay ko sa iyo [soi=singular you] ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo [deses=singular you] dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, ang kalagan mo [luses= singular you] dito sa lupa ay kakalagan dinsa Langit."Mt 16:19
Image Talagang sinasabi ko sa inyo :  ang talian ninyo [pangmaramihan] sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo [pangmaramihan] dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.  (Mat 18:18)
 


  • Simon, Simon, hinihingi ni Satanas na salain kayong [pangmaramihan] tulad ng trigo pero ipinagdasal kita [singular] nang di bumagsak ang iyong [singular] pananampalataya. At sa pagbabalikloob mo [singular] naman , patatagin mo [singular] ang iyong mga kapatid.( Luke 22:31 -32)


  • Makikita natin ang mga ebidensiya nito pati sa Bibliya sa "He who hears you hears me" (Luke 10:16), at "Whatever you bind on earth shall be bound in heaven" (Matt. 18:18).
  • Ang Tungkulin ni Pedro na kaiba sa ibang mga Apostoles. Ang gagampanan ni Pedro sa Simbahan ay nasusulat sa "At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya." Mateo 16 : 18 Ayon sa Katekismo ng Iglesia Katolika

Recent Activity
Visit Your Group
Green Y! Groups

Environment Groups

Find them here

connect with others.

Cat Fanatics

on Yahoo! Groups

Find people who are

crazy about cats.

Curves on Yahoo!

A group for women

to share & discuss

food & weight loss.

.

__,_._,___

Eric Piczon

unread,
Nov 6, 2007, 1:40:20 PM11/6/07
to kato...@yahoogroups.com

Hello mga groupmates!!


Masaya kong ipinapaalam na nabuo na ang huling bahagi ng ating presentation sa Ebanghelyo ayon kay San Juan! Sana ay mapakinggan ninyo ito sa inyong libreng oras. Exciting ang nangyayari dahil makakasabay na tayo sa Bible School on the Air sa pag-aaral ng Bagong Tipan na mapapakinggan sa Radio Veritas tuwing Linggo 8-9:30 pm


Ebanghelyo ni Juan Kabanata 19_hanggang_21

1 hr 20 min 31 sec - Nov 6, 2007


Sana ay makapagbigay kayo ng mga insights, comments, reflections o suggestion tungkol sa naipresent.

Ang isa sa mga susunod na presentation ay ang "Libro ng Gawa" o "Book of Acts" at nakikipag coordinate na ako kina Dwen, bro Prinz at bro Rudolf sa pagbuo nito. Kung makakapaglaan kayo ng oras para sa project na ito ay magsabi lang para lalong mapaghandaan ang presentation. Para nama sa makakapag isip ng ibang presentation ay mag-inform lang sa grupo..

Maraming Salamat!

your groupmate,
eric

ito naman ang mga naunang presentation tungkol sa Ebanghelyo ayon kay San Juan


* Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan Bible Study -Part 1 Audio Video








* Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan Bible Study -2 Juan Bautista, Kasalan sa Cana, paglilinis ng Templo Video,









* Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan Bible Study - 3 Pagpapanganak mula sa itaas, Juan Bautista, Ang babaeng Samaritana Video








* Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan Bible Study - 4 Pagpapagaling sa Anak ng Opisyal, Ang Pagpapagaling sa Paralitiko sa tabi ng Paliguan Video,

* Kabanata 6 Eukaristiya: tunay na katawan at dugo ni Kristo!
Video, Kabanata 7-8 Video

* Hapunan sa Betania hanggang sa Huling Hapunan    John Chapter 11-17

1 hr 0 min 9 sec - Oct 29, 2007

ito naman ang huling notes ko sa presentation ng huling bahagi tungkol sa Libro ni Juan

19:14-16 Sinasabi ang pagdiriwang ng Paskuwa. sa ika-anim na oras , ang oras kung kailan ang mga kordero ay iniaalay sa templo. Matatandaan natin ang 6 na tapayan o lalagyan ng tubig. at duon sinabi sa chapter 2 na ito duon ay ginagawa ang unang tanda ni Jesus. 2nd ay ang pagpapagaling ng anak ng opisyal, 3rd ay ang pagpapagaling ng paralitiko, 4th ang pagpaparami ng tinapay ang 2nd na Paskuwa, 5th pagpapagaling ng bulag, 6 pag buhay muli kay Lazaro. Ang pang huli ay ang pagkamatay ni Kristo at pagkabuhay muli ni Kristo. Inilagay ni Pilato ang INRI, Iesus Nazarenus, Rex, Iedurum. sa tatlong wika, Hebrew Latin at Greek. Bakit sa iba't ibang wika? dahil sinabi ni Jesus na ang lahat ng tao ay kanyang titipunin sa Kanya.
second halng ng episode 11

Ipinako si Jesus sa Krus

Kinuha nila si Jesus. 17 Siya mismo ang nagpasan ng krus at lumabas tungo sa lugar ng kung tawagi'y Pook ng Bungo, na sa Hebreo'y Golgotha. 18 Doon nila siya ipinako sa krus, at kasama niya ang dala­wang iba pa sa magkabila, nasa gitna naman si Jesus.
19 Ipinasulat din ni Pilato ang kara­tula at ipinalagay sa krus. Nasusulat: Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio. 20 Marami sa mga Judio ang nakabasa sa karatulang ito dahil malapit sa lunsod ang lugar na pinagpakuan sa krus kay Jesus, at nasusulat iyon sa Hebreo, Latin at Griyego.
21 Kaya sinabi kay Pilato ng mga punong-pari ng mga Judio: "Huwag mong isulat `ang Hari ng mga Judio,' kundi `Ito ang nagsabing "Hari ako ng mga Judio.'" 22 Sumagot si Pilato: "Ako ang sumulat at nakasulat na."
23 Nang maipako ng mga sundalo si Jesus sa krus, kinuha nila ang kanyang mga damit, at pinaghati sa apat – tig-isang bahagi sa bawat sundalo – at ang tunika. Ngayon, wa­lang tahi ang tunika, at hinabi nang buo mula taas. 24 Kaya pinag-usapan nila: "Huwag natin itong punitin kundi pagsapalaranan natin kung mapa­pa­­kanino." Gayon kailangang maganap ang kasulatan: Pinagbaha-bahagi nila sa kani-kanila ang aking mga damit, at pinagpalabunutan ang aking suot. Ito nga ang ginawa ng mga sundalo.

Nang si Hesus ay nasa krus, ang isa sa kanyang intensyon ay ang paghahatid o "application" natin ng Grasya Niya mula sa krus. Nang dahil sa gawa Niya sa krus, naihahandog natin ang sakripisyo mismo ni Hesus sa pamamagitan ng ating mga sariling katawan. Ang Kanyang sakripisyo ay di lang para makita natin ang Kanyang kabaitan, pero para magkaroon tayo ng kakayahan sa tulong ng Kanyang grasya, na maialay ang kung ano ang inialay ni Hesus, ang iisa at walang hanggang pag-aalay ng sakripisyo. Naiaalay natin ang sakripisyo sa Diyos para ating sariling ikapagpapatawad at sa ikapagpapatawad ng mga tao at sa pamamagitan nito, tayo ay nakakapaghatid ng bunga ng sakripsiyo ni Hesus sa kanila

Dahil dito, nakikita natin na ang ating sariling kaligtasan ay may kakambal na pakikibahagi sa nakakapanligtas na gawa ni Kristo para sa ibang tao.  At  dito,  tayo din  ay  nakagagawa ng mabuting bagay alang-alang sa mga patay sa purgatoryo, tulad ng paghahatid ni Hesus ng mabuting balita sa kanila sa Sabado de Gloria . Ang sakripisyo ni Hesus ay di nagbabago, iisa ang sakripisyo ng Misa at sakripisyo sa krus, magkapantay ang kapangyarihan nito noon hanggang ngayon.  Nagagawa natin sa ating mga sarili ang nagagawa ni Hesus sa krus nang dahil sa Misa. Eksaktong sakripisyo ni Hesus sa Viernes Santo ang nangyayari sa Misa, ang pagkakaiba lang ay hindi na ito isang madugong sakripisyo. Kung gayon, ang araw araw sa Misa para atin ay Viernes Santo at Sabado de Gloria dahil   sa pamamagitan ng gawa ng pari at ng mga mananampalataya, ang gawa ni Hesus ay nagpapatuloy sa bawat isa sa atin.


Mga huling wika ni Jesus
Pagnilayan natin ang mga puntos ni St. Ignatius sa kanyang Spiritual Exercise

1)Nagsabi Siya ng pitong wika mula sa Krus. "Ama patawarin mo sila, di nila alam ang kanilang ginagawa" na pagdadasal  sa mga nagpako sa Kanya. "Sa araw na ito, makakasama kita sa Paraiso" na nagpapatawad sa magnanakaw. 25-27"Babae, iyan ang iyong anak. Anak, iyan ang iyong Ina" na paghahabilin ni Jesus sa kanyang Ina kay Juan. Ang sinabi na ito ni Jesus ay isa din sa pagpapatunay na nanatiling birhen si Maria. Sinasabi ng mga ibang hindi naniniwala sa Perpetual Virginity ni Mary na nagkaroon pa daw ng ibang anak si Maria. Kung totoo ito, bakit ihahabalin ni Jesus ang Kanyang Ina sa Kanyang alagad? At nasabi din ni Dr. Hanh na ang paghahabilin na ito ay ilegal  kung sakaling may kapatid pa na iba si Jesus kay Maria. Sinabi pa ni Jesus na "Nauuhaw ako "  at binigyan Siya ng sukang maiinom. "Ama, bakit mo ako pinabayaan", "Natapos na " at ang pagsabi Niya na"Ama sa mga kamay mo, inahahabilin ko ang Aking kaluluwa."
2) nasabi sa ibang ebanghelyo ang pagdilim ng araw, ang pagkabiyak ng mga bato, ang pagbukas ng mga libingan at ang pagkapunit ng kurtina ng templo mula taas pababa
3) Ang pagkutya ng mga tao "Ikaw na sisira sa templo, bumaba ka sa krus", ang pagpunit sa kanyang damit, ang pagtusok sa kanyang tagiliran at ang pag-agos ng dugo at tubig mula sa Kanya.

sinabi ni Fr. John Corapi na "No Cross, No Glory". Di dahil tayo ay mga masochist na naliligayahan mismo nang dahil sa mga paghihirap na nararanasan natin, sabi ni nga ni Dr. Hahn na tayo nga ay dapat pang tawaging mga oportunista dahil sa ang  kaunting  oras ng paghihirap natin sa mundong ito ay balewala sa kapalit na  walang hanggang pagiging kasama ng Diyos. Siguro nga kaya sinasabi ng iba (malamang ay si Bishop Sheen) na ang isa sa kasama ni Hesus sa Krus ay ang "Good Thief" ay puwedeng maintindihan sa isang konteksto kung saan ay tinuturing siya na isang napakagaling na magnanakaw dahil sa oras na iyon ay nanakaw niya ang langit kahit di siya karapat-dapat. Wala sa atin ang karapat-dapat sa pagmamahal ng Diyos at marapat lang na ito ay tawagin nating grasya  na nangangahulugan ding free o libre.


31 Isinulat naman ang mga ito upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos. At sa pani­niwala ninyo'y magkaroon kayo ng buhay sa bisa ng kanyang Pangalan.
sola scriptura

Easter
Jn 20:1-9 sunday
Jn 20:2-8 John, Apostle and Evangelist 3rd Octave of Christmas

Jn 20:11-18 tues
Jn 21:1-14 Fri
 
Chapter 21
Ito ang ika-8 pagpapakita ni Jesus ayon sa pagbilang ni St. Ignatius de Loyola. Nahahati ito sa 3 puntos
1)Nagpakita si Jesus sa pitong mga disipulo na nangingisda. Nangisda sila nang buong gabi pero wala silang nahuli. Pero nang itapon ang lambat nang dahil sa utos ni Jesus "Kaya  inihagis nga nila at hind na nila makayang hilahin iyon dahil sa dami ng isda"
2) Sa pamamagitan ng milagrong ito, nakilala siya ni San Juan at sinabihan si Pedro, "Ang Panginoon". Lumusong si Pedro sa dagat at nagpunta kay Kristo
3) Nagbigay ng tinapay at ng isda si Jesus. Tinanong muli ni Jesus si Pedro tungkol sa kanyang pag-ibig para kay Kristo at pagkatapos ay inihabilin kay Pedro ang mga tupa

Nabanggit ang 153 na mga isda. 153 ang nakita ni Aristotle na mga uri ng mga isda.
May naniniwala na ang kabanata na  ito ay naidagdag na lang dahil may nakikita silang mga pahiwatig na patay na si Juan nang maisulat ito.
Pwede itong mahati sa 3 bahagi. Ang pagkahuli ng mga isda 2) ang pag-uusap nina Jesus at ni Pedro at 3) pag tukoy sa mahal na disipulo.
mangingisda si pedro . may pagkakatulad ito sa isang kuwento na nangisda sina Pedro, Santiago, Juan, Andres sa San lucas 5:4-10.  Ginamit ni Jesus ang bangka ni Pedro para magturo. Sa Kabanata na ito, si  pedro ang nag-aya na mangisda. Nagtuloy ang kuwento at sila ay di nakakuha ng isda. Isa itong pagpapaalam na si Jesus lang ang gumawa ng milagro para makakuha sila ng isda kung san  na halos mapunit ang lambat. Pinakita na hindi siya buong  nagtiwala kay Kristo.  Pagkahuli  ng isda, pumunta siya kay Jesus at sinabi ni siya ay makasalanan. Nakilala ni Juan is Jesus.

Sa Spritual Exercise, mayroon pang 5 pagpapakita ni Jesus ang binigyang pansin
1)pagpapakita ni Jesus sa bundok ng Tabor (Mat 28:16-20)
2) pagpapakita ni Jesus sa 500 1Cor 15:6
3) pagpapakita ni Jesus kay Santiago 1 Cor 15:7
4) Nagapakita si Jesus kay Jose ng Arimathea na mababasa sa mga buhay ng mga santo.
5) nagpakita si Jesus kay San  Pablo pagkatapos ng pag-akyat niya sa langit. Nagpakita siya sa mga kaluluwa sa kinroroonan ng mga patay. Nagpakita siya sa mga disipulo at nakipag-usap sa kanila.



------------------------------
15 Pagkapag-almusal nila, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: "Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit sa pagmamahal nila?" Sinabi nito sa kanya: "Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita." Sinabi sa kanya: "Pakanin mo ang aking mga kordero." 16 Sinabi sa kanyang maka­lawa: "Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?" Sinabi nito sa kanya: "Oo, Panginoon, ikaw ang naka­aalam na iniibig kita." Sinabi sa kanya: "Ipastol ang aking mga tupa." 17 Sinabi sa kanyang makaitlo: "Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?"
Nalungkot na si Pedro dahil ma­kaitlo siyang sinabihan: "Iniibig mo ba ako?" kaya sinabi niya: "Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita." Sinabi nito sa kan­ya: "Pakanin mo ang aking mga tupa.
15-17  Mababasa natin ang tatlong salita para sa tupa. Ang  lamb ay tumutukoy sa mga  laity o mga laiko at ang sheep ay ang mga clergy. Si Pedro ang punong ministro na nangangalaga sa mga apostol mga obispo at mga laiko. Para sa pagkakaila niya kay Jesus, kinumpirma ni Pedro ang kanyang pagmamahal kay Jesus. nang tanungin ni Jesus si Pedro nang dalawang beses, nanduon ang salitang agape na buong pagsasakripisyo pero ang sinagot ni Pedro na philia, hindi kasing tindi o buong pagbibigay ng sarili. Natakot siya na sabihing ibibigay ang kanyang pag-ibig . Nang nasa laot na si Pedro at sabihan ni Jesus , mayroon na siyang isda na iniihaw sa apoy tulad ng apoy sa ulint nang ipagkaila ni Pedro si Jesus.
18 Sa tradisyon, namatay si Pedro malapit sa Vatican na nasa krus ng pabaligtad dahil ayaw niya na mamatay nang nasa parehong posisyon ni Jesus.

20 Paglingon ni Pedro, nakita niyang sumusunod ang alagad na mahal ni Jesus, na siyang humilig sa tabi niya noong hapunan at nagsabing: "Pangi­noon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?" 21 Kaya pag­kakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: "Panginoon, ano naman sa kanya?" 22 Si­na­bi sa kanya ni Jesus: "Kung loobin kong mamalagi siya hang­gang ako'y pu­ma­­rito, ano sa 'yo? Ikaw, sumunod ka sa akin!"

23 Dahil dito'y kumalat ang salitang ito sa mga kapatid na hindi mama­matay ang alagad na ito pero hindi naman sinasabi sa kanya ni Jesus na hindi siya mama­ma­tay kundi "Kung loobin kong mamalagi siya hanggang ako'y pumarito."
24 Ito ang alagad na siyang nagpa­patunay tungkol sa mga bagay na ito at ang sumulat sa mga ito. At alam namin na totoo ang kanyang patunay. 25Ma­rami pa ring ibang ginawa si Jesus, na kung isa-isang masusulat ang mga iyon, sa tantiya ko'y hindi magkakasya sa mundo ang isusulat na mga aklat.
sola scriptura




 

Recent Activity
Visit Your Group
Y! Messenger

PC-to-PC calls

Call your friends

worldwide - free!

Yahoo! Groups

Get info and support

on Samsung HDTVs

and devices.

Moderator Central

An online resource

for moderators

of Yahoo! Groups.

.

__,_._,___
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages