Salamat Bro Rudolfo!
Since ang Mark ay 16 chapters at 4 tayong mga groupmates na makakaluwang sa oras para makagawa nito, hahatiin natin ang pagreresearch sa tig-4 na chapters. Siguro kailangan matapos lang ang Recording bago mag March. Isusuggest ko na ganito ang paghahati ng ating mga irereport
Bro Prinz - 1-4
Dwen 5-8
Eric 9-12
Rudolfo 13-16
Marami tayong mapagkukunan ng resources at ang ilan sa kanila ay
EWTN Archive Series na "Gospel of St Mark, the way to follow Jesus"
ScriptureCatholic.com
Scborromeo Bible Study Notes.
Radio Veritas....kakatapos lang ng chapter 9-12 ;
Ang ilan sa mga recorded episodesng Bible School on the Air ay madidinig sa ating Katoliko TalkShoe Account.
Maraming salamat!!
your groupmate,
eric
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
Hello Groupmates!
Gusto ko lang mag imbita para sa pagbuo natin ng presentation natin sa Book of Romans.
Sa ngayon, sina prinz, dwen at rodolfo ang nakapagsabi ng kagustuhan nila na makasali sa pagbuo nito.
Kaugnay ng presentation sa Book of Romans ay ang doctrina na laban sa "Sola Fide" o ang paniniwala na ang kaligtasan ng tao ay di lang nababase sa Pananampalataya.
Sana ay makasali kayo
your groupmate,
eric
----------------------------
episode 1
Ito nga pala ang notes ko para sa Mark na gagawan natin ng Presentation...sana ay mabasa ninyo at
Ayon sa tradisyon ng simbahan abg sumulat ng marko ay
si marko na katulong ni pedro. matapos ang pagpapapatay ni Nero kay
Pedro, sinulat ni marko ang mga itinuro ni Pedro. Mababasa natin na
ipinakita pati ang mga kamalian ng mga apostoles pati na ang kay pedro.
Ipinapatay so Pedro matapos ang pag uusig sa mga Kristiano dahil sa
pagsunog sa roma nang 64 ad at malaki ang nasunog na tumagal ng 6 na
araw. At may nakakita na may mga lalaki nanagkalat ng apoy na
nagsasabing pinag utusan. May nagsabi din na inisip ni Nero na ang roma
ay madumi at walang dignidad. Mababasa pa nga ang sinulat niya tungkol
sa pagsusunog ng troy at sinabi na habang nasusunog ang roma, binabasa
ni Nero ang kanyang sinulat na tula. Ibinintang ni Nero ang panununog
sa mga Kristiano na nag usig sa kanila tulad ng pagtatapon sa mga
hayop. Ang isa naman ay ang paglulublob ng mga damit sa langis at
pagsisindi ng mga tao. Ang mensahe ng Marko ay ang pagiging tapat sa
Diyos kahit sa oras ng kagipitan. Sinulat ni Marcos ito di para
magturo, inaasahan nya na naturuan na ang mga magbabasa pero tinuturo
nya ang pagpapalalim ng buhay kristiano.
1:1
isa 40... ang isa 1-39 ay ang masamang balita na nagpapahayag na abg
Israel ay nagkasala at papaalisin ay sa 40 ay ang mabuting balita na
nagsasabi ng kapatawaran ng kasalanan tapos nito ay ang pagsasab ng
paghanda ng daanan ng panginoon at matapos ay v6 ngpapatuloy sa
sinasabi ng boses. Kailangan masabi ng boses na paparating na ang
inyong Diyos na sya ay makakapiling na natin. Nagsasabi ng paguugnay ng
Mark 1 at Isa 40 ay pagsasabi na si Hesus ay Diyos. makikita sa Isa 40
na ang umpisa ng ebabghelyo ay ang pagbabalik loob, ganon din ang
sinabi ni Jaun Bautista
1:6
nakasuot ng buhok ng kamelyo si Juan at duon siya nakilala. Pinapaalala
nito ang tungkol kay Elijah na nakilala din sa ganoong kasuotan na
mababasa natin sa 2 Kings 1 na nakipaglaban sa haring Ocozias na
nagalit sa kanya dahil nagpasabi siya sa mga pinadala na hindi na
gagaling ang hari ni Elijah ang mga taong pinagtanong ni Haring Ocozias
kay Beelabul, at parang binalewala niya ang Diyos at dahil duon ay di
na siya gagaling. Nang magtanong ang hari kung sino ang nagsabi sa
kanila ng mga ito, sinabi ng mga pinadala ang suot ni Elijah at dahil
duon, sya ay nakilala.
--- In katoliko@yahoogroups.com, Eric Piczon <eric_piczon@...> wrote:
>
> Salamat Bro Rudolfo!
>
> Since ang Mark ay 16 chapters at 4 tayong mga groupmates na makakaluwang sa oras para makagawa nito, hahatiin natin ang pagreresearch sa tig-4 na chapters. Siguro kailangan matapos lang ang Recording bago mag March. Isusuggest ko na ganito ang paghahati ng ating mga irereport
>
> Bro Prinz - 1-4
> Dwen 5-8
> Eric 9-12
> Rudolfo 13-16
>
> Marami tayong mapagkukunan ng resources at ang ilan sa kanila ay
>
> EWTN Archive Series na "Gospel of St Mark, the way to follow Jesus"
> ScriptureCatholic.com
> Scborromeo Bible Study Notes.
> Radio Veritas....kakatapos lang ng chapter 9-12 ;
>
> Ang ilan sa mga recorded episodesng Bible School on the Air ay madidinig sa ating Katoliko TalkShoe Account.
>
> Maraming salamat!!
>
> your groupmate,
> eric
>
> rodolfo camaclang rodolfo_camaclang@... wrote:
> sali ako!!
>
> ----- Original Message ----
> From: Eric Piczon eric_piczon@...
> To: katoliko@yahoogroups.com
> Sent: Wednesday, January 9, 2008 5:11:08 PM
> Subject: [katoliko] Bagong Project: Ebanghelyo ayon kay San Marco Re: Happy Epiphany!
>
>
>
> Hello Groupmates!
> Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!
> Siguradong naging masaya ang pagdiriwang ninyo ng Christmas at New Year. Paalala lang na ang Christmas ay hanggang sa pagbibinyag ni Juan sa Panginoong Hesus!
>
> Iaannounce ko lang na ang bagon nating project ay ang "Gospel of Mark". Bagong taon na! At nagpapasalamat ako sa mga naging kabahagi sa ating pag-aaral at pagmamahal ng salita ng Diyos!
>
> Nakagather na tayo ng mga reports mula sa ating mga groupmates para sa ating Oral Presentation Project na Acts. Salamat Bro Rodolfo, Dwen, at Bro Prinz sa pagsali sa project. Di ko pa naiintegrate ang mga reports pero magagawa ko din ito lalo at pinipilit kong ibalik ang focus ko sa group para makatulong s pagcocoordinate ng mga projects.
>
> Napili natin ang Marco para mas magamit natin ang mga matatalakay sa Bible School on the Air sa Radio Veritas nina Fr.Tony at Sr Gemma. Makakabuti din ito sa mga groupmates na walng computer pero gustong makasali sa pagreresearch at reporting.
>
> Kaya ito na naman ang inyong groupmate, na magiimbita sa inyo para sa mga gustong sumali sa reporting at research sa Mark, mag-email lang para mahati ulit ang libro at masimulan ang pagreresearch at pagrerecord ng mga presentation.
>
> Maraming salamat!! Merry Christmas!
>
> your groupmate,
>
> eric
>
>
>
> sinulat ko ang
>
> ------------ --------- --------- --------- --------- --------- -
>
> Epiphany Sunday!! Happy 3 Kings!!
>
> Mag-email lang sa akin para sa lingguhang Reflection ng mga pagbasa. eric.piczon@ yahoo.com
>
>
>
>
>
>
> ------------ --------- --------- -
> Makisali at makibagi sa Katoliko Yahoo Group
> Mapapanood ang Programa ni Fr. Jun na Word Made Flesh dito >>http://www.wmffi- us.org/DSL/ Jan%206,% 202008.wmv
>
>
>
>
>
>
>
>
> ------------ --------- --------- --------- --------- --------- ---------
> Ang Sharing ni Sister Gemma ay maririnig sa Pauline.ph sa website na ito >>http://www.paulines .ph/services/ radio_jan06. htm
>
>
> Pakinggan ang mga pagninilay ni Sr Gemma
>
> Para sa Linggo na dadating Jan 6 Jan 7 Jan 8 Jan 9 Jan 10 Jan 11 Jan 12
>
>
>
>
>
> Pagkatapos ng linggo na ito Jan 13 Jan 14 Jan 15 Jan 16 Jan 17 Jan 18 Jan 19 Jan 20 Jan 21 Jan 22 Jan 23 Jan 24 Jan 25 Jan 26 Jan 27 Jan 28 Jan 29 Jan 30 Jan 31
>
>
>
>
>
> Katoliko Group Oral Presentation na kaugnay ng mga Ebanghelyo sa buong Linggo>>
>
>
>
> * Jan 12 Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan Bible Study - 3 Pagpapanganak mula sa itaas, Juan Bautista, Ang babaeng Samaritana Video
>
> *Ang kabuuan ng presentation sa Juan ay makikita> dito
>
>
>
> ------------ --------- --------- ---
>
>
> Internet Broadcast: EWTN TV Radio Veritas Dr Scott Hahn Bro Bo Sanchez CatholicAnswers
>
> ------------ --------- --------- --------- --------- --------- -----
>
> Ebanghelyo hatid sa atin ng mga Pauline Sisters
> January 6, 2008
>
>
> EPIPHANY OF THE LORD (Cycle A) Is 60:1-6 Ps 72 Eph 3:2-3a, 5-6 Mt 2:1-12
>
> Fr Jun's visit to San Bruno
> 02:29
> Added: 1 day ago
> Views: 7
>
> 2007 Theophany Byzantine Divine Liturgy at St. Basil the Great 11 Videos
> http://www.stbasil. org
> for more videos http://geocities. com/katolikogrou p
> Play All
>
>
> Sto. Nino Novena Jan 12 7 Videos
> http://geocities. com/katolikogrou p
> Novena ng Sto. Nino sa Most Holy Trinity Church sa San Jose, California, USA
> Play All
>
>
>
>
>
>
> The Tridentine Canon of the Mass at Divine Mercy in Manila
> 06:26 From: darkcoven
>
>
>
>
>
> ------------ --------- ---
> para sa mga di pa nakakapanood ito ang video sa ating Pasko 2007 at Pasko 2006
>
>
>
>
> Tags: wmf
>
>
> www.ewtn.com, www.catholicexch ange.com/ css,www.newadven t.com
> www.salvationhistor y.com,www. catholic. com,www.geocitie s.com/eric_ piczon
> www.scripturecathol ic.com
> "Bravos Indios"
>
> ---------------------------------
> Be a better friend, newshound, and know-it-all with Yahoo! Mobile. Try it now.
>
> www.ewtn.com, www.catholicexch ange.com/ css,www.newadven t.com
> www.salvationhistor y.com,www. catholic. com,www.geocitie s.com/eric_ piczon
> www.scripturecathol ic.com
> "Bravos Indios"
>
> ---------------------------------
> Never miss a thing. Make Yahoo your homepage.
>
>
>
>
>
>
>
> ---------------------------------
> Looking for last minute shopping deals? Find them fast with Yahoo! Search.
>
>
>
>
> www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
> www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
> www.scripturecatholic.com
> "Bravos Indios"
>
> ---------------------------------
> Be a better friend, newshound, and know-it-all with Yahoo! Mobile. Try it now.
>
Join a Group
Hello Groupmates!!!
Masaya kong ipinapaalam sa inyo ang pagbuo ng isa na namang presentation ng Katoliko Yahoo Group!
Libro ng Gawa Kabanata 17-28 mp3 Pakingan Ito ay nag pagtalakay sa paglalakbay ni San Pablo mula sa Atenas, Corinto Efeso, Jerusalem at Roma.
Ito naman ang unang bahagi ng Presentation sa libro ng gawa.
Libro ng Gawa Kabanata 1-15 mp3 Pakingan , paalala lang na nalimutan kong putulin ang recording at dapat ay hanggang sa ika 59 na minuto lang ang katapusan nito kaya ang sumunod ay ang mga bahagi na di pa naayos na dapat sanang isasama sa ika-2 parte ng presentation
Nagpapasalamat ako kina dwen, prinz at rodolfo na nakapaglaan ng oras sa pagbuo nito
Sana ay makabahagi tayo sa paggawa ng presentation. para sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo, bubuo naman ang grupo ng tungkol sa Sulat ni San Pablo para sa mga taga Roma na tatalakay sa doktrina tungkolsa Sola Fide!
Bukod pa dito, maganda din kung matalakay ang mga Encyclical ni Sto Papa
Benito XVI, na Spe Salvi at Deus Caritas Est, lalo na at may usap-usapan na ito ay susunda ng tungkol sa Faith na mga theological virtues! Wow parang Starwars, Lord of the Rings at Narnia ang pagkakabuo, na ang ang bawat isa sa theological virtue ay nakalaan na
Encyclical. Ang idea na itong isinasuggest ko ay para makabuo tayo ng paraan para madali nating maikukuwento ang mga encyclical sa ating mga kaibigan sa mga salita na ating madalas na ginagamit at para mahikayat ang iba na basahin ito.
God bless!!
your groupmate,
eric
-------------------------------------------
ito ang pagpapatuloy ng notes ko sa ewtn para sa presentation natin sa Mark na ifa-finalize natin sa Saturday
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Be a better friend, newshound, and know-it-all with Yahoo! Mobile. Try it now.
Hello Groupmates!
Irerecommend ko lang sa mga sasali sa Oral Presentation sa Romans kung pupuwede ay mahati ang mga irereport sa bawat pagbasa sa Daily Mass at sa Sunday Mass
Siguro pag may oras ay ibibigay ko ang mga listahan ng mga pagbasa na galing sa Calendar Table ng mga Readings na galing sa isa sa mga pinaka paborito kong Bible, bukod pa sa Navarre Bible...ang Bibliya ng Sambayanang Pilipino.
Medyo magiging madali ang ganitong sistema dahil ang pagkukunan ko ng notes ay galing sa bible study sa Scborromeo.org Ang listahan ng mga Bible Study ay makikita dito. Ang simula ng pagbasa sa Romans ay mababasa sa ika-9th Sunday Year A hanggang sa ika -24th Sunday.
Ang Romans, tulad ng sabi ko dati ay tatalakay sa isa sa mga paborito kong topic, Sola Fide at talaga naman excited akong gawan ng presentation ang libro na ito, lalo na at patuloy ang pakiking ng mga tao sa mga presentation na ating ginagawa.
Magagamit din sa lalong pag-unawa paksa na ito ay ang debate nina Dr. Robert Sungenis at Dr. James White tungkol sa Sola fide para malaman kung gaano kabigat ang paksa na ito para sa mga Katoliko at mga Protestante. Ang video ay makikita sa www.youtube.com/pacislander4life
Sana ay magtulungan tayo sa pag-aaral ng Libro ng Romans at pagtalakay sa Sola Fide na ating bubuin mula April hanggang July 1st.
your groupmate,
eric
p.s. ito na ang huli ng aking notes sa EWTN Presentation na Gospel of St. Mark: the way to follow Jesus!
Learn how others
are losing pounds.
Hello Groupmates!
Ito ang unang notes ko sa Romans na base sa Bible Study notes sa www.scborromeo.org. Medyo challenging talaga ang pagbuo ng notes kasi hindi masyadong ginagamit sa Pilipino ang terminologies na palagiang ginagamit sa pag-uusap ng justification.
Groupmates! hihingi ako ng tulong sa inyo na mabasa ninyo sana ang notes para makarekomenda kayo ng mga insights.
Ang isa pang hihingin ko ay ang tulong sa pag translate na gagamitin sa report na ginagamit sa Romans tulad ng
Justification- banal?
Merit-
Expiation -hain?
Atonement -kapatawaran?
Righteousness- matuwid?
Credited- maituring
Imputed
.
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Hello Groupmates!
Masaya kong ipinapaalam sa inyo na nabuo na ang Presentation para sa Ebanghelyo ayon kay San Marco. Sana ay mapakinggan ninyo ang presentation na ito na nakabase sa EWTN series na "Gospel of St. Mark, the Way to follow Jesus" San Marco mp3 Pakinggan
Isang espesyal na pasasalamat kina Dwen at
Prinz para sa pagbuo ng presentasyon na ito!
Para sa iba pang mga audio magpunta lang sa Katoliko Talkshoe
Maraming salamat!
your groupmate,
eric
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Hello Groupmates,
Gusto ko lang ibahagi ang notes na ginawa ko sa mga bible study na kaugnay sa Book of Romans na galing sa Scborromeo.org
Sana ay maipost ninyo din ang mga nalalaman o mababasa ninyo tungkol sa libro na ito bilang paghahanda at pagtulong sa pagbuo ng ating Oral Presentation tungkol dito.
Maraming salamat!
your groupmate,
eric
11th Sunday in Ordinary time year A 5:6-11
Maaring nakapunta si San Pedro sa Roma noong 42 AD, nang maisulat ni San Pablo ang sulat niya sa mga taga-Roma noong 58 AD lumalago na ang komunidad ng mga Kristiano. Nasabi niy ang kagustuhan na pumunta sa Espanya (Rom 15:24) at ang pagbisita niya sa Roma habang papunta sa Espanya. Hindi siya masyadong kilala duon kaya sumulat siya para maipakilala ang kanyang sarili. Si Pablo ay sumusulat nang nasa isip ang mga tipan ng Hebreo at hindi ang tungkol sa legal na sistema ng mga Romano.
5:6 nasabi na tayo ay walang magagawa nang hiwalay kay Hesus at namatay siya para sa makasalanan.
5:7 ang magsakripisyo ng buhay para sa ibang tao ay napakahirap na gawin kahit na ito ay isang posibleng magawa ng mabuting tao. Pano ito nagagawa ng mga martyr? Namamatay ang mga martyr sa pinakadahilan ng pagmamahal nila sa Diyos , ang kamatayan na malugod na tatanggapin ng marami.
5:8 namatay ang Diyos kahit para sa mga makasalanan.
5:9 Pano ba ang Justification sa pamamagitan ng dugo ni Kristo? Mababasa "Ayon naman sa Batas, sa dugo nalilinis ang halos lahat; walang pagbabayad sala na walang pagbubuhos ng dugo"(Heb 9:22) na base sa mga ritwal ng paglilinis na mababasa sa Lumang Tipan (Lev 8:15; 9:15-21; 16:19; 19:24). Ang dugo ay para di para mawala ang galit ng Diyos o pagbibigay diin sa dugo o kamatayan para sa pagbabayad sa kasalanan. Ang dugo ay para sa paglilinis ang mga bagay na para sa Dios(Lev 16:15-19) o para makonsagra ang mga bagay para sa paglilingkod sa Dios. Sa Day of Atonement of Araw ng Kapatawaran, naglalagay ang punong pari ng dugo sa kaban ng tipan dahil sa di-kalinisan ng mga Israelita at sa pagkakasala nila na nagpadumi ng kanilang bayan, templo at mga bagay sa loob nito(Lev 16:16). Lalong mauunawaan ang ritwal na ito sa Lev 17:11 kung saan sinasabi na ang dugo ay buhay na inilalagay sa Kabang ng Tipan para sa ikapagpapatawad ng kasalanan. Ang pagbuhos ng dugo ay hindi dahil para sa kabayaran ng kasalanan ng hayop sa halip ng tao. Sa halip, ang buhay ng hayop ay kinokonsagra para sa Diyos (Lev 16:8-9) na simbolo ng pagkonsagra ng buhay ng tao sa Diyos na nagpapawalang sala sa tao. Ito ang ginagawa ng pagbuhos ng dugo ni Hesus(Eph 2:13). Sa bautismo, tayo ay nagiging anak ng Diyos.
Nagpatuloy ang nasusulat sa 5:9 na "mas tiyak tayong maliligtas sa paghatol sa pamamagitan niya" ito ay nagsasabi sa ating hinaharap bukod pa sa pagsasalita ng mga nangyari na. Ang pagliligtas ay nagpapatuloy na tumatawag palagi ng ating pagtugon.
5:10 ang talata na ito ay pagsasabi ulit ng pinahayag sa 5:8 sa positibong paraan. Na ang makalanan o mahina ay kalaban talaga ng Diyos. Nasabi na ang nabubuo ulit ang relayson natin sa Diyos mula sa ating pagiging kaaway Niya pero ang pagliligtas ay nagpapatuloy pa din.
Hello groupmates!
Share ko lang ang mga notes ko sa Bible Study ng Book of Romans na galing sa scborromeo.org.
Sana ay makasali din kayo sa presentation ng libro na ito
your groupmate,
eric
Hello Groupmates!
Share ko lang ang notes ko para sa Oral Presentation sa Sulat para sa mga taga-Roma.
Patuloy ang imbitasyon ng Katoliko Yahoo Group para sa mga inyong pakikibahagi sa pagbuo ng Oral Presentation na ito. Pano kayo makakabahagi? Sa pagsheshare ng inyong mga notes tungkol sa Sulat sa mga taga-Roma, sa pagsali sa presentasyon o kahit ang pagbasa at pagrerecord ng mga naisulat na notes ay malaking tulong na para sa project na iton (mag email lang sa akin para maipadala ko ang mga naunang notes)
Ang mga notes ay galing sa Bible study ng Scborromeo.org
Maraming salamat sa inyo! God bless!
your groupmate,
eric
-
Send up to 1GB of
files in an IM.
Hello mga groupmates!!
Patuloy pa din ang paggawa ko ng notes galing sa bible Study ng Scborromeo na site...medyo kulang sa oras kaya di ko na matratranslate sa Pilipino ang mga natitirang bible study tulad ng
-------------------------------
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Hello Groupmates!
Ito na muna ang bahagi ng edited version ng natapos ko na na notes. Ipinost ko na din at baka sakaling malibre ang ilan sa oras at gustong sumubok sa pagbasa/magpresenta ng mga notes...siguro sa bukas naman ang huling bahagi ng notes ko bago ako mag notes ulit para sa summary ng Sulat sa mga taga Roma ni San Pablo.
God bless!!
your groupmate,
eric
------------------
-----------------------
--------------
------------------
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Hello mga groupmates!
Ito na ang ikalawang bahagi ng aking edited notes para sa ating Oral Report sa Sulat ni San Pablo para sa mga taga-Roma!
Nakapagbigay na si sr Dwen at bro Prinz ng mga recording nila. Kung sinoman ang may libreng oras at gustong sumalisa recording ng Presentation ay magsabi lang para maisama sa report.
Maraming Salamat!!
your groupmate,
eric
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Hello Groupmates!
Matatapos na ang paggawa natin ng Presentation para sa Sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma. Maraming salamat kina bro Prinz, sr, Dwen at Rodolfo sa pag contribute ng kanilang mga oras para dito.
Magsisimula na naman ang bagong quarter ng taon na ito at napapanahon na tayo ay pumili ng isusunod na gagawing presentation.
Sana ay makapagsabi kayo ng suggestion kung anong libro sa Bagong Tipanang ating isusunod na gagawan ng presentation.
Ito ang aking mga suggestions na ating pagpipiliin sana:
Maraming salamat!!
your groupmate,
eric
Host a free online
conference on IM.
Hello Groupmates!
Isasuggest ko lang ang gagawing Oral Presentation ng Katoliko Group. Para sa quarter na ito, i susuggest ko lang na magfocus tayo sa pagtuluy ng study 2nd readings kasunod ng pagbasa sa Sulat sa mga taga-Roma. Nakita ko ang paghahati ng mga chapters at halos mga 16 lang ang mga ito. Ang mga libro na pagtutuunan ng pansin ng bagong presentation ay ang
Join the challenge
and lose weight.
Hello Groupmates!!
Masayang kong ipinapaalam sa inyo na nabuo na ang unang bahagi ng ating Oral Presenation para sa Sulat ni San Pablo para sa mga taga Roma ( mp3 Pakinggan) Maraming salamat kina bro Prinz, sr Dwen at bro Rodolfo sa pagtulong ng paggawa nito
May inaayos pa ako sa pangalawang bahagi pero malapit ko na din itong maipost. Hinati ko na din ang presentation para makayanang mailagay sa CD ang mga presentation.
Sa ngayon, gagawa ulit tayo ng presentation sa Philemon, 1 Thessalonians at 2nd Thessalonians. Nagsabi si sr. Dwen na gagawin niya ang sa 1 Thessalonians. Sana ay makita nyo din kung makakapagbigay kayo ng oras sa reporting
na ito at mag email lang sa akin o sa grupo para mapag usapan ang paggawa nito.
Salamat!!
your groupmate,
eric
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Hello Groupmates!!
Masaya kong ipinapaalam sa inyo ang kabuuan ng ating report para sa Sulat ni San Pablo para sa mga taga Roma!( mp3 Pakinggan)
Nagkasya ang buong report sa isang oras at 9 na minuto kaya mailalagay natin ito sa CD para maipamigay sa ating mga kaibigan.
Sana ay makapagbigay kayo ng mga komento at pagninilay sa report nating ito at sana ay gamitin ito ng Panginoong El Shaddai para makatulong sa maraming mga makikinig nito!
your
groupmate,
eric
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Hello Groupmates,
Ibabahagi ko lang sa inyo ang salin ko sa Pilipino ng Encyclical ni Kabanalang Papa Benito XVI na "Spe Salvi" o Sa Pag-asa tayo ay Naliligtas!
Sana ay mapakinabangan ito ng maraming tao at makatulong din sa pag-aaral natin. Unang bahagi pa lang ito at itutuluy ko ito hanggang matapos. Kung kakayanin ay gagawan din nating ng oral presentation.
God bless!!
your groupmate,
eric
Maraming salamat!
your groupmate,
eric
-----------------------------------------------
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Share recipes
and favorite meals.
15. Noon naturingang ang mga
monastaryo bilang taguan mula sa mundo (contemptus mundi) at pinagtatakasan ng
responsibilidad sa mundo para mahanap ang personal na rebelasyon.
Sinabi ni San Bernard of Clairvaux, na naging inspirasyon ng marami
para pumasok sa mga kanyang monasteryo, may ibang pananaw tungkol
dito. Sa kanyang pananaw,
ang mga mongha ay gumagawa para sa simbahan. Ginamit niya ang sinabi ni
pseudo-Rufinus sa kanila: "Nabubuhay ang sangkatauhan salamat
sa mga iilang mga tao; kung hindi sa kanila, nagunaw na ang mundo...".
Ang mga Contemplatives—o contemplantes—ay kinailangang maging
agrikultural na mangagawa —laborantes—sabi niya. Ang karangalan ng
trabaho, na namana nating mga Kristiano sa mga Hudio, ay naipahayag na
sa mga alituntunin sa mga monasteryoha ni San Augustin and Benito.
Ganon din ang paniniwala ni Bernard. Ang mga mayayaman na nagpunta sa
kanyang monasteryo ay kinailangang magtrabaho din. Nasabi ni Bernard na
kahit ang mga monasteryo ay hindi makakapagpabalik Paraiso, pero ito ay
ang lugar ng "pangangalaga ng lupa", ito ay naghahanda para sa bagong
paraiso must prepare the new Paradise. Ang mga lupain sa kagubatan ay
pinapataba, ang mga malalaking puno ay naalis, ang masamang damo sa
kaluluwa ay inaalis, at sa ganon, ang lupa ay naihahanda para sa
magbunga ang tinapay para sa katawan at kaluluwa.
Ang pagbabago ng pananampalataya at pag-asang Kristiano sa ating modernong panahon.
16.
Paanong lumitaw ang kaisipan na ang mensahe ni Hesus ay para sa mga
bawat tao lamang? Paano tayong nakarating sa interpretasyon na ang
"pagkaligtas ng kaluluwa" ay pagtakas sa tungkulin para sa lahat ng
tao, at paano natin naisip ang imahen ng mga kristianismo bilang
makasariling paghahanap ng ating pagliligtas na tumatanggi sa kaisipan
ng paglilingkod sa iba? Ito ay nabibigyang linaw ng kaispan ni Francis
Bacon. Ang bagong panahon ay dumating—sa pagkakatuklas sa America at
ang mga teknikal na nagawa na nagbigay daan sa kaunlaran p—at di
maitatanggi . Ang basehan ng bagong panahon na ito ay ang kaugnayan ng
eksperimento at mga paraan na nagbibigay kakayahan sa mga tao na
maintindihan ang kalikasan alinsulod sa mga batas nito at nakakamit
ang "pagkapanalo ng sining sa kalikasan" (victoria cursus artis super
naturam). Ang pagbabago. ayon kay Bacon ay ang relayson ng agham at ng
praxis. Ito ay totoo: ang kaugnayan ng agham at praxis ay ang paghahari
sa sanlikha —na naibigay ng Diyos sa tao given na nawala dahil sa
orihinal na kasalanan —ay maibabalik.
17. May nakakabahalang
hakbang sa mga nasabi : hanggang sa panahon na iyon, ang pag asa ng
pagbabalik ng nawala dahil sa pagkakapalayas sa Paraiso ay mula sa
pananampalataya kay Kristo : nakapaloob duon ang "pagkaligtas". ngayon
, ang pagkaligtas, ang panunumbalik ng nawalang "Paraiso" ay di na
inaasahan sa pananampalataya kung hindi sa bagong nadiskubreng relasyon
ng agham at ang paggamit nito o praxis.
and healthy eating
on Yahoo! Groups.
Hello Groupmates!!
Ipopost ko lang ang mga notes na nakuha ko sa Inside the Bible by Fr.
Kenneth Baker SJ tungkol sa sulat ni San Pablo ay Philemon.
Kasabay ng pagpost ng notes na ito, patuloy pa din akong nag iimbita
sa inyo na makibahagi sa presentation natin na ito sa Philemon at 1st,
2nd Thessalonians na gagawin natin hanggang sa katapusan ng September.
Pagdasal din natin na magamit ang mga presentations na ating ginagawa
para sa kanyang kadakilaan!
your groupmate,
eric
-------------------------
Ang philemon ay ang huli sa mga sulat na pastoral. Ito ay may 25 na
talata.
Ito ay naisulat ni San Pablo noong siya ay nakakulong sa Roma.
Ano ang nilalaman ng sulat kay Philemon. Nakikiusap si Pablo kay
philemon na tanggapin ang kanyang alipin na si Onesimus. Si philemon
ay isang mayaman na tao na taga Colossae at napagbalikloob siya ni San
Pablo sa Efeso. Ang alipin ni Philemon na si Onesimus ay tumakas at
napadpad sa roma kung saan nila nagkatagpo ni Pablo at siya din ay
napasa kay Kristo. Ang kahulugan ng kanyang pangalan sa griego ay
"magagamit". Nakunbinse siya ni Pablo na magbalik sa kanyang amo na
kasama ni Tychicus na siya namang sa puntong iyon ay nagdadala ng
sulat ni San Pablo sa mga taga Collosas. Ang pinakamensahe ng sulat ay
ang pakikiusap ni San Pablo na tanggapin ang alipin na kapatid ng may
pagmamahal bilang kapatid kay Kristo. Nagpaalala na ito ay utang na
loob dahil kay Pablo, natagpuan ni Philemon ang sobrenatural na buhay.
Ang sulat na ito, sa panahon maituturing natin na isang
"recommendation letter"
Sa sulat na ito mababasa natin ang tungkol sa dignidad nating mga
kristiyano, ang pagmamahal ng mga kristyano sa bawat isa.
Hello Groupmates!!
Happy Advanced Anniversary sa ating Grupo. Itong darating na October
26, tayo ay Limang Taon na!! Wow!! natataon naman at natapos ko ang
pagsasalin ng malaking bahagi ng Spe Salvi sa linggo na ito, ang
Encyclical ng ating Santo Papa sa tamang kaunawaan ng tunay na Pag-asa.
Susubukan ko na magawa ang recording ng salin na ito sa mp3 para
makaabot sa ating anibersaryo at maibahagi natin sa atin "Sanlinggong
Pasasalo" weekly sharing na ating pinapamahagi sa iba't ibang catholic
Yahoo Group at sa ating mga kaibigan.
Wow excited na ako dahil sa wakas ay natapos ko na din ang personal na
project kong ito dahil balak ko naman itong sundan ng "Introduction to
Devout Life" ni San Francisco de Sales. At siyempre nandian dian din
ang mas pagtuon ng pansin sa group Project natin na 1 Juan at 1
Corinto! Yehhey! Ang sarap talagang pagsaluhan natin ang Salita ng
Diyos na naibabahagi natin sa ating maliliit na kapwa Pilipino para
pagpalain din sila ng ating mga natututunan.
Sana ay lalo pa tayong pagpalain ni Lord sa tunay na Pag-Asa na ito at
lalo pang magpasigla sa atin na isakatuparan ang mga hangarin ng ating
grupo!
Ang kabuuan ng pagsasalin ay makikita din sa ating File Section
Maligang Anibersaryo sa iyo Groupmates!!
your groupmate,
eric
17. May nakakabahalang hakbang sa mga nasabi : hanggang sa panahon na
iyon, ang pag asa ng pagbabalik ng nawala dahil sa pagkakapalayas sa
Paraiso ay mula sa pananampalataya kay Kristo : nakapaloob duon ang
"pagkaligtas" . ngayon , ang pagkaligtas, ang panunumbalik ng nawalang
"Paraiso" ay di na inaasahan sa pananampalataya kung hindi sa bagong
nadiskubreng relasyon ng agham at ang paggamit nito o praxis. Ito ay
di nagtatanggi sa pananampalataya, naglalagay lang ito sa
pananampalataya sa ibang antas—ang pagiging pribado at —kasabay nito
ang pagiging walang kaugnayan sa mundo. Ito humubog sa krisis sa
pananampalataya na totoong krisis sa pag-asa. Kaya ang pag-asa, ayon
kay Bacon, ay nag-iiba. Ngayon ito ang tawag: lumalagong
pananampalataya. Para kay Bacon, ang mga pagtuklas at imbensyon ay
simula pa lang . Sa pamamagitan nito, nasabi niya ang mga posibleng
makabagong imbensyon. Tulad ng eroplano at sabmarino. Sa pag-usad ng
idolohiya, ang ligaya sa pag-unlad ng makakaya ng tao ay nagpatibay sa
pananampalataya sa kaunlaran.
18. Dalawang grupo ang naging sentro ng ideya ng kaunlaran. Ang
kalayaan at rason. Ang kaunlaran ay sinasabing kasama ng pagtaglay ng
rason at ito ay kabutihan at para sa kabutihan...ang kaunlaran tungo
sa ganap na kalayan. Ito ang pangako ng kaganapan ng tao. Ang mga
konsepto na ito ay may politikal na aspeto. Ang kaharian ng rason ay
inaasahan na bagong kondisyon ng sankatauhan sa oras na makamit ang
totoong kalayaan. Parang ang rason at kalayaan ay nagpapatibay ng bago
at ganap na lipunan. Ang konsepto ng "rason at kalayaan" ay nabigyan
ng kahulugan na laban sa pananampalataya pati na sa politikal na
sistema ng panahon na iyon
19. Dapat tignan ang dalawang mahahalagang hakbang ng politikal na
kaganapan ng pag-asang ito dahil sa gagampanan nito tungkol sa tunay
na pag-asa. Una ay ang Rebolusyon sa Pransya, ang pagtataguyod ng
paghahari ng rason at kalaayan na nagsasabi na ang rason ay ang
realidad sa politika. Ang ideya na ito ay sumulong. Nagsulat din si
Immanel Kant tungkol dito at nagsabi na ang pagbabago ng
pananampalataya ng simbahan patungong tanging paghahari ng
pananampalatayang panrelihiyon ay ang pagdating ng Kaharian ng Diyos
na mapapabilis ng rebolusyon mula sa pananampalataya ng simbahan
patungong "rasyonal na pananampalataya". Nagkaroon ng bagong kahulugan
ang "kaharian ng Diyos" na pinroklama ni Hesus at may bagong uri ng
presensya; ang bagong hinintay, sabi nga. Ang "Kaharian ng Diyos" ay
darating sa pagtatapos ng "pananampalataya ng simbahan" at pagpalit
noon ng "relihiyosong pananampalataya" na sa ibang salita ay rasyonal
na pananampalataya. Nakita ni Kant ang posibilidad na gaya ng natural
na katapusan ng lahat ng bagay, mayroon ding hindi natural. Kaugnay
nito, sinabi niya na : "kapag huminto ang pagmamahal sa Kristianismo,
ang mangingibabaw na kaisipan ay ang 'di pagtanggap at pagtatalo dito
; at magsisimula ang maikling paghahari ng Anticristo (siguro ay base
sa takot at sariling interes); pero dahil ang Kristianismo, kahit
nakadestinong maging relihiyon ng mundo, ay di papayagan ng tadhana,
at dahil dito, sa moral na aspeto, ito ay magdadala sa katapusan ng
lahat ng bagay.
20. Ang 19 na siglo ay humawak sa pananampalataya ng kaunlaran bilang
uri ng pag-asa ng tao, at nagpatuly na ituring ang rason at kalayaan
bilang gabay na bituin bilang daan sa pag-asa.
Ganon pa man, ang mabilis na pagsulong ng teknolohikal na pag unlad at
ng industruyalisasyon na kaugnay nito ay nagbigay daan sa bagong
sitwasyon ng lipunan:nagkaroon ng bagong uri ng mga manggagawa ng
industriya at ng "industrial proletariat", na inilarawan ni Friedrich
Engels noong 1845. Para sa kanyang mambabasa , ang kasagutan: ito ay
'di dapat magpatuloy; kailangan ng pagbabago. Pero ang pagbabago na
iyon ay yayanig sa istraktura ng lipunan ng bourgeois. Matapos ang
rebolusyon ng bourgeois noong 1789, dumating naman ang panahon para sa
bagong rebolosyong proletarian: ang pag-unlad ay di ba maaring
magpatuloy sa maililiit na hakbang. Kailangan ng malaking hakbang. Si
Karl Marx ay nagsulong ng kanyang ideya gamit ang pananalita at
kaisipan para maipahayag ang makabago at , ayon sa kanya, tuwirang
hakbang sa kasaysayan patungong pagliligtas —patungo sa sinasabi ni
Kant na "Kaharian ng Diyos". Ang pag-unlad para sa mas ikabubuti,
patungo sa mabuting mundo, ay 'di na nanggagaling sa agham kung hindi
sa politika—mula sa siyentipikong politika na kumikilala sa istraktura
ng kasaysayan at ng lipunan at nagtuturo sa daan ng rebolusyon,
patungo sa pangkalahatang pagbabago. Inilarawan ni Marx ang kanyang
panahon at nagsabi ng daan sa rebolusyon 'di lang sa purong ideya: sa
pamamagitan ng partidong komunista na nabuo dahil sa Communist
Manifesto noong 1848, ito ay kanyang pinairal. Ang kanyang pangako,
mula sa kanyang pag-iisip at malinaw na indikasyon ng pamamaraan ng
malawakang pagbabago, ay nanatiling walang maliw na hinahangaan.
Sumunod ang totoong rebolusyon sa Ruso.
21. Kasabay ng pagkapanalo ng rebolusyon, lumitaw ang kamaliaan ni
Marx. Pinakita niya kung paano wawakasan ang kasalukuyang sistema,
pero di niya sinabi king ano dapat ang susunod na mangyari. Inakala
lang niya na sa pagbasak ng mga namumunong tao , sa pagbagsak ng
politikal na kapangyarihan at ang sistema ng produksyon, lilitaw ang
bagong Herusalem. At duon nga ang lahat ng kabalintunaan ay matatapos,
magkakaayos ang tao at ang mundo. At lahat ng bagay ay lalakad sa
kanilang sarili, dahil ang lahat ng bagay ay mapupunta sa lahat ng tao
at ang lahat ay magmimithi ng kabutihan para sa lahat ng kapwa. Kaya
nga, matapos ang rebolusyon, nalaman ni Lenin na ang naisulat ni Marx
ay di nagturo kung paano ito ipagpapatuloy. Nangusap si Marx sa
kalagitnaang punto ng diktaturya ng proletariat na kailangan na sa
takbo ng panahon ay mauulit. Ang punto ng proseso na ito, alam natin
ang naging takbo nito, ay di nagbigay daan sa perpektong mundo, ito ay
nag-iwan ng daan sa kasiraan. Di lang iniwan ni Marx kung paano
papatakbuhin ang mundo na ito. Ang kanyang katahimikan ay nanggaling
sa kanyang piniling paraan. Ang kanyang pagkakamali ay mas malalim pa.
Nalimutan niya na ang tao ay nanatiling tao. Nalimutan niya ang tao at
ang kalayaan ng tao. Nalimutan niya na ang kalayaan ay kalaayan din
para sa kasamaan. Inakala niya na matapos mailagay sa tama ang
ekonomiya, ang lahat ay kusa nang malalagay sa tama. Ang kanyang tunay
na pagkakamali ay ang materyalismo: ang tao ay di lang resulta ng
kondisyon ng ekonomiya at di maililigtas ang tao sa pamamagitan lang
ng magandang ekonomiya.
22. Tanungin natin ulit ang ating mga sarili: Ano ang ating aasahan?
Ang pagtalakay sa modernidad ay kailangan sa pag-uusap kasama ng
Kristiyanismo at ang konsepto nito ng pag-asa. At kailangan din na
malaman ng mga kristiano ay kung ano talaga ang pag-asa at kung ano
ang maibibigay nito. Mula sa pagtingin ulit, kailangan din ang
pagtingin sa Kristiyanismo, at palagiang panibaguhin ang pagka-unawa
sa sarili mula sa mga ugat nito. Ano ba talaga ang kaunlaran; ano ang
pangako nito at ano ang di pinapangako nito? Sa ika-19 na siglo, ang
pananampalataya ay sumasailalim sa mga usapin. Sa ika-20 na siglo,
nagpahayag si Theodor W. Adorno ng problema ng pananampalataya sa
kaunlaran: na ang kaunlaran ay pag-unlad mula sa tirador papuntang
bombang atomika. Ito ang aspeto ng pag-unlad na di dapat itago.
Nakikita ang dalawang bunga ng kaunlaran. Dala nito ang posibilidad sa
kabutihan at nagbubukas din sa bagong mga posibilidad ng kasamaan.
Nakita na sa maling kamay ito ay nagiging kaunlaran sa kasamaan. Kung
ang teknikal na kaunlaran ay di mapapantayan ng kaunalaran sa etiko,
sa panloob na paglago ng tao (cf. Eph 3:16; 2 Cor 4:16), ito ngayon ay
di kaunlaran , ngunit isang peligro sa tao at sa mundo.
23. Ang rason ay handog ng Diyos sa tao, at ang pagkawagi ng rason sa
pagiging irisonable ay mithiin ng Kristiyanismo. Nagtatagumpay ba ang
rason kung ito ay hiwalay sa Diyos at bulag sa Diyos? Ang rason ba sa
bawat galaw at ang kakayahan sa paggalaw ang kabuuan ng rason? Kung
ang tunay na kaunlaran, ay nangangailangan ng moral na paglago ng tao,
ang rason sa likod ng paggalaw at ang kakayahan sa paggalaw ay
nangangailangan din naman ng pagkabukas bg rason sa mapagligtas na
puwersa ng pananampalataya.
Duon lang nagiging makatao ang rason, sa padala ng ating kaloobansa
tamang daan. Kung wala ang ito, ang rason at magiging peligro sa kanya
at sa sanlikha. Ang kalayaan ay nangangailangan ng pagtatagpo ng iba't
ibang kalayaan na dapat sukatin ng basehan at mithiin ng ating
kalayaan. Sa madaling salita, kailangan natin ang Diyos, kung hindi ay
wala tayong pag-asa. Napapatotohanan ang nasusulat sa (Eph 2:12).
Walang duda na ang "Kaharian ng Diyos" na natatamo ng walang Diyos
—kaharian ng tao lang—ay nauuwi sa "masamang katapusan" ng lahat ng
bagay tulad ng inilarawan ni Kant: nakita natin ito ng paulit ulit.
Pumapasok ang Diyos sa ating buhay at di lang sa ating mga isipan siya
mismo ang lumalapit sa atin at nakikipag-usap sa atin. Kailangan ang
pananamplataya ng rason para ito ay maging ganap: kinakailangan ng
pananampalataya at rason ang isa't-isa para sa makumpleto at magkaroon
ng katuparan at ang kanilang misyon
Ang tunay na Kristiyanong Pananampalataya
24. Itanong natin ulit : saan tayo dapat umasa? At ano ang di natin
dapat asahan? Una, dapat nating aminin na ang unti-unting pag-unlad ay
posible lamang sa mga bagay na materyal. Umuusad tayo sa lalong mas
mabuting paghawak sa kalikasan. Ngunit di ito masasabi sa larangan ng
etiko at moral dahil ang kalayaan ng tao ay laging bago at lagi siyang
dapat na gumagawa ng mga desisyon. Ang mga desisyon na ito, dahil sa
malaya nga tayo ay di pwedeng gawin sa atin ng ibang tao para sa
hinaharap. Sa kalayaan ang mga malalaking desisyon, ang bawat tao at
salinlahi ay bago. Natural na ang mga bagong salinlahi ay gumagamit sa
kaalaman ang karanasan ng mga nauna, at sa kayamanang moral ng
sankatauhan. At pupuwede din na tanggihan nila ito. Ang moral na
kayamanan ng sankatauhan ay hindi kaagad na magagamit na parang gamit;
ang mga ito ay nagsisilbing paanyaya sa kalayaan at sa posibilidad
para dito
a) ang tamang estado ng sankatauhan at ang moral na kalagayan ay di
maipapangako ng mga istraktura lamang. Ito ay mabuti ngunit di dapat
lumimot sa kalayaan ng tao.
b) dahil malaya ang tao ang ang kaharian ng kabutihan ay di kailanmam
magiging ganap dito sa mundo nang walang hanggan ay lumilimot sa
kalayaan ng tao. Kailangan ang palagian na magamit ang kalayaan.
25. Ang ibig sabihin nito, ang bawat salinlahi ay may katungkukan sa
paghahanap ng tamang pamamalakad ng mga tao.
Ngunit ang bawat salonlahi ay dapat makiisa sa pagtataguyod ng
istraktura ng kalayaan at kabutihan bilang gabay sa tamang paggamit ng
kalayaan ng tao; ang mga istraktura ay nakakatulong pero hindi sapat.
Nagkamali sina Francis Bacon at ang kanyang mga tagasunod sa
kasalukuyang takbo ng pag-iisip na ang tao ay maililigtas ng agham.
Ito ay mali pero nakakatulong sa pagpapabuti ng mundo at sankatauhan.
Ito din ay pwedeng sumira maliban kung ito ay gagabayan ng pwersa na
labas dito. Sa kabilang banda, ang Kristianismo ay malimit na nakatuon
na lamang indibidwal at sa kanyang pagkaligtas.
26. Di agham kung hindi pagmamahal ang nagliligtas sa tao. Kapag
nakakaranas siya ng dakilang pagmamahal, ito ay oras ng pagliligtas na
nagbibigay kahulugan sa kanyang buhay. Makikita din niya na ang
pagmamahal na binigay sa knaya ay di sapat para sagutin ang tanong ng
buhay. Ang pagmamahal ba ito ay nasisira ng kamatayan. Kailangan ng
tao ang walang kundisyon na pag-ibig kung saan niya masasabi ang : "ni
kamatayan, o buhay, o mga anghel, o mga kapangyarihan, ni ang mga
nandito o mga dadating pa lang, ni taas o ni lalim o anupaman ay hindi
makakapaghiwalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos kay Kristo Hesus" (Rom
8:38- 39). Kung mayroon ng pag-ibig na ito ng may katiyakan, duon lang
naliligtas ang tao kahit ano pa man ang mangyari sa kanya. Ito ang
pagliligtas sa atin ni Hesu-Kristo. Sa pamamagitan Niya tayo ay
nakakatiyak na may Diyos, na di malayong "unang sanhi" ng mundo, dahil
ang Kanyang Bugtong na Anak ay naging tao at ang lahat ay nagsasabi sa
Kanya: "ako ay nabubuhay sa pananampalataya sa Anak ng Diyos , na
nagmahal sa atin at ibinigay sa akin ang Kanyang sarili" (Gal 2:20).
27. Sa ganito, ang di nakakakilala sa Diyos ay ay totoong walang
pag-asa na sumusustento sa buong buhay(cf. Eph 2:12). Ang sinumang
gumagalaw dahil sa pag-ibig ay nakaka-alam ng kung ano talaga ang
buhay. Nalalaman nya ang kahulugan ng pag-asa na ating natagpuan sa
Ritwal ng Bautismo: mula sa pananampalataya hiniintay ko ang walang
"hanggang buhay" —ang buhay na totoo, buo at may kasiguraduhan, ang
simpleng buhay. Nasabi ni Hesus na nagpunta siya para tayo ay
magkaroon ng buhay at ang kabuuan nito at kasaganahan(cf. Jn 10:10),
at sinabi din niya kung ano talaga ang buhay: "Ito ang buhay na walang
hanggan, na makilala naint ang iisang Diyos, at si Hesu-Kristo na
Kanyang isinugo" (Jn 17:3). Ang totoong buhay ay hindi lang ang kung
anong meron tayo na walang relasyon sa iba: ito ay isang relayson. At
ang buhay sa kabuuan ay ang relasyon natin sa pinanggagalingan ng
buhay. Kung tayo ay may relasyon sa Kanya na hindi namamatay, tayo ay
nasa buhay. Tayo ay nabubuhay.
28. Lumilitaw ang tanong kung tayo ba ay nahuhulog sa makasariling
pang-unawa sa pagliligtas, sa huwad pag-asa na para ating sarili
lamang. Hindi! A g ating relasyon sa Diyos ay nabubuo sa ating
relayson kay Hesus—hindi natin ito makakamit ng ating sarili lamang.
Ang kaugnayan natin kay Hesus ay relasyon sa Kanya na nagbigay ng
Kanyang sarili para sa atin(cf. 1 Tim 2:6). Ang pakikiisa kay Hesus ay
nagpapalapit sa atin na kanyang pagiging "para sa mga tao; Ang
pagmamahal sa Diyos ay pakikiisa sa hustisya at pagiging mapagbigay ng
Diyos sa iba.Namatay para sa lahat si Hesus, para ang mga mabubuhay ay
hindi na mabuhay para sa kanilang mga sarili, pero para sa kanya na
namatay para sa atin ay namatay' (cf. 2 Cor 5:15)".
30. Tayo ay magbigay ng buod ng ating mga pagninilay. Araw araw tayo
ay nakakaranas ng malaki at kaunting pag-asa sa iba't ibang punto ng
ating buhay. Kung minsan, ang mistulang di na nangangailangan ng iba
pang pag-asa. Ang mga kabataan ay maaring magkaroon ng dakilang
pag-ibig; pag-asa sa posisyon sa propesyon o karera, o tagumpay na
makakapagbago sa kanilang buhay. Kapag natutupad ang ating pag-asa,
lumiliwanag na ang mga ito ay hindi ang kabuuan. Kailangan pa ng tao
ang pag-asa na higit pa dito. Na ang tanging makakapagpakuntento sa
kanya ay isang bagay na walang hanggan, isang bagay na higit pa sa
kahit anong bagay na kanyang makukuha. Ang ating panahon ay lumikha ng
pag-asa ng perpektong mundo, salamat sa kaalaman sa agham at sa
siyentipikong politika, ang mga ito ay inaasahan makakamit. Kaya naman
ang pag-asa sa Kaharian ng Diyos na sinasabi sa Bibliya ay napapalitan
ng pag-asa sa kaharian ng tao. Ang pag-asa sa mas magandang mundo na
tinuturing na tunay na "Kaharian ng Diyos".
Ang sinasabing pag-asa din ay lumilitaw na laban sa kalayaan. Kung
tatanggalin ang kalayaan , resulta ng ilang kondisyon o istraktura, sa
huli ito ay hindi magiging magandang mundo dahil sa kawalan ng
kalayaan. Kaya, habang patuloy tayo sa pagpapabuti ng ating mundo
31. Kailangan natin ang dakila ang mumunting pag-asa para sa ating
pang-araw ara na buhay. A Ang lahat ng ito ay di magiging sapat kung
wala ang dakilang pag-asa. Ang dakilang pag-asa na ito ay an gating
Diyos na higit pa sa lahat ng bagay, at makakapagbigay ng bagay na
hindi natin makakamit sa ating sarili lamang. Ang katotohanan na ito
ay isang handog sa atin ay bahagi n gating pag-asa. Ang Diyos ang
saligan ng ating pag-asa: at hindi ang mga diyus-diyusan, ang Diyos na
nagkaroon ng mukha ng tao at nagmahal sa atin hanggang sa wakes; ang
Kanyang kahariaan ay nanduon kung saan man Siya iniibig at kung saan
tayo inaabot ng Kanyang pag-ibig. Tanging ang pag-ibig niya ang
nagbibigay ng kakayanan na pagpupurisigi araw-araw. Nang walang
kapaguran nang dahil sa pag-asa, sa mundo na hindi perpekto. Ang
Kanyang pag-ibig ay ang garantiya ng pagkakaroon ng ating hindi
lubusang maramadaman, na atin hinihintay: ang buhay na "totoong" buhay.
I. Dasal bilang tagapagturo ng pag-asa
32. Ang unang mahalagang bagay para matutuhan ang pag-asa ay ang
pagdadasal. Kapag wala nang nakikinig sa akin, ang Diyos ay nakikinig
sa akin. Kapag wala na akong makausap o matawag, nandian, lagi kong
nakakausap ang Diyos. Kapag wala nang ibang makakatulong sa akin
pangangailangan o sa mga inaasahan na lalagpas pa sa kakayahan ng tao,
Siya ang makakatulong sa atin. .
33. Sinabi ni San Augustine, sa kanyang homiliya sa Unang sulat ni
Juan ay naglalarawan ng napakalapit na relasyon ng pagdadasal at ng
pag-asa. Sinabi niya na ang pagdadasal ay ang pagsasanay sa niloloob
ng tao. Ang tao ay nillikha para sa kadakilaan – para sa Diyos mismo;
siya ay nilikha para punuin ng Diyos. Ngunit ang kanyang puso ay
masyadong maliit para sa kadakilaan na itinakda para dito. Ito ay
dapat na palakihan. "Sa pamamagitan ng pagpapatagal ng mga handog,
pinapalakas ng Diyos an gating mga pagnanais; sa pamamagitan ng
pagnanais pinapalaki ang ating kaluluwa at sa paglaki nito,
pinapalakas nito ang kakayanan [para tanggapin Siya]". Tanging sa
ating pagiging anak ng Diyos natin nakakasama ang ating iisang Ama.
Ang pagdadasal ay hindi pag-alis sa kasaysayan ng tao papunta sa ating
sariling lugar ng kaligayahan. Kapag tayo ay nagdadasal tayo ay
sumasailalim sa proseso ng paglilinis na nagbubukas sa atin sa Diyos
at sa ating kapwa din. Sa ating pagdadasal, dapat nating matutunan ang
mga dapat nating hilingin sa Diyos- ang nararapat para sa Diyos. Dapat
tayong matututo na din natin na hindi hingin ang mga karangyaan at
komportableng bagay na ating gusto sa oras na ito- isang maling
pag-asa na nakakapagpalayo sa atin sa Panginoon. Dapat nating gawing
puro ang ating kalooban at pag-asa
34. Para maisulong ang kapangyarihan ng dasal para sa paglilinis,
dapat itong, sa isang banda, ay dapat na maging personal, ang
pagtatagpo sa gitna ng aking sarili ng Diyos, ang buhay na Diyos. Sa
kabilang banda, ito ay dapat na patuloy na ginagabayan ng mga dasal ng
simbahan at ng mga santo, sa dasal na panliturhikal, kung saan ay
paulit ulit tayong tinuturuan ng ating Panginoon na magdasal. Tayo ay
nagkakaroon ng kakayahan para sa dakilang pag-asa, at tagapagbigay ng
pag-asa para sa iba. Ang Kristianong pag-asa ay pag-asa din para sa
iba. Ito ay aktibong pag-asa na lumalaban na mauwi ang mga bagay sa
kasamaan. Ito ay aktibong pag-asa dahil pinapanatili nitong bukas ang
mundo sa Diyos. At tanging sa ganito ito nagpapatuloy bilang tunay na
pag-asa ng tao.
II. Ang pagkilos at ang pagdurusa bilang pagsasanay sa pag-asa
35. Ang lahat ng matuwid na asal ay ang pagkilos ng pag-asa. Tanging
ang kasiguraduhan ng pag-asa na mahigpit na pinanghahawakan ng hindi
mapipigil na Pag-ibig, na nagbibigay ng kahulugan at kahalagahan,
taning ang ganitong uri ng pag-asa lang makakapagbigay ng lakas lob na
gumalaw at pagpursigi. Hindi natin mapagtatrabahuhan ang langit sa
pamamagitan ng atign mga gawa. Ang langit ay laging higit pa sa ating
mapagtatatrabahuhan, pero ito ay maituturing lamang na handog. Maari
nating buksan ang ating mga sarili at ang mundo para pumasok ang
Diyos: mabubuksan natin ang ating sarili sa katotohanan, katotohanan,
pag-ibig at sa kabutihan.
36. Tulad ng pagkilos, ang pagdurusa ay bahagi ng nating buhay. Ang
pagdurusa ay galling sa ating limitasyon at dahil sa kasalanan na
naipon sa pagdaan ng kasaysayan at patuluy na lumalaki ng walag tigil
hanggang ngayon. Tiyak na dapat nating gawin ang lahat para mabawasan
ang pagdurusa: at para maiwasan ang pagdurusa ng mga inosente; para
maibsan ang sakit; matulungan ang mga nagdurusa sa pag-iisip.
Kailangan nga natin na magapi ang pagdurusa, pero ang puksain sa mundo
ay wala sa ating kapangyarihan. Tannging ang Diyos lamina ang
makakagawa nito: tanging ang Diyos na pumasok sa kasaysayan at nagging
tao at nagdusa sa loob ng kasaysayan. Alam natin na buhay ang Diyos na
ito at ang kapangyarihan niya na "magtanggal ng kasalanan sa mundo"
(Jn 1:29) ay nasa mundo. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa totoong
kapangyarihan na ito, ang pananampalataya sa kagalingan ng mundo ay
lumitaw sa kasaysayan. Ito ay pag-asa at hindi pa kagananapan; pag-asa
nagpapalakas-loob na tayo ay manatili sa kabutihan kahit sa sitwasyon
na parang wala nang pag-asa kahit na sa pagpapatuloy ng presensiya ng
kapangyariahan ng kasalanan sa kasaysayan.
37.Sa pagsubok na maiwasan ang pagdurusa sa paglayo sa anumang
makakasakit, kapag iniiwasan natin ang pagsisikap at sakit para sa
katotohanan, pag-ibig at kabutihan, tayo ay naaanod papuntang buhay ng
kawalang-kahulugan, na halos walang sakit, pero ang pagdanas ng
pagkapabaya at kawalang-katuturan. Hindi sa pag-iwas o pagtakbo sa
pagdurusa tayo gumagaling, bagkus, sa ating kakayahan para tanggapin
ito, at paglago natin ditto at pagtuklas ng kahulugan sa pakikiisa kay
Kristo na nagdusa nang may walang hanggang pag-ibig. Si Kristo ay
nananaog sa kinaroroonan ng mga yumao at naging malapit sa mga napunta
duon, na nagpagbago ng karimlan sa liwanag. Ang pagdurusa at pasakit
ay mapait pa din at mahirap batahin. Ngunit ang bituin ng pag-asa ay
sumikat- ang angkla ng puso ay umabot sa trono ng Diyos. Sa halip na
ang kasamaan ang lumabas sa tao- ang ilay ay ng pagwawagi ang
nagliliwanag. Ang Pagdurusa ay nagiging kanta ng papuri.
38. Ang tunay na sukatan ng pagkatao ay makikita sa relasyon sa
pagdurusa at sa nagdurusa. This holds true both for the individual and
for society. Ang lipunan na `di makatanggap sa mga nagdurusang miembro
at walang kakayanan na makiisa sa mga nagdurusa at dalin ito sa
pamamagitan ng pagmamalasakit ay di makataong at walang awang lipunan.
Ngunit, ang lipunan ay `di makakatanggap ng mga nagdurusa at
suportahan sila sa kanilang mga pagsubok hanggang ang bawat isa ay
makakita ng kahulugan ng pagdurusa, ang daan ng paglilinis at paglago,
ang paglalakbay ng pag-asa. Mayroon lamang pag-ibig kapag may masakit
na paglimot sa sarili, dahil kung hindi ito ay purong pagiging
makasarili at huminto ang pagiging pag-ibig.
39. Ang magdusa kasama ng iba at para sa iba; ang magdusa para sa
katotohanan at para sa katarungan; ang magusa para sa pag-ibig at para
maging tao na tunay na nagmamahal—ito ang bumubuo sa pagkatao, at ang
iwanan nito ay nag pagsira sa tao mismo. Pinakita ng Kristianong
pananampalataya na ang katotohanan, katarungan at pag-ibig ay hindi
lang mga idolohiya ngunit mabigat na realidad. Pinakita nito na ang
Diyos - ang katotohanan at pag-ibig- ay nag nais na magdusa kasama
natin. Sinabi ni Bernard of Clairvaux ang kasabihan na: Impassibilis
est Deus, sed non incompassibilis 29—'di kayang magdusa ng Diyos pero
maari Siyang magdusa kasama ng tao. Ang tao ay lubos na mahalaga sa
Diyos na naging tao Siya para magdusa Siya kasama ng tao sa totoong
paraan—sa pamamagitan ng laman at dugo—tulad ng nangyari sa pasakit ni
Hesus. Kaya sa lahat ng pagdurusa ng tao tayo ay kasama ng dumadanas
at kumakaya ng pasakit kasama natin; Ulitin natin: ang kakayanan na
magdusa para sa katotohanan ay ang sukatan ng katauhan. Pero ang
kakayahan na iyon ay nakasalalay sa uri at laki ng taglay nating pag-asa.
40. Mayroong uri ng debosyon na nag aalay ng maliliit na kahirapan na
nadadanasan at nabibigay kahalagahan sa mga ito. Meron ding
pagmamalabis sa ganitong debosyon pero kailangan natin tanungin ang
kagandahan na makikita natin dito. Ano ang ibig sabihin ng pag-aalay?
Ang mga gumagawa nito ay may paniniwala na maari nilang isama ang mga
mumunting sakripisyo sa dakilang pagmamalasakit ni Kristo para kahit
paano ay maging bahagi ng pagmamalasakit na kinakailangan ng
sankatauhan. In this way, even the small inconveniences of daily life
could acquire meaning and contribute to the economy of good and of
human love. Maybe we should consider whether it might be judicious to
revive this practice ourselves
III. Paghuhukom bilang paraan na matutuhan at pagsasanay ng pag-asa
41. Sa dulo ng huling bahagi ng pinaka sentrong bahagi ng kredo ng
simbahan- sa bahagi ng pag-aalala sa misteryo ng Kristo, mula sa
pagsisilang sa eternidad ni Hesus sa Kanyang Ama at ang pagkakasilang
sa oras ng mundo kay Birheng Maria, sa pagdaan Niya sa Krus at
pagkabuhay na muli hanggang sa pagdadating Niya muli—matatagpuan natin
ang: "Siya ay babalik muli sa Luwalhati para hukuman ang mga nabubuhay
at mga yumao". Ang pananampalataya ay `di lang tumitingin sa nakaraan,
o pataas, ngunit laging sa haharapin din sa oras ng katarungan na
laging pinapahayag ng Panginoon.
43. Ang mga Kristiano ay dapat na patuloy na matuto sa mahigpit na
pagbabawal sa mga imahen na nakapaloob sa unang utos ng Diyos (cf. Ex
20:4). Ang katotohanan ng negatibong teolohiya na binigyang diin ng
ika-4 na Konsilyo ng Lateran, na nagsasabi na kahit malaki ang
pagkakatulad ng Lumikha at nilikha, ang pagkakaiba ng dalawa ay lalong
mas malaki pa din. Ang pagbabawal sa mga imahen ay `di maaring gawin
sa paghantong sa, tulad ng nasabi nina Horkheimer at Adorno, pagsasabi
ng "hindi" sa paniniwalang may Diyos at sa paniniwalang walang Diyos.
Binigyan ng Diyos ang Kanyang sarili ng "imahen": kay Kristo na
nagkatawang tao. Sa Kanyang pagkakapako sa krus, ito ang pinakamabigat
na pagtanggi sa huwad na imahen ng Diyos. Ibinunyag ngayon ng Diyos
ang Kanyang tunay na mukha sa imahen ng nagdurusa na nakiisa sa taong
tila napayaan ng Diyos. Ang walang salang nagdurusa ay nakaatim ng
kasiguraduhan ng pag-asa: mayroong Diyos, at makakalikha ang Diyos ng
katarungan sa paraan na `di natin maiisip, ngunit may bahagyang
pagkakaunawa tayo dito sa pamamagitan ng pananampalataya. Oo, may
pagkabuhay muli ng katawan. May katarungan. May paggaling sa nakaraang
mga pasakit, pagwawasto na nagbabalik sa tamang bagay. Sa kadahilanang
ito, ang pananampalataya sa Huling Paghuhukom ay pag-asa. Ang ating
mga pinakamimithi na `di natin makakamit sa buhay na ito, sa walang
hanggang pag-ibig na ating hinihintay, ay totoong motibo natin para
maniwala na ang tao ay nilikha para sa walang-hanggan;at kaugnay din
nito , ang pagtuklas na imposilbe nating makamit ang ganap na
katarungan sa mundong ito ay nagpapaalam sa atin ng kinakailangan ang
pagbabalik muli ni Kristo at bagong buhay.
44. Ang magprotesta laban sa Diyos sa ngalan ng katarungan. Ang mundo
na walang Diyos ay ang mundo na walang pag-asa. (cf. Eph 2:12).
Tangingn ang Diyos lang ang makakalikha ng katarungan. At ang
pananampalataya ang nagbibigay sa atin ng kasiguraduhan na ito ay
ginagawa Niya. Ang Diyos ay katarungan at lumilikha ng katarungan. Ito
an gating konsuelo at ang pag-asa. Sa Kanyang katarungan ay may
grasya.Ito ay nalalaman natin sa pagtingin kay Hesus na napako at
nabuhay na muli. Kailangang Makita ang katarungan at grasya sa
kanilang tamang relasyon. `di nawawala ang katarungan sa Grasya.
Sa talinhaga ng mayamang tao at si Lazaro (cf. Lk 16:19-31),nagbigay
ng babala si Hesus sa imahen ng kaluluwa na nasira ng kayabangan at
karangyaan, na lumikha ng di matatawiran na agwat sa gitna niya at ng
mahirap na tao; ang agwat na kumukulong sa loob ng materyal na
kasarapan, ang agwat ng paglimot sa ibang tao, ng kawalang kakayahan
para magmahal na nagiging 'di napapawing pagkauhaw. Tandaan natin na
si Hesus ay 'di tumutukoy sa huling hantungan matapos ang Huling
Paghuhukom pero tumatalakay sa paniniwala ng mga sinaunang Hudaismo,
na ang hahantungan agad ng tao sa gita ng kamatayan at muling
pagkabuhay, ang estado kung saan ay hindi pa nababanggit ang huling hatol.
45. Ang sinaunang mga ideyang Hudyo ng estado ng kaluluwa ay di lang
nasa pansamantalang kalalagyan, sa halip, tulad ng nasa talinhaga ng
mayamang tao, ay napaparusahan na kaagad at nakakakadanas na ng
paunang kaligayahan. Maryoon ding pananaw ang ganitong kalagayan ay
may paglilinis at pagpapagaling na nagdadala sa pakikipag-isa ng
kaluluwa sa Diyos. Kinuha ang mga konseptong ito ng Simbahan, at ang
Kanlurang Simbahan ay nalinang sa doktrina ng Purgatoryo.
46.Sa unangn sulat ni San Pablo sa mga taga –Corinto, pinakita ang
magkaibang pagdanas ng paghuhukom ng Diyos ayon sa sitwasyon ng bawat
tao. Sinabi niya ito sa paggamit ng mga imahen para maipahayag ang mga
hindi nakikita para maunawaan natin ang mundo na higit pa sa kamatayan
o hindi pa natin nararanasan. Nagsimula si Pablo sa pagsasabi na ang
Kristianong pamumuhay ay itinatag sa iisang pundasyon: si Hesu-Cristo.
Ang pundasyon na ito ay matibay . Kapag ito ang ating pundasyon, ito
ay hindi makukuha sa atin kahit ng kamatayan. Nagpatuloy si Pablo:
"Ngunit sa pagtatayo sa pundasyong ito, kung may gumagamit ng ginto,
pilak, mga mamahaling bato, kahoy, dayami, o pinaggapasan, ilalantad
ang gawa ng bawat isa. Ituturo iyon ng araw ng Paghahatol Sapagkat
ihahayag ito. Ang apoy ang maglalantad at susubukin sa apoy ang uri
ng gawa ng bawat isa. Kung mananatili ang gawa ng nagtayo,
gagantimpalaan siya; kung matutupok naman ang gawa, siya ay mawawalan.
Maliligtas nga siya pero gaya lamang ng nagdaan sa apoy" (1 Cor
3:12-15). Sa nasulat na ito, makikita natin na ang kaligtasan ay may
iba't ibang paraan, na ang iba sa mga nagawa natin ay maaring masunog,
at para tayo ay maligtas, kinakailangan nating magdaan sa "apoy" para
maging ganap na bukas na tumanggap sa Diyos at makibahagi sa mesa ng
walang hanggang piging sa kasalan.
47. May mga teologo na nagsasabi na ang apoy na nakakasunog at
nagliligtas ay mismong si Hesus, ang hukom at ang manliligtas. Ang
lahat ng `di totoo ay naglalaho kapag kaharap Siya. Ang pagtatagpo
kasama Siya, sa pagsunog sa atin, ay nagpapabago at nagpapalaya sa
atin, humahaya sa ating maging kung sino talaga tayo. Sa masakit na
pagtatagpo na iyon, kapag ang karumihan at sakit ay nakita na, naduon
ang pagliligtas. Ang Kanyang tingin, ang paghipo n gating mga puso ay
nagpapagaling sa atin sa talagang masakit na pagbabago "na parang
pagdaan sa apoy". Pero ito ay masakita na biyaya, kung san ang banal
na kapangyarihan ng pag-ibig ay tumatagos sa atin na parang apoy, na
nagbibigay kakayahan na maging kung sino talaga tayo at maging para sa
Diyos ng buong buo. Nagiging malinaw ang kaugnayan ng katarungan at
grasya: may kahulugan ang ating buhay, ang mantsa ng ating pagkakasala
`di panghabang panahon kung atyo ay nagpatuloy na umabot kay Kristo,
sa pag-ibig at katotohanan. Hindi nasusukat ang tagal ng
nakapagbabagong pagsunog sa ordinaryong oras ng mundo. Ang paghuhukom
ng Diyos ay pag-asa, dahil ito ay katarungan at grasya. Kung ito ay
grasya lamang, ang mga bagay a mundo ay mawawalan ng katuturan, at
kakailanganin na sagutin ng Diyos ang tungkol sa katarungan. Kung ito
ay katarungan lang, ito ay magdadala sa atin ng takot. Ang
pagkakatawan tao ng Diyos kay Kristo ay talagang nag-uugnay sa
katarungan at grasya- nagpupundar sa katarungan: tayo ay kumikilos
para sa ating kaligtasan "with fear and trembling" (Phil 2:12). Ngunit
ang grasya ay nagpapa-asa sa atin na magtiwala, at magpunta sa hukom
na kilala natin bilang "tagapag-tanggol", o katulong o parakletos (cf.
1 Jn 2:1).
48. May matatandanng paniniwala ang mga Hudyo na makakatulong tayo sa
mga yumao sa kabilang sa kabilang buhay sa pamamagitan ng dasal (2
Macc 12:38-45; Unang Siglo BC). Ang kaparehong gawi ay ginawa din ng
mga unang Kristiano at ginagawa ng kanluranin at silangang Iglesiya.
Ang silangan ay 'di kumikilala sa paglilinis at sa pasakit na
pagbabayad sa kabilang buhay, pero sila ay kumikilala sa magkakaibang
estado ng pagiging mapalad at pasakit sa kabilang buhay. Ang mga
kaluluwa ng mga yumao ay makakatanggap ng "saya at kapahingahan" sa
pamamagitan ng Eukaristiya, dasal at pagbibigay sa mahihirap.
Nagkakaroo: kung ang "Purgatoryo" ay paglilinis lamang sa apoy na
bunga ng pagtatagpo kay Kristo, ang hukom at Manliligtas, paanong
nakakaapekto ang iba kahit malapit pa siya sa taong yumao? Ang buhay
ng iba ay bumubuhos sa buhay ng iba: sa ating naiisip , sa ating
sinasabi, sa ating gagawin at sa ating nagagawa. At ang buhay natin ay
bumubuhos sa ibang tao: para sa ikabubuti at ikasasama. Kaya ang akong
dasal ay hindi hiwalay sa tao kahit sa kamatayan. Sa ganitong paraan,
naliliwanag natin lalo ang bumubuo sa konsepton ng Kristianong
pag-asa. Ang ating pag-asa ay laging pag-as din ng iba; at iyon lamang
ang tunay na pag-asa. 40 Bilang mga Kristiano, 'di natin dapat natin
nililimitahan ang ating sarili sa pagtatanong kung paano natin
maililigtas ang ating sarili. Dapat din nating itanong: ano ang dapat
kong gawin para maligtas ang iba at upang ang bituin ng pag-asa ay
sumikat din? Duon ko lang magagawa ang lahat para sa akin ding
personal na kaligtasan.
Q1
Maria, ang Bituin ng Pag-asa
49. Sinasabi ng kanta na gawa noong ika-8 o ika-9 na siglo, sa mahigit
na isang libong taon, binabati ng simbahan , ang Ina ng Diyos, bilang
"Bituin ng Karagatan": Ave maris stella.Ang ating buhay ay paglalayag
sa dagat ng kasaysayan, kadalasan ay sa madilim, paglalakbay na umaasa
sa mga bituin na nagtuturo ng daan. Ang mga tunay na bituin ay ang mga
tao na nabuhay ng banal. They are lights of hope. Si Hesus ang tunay
na ilaw, ang araw na sumikat sa kadiliman ng kasaysayan. Ngunit para
maabot natin Siya kailangan natin ang mga ilaw na malapit sa atin —
mga tao na nagliliwanag para gabayan tayo sa ating dadaanan. Sino pa
ang bituin sa atong buhay? Sa kanyang "oo" binuksan niya ang pintuan
ng mundo sa Diyos; siya ay naging Kapan ng Tipan, kung saan
nagkatawang tao ang Diyos, at naging kaiisa natin, at nainirahan
kasama natin(cf. Jn 1:14).
50. Kaya tumatawag tayo sa kanya : Santa Maria , ikaw ay kabilang sa
mga mapagkumbaba at dakilang mga kaluluwa ng Israel na , katulad ni
Simeon , ay "naghihintay ng pagpapaginhawa ng Panginoon para sa
Israel" (Lk 2:25) at umaasa, tulad ni Anna, "para matubos ang
Jerusalem" (Lk 2:38). Sa ganitong pangyayari, pinapasalamatan namin
ang banal na pagkatakot na nangibabaw sa iyo nang magpakita sa iyo ang
anghel at nagsabi na ipapanganak mo ang Pag-asa ng Israel, Siya na
hininya ng mundo. Sa pamamagitan mo, sa iyong "oo", natupad ang
pag-asa , pumasok sa mundong ito at sa kasaysayan.
Sumang-ayon ka sa kadakilaan ng tungkulin na ito at nagbigay ng iyonh
pagpayag: "ako ang alipin ng Panginoon, maganap sa akin ayon sa wika
mo" (Lk 1:38). Nang ikaw ay magmadali sa Judea taglay ang iyong banal
na kaligayahan papunta sa iyong pinsan na si Elizabeth, ikaw ang
naging imahen ng Iglesiya, na nagdadala ng pag-asa ng mundo sa kanyang
sinapupunan patawid da mga bundok ng kasaysayan. Kasama ng kaligayahan
nito, at ng iyong Magnificat, ipinahayag mo sa salita at kanta para
madinig sa lahat ng siglo, alam mo din ang madalim na kasabihan ng mga
propeta tungkol sa magdurusang tagapaglingkod ng Diyos sa mundo.
Nasabi ng matandang Simeon ang tungkol sa punyal na tutusok sa iyong
kaluluwa (cf. Lk 2:35), ang simbolo ng kabalintunaan na ang iyong Anak
ay mapupunta sa mundo. Nang si Hesus ay nagsimula ng Kanyang
pampublikong paglilingkod, kinailangan mong magbigay daan upang lumago
ang bagong pamilya na may misyon na maitaguyod na bubuuin ng mga
sumusunod sa iyong salita (cf. Lk 11:27f). Kasama ng pagdanas mo ng
malaking kaligayahan sa umpisa ng paglilingkod ni Hesus, sa sinagoga
ng Nazareth naranasan mo na ang katotohanan ng kontradikyson (cf.
Lk4:28ff). Sa ganitong paraan lumalakas na kapangyarihan ng
pagtatakwil kay Hesus hanggang sa oras ng Krus, nang tinignan mo ang
Tagapagligtas ng mundo, ang hahalili kay David, ang Anak ng Diyos na
namatay na parang sa kabiguan , kinukutya ng mga tao sa pagitan ng 2
kriminal. Pagkatapos natanggap mo ang salita ni Hesus: "Babae , iyan
ang iyong anak!" (Jn 19:26). Sa krus natanggap mo ang iyong bagong
misyon. Sa Krus ikaw ay naging ina sa bagong paraan: ang ina ng lahat
ng naniniwala sa iyong Anak na si Hesus at may kagustuhan na sumunod
sa Kanya. Ang punyal ng pighati ay tumagos sa iyong puso. Namatay ba
ang pag-asa? Nawalan ba ang mundo ng liwanag, at buhay na walang
katuturan? Sa oras na iyon sa iyong puso, nakinig ka muli sa salita na
binigay sa iyo ng anghel sa pagsagot sa iyo ng anghel dahil sa iyong
takot sa oras na iyon : "huwag kang matakot Maria!" (Lk 1:30). Ilang
beses na ba nasabi ng Panginoon, ang iyong Anak, ay nagsabi din ng
kaparehong bagay: huwag kayong matakot! Sa iyong puso nadinig mo ang
salita na iyon noong gabi sa Golgotha. Bago ang gabi ng pagtataksil
sinabi Niya sa Kanyang mga alagad : "lakasan ninyo ang loob,
napagtagumpayan ko ang mundo." (Jn 16:33). "Huwag mabagabag ang inyong
mga puso" (Jn 14:27). "huwag kang matakot Maria!" Sa oras na iyon sa
Nazareth sinabi din sa iyo ng anghel: "wlang katapusan ang Kanyang
paghahari" (Lk 1:33). Natapos na nga ba bago pa ang simula? Hindi , sa
paanan ng krus, sa lakas ng salita ni Hesus, ikaw ang naging ina ng
mga mananampalataya. Ang pananampalatayang ito, kahit sa kadiliman ng
sabado de gloria dala ang kasiguraduhan ng pag-asa, ikaw ay dumaan
hanggang sa umaga ng Pasko ng pagkabuhay. Santa Maria, Ina ng Diyos,
turuan mo kaming maniwala, umasa at mahalin ka. Ipakita mo ang daan sa
Kaharian! Bituin sa karagatan, magbigay liwanag ka sa amin at gabayan
mo kami sa aming daan.
Given in Rome, at Saint Peter's, on 30 November, the Feast of Saint
Andrew the Apostle, in the year 2007, the third of my Pontificate.
Hello mga groupmates!!! Advanced Happy Anniversary!!! Opisyal na....ang ating susunod na presentation ay tungkol sa Unang Sulat ni Juan at ang Sulat ni Pablo sa mga taga Corinto. Ang mga presentation ay mahahati sa tig-5 mga kabanata. Sa ngayon, mayroon nang 4 na tao na kumpirmadong makakasali sa presentation na ating tatapusin hanggang sa Jan 1, 2009. Ito ang magiging pagkakahati: 1 Juan 1-5 sr Dwen 1 Corinto 1-5 bro Prinz 1 Corinto 6-10 bro Angelo 1 Corinto 11-15 bro Rodolfo Patuloy pa din tayong nag iimbita ng mga sasali sa presentation para sa 2 Corinto na binubuo ng 12 kabanata. Maraming maraming salamat sa mga gugugol ng panahon at pagsisikap sa presentation na ito at sana ay magbunga lahat ang ating mga proyekto! Ipagdasal din natin ito na sana ay makahipo sa mga puso ng mga makakapakinig at mabibigyan natin ng ating presentation. Maligayang Anibersaryo sa iyo ka-groupmates! your groupmate, eric |
Hello Groupmates!!
Maligaya kong ipinamamalita sa inyo na nagawa na ang unang Draft ng aking personal na Project na salin ng Spe Salvi sa Pilipino. Ang link ng paunang version ay :
Spe Salvi: Sa Pag-asa tayo ay naililigtas (video mp3 Pakinggan)
Hihiling sana ako sa inyo ng inyong mga komento ng mga dapat itama sa presentation. Sa aking palagay ay kaunti na lang ang mga dapat baguhin pero mas maganda kung may makikita kayo na dapat baguhin na di ko napansin.
Sa ngayon 5 miembre ng grupo ang bubuo ng Group Oral Presentation sa 1 Juan at Corinto. Kung may gusto pang makiisa sa proyekto natin, mas dadali ang paggawa kaya sana ay ipagbigay alam lang kung makakaluwang kayo sa oras.
Sa ibaba naman ang unang notes ko sa 1 Juan na nakuha ko sa Navarre Bible na patuloy ko pang dadagdagan para makatulong sa mga kasali sa Oral Presentation.
Ayon sa tradisyon, naisulat ni San Juan ang mga sulat na ito sa Efeso nang siya ay magbalik mula sa pagkakapalayas sa Patmos noong 95-96. Ang istraktura ng sulat ay nagpapatibay na ito ay sinulat ng ika 4 na ebanghelista. May pagkakatulad ang istilo, istraktura ng mga parirala, pananalita at mga ideya. Mababasa din sa mga sulat at Ebanghelyo, isinilang mula sa Diyos, mula sa Diyos, manahan sa Diyos, manahan sa katotohanan. Sa mga ito din, mababasa ang mga antithesis: ilaw/karimlan, katotohanan/kasinungalingan, pag-ibig/pagkasuklam, kamatayan/buhay, Diyos/demonyo, pagiging matuwid/kasalanan. Mayroon ding magkaparehong tema ng doktrina: si Kristo na Salita(1juan 1:1 at Juan 1:1), tanging Anak (1 juan 4:9 at juan 1:18). Ang manliligtas ng mundo (1 juan 4:14 juan 4:42) ang realidad ng pagkakatawang tao (paunang salita ng sulat at ng Ebanghelyo) kapangyarihan na magtanggal ng kasalanan (1 juan 3:5 jn 1:29).
Ang umpisa ng kristianong buhay ay ang pagdaan mula sa kamatayan patungong buhay (1 jn 3:14 jn 5:24) o sa pagkakapanganak mula sa Diyos (1 jn 3:9 4:7 5:1,4 jn 1:13; 3:3) at dumating para magbigay ng buhay (1 juan 5:12 juan 3:36) at gaya nito, ang tagasunod ni Kristo ay dapat na sumusunod sa Kanyang salita (1 juan 2:5 juan 14:21,23). At sumusunod sa ehemplo ni Kristo (1 juan 2:6 juan 13:15)
At pagmamahal sa kapwa(1 juan 3:11 juan 13:34) na tinatawag na bagong kautusan (1 juan 2:7-8 juan 13:34)
Walang partikular na sinusulatan ang sulat na ito tulad ng ilang mga sulat sa Bagong Tipan maliban na lang sa sulat sa mga hebreo at maaring pinaiikot sa Kristianong komunidad. Malamang din ay sulat ito sa mga Iglesiya na kanyang pinamunuan sa Asia minor na nabanggit sa pahayag 2-3 mula sa kanyanh lugar sa Efeso.
Mababasa sa nilalaman ng sulat na may mga bulaang mangangaral (anticristo manliligaw, anak ng demonyo) ay lumitaw sa mga iglesiya. Si Juan ay sumulat laban sa mga kasamaan na ito at upang mapalakas ang kanilang pananampalataya. Nilalabanan din ng sumulat ang maling paniniwala na hindi si Hesus ang Mesiyas na Anak ng Diyos. At sa pagbibigay diin na si Hesus ay nagkatawang tao ay marahil ng dahil sa pagpapakalat ng iba ng doktrina na ito.
Sa panahon na iyon, nanduon din ang maling doktrina ni Cerinthus na nagsasabi na si Maria ay hindi birhen. Sinasabi nila na ang dugo ni Hesus ay walang halaga
Kasama ng mga kamaliang ito ang paniniwala ng kawalang kasalanan (1:8), di pagtupad sa utos ng Diyos dahil sa pagkakaroon ng espeysal na kaalaman (2:4-6).
Katulad ng Ebanghelyo ni Juan, ang sulat ay mayroon ding prologue (1:1-4) epilogue (5:13) at appendix (5:14-21). Sa prologue, pinapahayag ang pinaka sentro ng sulat, ang pakiiisa sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus na naipapakita sa pagmamahal sa kapwa. Ang pinakabuod ng sulat ay nasusulat sa 5:13 "Sinusulat ko para sa iyo ito, ikaw na naniniwala sa Anak ng Diyos, upang malaman mo na ikaw ay may walang hanggang buhay" (5:13). May pag uulit-ulit sa tema ng sulat sa iba't ibang bahagi sa iba't ibang perspektibo.
Unang bahagi. (1:5-2:29 ) ay naguumpisa sa mensahe na ang Diyos ay ang ilaw na nagsasabi ng pangangailangan na ang bawat Kristiano ay dapat maglakad sa ilaw (1:7). Ang ilaw/karimlan (1:5,72:8-11) katotohanan/kasinungalingan (1:6,8;2:4,21-27) ay uulit ulitin din.
Ang banal na buhay ng kristiano ay posible dahil sa paghuhugas ng dugo ng Hesus na naglilinis ng kasalanan (1:7). Dahil Siya ang ating tagapagtanggol kasama ng Ama(2:1). Para manatili sa Diyos, kailangang kilalanin natin ang ating sarili bilang makasalanan at umiwas sa kasalanan (1:8-2:2) at sumunod sa utos lalo sa pagmamahal sa kapwa (2:3-11) at hindi ang pagmamahal sa mundo(2:12-17) at hindi ang makinig sa anticristo (2:18-29)
Ikalawang Bahagi (3:1-24) ay nag umpisa sa pagiging tunay na anak ng bawat Kristiano at ang katungkulan na kasama nito. Ang ating pagiging anak ay nagkakaroon ng buong kaganapan sa pagbabalik muli ni Hesus(3:2). Ang pag-asang ito ang nagbibigay lakas loob sa atin sa ating paglalakbay patungong kabanalan(3:3-10) at pagmamahal sa kapwa at iba pang utos ng Panginoon (3:11-24)
Ikatatlong bahagi (4:1-5:12) ay mas malalim na pagtalakay na nakaayos sa tatlong bahagi: pananampalataya kay Hesus (4:1-6), pag-ibig (4:7-21) at , muli, ang pananampalataya ay Hesus (5:1-12). Ang mga propeta ay galing sa Diyos, di tulad ng mga bulaang(4:2,4,6); at Pag-ibig ang Diyos(4:8, 16) at ang lahat ng totoong pag-ibig ay nagmumula sa Diyos (4:7). Ang kaisahan natin sa Diyos ay nakabase dito. Kasabay nito, ang banal na pag-ibig na ibinuhos sa ating mga puso ay nagbibigay kakayahan at katungkulan sa atin na mahalin ang kapwa na ating mga kapatid (4:11-16). Samakatuwid, ang Pag-ibig sa Diyos at sa kapwa ay 'd i mapaghihiwalay (4:17-21).
Ang pananampalataya kay Kristo ay binigyang diin (mula 5:1): ang buhay na pananampalataya na naipapahayag sa mabubuting gawa (5:1-5) na ang siyang pundasyon ay ang patotoo ng Diyos at Espiritu Santo sa kanilang Anak (5:6-12)
Katuruan
itutuloy...
your groupmate,
eric
Join the challenge
and lose weight.
Hello mga groupmates!! Mga kapatid, masaya kong ipinapaalam sa inyo na natapos ko na ang aking personal project ng pagsasalin ng malaking bahagi ng Encyclical na Spe Salvi at paggawa ng audio version nito. Sana ay mapakinggan ninyo ang aking proyekto, proyekto na naglalayon na magpaabot sa mga Pilipino ng mahalagang mensahae ng Sto. Papa. Ang mp3 ay maaring maiburn at maconvert sa CD version. Spe Salvi: Sa Pag-asa tayo ay naililigtas (mp3 Pakinggan) salin ng malaking bahagi ng Encyclical ng Sto Papa) Inilagay din natin sa ating 360 blog ang kopya ng salin ng Encyclical na mababasa dito
Dasal ko ay makagawa pa tayo ng maraming mga projects na tulad nito At para naman sa Group project, patuloy pa din ako sa paggawa ng mga notes para makatulong sa mga sasali sa report. Paalala lang na ang report natin ay tungkol sa mga sulat ni Juan at sulat ni San Pablo para sa mga taga-Corinto God bless!! eric ------ Corinto galing sa Navarre Bible
Sinasabi na naisulat ni San Pablo sa huling bahagi ng kanyang paninirahanan sa Efeso (57 AD) Pinadala niya si Timoteo sa Corinto(1 Cor 4:7;16:10 ). At sa Libro ng Gawa na siya ay nanirahan duon ng 2 taon at 3 buwan sa Efeso bago ang pag-alis ni Timoteo (Gawa 19:8,10,22). ‘Di nakapagtataka na may kaalaman si Pablo sa Corinto dahil sa malaking ugnayan ng dalawa nang dahil sa kalakalan. Mababasa din sa 1 Cor 5:9 na siya ay may una nang naisulat sa Corinto na nawala na sa atin. Maiintindihan sa sulat na ito, nagkaroon ng mga pang-aabuso na nakaabot sa simbahan ng Corinto (1 Cor 1:11) na sa sumasangkot sa maraming mga partido, paglimot sa selibasya(1 Cor 6:12), incest (1 Cor 5:1) at pagdala ng mga kaso sa korte ng mga pagano, ‘di wastong pagkilos ng mga babae sa liturhikal na pagdiriwang (1 Cor 11:2) at mga pagkakamali sa pagdiriwang ng Eukaristiya. Nagpadala ng mga delegado ang komunidad, sina Estafano, Fortunatos, at Achaicus (1 Cor 16:17) dala ang sulat na nanghihingi ng payo sa apostol sa maraming mga bagay na tumatalakay sa pagiging birhen at buhay mag-asawa (1 Cor 7:11), sa pagkain ng mga pagkain na inialay sa mga diyus-diyosan (1 Cor 8:1), karisma at wastong paggamit nito (1 Cor 12:1) at ang pagkabuhay muli ng mga patay (1 Cor 15:1)
Nilalaman. Ang sulat ay bunga ng mga paksa na itinanong kay Pablo at ang pagsagot niya dito sa gabay ng Kristianong pananampalataya. 1. Ito ay binubuo ng Prologue (1:1-9) na naglalaman ng kanyang pagbati at kanta ng papuri. 2. unang bahagi na naglalaman ng mga nangyaring pang aabuso (1:10-6:20) · Pagkakahati ng mga miembro (1:10-4:21) · Incest (5:1-13) · Paghahabla sa mga Kristiano. (6:1-11) · Pagkakasalang sekswal (6:12-20)
· buhay mag-asawa at selibsya (7:1-40) · pagkain ng mga handog sa mga diyus-diyosan (8:1-10:33) · mga tamang pagsasagawa ng Liturhikal na pagdiriwang (11:1-34) · mga Handog at Grasya (12:1-14:40) · pagka-buhay muli ni Kristo at ang pagkabuhay muli ng mga patay (15:1-58)
May tatlong mahahalagang tema sa sulat ni San Pablo: Simbahan, Eukaristiya, at muling pagkabuhay.
Simbahan.: Sinabi ni San Pablo na ang simbahan ay itinatag ni Hesus, Si Hesus ang ulo at si namumuno siya sa pamamagitan ng Kanyang mga ministro. Ang pagkakaisa ng simbahan ay dahil tayo ay kay Kristo (1 Cor 3:23; 2 Cor 10:7). Kung sinuman ang gustong magyabang, hayaan silang magyabang nang dahil sa Panginoon (1 Cor 1:31)
Gumamit si San Pablo ng mga talinhaga tungkol sa pagkakaisa ng simbahan: ang simbahan ay bukid na tinanim ng Diyos (1 Cor 3:6-9), isang gusali na kanyang itinayo (1 Cor 3:9,11.16). Sinabi niya na ang Simbahan ay ang katawan ni Kristo na naglalarawan ng pagkakaisa natin, di lang sa layunin, o pagkilos ng magkasabay, kung buhay na pagkakaisa. Nasabi ni San Augustine, “Tayo ay magdiwang at magpasalamat dahil ‘di lang tayo naging mga Kristiano ngunit naging mga Kristo. Nakikita niyo ba iyon mga kapatid. Alam niyo ba na nasa inyo ang Grasya ng Diyos? Magbunyi kayo ng may pagkamangha, ang buong tao ay siya at tayo…ang kabuuan ni Kristo ay ang ulo at ang mga miembro.”
Ang pagkakaisa natin kay Kristo ay ‘di humahadlang sa kung sino talaga tayo. Kahit ang kung sino ang simbahan ay ‘di nawawala sa pakikiisa kay Kristo. Sa malabis na paghihiwalay kay Kristo sa simbahan, ito ay nagreresulta sa Nestorianismo. Ang paniniwala ng pagkawala ng kung sino talaga tayo dahil sa pagkakaisang iyon ay Monophysitismo. Ang pagkakaisa sa loob ng simbahan ay ‘di lang espritwal at panloob ngunit lumilikha ng istraktura na nagreresulta ng mga posisyon at mga iba’t ibang uri ministro na di nagtatanggal sa pagkakaisa ng simbahan. Iiisa ang katawan at marami ang sangkap nito, at iisang katawan lang ang mga sangkap kahit na marami ang mga ito. 1 Cor 12:12. May pagkakaiba-iba sa mga miyembro at mga gawain. May iisang Espiritu na nagibibgay ng kanyang maraming handog para simbahan. (1 Cor 12:1-11). May iba't ibang gawain aat katungkulan ang mga miembro. Ang pamumuno ay binigay sa mga apostoles at pinailalim sa kanila kasama ang mga may karisma (1 cor 14). Ang Espiritu ay nagbibigay sa atin ng pagkakaisa at nagpapaalab ng pagmamahal sa loob ng simbahan. Kung ang isang miembro ay nagudurusa, lahat ay nagdurusa, at kung ang isa ay maparangalan, ang lahat ay napaparangalan (1 cor 12:26)
Eukaristiya Sa Corinto, napag-usapan ang tungkol sa Eukaristiya ng dalawang beses. Una ay sa pagtalakay kung bakit di dapat sumama ang mga Kristiano sa mga piging at sambahan ng mga pagano (1 cor 10:14-22) at sa pag-uusap ng mga pang aabuso sa Eukaristiya (1 cor 11:17-32) Pinakita niya na si Hesus mismo ang nagbigay ng Eukaristiya(1 cor 11-23-25, mt 26:26-29, mk 14:22-25; lk 22:14-15), ito ay isang sakripisyo na naipakita nang kanyang ihambing ang Eukaristiya sa mga paganong sakripisyo na di dapat gawin dahil ang sa pag-aalay sa mga diyus-diyosan. Inihambing din ang Eukaristiya sa mga biktima na inialay sa Lumang Tipan na mga anino ng kaganapan sa Eukartiya (1 cor 10:14-22).
si Hesus ay tunay na nasa Eukaristiya, ang relasyon ng Eukaristiya at ng mistikong katawan na ang Eukaristiya. Sa pagsasabi ni Hesus na gawin ito bilang pag-alaala sa Kanya(lk 22:19; 1 cor 11:24-25), itinaguyod niya ang kaparian itutuloy |
Get the latest news
from the team.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon mga Groupmate!
Ishe-share ko lang ang huling bahagi ng aking notes para sa unang sulat ni San Juan. Medyo natagalan ang paggawa ng mga notes at report dala na din ng pagkakaroon ng maraming gawain sa panahon ng Adviento at Kapaskuhan.
Sana ay makatulong ang notes na ito para sa mga sasali sa Oral Presentation na susubukin natin tapusin by next week.
God bless!!
your groupmate,
eric
Katuruan
1. Komunyon sa Diyos. Nagturo si Juan ng tungkol dito dahil may mga nagpapakalat na mayroon daw silang kaalaman na iba at walang kaugnayan sa pananampalataya ng mga Kristiano na nagbibigay kalaayaan daw sa kanila upang 'di na sundin ang pag-uutos ng Panginoon. Para maituwid ang paniniwala na ito, sinabi ni Juan na tanging sa pakikiisa sa mga apostoles at sa kanilang mga katuruan makakamit ang pakikipag-isa sa Diyos. (1:3). Para mabigyang diin ang komunyon o pakikiisa na ito, gumamit siya ng mabibigat na salta:ang makilala ang Diyos (2:3, 13, 14; 3:1,6;4:6-8;5:20) pagiging nasa Diyos (2:5;5:20) o pagiging nasa ilaw (2:9); pagkakaroon ng Ama (2:23) at Anak (5:12) at kasabay nito ay ang pagkakaroon ng walang hanggang buhay (3:15; 5:12); higit sa lahat ay ang pagsasabi ng pananahan sa Diyos (2:6,24,26;3:6,24) na malakas na pinahayag sa pagsasabi ng "ang lahat ng sumusunod sa kanyang kautusan ay nananahan sa kanya at siya sa kanila"(3:4;4:13-16).
Ang pinaka kailangan para sa pakikipag-isa sa Diyos ay ang pagkakaroon ng pananampalataya kay Hesus bilang Anak ng Diyos (2:23;4:15) dahil siya ang nagpahayag ng tungkol sa Ama at siya ang nagbigay ng banal na buhay (5:12). Tinuturuan tayo ng Espiritu Santo (nang dahil sa annointing sa Bautismo 2:20,27) at ng mga katuruan ng mga apostol
Nakikilala lang ng tao ang Diyos kapag kaiisa siya ng Diyosa sa pagmamahal. "Ang sinumang nagmamahal ay nakakakilala sa Diyos. Ang sinumang hindi nagmamahal ay hindi nakakakilala sa Diyos; Dahil ang Diyos ay pag-ibig" (1 Juan 4:7-8; 1Juan 3:24). Ang kaalaman sa Diyos na puno ng pag-ibig ay nagpapahayag sa pagtupad sa mga kautusan (2:3-6).
Sa prologue, binibigyang buod ang mga katotohanan tungkol kay Hesus (1:1) Siya ang pangalawang persona ng Santa Trinidad (1:3) at siya ay nabubuhay na magpakailanman (1:1-2) na nagkatawang tao. Siya ang walang hanggang buhay na naibabahagi sa mga mananalig.
Ang mga tema na ito ay paulit-ulit na sinasabi. Kaya mababasa ang pag-uulit sa "Anak" ng Diyos. Ang griegong salitang hyios ay ginamit na `di ginagamit sa pagtukoy sa pagiging anak ng mga Kristiano ngunit para lamang sa "Anak ng Diyos" (4:9) na tunay na Diyos (5:20). Kaya para mga nagtatanggi na si Hesus ang Kristo (2:22), pinapahayag ng mga Kristiano na si Hesus ang Kristo (5:1) ang "Anak ng Diyos" (5:5). Nagpatotoo ang Ama kay Kristo at nag-utps na maniwala tayo sa Kaniya at sa panananalig na iyon, tayo ay nakakapag-isa sa Ama (2:26, 4:15) at nagkakaroon ng walang-hanggang buhay (5:11-13) at ang nagtatanggi kay Hesus ay nagpapalabas na ang Diyos ay sinungaling (5:10)
Para naman masagot ang mga nagtatanggi sa nakapanliligtas na pagkakatawang tao ni Hesus, sinabi ni Juan na si Jesus ay tunay na tao. "Naipakita ang buhay"(1:2); si Hesus ay nagkatawang tao(4:2) at nagpahayag ng nakapanliligtas na buhay at kamatayan ni Hesus na nag-alis ng mga kasalanan (3:5) at para masira ang gawa ng demonyo (3:8); Siya ang hain/expiation para sa ating mga kasalanan at di lang ng atin, ngunit kasalanan ng buong mundo (2:2). Napatawad ang kasalanan nila alang-alang sa Kanya (2;12) at tayo ay nalinis sa pamamagitan ng Kanyang dugo (1:7). Ang buod, pinadala ng Ama ang Kanyang Anak bilang tagapag-ligtas ng mundo. Si Hesus na Salita ng Diyos ay nag pakilala sa atin ng kung sino ang Diyos , ang kanyang nakapanliligtas na pagkakatawang tao ay ang patotoo ng pagmamahal ni Diyos. Tayo ay nagiging tunay na anak ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Anak.
Para manatili sa pananahan kay Kristo, tayo ay dapat na mabuhay na tulad ni Kristo(2:6) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kautusan, tayo ay dapat na maglinis din sa ating sarili (3:3)
Ang banal na pag-ibig ay naibigay sa atin sa bautismo; sinasabi ni Juan na tayo ay naisilang mula sa Diyos (3:9;4:7;5:1, 2,4) kung saan tayo ay nabibigyan kakayahan para magmahal n gating kapwa at ng Ama. Ang pag-ibig ng bawat Kristiano na naipakita sa Kanya ng Ama ay ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.
Ang pagmamahal sa Diyos (4:19-21;5:2) ay napapahayag sa pagtupad sa mga kautusan (5:3;3:3-5,24) at sa `di pagmahal sa mundo dahil ito ay kaaway ng mundo (2:15-16) at sa paglilinis natin mula sa kasalanan (3:3,4,6l 2:8-9); Ang utos ng Diyos, higit sa lahat, ay ang "paniniwala sa Anak ng Diyos at mahalin ang isa't -isa"(3:23)
Ang pagiging anak ng Diyos ay nagbibigay din sa atin ng katungkulan na iwasan ang kasalanan (3:3-10)mahalin ang kapwa (3:11-24).
Nasabi din niya na ang mga anak ng Diyos ay `di nagkakasala (3:9) na hindi nangangahulugan ng walang kakayanan na magkasala ng mga tao dahil mababasa din natin sa unang bahagi ng kanyang sulat nasabi niya na tayo ay makasalanan (1:8-10). Ang gusto niyang ipaabot ay binigyan ng sapat na lakas at katiyakan ang bawat Kristiano para magapi ang kasalanan: ang grasya, pagiging anak ng Diyos at si Hesus (3:9)
Mga Pagbasa
Ika-3 Linggo ng Pagkabuhay Year B 1 Juan 2:1-5
Sa pagpapatuloy ng tema ng pagbabalik loob at pagbabagong buhay, tinuturo ni Juan sa atin kung paano ito gagawin
Tuparin ang utos ng pag-ibig
2 • 1 Minamahal na mga anak, sinusulatan ko kayo nito nang hindi na kayo magkasala. Ngunit kung may magkasala, mayroon tayong isang tagapagtanggol na nasa piling ng Ama, si Jesucristo na siyang matuwid.
Ang salitang Teknia na isinalin sa salitang anak ay makikita lang sa sulat ni Juan. Katulad ng salitang "minamahal", ito ay pagpapaalala ng relasyon ng Pastol sa kanyang mga nasasakupan (Juan 13:33; 21:5; 1 Cor 4:14). Ang mga Kristiano ay di dapat magkasala. Si Hesus ang ating tagapamagitan. Si Hesus ay matuwid dahil tanging ang mga matuwid lang ang matuwid lang ang maaring makapunta sa presensiya ng Diyos para maging tagapamagitan.
Sinabi ng Dakilang Santo Papa Gregorio I na ang matuwid na tagapamagitan at tagapagtanggol ay namamagitan lang para sa mga matuwid. Paano tayo ngayon maipagtatanggol ni Hesus? Mababasa Kawikaan 18:47 "Ang taong matuwid ay unang umuusig sa kanyang sarili." Kaya nga ang taong nagdadalamhati ng dahil sa kasalanan at umuusig sa kanyang sarili ay nasa tamang daan ng pagiging matuwid at duon lang tayo maipagtatanggol ni Kristo."
2 Siya ang hain para sa ating mga kasalanan hindi para sa atin lang kundi para sa buong daigdig.
Naihayag ng Diyos ang Kanyang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng mapagmahal na gawa na ito at sa Kanyang awa. Sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo, binuksan niya ang langit para makalapit tayo sa Diyos at mapatawad ang ating mga kasalanan. Ang Kanyang pagiging tagapamagitan ay para sa lahat ng tao, patunay ng kanyang pagiging mabuting tagapamagitan.
3 Paano natin malalaman na nakikilala natin siya? Kung tinutupad natin ang kanyang mga utos.
Sinasabi ni San Juan na `di dapat nahihinto ang ating pagtalima sa intelekwal lamang ngunit, dapat na naisasabuhay natin ang utos ng Diyos sa ating mga buhay. Sa kasulatan, ang salitang pag-alam o kaalaman ay di lang tumutukoy sa mga nasa loob ng ating pag-iisip, ito ay tumutukoy din sa karanasan. Kaya nga sinasabi natin na di nalalaman ni Hesus ang tungkol sa kasalanan, di dahil sa hindi niya ito naiitindihan ngunit dahil sa hindi Siya nagkasala.
4 Kung may nagsasabi: "Nakikilala ko siya" na di naman tumutupad sa mga utos niya, sinungaling ito at hindi nito taglay ang katotohanan.
Ang nagsasabuhay ng katusuan ay nagpapanatili sa atin na maging malinis sa kasalanan.
5 Kapag tumutupad naman ang sinuman sa mga utos, tunay na ginaganap nito ang pag-ibig ng Diyos. Paano natin malalaman na nasa kanya tayo?
--
4th Sunday of Easter 1 Juan 3:1-2
Pagkatapos magturo tungkol sa pagbabalik loob at pagsasaayos ng buhay. Ituturo naman ni Juan ang kung ano ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng pamilya ng Diyos. Ang pagmamahal sa atin ng Diyos na nagpapabago sa atin upang maging anak ng Diyos ay may tatlong kasamang epekto. 1) Ang mga Kristiano ay hindi para sa mundong ito , ang mundo na hindi tumanggap kay Kristo. 2) Kailangan mamuhay ng mga Kristiano sa kabanalan tulad ni Kristo. 3) ang mga Kristiano ay may tiwala sa higit na dakilang pagliligtas sa hinaharap.
3 • 1 Isipin ninyo ang laki ng pag-ibig na kaloob sa atin ng Diyos: Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at gayon nga tayo talaga. At bakit hindi tayo kinikilala ng mundo? Dahil lamang ang mundo ay di kumilala sa kanya
Ang matawag ay matawag ng Diyos. Sa pananalita sa Bibliya, kapag binigyan ng Diyos ang isang tao ng pangalan, ito ay hindi simpleng pagbibigay ng titulo, ngunit ito ay nagbibigay ng epekto ng sinisimbulo ng pangalan. Ang salita ng Diyos ay makapangyarihan, ginagawa nito ay ninanais ng Diyos. At ito ang sinabi ni San Juan, "…at gayon nga tayo talaga". Tayo ay binigyan ng Diyos ng sobrenatural na dignidad, miyembro ng Kanyang kasambahay at may karapatan sa mga mamanahin.
Sabi nga ni Didymus na "Dapat tayong mamulat sa katuturan ng pagkakasilang natin mula sa taas. Sinasabi niya na tayo ay karapat-dapat na mahalin bilang anak ng Diyos kahit tayo ay nasa mundong ito at ang pagkakaampon sa atin ay isang realidad. Dahil alam natin ang paunang bunga ng espiritu, mayroon na tayong pinaghahawakan ng dahil sa pagkakaampon na iyon at nakikita natin ang kaganapan noon."
Pinapaala ng nasusulat na ito ang tungkol sa sinabi ni Hesus na "darating ang oras" na ang papatay sa inyo ay mag-aakala na pinaglilingkuran niya ang Diyos. Gagawin nila ito dahil `di nila kilala ang Ama o ako." (Juan 16-2-3)
2 Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos bagaman hindi pa ipinakikita kung magiging ano tayo. Ngunit alam natin na sa pagpapakita niya matutulad tayo sa kanya sapagkat makikita natin siya kung ano siya.
Kahit na tayo ay nagiging anak talaga ng Diyos, hindi natin ito ganap na nararanasan dahil ang mga binhi ng banal na buhay ay `di ganap na mararanasan hanggan sa walang-hanggang buhay, nang makikita natin siya nang harap-harapan.
--
Ika-5 Linggo ng Muling pagkabuhay Year B 1 Juan 3:18-24
Ang nakaraang pagbasa bago ang pagbasa na ito ay tungkol sa pagiging Anak ng Diyos. Ngayon, tatalakayin ni Juan ang pamumuhay natin bilang anak ng Diyos-pagpapahayag nito sa pagmamahal sa kapatid at paggawa.
18 paano nasa kanya pa ang pag-ibig ng Diyos? Mahal na mga anak, huwag tayong magmahal sa salita at sa dila lamang – kundi sa gawa at katotohanan.
19 Paano natin malalaman na nasa atin ang katotohanan, at mapapanatag natin sa harap niya ang ating puso?
Si Hesus ang daan, katotohanan at ang buhay. Kapag tayo ay nasa katotohanan, tayo ay nasa Diyos.
20 Isipin natin: hinahatulan man tayo ng puso, higit ang Diyos sa ating puso at alam niya ang lahat.
Ang Diyos ang nakakaalam ng lahat at higit na nakakaalam kaysa sa ating konsiyensiya. Ang Diyos ay tunay na mapagpatawad.
21 Mga minamahal, kung hindi tayo hinahatulan ng ating puso, mayroon tayong kapanatagan sa harap ng Diyos
Kung alam natin na tayo ay `di nagkasala, tayo ay magtiwala na nasa atin ang Diyos. Ang pagtupad natin ng utos ay nakakapagbigay sa Diyos na kasiyahan.
22 at kahit ano ang ating hingin, tatanggapin ito pagkat ang kanyang mga utos ang isinasagawa natin at ang nakalulugod sa kanya ang ating ginagawa.
Sabi ni San Agustin ng Hippo na "an gating konsiyensiya ang magbibigay ng kasagutan, na tayo ay nagmamahal at kung ang tunay na pagmamahal ay nasa atin, hindi huwad ngunit tunay, naghahangad ng pagkaligtas n gating kapatid at hindi naghihintay ng kapalit ngunit pagkaligtas lamang ng kapatid."
23 Ito ang utos niya: na maniwala tayo sa Pangalan ng Anak niyang si Jesucristo at mahalin natin ang isa't isa gaya ng utos na ibinigay niya sa atin.
Sa paggamit ng mga Hudyo ng pangalan, ito ay katumbas ng persona mismo. Ang pananampalataya ay di lang pagtanggap ng isang kaisipan, ngunit pagbibigay ng sarili sa Diyos. Ginagamit ng mga Hudyo ang pagtukoy sa persona ng Diyos sa salitang "panggalan" at ito ay ginagawa din para kay Hesus.
24 Sa kanya nananatili ang tumutupad sa mga utos niya at siya naman dito. Ang Espiritung ipinagkaloob niya sa atin ang nagpapabatid sa atin na nasa atin ang Diyos.
Ang pagsunod sa mga kautusan ay ang pananatili sa pakikipag-isa sa Diyos. Ang isa pang katiyakan ng banal na presensiya ay ang pagkakaroon ng Espiritu Santo.
------
Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay. Year B 1 Juan 5:1-6
Sa Diyos galing ang pananampalataya
5 • 1 Isinilang talaga ng Diyos ang lahat ng naniniwala na si Jesus ang Mesiyas; at kung may nagmamahal sa nagsilang, nagmamahal din siya sa nagmula dito.
Ito ang nilalaman ng Tipan, kung si Hesus ang Anak ng Diyos, katulad Siya ng Kanyang Ama. Kung naniniwala ka na Siya ang Mesiyas, tayo ay nagiging bahagi ng pamilya.
2 Paano natin malalaman na mahal natin ang mga anak ng Diyos? Kung mahal natin ang Diyos at tinutupad natin ang mga utos niya.
3 Pagkat narito ang pagmamahal sa Diyos, sa pagtupad sa kanyang mga utos. Hindi naman mabigat ang mga utos niya
Ang tanda ng pagmamahal ay ang pagsunod sa mga kautusan. Kung mahal mo ang isang tao, ginagawa mo ang mga makakapagpaligaya sa Kanya.
4 sapagkat nadadaig ang mundo ng nagmula sa Diyos. Ang ating pagsampalataya ang dumaig sa mundo –
Kung ang ginagawa natin ay para sa pagmahahal, ito ay hindi itinuturing na pabigat. Ang mga Kristiano ay may kapangyarihan laban sa mga mapanirang puwersa na hahadlang sa kanya para sundin ang utos ng Diyos.
5 sino pala ang dumaig sa mundo maliban sa naniwala na si Jesus ang Anak ng Diyos?
Ang pagtanggap ng kung sino talaga si Hesus ay ang pinangagalingan ng kapangyarihan ng bawat Kristiano.
6 Dumating siya – si Jesucristo, na tinatakan ng tubig at ng dugo.
Hindi ng tubig lamang, kundi ng dugo rin.
At nagpapatotoo rin ang Espiritu sapagkat ang Espiritu ay ang katotohanan.
Siya ay kinilala bilang "Anak ng Diyos" sa panimula ng kanyang pampumblikong paglilingkod nang Siya ay mabautismuhan. Natupad Niya ang kanyang misyon sa Kanyang pagkamatay sa Krus at duon, Siya ay ating tagapagligtas.
Sabi
nga ni San Beda, "Ang Anak ng Diyos ay `di lang dumating sa pamamagitan ng
tubig, upang tayo ay malinis sa kasalanan. Ngunit para din sa dugo ng Kanyang
pasakit kung saan Niya nakonsagra ang tubig ng bautismo, sa pagbibigay ng
Kanyang dugo para sa atin, pagliligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang
pagdurusa at pagsusustento sa atin sa pamamagitan ng Kanyang mga sakramento
upang tayo ay maging karapatdapat sa pagliligtas."
Ang Espiritu Santo ay nanduon sa pagbabautismo kay Kristo at patuloy nating nakakapiling sa gawa sa pamamagitan ni Kristo (Juan 14:17)
Ang susunod na dalawang bersikulo na kasunod n gating pagbasa na ito ay ang tinatawag nating Johannine Comma
7 Sa gayon tatlo na ang nagpapatotoo: 8 ang Espiritu, ang tubig at ang dugo, at nagkakaisa ang tatlong ito.
Ang 2 bersikulo na ito ay hindi makikita sa manuskriptong Latin bago ang 800 AD ngunit lumitaw lamang sa mga apat na salin sa Griego. Ngunit ang mga Griegong salin na iyon ay galing na lamang sa huling salin sa Latin. Ang mga bersikulo ay sinasabing mga tala o "notes" na napasama sa teksto
Hello mga groupmates,
Medyo may kaunting gusot lang kaya napahaba ng kaunti ang pagbuo sa ating Oral Presentation ng Corinto at Juan. Susubukan natin hanggang Jan 25 na matapos ang ating presentation.
At sa pagsisimula ng bagong Quarter sa bagong Taon ng 2009, gusto ko sanang magrecommend ng panibagong Oral Presentation Project. Nakita ko ang outline ng mga readings sa taong ito. Ito ay magsisimla sa 1 Corinthians at pagkatapos ay itutuloy sa 2 Corinthians. Ang mga susunod ay Ephesians at Galatians. At dahil ang taon ni San Pablo ay hanggang June 2009, isa suggest ko na magtuon tayo ng pansin sa mga sinulat niya kahit man lang hanggang sa pagtatapos ng kanyang Jubileo.
Sa 2nd Quarter naman, isasuggest ko na gawan ng presentation ang mga susunod na 2nd Readings tuwing Linggo, Ephesians, Galatians at Colossians na may halos tig 5 kabanata ang bawat isa.
Sana ay mapag-isipan ninyo ang suggested Oral Presentation subjects na ito. 'Wag mag-atubili na magbigay ng mga komento o suhestiyon kung may gusto kayong ibang paksa para sa project.
Sa ibaba ng email na ito ang pagpapatuloy ng aking notes para sa tinatapos nating Presentation sa 1 Corinthians na nasa ay matapos sa January 25.
your groupmate,
eric
--------
1 Corinto text
ika-2 Linggo ng Ordinaryong Panahon Yr A
Ang pagbasa tungkol sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga Corinto ay binabasa mula sa Epiphany hanggang sa Panahon ng Kwaresma. Sa Pagitan ng dalawang panahon na ito, binabasa natin ang unang bahagi ng sa Year A, kaligtnaan ng sulat na ito sa Year B, at ang huling bahagi nito sa Year C.
Ang Corinto ay ang isa sa mga pinakamahalagang siyudad sa Imperyo ng Roma. Ang Corinto ay may dalawang daungan, ang isa ay nasa Dagat Aegian at ang isa ay nasa Dagat Ionian. Ito ay hinihintuan ng mga papunta galling Asya papuntang Italya.
Ang Corinto ay ang capital ng Achaia. Ang lugar na ito ay lugar ng napakaraming relihiyon at may napakaraming mga templo na para sa iba't-ibang diyus-diyosan at kilala dahil sa imoralidad. Mayroong mga 1000 mga paring babae na nagsasagawa ng tinatawag nilang sagradong prostitusyon. Nagturo si San Pablo dito tungkol sa Kristianismo at dito ay umunlad ang Kristianismo.
1 • 1 Bumabati si Pablo, na niloob ng Diyos na tawagin at maging apostol ni Kristo Jesus, at si Sostenes na ating kapatid
Si San Pablo ay totoong apostol nang dahil sa kanyang pagkakatawag ni Kristo. Si Sostenes ay kilala sa komunidad sa Corinto.
2 sa Iglesya ng Diyos na nasa Corinto.
Bati sa inyong mga pinabanal kay Kristo Jesus at tinawag upang maging banal kasama ang lahat sa bawat lugar na tumatawag sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, ang Panginoon nila at atin.
Ginamit ni San Pablo ang salitang Iglesiya o ekklesia para sa mga lokal na simbahan. Ang Septuagint ay nagsalin sa Hebreong salitang qahal na tumutukoy sa pagtitipon noong sila ay nasa ilang (Deut 23:2). Tayo ay napapaloob sa katawan ni Kristo sa pagbabautismo.
Ang Simbahan ay banal dahil sa pagtawag ng Panginoon tulad ng pagtawag sa bayang Israel.
3 Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesucristo.
Ito ang karaniwang pagbati ni San Pablo na nagpapaalala ng walang kondisyong pagmamahal ng Diyos sa atin na Kanyang iniligtas sa pamamagitan ni Kristo. Tayo ngayon ay may kapatawaran ng kasalanan at pakikipag-isa sa Diyos.
----
Ika-3 Linggo sa Ordinaryong Panahon Yr A 1 Cor 10-13,17
Tulad ng mababasa natin sa Libro ng mga Gawa (18:1-18) malalaman natin na ang simbahan sa Corinto ay itinatag ni San Pablo sa tulong ni Silas at Timoteo sa kanyang ika-2 paglalakbay nang siya ay mangaling sa Athens. Sa lugar na ito, iiwan ni San Pablo ang systema ng pagtatalumpati o pagsasalita gamit ang katalinuhan ng mundong ito. Pinahayag niya lang ang walang iba kung hindi si Hesus at Siya lang na na napako sa Krus (1 Cor 2:2)
Nagtagal si San Pablo sa Corinto ng isa at kalahating taon (Acts 18:11). Siya ay nanirihan at nakipagtulungan kina Aquila at Priscilla, mga Kristianong mag-asawa na pinaalis sa Roma dahil sa utos ni Claudius laban sa mga Hudyo. Tulad ng kanyang nakagawian, siya ay nagturo sa mga sinagoga, sa mga Hudyo at mga Griego na nananalig sa Diyos ng Israel (Acts 18:4). Kalaunan, dahil na din sa paglaban ng mga Hudyo sa kanya, pinagtuunan niya ng pansin ang mga Hentil. Sa puntong iyon, nagpalit siya ng tirahan at nanirahan kina Titus Justus, isang Hentil na nakatira malapit sa sinagoga at malamang ay napasapi sa Hudaismo (Act 18:6-7).
Maraming naging Kristiano kabilang si Crispus na tagapangaisa ng isang sinagoga (Acts 18:18). Ngunit siya din ay dumanas ng mga kabiguan. Minsan ay nagpakita sa kanya ang Panginoon upang palakasin ang kanyang loob (Acts 18:9-10). Nang dahil sa tumitinding tensyon sa mga Hudyo, naghain ng reklamo ang mga Hudyo laban kay San Pablo kay Gallio, ang Romanong ProConsul ngunit `di ito pinahalagahan ni Gallio dahil ito ay isang komplikadong gulo ng mga Hudyo (Acts 18: 12-17). Pagkatapos nito ay umalis na si San Pablo sakay nang barko kasama nina Priscilla at Aquila. (Acts 18:18)
Matapos ang isang taon, dumating si Apollos, isang taong magaling magsalita. Siya ang nagpatuloy sa gawain ni Pablo. Ang Corinto ang isa sa pinakamalaking Kristianong Komunidad na naitatag ni Pablo, at karamihan sa kanila ay mga edukado at may-kaya.
Nagkaroon ng gulo sa Corinto ayon sa ulat ng pinadala ni Chloe. Matapos ng pag-alis ni Pablo, may mga misyonero at mga Hudyong Kristiano na kumakatawan sa ibang komunidad na nanggugulo sa simbahan ang nagpunta. Si Apollos ay nakaimpluwensiya sa mga edukado. Ang mga Hudyong Kristiano na galling Syria at Palestine ay nagmalaki na sila ay kabilang sa grupo ni San Pedro. Ang karamihan ng mga mananampalataya, mga malaya at aliping dukha, dala na din ng pagmamagaling ng ibang grupo, ay nagmalaki nang kaugnayan nila kay San Pablo.
Pagkakabaha-bahagi ng mga banal
• 10 Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, sa ngalan ng ating Panginoong Jesucristo, na magkasundo kayong lahat. Mawala na sana ang inyong mga pagtatalo. Magkaisa nawa kayo sa iisang diwa at pagpapasya.
Ang mga Kristiano ay dapat na nagkakaisa sa kanilang kaisipan, layunin at direksyon ng kanilang buhay. Ang simbahan ay binubuo ng mabubuti at masasamang tao. Ito ang dahilan ng pagpuna at pagpuri sa mga miembro ni San Pablo. Ang mga miembro na kaisa sa doktrina at paniniwala ng simbahan ay hindi hiwalay sa simbahan ayon kay San Theodoret ng Cyr.
11 Sapagkat ipinarating sa akin ng mga tao ni Cloe na mayroon kayong pagtatalo, mga kapatid ko. 12 Ito ang aking tinutukoy – sinasabi ng bawat isa sa inyo: "Kay Pablo ako", o "Kay Apollo ako", o "Kay Kefas ako", o "Kay Kristo ako".
Ang Kepha ay galing sa salitang Griego na ang kahulugan ay bato na bagong pangalan ni Simon dahil sa pagkakabigay ni Hesus sa Mateo 16:18. Ang ibang tao na tinutukoy ni San Pablo na nagsasabi na sila ay "kay Kristo" ay nagmamalaki na sila ay mga mistiko, mga pinagkalooban daw ng mga mensahe na ibinunyag lang sa kanila.
13 Hati ba si Kristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? O bininyagan ba kayo sa ngalan ni Pablo?
14 Nagpapasalamat ako na wala akong bininyagan sa inyo maliban kina Crispus at Gaius, 15 at baka may magsabing bininyagan kayo sa ngalan ko. 16 (Bininyagan ko rin nga pala ang sambahayan ni Stephanas. Bukod pa rito, hindi ko na alam kung mayroon pa akong bininyagan.)
Ang kalokohan ng krus
• 17 Hindi nga ako isinugo ni Kristo upang magbinyag kundi upang ipangaral ang ebanghelyo. At hindi sa mapagmarunong na pananalita, upang di mapawalang-bisa ang krus ni Kristo.
Sinasabi ni San Pablo na kahibangan ang magmalaki kung kaninong grupo sila kabilang. Iisa lang si Kristo na namatay sa Krus sa iba at iisa lang ang Bautismo kahit sino pa ang nagbinyag.
----
4th Sunday in Ordinary Time Yr B 1:26-31
Nakita natin ang iba't ibang mga sitwasyon sa Corinto at nakikita din natin ang mga dahilan kung bakit ganoon ang pagkakasulat ni San Pablo.
26 Tingnan na lamang ninyo, mga kapatid, kung ano kayong mga tinawag. Hindi marami sa inyo ang marunong ayon sa karaniwang akala, hindi marami ang mahahalaga, hindi marami ang isinilang na maharlika. 27 Ngunit pinili ng Diyos ang tanga sa mundo upang hiyain ang marunong, pinili ng Diyos ang mahina sa mundo upang hiyain ang malakas.
Ang sinasabi ng mga matatalino ng mundo na ito na katangahan ay ang pagkakasilang ni Hesus mula sa isang birhen at ang Kanyang Pagkabuhay na Muli. Ganon pa man, nakikita ng mga matatalino na ang mga tinuturing nila na kahinaan Kristo ang siyang nakakatalo sa mga demonyo at nakakagawa ng mga himala. Pinaala ng isang Ambrosiaster na ang kahinaan at ang pasakit ni Kristo na hindi naiintindihan ng mundo ang Siyang pinanggagalingan ng kapangyarihan ni Hesus na nagpailalim sa pasakit upang matalo ang kamatayan.
28 Pinili ng Diyos ang mababa at hamak sa mundo, kahit na ang mga bagay na wala, upang puksain ang mga umiiral – 29 at nang huwag nang makapagmalaki ang sinumang tao sa harapan ng Diyos.
Tinawag ng Diyos ang lahat lalo na ang mga tinuturing na mga wala sa lipunan kabilang duon ang mga Hentil. Ito ay upang masira din ang mga pagpapanggap ng mga tao na mapagmalaki.
30 Siya ang gumawa na kayo'y na kay Kristo Jesus, na ginawang ating karunungang galing sa Diyos, at ginagawa tayong matuwid. Siya ang ating kabanalan at katubusan.
Ang mga tinuturing ng lipunan na mga maliliit ay
napagbago sa pamamagitan ng pagkakatawag ng Panginoon at ng gawa ng Panginoon.
Natanggap din ng mga Hentil ang inaasam ng mga Hudyo, katalihunan, hustisya,
kabanalan at pagkaligtas.
31 Sa gayon, pinatunayan ang nakasulat: Ang Panginoon nawa ang ipagmalaki ng sinumang nagmamalaki.
Ang kabanalan ay ang pinaka katawan ng kabanalan ng Diyos na naibigay sa atin ni Hesus sa paamagitan una ng bautismo. Sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay, napalaya tayo sa kasalanan, sa laman, sa mga Gawa ng Batas at sa kamatayan.
Sabi nga sa atin ni San Ambrosio na si Hesus ay nagkatawang tao para sa ating pagpapabanal.
-----------
5th Sunday in Ordinary Time 2:1-5
Sa pagbasa na ito, pinaaalalahanan tayo na makinig sa mensahe ng napakong Kristo at `wag ibase ang pananampalataya sa nagbibigay ng mensahe.
2 • 1 Nang dumating ako sa inyo, mga kapatid, upang ipahayag sa inyo ang misteryosong balak ng Diyos, hindi ako gumamit ng mga matayog na pananalita o karunungan.
Sa ibang salin, at marami ang sang-ayon duon, ang ginamit na salita ay ang patotoo o testimonya ng Diyos sa halip na misteryo. Ang testimonya o patotoo ng Diyos kay Hesus ay ang Kanyang pagbuhay muli sa Kanya. Ang pinagtutuunan ng pansin ni San Pablo ay ang pagkakapako ni Hesus at hindi ang konsepto ng mga Hudyo at mga Hentil ng kung paano ang sarili nilang pananaw ng kung ano ang Mesiyas.
2 Talagang ipinasya kong walang malaman sa piling ninyo maliban kay Jesucristo na siyang ipinako sa krus. 3 At ako ay mahina, takot at nangangatog nang husto noong pinuntahan ko kayo.
Dahil tao si Pablo, nakaranas din siya ng pagkatakot. Kaya nga ang mga tao na nagsasabi na `di nakaranas ng pagkatakot si Pablo ay maling pag-aakala ng pagbibigay ng mas malaking karangalan sa kanya, ito din ay pagbabawas ng kadakilaan ni San Pablo. Sabi nga ni San Juan Crysostom na ang ano ang kadakilaan na matatamo sa mga sitwasyon na iyon kung wala ang pagtitiis at pagtitimpi sa pagdaan sa mga peligro na iyon?
4 Wala namang mapanghikayat na mga salita o karunungan sa aking pananalita at pahayag. 5 Sa halip nagkaroon ng pagpapatunay ng espiritu at kapangyarihan upang huwag magmula ang pananampalataya ninyo sa karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang kapangyarihan ng mensahe ni Pablo ay di nakabase sa kagandahan ng pananalita o mga kadahilanan ng pilosopiya. Kaya ang pananampalataya ng mga taga Corinto ay galling sa kapangyarihan ng Diyos at hindi galing sa kataliniuhan ng tao.
Sabi nga ni San Juan Crysostom "Ang katalinuhan ng tao ay nagtanggi sa krus ngunit ang pananampalataya ang nagpahayag ng kapangyarihan ng Diyos. Ang katalinuhan ay di lamang nagbunyag ng mga bagay sa mga tao, ngunit ito ay naghikayat pa na magmalaki ang mga tao sa kanilang mga nagawa. Ngunit ang pananampalataya ay di lang nagbigay ng katotohanan, ito din ay nagdala sa kanila upang sambahin ang Diyos. "
---
Hello mga groupmates!
Kamusta na kayo lahat!!
Napili natin na ang susunod nating Oral Presentation Project sa January-March Quarter ay ang 2 Corinto na susunod na babasahin sa tuwing Linggo matapos ang mga pagbasa sa 1 Corinto. At muli, mag iimbita ako ng mga may libreng oras at nagnanais na makasama sa pag-aaral, pag-reresearch at pagprepresent tungkol sa Pangalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga Corinto. Paghahati-hatian natin ang sulat para mas madali nating mabuo ang project at para makabahagi ang mga sasali dito.
Sa ibaba ng email na ito ang pagpapatuloy ng ating pagsasalin sa tagalog ng Bible Study ng www.scborrromoe.org sa Pilipino tungkol sa 1 Corinto.
your groupmate,
eric
6th Sunday in Ordinary Time Yr A
1 Cor 2:6-10
Sa pagbasa na ito, magsasalita si San Pablo sa totoong Karunungan ng Diyos.
Ang Espiritu ang nagtuturo sa atin ng karunungan
• 6 Sa mga ganap na naniniwala naman, mayroon kaming karunungang sinasalita. Hindi isang karunungang mula sa kapanahunang ito, ni mula sa mga pinuno ng kapanahunang ito: pinawalang-bisa niya ang mga iyon.
Ang mundo ay `di pa ganap na nabago ng nakapagliligtas na gawain ni Hesus. Nandito pa din ang kasalanan hanggang sa muling pagdating ni Hesus. Sa teolohiya ng mga Hudio, mayroon silang tinatawag na sinasabing "panahon ngayon", at ang sinasabing "panahon na dadating. ". Nang dahil sa gawa ni Hesus, ang sinabing "panahon na dadating" ay nagsimula na. Ang sinasabing "namumuno" sa mundo na ito, mula pa sa panahon ng pagkakasala ni Adan, ay nagdala sa mundong ito sa pagkaalipin. Ngunit sa pagsisimula ng paghahari ng Mesias, nalalapit na ang kanilang katapusan. Ang mga pagano, na nabulag ng kasalanan, ay `di nakakita at nakasamba sa Diyos na manlilikha, at ang pagkaunawa ng mga Hudyo sa Banal na Kasulatan ay di nakakilala sa pagdating ng Mesiyas.
7 Sinasalita namin ang misteryosong balak ng lihim na karunungan ng Diyos, ang itinalaga na ng Diyos sa simula pa para dalhin tayo sa kaluwalhatian.
Dahil ang Karunungan ng Diyos ay isang misteryo, kinakailangan natin ang sariling Niyang pagbubunyag. Ang maka-diyos na karunungan ay nakatago sa tinuturing ng mundo na kahibangan at iskandalo ng krus. Ang pinakalayunin ng plano n gating pagliligtas ay ang ating luwalhati, ang ating pakikibahagi sa pagkabuhay na muli ni Hesus.
Dahil sa pagkakadapa ng sankatauhan, tayo ay nawalan ng kakayahan para magbigay luwalhati sa Diyos. Tanging si Hesus lang ang may kakayayahan nito. Ang sinumang nasa kanya ay nagkakaroon ng unti-unting paglakas sa kakayahan na ito. Sa ganito natin nasasabi na ang layunin ng ating pagliligtas ay ang ang atin ding luwalhati.
Sinasabi sa atin ni San Juan Crysostom na mahal tayo ng Diyos kahit na `di pa tayo nalalalang dahil kahit bago pa likhain ang lahat, nakaplano na ang lahat ng ating kayamanan.
8 Wala sa mga pinuno ng mundong ito ang nakaalam niyon. Sapagkat kung alam nila, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.
Kung alam lang ng mga naghahari sa mundo na ito na ang misteryno ni Kristo at ang pagliligtas ng mundo ay dahil sa kahiya-hiyang pagkakapako sa krus, ito sana ay kanilang napigilan sa paghaya sa Kanya na mabuhay. Sa talatang ito, ang pamagat na "Panginoon ng kaluwalhatian" ay pagsasabi na si Hesus ay Diyos tulad ng paggamit sa pamagat na ito sa 1 Enoch 63:2 at Salmo 44:8
Nasabi ni San Agustin ng Hippo, "kung hindi napatay si Kristo hindi mapapatay ang kamatayan. Natalo ang demonyo ng kaniyang tinuturing na tropeyo, nagbunyi ang demonyo nang dahil sa pagktukso ng unang Adan, nagdulot ito ng kamatayan sa tao (Gen 3:1-19). Nang dahil sa pagpatay niya sa huling Adan, napawalan mula sa kanya ang unang Adan."
9 Sinabi namin ayon sa nakasulat: Ang hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi nagmula sa puso ng tao, ang siyang inihanda ng Diyos para sa mga nagmamahal sa kanya.
Di matiyak kung saan hango ang talata na ito sa Lumang Tipan. Marahil, ito ay galing sa Isaiah 64:3 at 65:16.
10 Ibinunyag ito ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng espiritu. Sapagkat sinusuri ng espiritu ang lahat, kahit na ang mga kalaliman ng Diyos.
---------------------------
7th Sunday in Ordinary time Yr B
2 Cor 3:16-23
Noong mga nakaraang mga pagbasa, tinalakay ni Pablo ang tungkol sa karunungan ng Diyos. Ngayon, babasahin naman natin ang pagtalakay ni Pablo sa mga pagkakahati ng mga Corinto
• 16 Hindi ba ninyo alam na templo kayo ng Diyos at nananahan sa inyo ang espiritu ng Diyos?
Ang komunidad ng mga Corinto ay ang templo ng Diyos. Sa mga susunod na pagbasa, sasabihin naman ni Pablo na ang bawat isa sa atin ay templo ng Espiritu Santo dahil ang Espiritu Santo ay nananahan sa mga binyagan.
17 Kung may wawasak sa templo ng Diyos, wawasakin din siya ng Diyos. Tunay na banal ang templo ng Diyos na kayo mismo.
Ang komunidad ay sagrado dahil sa pananahan ng Diyos sa kanila. Tinuturing ng mga pagano at mga Hudio na malaking kalapastanganan ang kawalang galang sa templo. Nasabi ito ni San Pablo para mahipo ang mga konsiyensya ng mga tao na sumisira ng kanilang sariling katawan.
Huwag hatiin ang Iglesya
• 18 Huwag mandaya sa sarili ang sinuman. Kung may kinikilalang marunong sa inyo, sa mundong ito, maging tanga nawa siya upang siya'y maging marunong.
Upang maging marunong, kailangan tanggapin ng tao ang tinuturing ng mundo na katangahan ng krus.
19 Sapagkat ang karunungan ng mundong ito ay katangahan para sa Diyos. Naisulat nga na: Huli ng Diyos ang marurunong sa kanilang katusuhan.
Sinabi ni San Pablo na nahuhuli ang mga tao sa kanilang katusuhan sa mga pagkakataon na iniisip nila na makakaya nilang mabuhay ng wala ang Diyos dahil sa mga panahon na iyon, kailangang kailangan nila ang Diyos.
20 At muling naisulat na: Alam ng Panginoon ang mga isip ng marurunong, walang saysay ang mga ito.
Nagpapakita ng katangahan ang mga taga Corinto ng makamundong pagpuri nila ang mga tao na nagbabalita ng Ebanghelyo
21 Kaya huwag ninyong ipagmalaki ang sinuman; sa inyo nga ang lahat maging si 22 Pablo o si Apollo o si Kefas o ang mundo o ang buhay o kamatayan, pati na ang kasalukuyan at kinabukasan. 23 Sa inyo ang lahat at kay Kristo naman kayo at si Kristo ay sa Diyos.
Ang lahat ng bagay at mga pangyayari sa kasaysayan ay umiikot para sa mga bawat kristiano tulad na lang ng nasabi sa Roma 8:28. DAhil ang bawat kristiano ay para kay Kristo at para sa Diyos, sila ang hari ng mundo at mga nangyayari sa mundo. Ang paghahari ay nangyayari sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-asa.
Nasabi ni San Juan Crysostom "Tayo ay kay Kristo dahil tayo ay nalikha sa pamamagitan Niya. At si Kristo ay sa Diyos hindi dahil sa pagiging nilalang ngunit dahil sa pagiging Anak"
-----
8th Sunday in Ordinary Time Yr A
1 Cor 4:1-5
Ito ang huling bahagi ng pagbasa sa 1 Corinto sa Ordinaryong Panahon. Magpapatuloy si San Pablo na `di dapat mangyari ang pagkakawatak-watak sa Simbahan.
1 Kaya ituring nawa kaming mga katulong ni Kristo at mga katiwala ng mga misteryo ng Diyos. 2 Kung saan may katiwala, hihingin sa kanila na mapagkatiwalaan.
Ang mga katiwala ay pinagkatiwalaan para sa bahay para mabigyang diin na siya ay nangangasiwa lang sa bahay ng Diyos at hindi ito sa kanya. Sila ay naatasan na magbalita ng mga pahayag ng Diyos, at hindi ang kanilang mga sariling doktrina.
Ayon kay Origen, may malaking pagkakakiba ang pagiging lingcod at ang pagiging katiwala ng Salita ng Diyos. Ang sinumang magbabasa ng salita ng Diyos ay lingcod ni Kristo, ngunit ang katiwala ng mga misteryo ay kinakailangang buksan ang lalim nito. Gumalaw bilang katiwala si San Pablo nang utusan niya si San Lukas na magsulat ng Ebanghelyo , nang ipadala niya si Timoteo para ayusin nag simbahan sa Efeso. Nasabi ni Origen na sa Corinto siya ay kumilos bilang lingcod ng Diyos at sa Efeso, billing tagapangalaga.
Sabi ni San Juan Crysostom, Ang mga katiwala ay dapat na mapagkakatiwalaan na may malaking debosyon sa mga bagay ng Diyos sa halip na sa sariling interes.
3 Gayunman, hindi ko binibigyang-halaga ang paghusga ninyo sa akin o ang paghusga ng anumang hukuman. Ni hindi ko nga hinuhusgahan ang aking sarili. 4 Hindi ako isinasakdal ng aking budhi pero hindi ito ang nagbibigay katwiran sa akin. Ang Panginoon ang humahatol sa akin.
Hindi iniisip ni San Pablo ang paghuhusga ng mga tao, iniisip niya lang ang paghuhukom ng Diyos sa kanyang pagiging tapat sa kanyang paglilingkod
5 Kaya huwag kayong humatol nang wala sa panahon, hanggat hindi pa dumarating ang Panginoon. Ibubunyag niya ang mga lihim na nasa dilim. At ang mga layuning nasa puso. At papupurihan ng Diyos ang bawat isa.
Nasabi ng isang taga Ambrosio na ang Diyos ay maghuhukom sa kanyang tamang oras. Naiinsulto ang hukom kapag nagbibigay ng hatol ang mga lingkod bago ang kanyang hatol.
----
2nd Sunday in Ordinary Time 6:13-15, 17-20
Sa unang bahagi ng Year B itutuloy ang pagbasa sa 1 Corinto na naumpisahan sa unang bahagi ng Ordinaryong Pahanon sa Year A at ang huling bahagi ng 1 Corinto ay itutuloy sa unang bahagi ng Ordinaryong Panahon Year C.
Ang sulat ni Pablo ay tumalakay sa gusot ng simbahan sa Corinto na naisulat ni Pablo marahil nang siya ay nasa Efeso noong 57 AD. Sumagot din siya sa mga katanungan na naibigay sa kanya. Tatalakayin naman ni San Pablo ang tungkol sa muling pagkabuhay sa huling bahagi ng kanyang sulat na babasahin sa lingguhang Ordinaryong Panahon Year C. Nakita natin sa mga pagbasa sa Linggo sa Year A na nagturo si Pablo tungkol sa pagiging si Hesus bilang karunungan ng Diyos, ang simbahan bilang katawan ni Kristo at ang mga kaloob ng Espritu Santo sa mga Kristianong komunidad. Ang mga kaloob na ito ay dapat pahalagahan sa mga nagagawa nito sa komunidad.
Sa pagpapatuloy ng mga pagbasa sa linggo sa Ordinaryong Panahon Year A, sa Year B, tatalakayin naman ang imoralidad sa sekswalidad.
13 Para sa tiyan ang pagkain at para sa pagkain ang tiyan at pareho itong pupuksain ng Diyos. Pero ang katawa'y hindi para sa kahalayan kundi para sa Panginoon; at para sa katawan ang Panginoon.
14 Nagbigay-buhay ang Diyos sa Panginoon at magbibigay-buhay din siya sa atin.
Nagkaroon ng mga argumento na ang pagpawi sa sekswal na pagnanais pinaniniwalaan ng iba na katumbas lang ng pagsagot sa pangangailangan ng katawan tulad nag pagkain at pag-inom. Papatunayan ni San Pablo na mali ang paniniwala na ito sa pagpapaalala ng dignidad at gagampanan ng mga katawan ng bawat Kristiano.
15 Hindi ba ninyo alam na naging mga bahagi ni Kristo ang mga katawan ninyo? At kukunin ko ba ang mga bahagi ni Kristo upang gawing mga bahagi ng isang babaeng bayaran? Huwag naman sana!
16 Pero alam ninyo na ang makipag-isa sa isang babaeng bayaran ay kaisang-katawan niya. Sinasabi nga: Ang dalawa ay magiging isang laman. 17 Ngunit ang nakikipag-isa sa Panginoon ay kaisang-diwa niya.
Ang Kristiano ay nagiging kabilang sa katawan ni Kristo sa pamamagitan ng Bautismo. Ang pagkakaroon ng sekswal na relasyon sa labas ng kasal ay pagdungis ng katawan sa kasalanan. Ang pakikipagtalik sa labas ng kasal ay ang pagkakasala sa sariling katawan, sa sarili mismo, dahil sa paghihiwalay ng sarili sa Panginoon at pagkait ng nakadestinong gloria.
18 Iwasan ninyo ang kahalayan. Ang anumang iba pang kasalanang magagawa ng tao ay nasa labas ng katawan ngunit ang gumagawa ng kahalayan ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.
19 Tiyak na alam ninyo na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santong nasa inyo, na tinanggap mula sa Diyos. At hindi na kayo sa inyo.
Ang katawan ay templo ng Diyos at ito ay para sa Diyos. Wala tayong karapatan na ibigay ito sa labas ng kasal. Ang pagtatalik sa labas ng kasal ay paglalapastangan sa templo.
20 Binili kayo nang mahal; kaya luwalhatiin ninyo ang Diyos sa inyong katawan.
Si Hesus ay namatay upang buksan ang langit at makapasok an gating katawan.
Sabi nga ng Ambrosiaster, ang nabili ay walang karapatan na gumawa ng desisyon, ito ay nagagwa lang ng bumili sa kanya. At dahil napakamahal ng pagkakabili sa atin, higit na dapat nating paglingkuran ang bumili, upang an gating kasalanan kung saan tayo ay nabili ay hind magsauli sa atin sa kamatayan.
Tayo ay mga pari sa ating sariling katawan, responsible natin na huwag papasukin ang mga bagay na lalapastangan dito. Sinabi ni San Pablo, sa Romano 12:1 "Ipressenta ninyo ang inyong mga katawan bilang buhay na alay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. "
--
3rd Sunday in Ordinary Time 7:29-31
Tinalakay ni San Pablo ang mga iskandalo sa Simbahan. Ngayon naman, tatalakayin niya ang tungkol sa mga tanong sa ibang bagay. Sa pagbasa na ito, tatalakayin ang tungkol sa pag-aasawa at sa pagiging birhen
29 At ito ang sinasabi ko, mga kapatid, paubos na ang panahon at mamuhay nawa ang mga may-asawa na waring walang asawa,
Nagpahayag si San Pablo na ang huling panahon sa pagliligtas ay lumilipas na. Ang pagdating ng Panginoon ay malapit na. Ang mga Kristiano ay dapat na mamuhay ng naayon s nasabi ng Panginoon: sa pagdadasal at sa pagmamasid sa pag-hihintay sa pagdating ng Panginoon.
30 at ang mga tumatangis na waring di-tumatangis at ang mga natutuwa na waring di-natutuwa, at ang mga bumibili na waring walang inaangkin. 31 At mamuhay nawa ang mga nagtatamasa sa mundo na waring hindi ikinasisiya ito. Sapagkat pawala na ang ayos ng mundong ito.
Kahit ang mga kasal ay dapat na mamahay ng hiwalay sa mundo, ang tumupad sa mga katungkulan bilang asawa na may kaugnayan sa mundo ngunit pag-iwas na maging makamundo.
---
4th Sunday in Ordinary Time Yr B
1 Cor 7:32-35
Ang nakaraan na pagbasa ay tungkol sa pag-aasawa at tungkol sa pag-aasawa.
32 Gusto ko sanang wala kayong alalahanin. Mga bagay ng Panginoon ang inaalaala ng walang asawa at kung paano niya bibigyang-kasiyahan ang Panginoon.
Ang pag-aasawa ay nagtutulak sa mga mag-asawa na lalong mag-isip ng mga bagay tungkol sa mundo na nagpapahirap ba ibigay ang buo para sa paglilingkod sa Diyos. Ang sinumang may-asawa, dahil sa relayson ay napapailalim sa mga bagay sa mundo na ito at mas madaling makapigil sa buong pag-aalay ng sarili sa Diyos. Ang asawa ay nagsisikap na mapaligaya ang asawa. At dahil dito, maituturing na hati ang may asawa.
Nasabi ni
33 Mga bagay ng mundo naman ang inaalaala ng may-asawa at kung paano niya bibigyang-kasiyahan ang asawa, at siya'y nahahati.
34 Inaalaala ng babaeng walang asawa o dalaga ang mga bagay ng Panginoon nang maging banal siya sa katawan at diwa. At inaalaala naman ng babaeng may-asawa ang mga bagay ng mundo, kung paano niya bibigyang-kasiyahan ang asawa.
35 Ang inyong kapakanan ang hangad ko sa pagsasabi nito; hindi ko gustong bitagin kayo kundi alalayan sa marangal at tanging paglilingkod sa Panginoon.
Sinasabing ang pagiging birhen ay mas mataas kaysa dahil sa mas malaking kakayanan na sa pagtuon ng buong sarili sa Panginoon at paglilingkod. Sa pagpapayo tungkol sa pagiging birhen, sinasabi ni Pablo ang kabutihan nito, ang kung ano ang nararapat sa iba, at mga bagay na nagdadalasa sa kanila ng mas ibigay sa Diyos ang sarili nang walang pagkakahati.
Sinabi pa ni Ambrosio ng Milan ang ganito: Ang isa ay nakatali sa kasal ang isa ay malaya. Ang isa ay nasa ilalim ng batas, ang isa sa ilalim ng grasya. Ang buhay may asawa ay maganda dahil sa pagpapatuloy ng sankatauhan. Ngunit mas maganda ang panantiling birhen dahil sa pamamagitan nito, nakakamit ang mana mula sa kaharian ng langit at pagpapatuloy ng gantimpalang makalangit.
---
5th Sunday Year B 1 Cor 9:16-19, 22-23
Sa loob ng unang 2 linggo ng Ordinaryong Panahon ng Year B nabasa natin ang tungkol sa pagiging birhen at buhay may asawa. Ngayon, mababasa natin ang tungkol sa pagkain ng karne na inialay sa mga diyus-diyosan. Karamihan ng mga ipinagbibiling mga karne sa palengke ay inialay sa mga diyus-diyosan. Kaunting bahagi lang mga ala yang sinusunog, ang iba ay ibinibigay sa mga pari ng templo. Ang karamihan ng mga karne na ito ay ipinagbibili sa mas murang halaga.
Sa konsilyo ng Herusalem noong 48-50 AD, nagsulat sila sa mga Kristiano sa Antioch, Syria at Cilicia na nagsasabi na huwag silang kakain ng karne na inialay sa mga diyus-diyusan. Makalipas ang 2 taon siya ay nagturo sa Corinth. Malamang ay hindi siya nagturo tungkol duon dahil sa paganong kultura sa lugar na iyon. Dahil kapag nagturo si Pablo duon sa ganoong bagay, lalayuan sila ng mga tao na mamayan ng lugar na iyon. Maari nilang kainin ang mga karne na iyon gayung wala naman talagang diyus-diyusan, ngunit ang pagkain ng karne na ito ay ipinagbabawal kapag may kaharap na tao na naging Kristiano dahil sa peligro na masira ang kanilang konsiyensya.
16 Sapagkat hindi ko maipagmamalaki ang pag-eebanghelyo ko: sapilitan itong ipinagagawa sa akin. Sawi ako kung hindi ko ipangaral ang ebanghelyo! 17 Kung kusa ko itong ginawa, meron sana akong gantimpala; ngunit napilitan ako, kaya, tumutupad lamang ako sa aking tungkulin.
Ang pagiging Kristiano ni Pablo ay nagkakaroon ng katuparan sa pagtuturo niya, at dahil dito, wala siyang maipagmamalaki. Ang paglilingkod na iyon ay ipinagkatiwala sa kanya at may katungkulan siya na tuparin iyon.
18 Paano naman ako magagantimpalaan? Na sa aking pag-eebanghelyo, ibibigay ko ang ebanghelyo nang libre at hindi ako makikinabang sa pinaubaya ng ebanghelyo sa akin.
19 Malaya man ako sa lahat, nagpaalipin pa rin ako sa lahat upang makuha ko ang mas marami. 20 Nag-asal Judio ako alang-alang sa mga Judio; dahil hinangad kong makuha ang mga Judio. At nag-asal akong nasa ilalim ng batas alang-alang sa mga nasa ilalim ng batas, upang makuha ko ang mga nasa ilalim ng batas (bagamat hindi ako saklaw ng batas). 21 Nag-asal din akong walang Batas alang-alang sa mga walang Batas, kahit na ako ay hindi walang batas ng Diyos, kundi nasa ilalim ng batas ni Kristo; hinangad ko ngang makuha ang mga walang Batas. 22 Nag-asal mahina ako alang-alang sa mga mahina upang makuha ko ang mga mahihina.
Sa 8:13 nagpailalim si Pablo sa konsiyensya ng mga mahihina kung ang pagkain ng karneng inialay ay makakapagbigay ng iskandalo sa mga makakakita, ito ay hindi niya kakainin. Kailangan din na magbago ang mga puso ng mga mahihina. Tinutupad ni San Pablo ang kautusan sa pagmamahal sa kanyang kapwa kahit iba ang lahi o relihiyon.
Sinabi ni San Cyril ng Jerusalem na si Kristo ay naging lahat para lahat. Sa mga nagugutom, tinapay, sa mga nauuhaw, tubig; para sa mga patay, muling pagkabuhay. sa mga may sakit, kagalingan. At sa mga makasalanan, pagkaligtas.
23 Naging lahat ako para sa lahat upang kahit paano'y mailigtas ko ang ilan. Ginagawa ko ang lahat para sa ebanghelyo upang makabahagi ako nito.
Dahil isang apostoles si San Pablo, nakikibahagi sya sa ebanghelyo sa pamamagitan ng pagpapalaganap niya ng salita ng Diyos.
----
6th Sunday in Ordinary Time Yr B
1 Cor 10:31-11:1
31 Kaya kumain man kayo o uminom, o gumawa ng anuman, gawin ninyo ang lahat para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Ang lahat ng gagawin ng mga Kristiano ay dapat na maglayon ng ikadadakila ng Diyos. Dapat din nilang isaalang-alang ang epekto sa ibang tao. ng kanilang gagawin.
32 Huwag ninyong pasamain ang loob ng mga Judio o ng mga Griyego o ng Iglesya ng Diyos, 33 kagaya ko rin na nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng bagay para sa lahat; hindi nga ako naghahanap ng kapakanan ng sarili kundi ng marami, upang sila ay maligtas.
Judiong kuru-kuro sa pananamit ng babae
11 • 1 Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.
Sa paggaya natin kay Pablo, tinutuluran natin si Kristo.
------------
Katoliko Group Channel at Resources
TalkShoe Podcast Youtube, Apologetics Presentation: "Si Hesus ay Diyos!"(Video mp3 Pakinggan) Sola Scriptura: Bibliya lang dapat ba? Inang Maria( Video mp3 Pakinggan ) Dec25 ba talaga ang Pasko? Bakit may Sto Papa (video mp3 Pakingan) Eukaristiya(Video mp3 Pakinggan ), Ebanghelyo ayon kay San Marco (mp3 Pakinggan), Ebanghelyo ayon kay San Juan Pagpapanganak mula sa itaas, Juan Bautista, Ang babaeng Samaritana (Video mp3 Pakinggan ) ,Sulat ni San Pablo para sa mga taga-Roma( mp3 Pakinggan), Filipos (video mp3 Pakinggan), Spe Salvi: Sa Pag-asa tayo ay naililigtas (mp3 Pakinggan) salin ng malaking bahagi ng Encyclical at iba pa , Listahan ng mga Libro at mga Audio Resource na mahihiram ng mga taga Manila Listahan ng mga titulo ng mga libro at nang mga humiram nito. Coming Soon! mga Listahan ng mga resources na mahihiram ng mga taga-Batangas!
Hello mga groupmates! Papurihan natin si Lord at nakabuo tayo ng 2
bagong Oral Presentation: ang 1 Corinto
(http://recordings.talkshoe.com/TC-10458/TS-191060.mp3) at 1 Juan
(http://recordings.talkshoe.com/TC-10458/TS-191054.mp3)! Sana ay
mapakinggan ninyo at makabigay kayo ng inyong mga
comments/suggestion/insights sa inyong napakinggan. Ipopost ko lang
ang aking notes na nakuha ko sa Navarre Bible at sa 'Inside the Bible'.
Ito ay ang buod ng sulat ni San Pablo na makakatulong sa mga sasali sa
ating oral Presentation na ating bubuuin hanggang sa katapusan ng Marso.
Magsabi lang kayo kung gusto niyong makibahagi para mahati natin ang
sulat para mas madali nating mabuo ang ating project. Ang 2 Corinto ay
nasa pagitan ng 1 Corinto at ng Galasya. Ang sulat na ito ay naisulat sa
Macedonia o hilaga ng Greece noong 57 AD, mga 6 na buwan matapos ang
kanyang unang sulat sa mga Corinto. Ito ay naglalaman ng 13 na kabanata.
Ang sulat na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng ministro ng mga
apostol at ang pagtatanggol niya sa kanyang paglilingkod bilang apostol
ng mga Hentil. Upang lalong maunawaan ang sulat kailangang makita ang
kaugnayan nito sa 1 Corinto na naisulat upang maitama ang mga
pang-aabuso at pagbabalik ng kapayapaan sa komunidad. Sa mga panahon na
iyon, may mga kristianong Hudyo na nagpunta sa Corinto at nanggulo sa
pamamagitan ng maling pagpaparatang kay Pablo at sa kanyang awtoridad.
Sinasabi ng mga nanggugulo na 'di daw kabilang si Pablo sa mga apostoles
dahil sa 'di nya pagkakakita kay Hesus. Na siya daw ay mapagmalaki,
paiba-iba ng isip at mapagsamantala. Si Pablo daw ay matapang lamang pag
nagsusulat ngunit duwag na harapin ang kanyang mga kalaban ng
harap-harapan. Sinagot ito ni Pablo. Mababasa natin sa 2 corinto na
nauna nang sumulat siya sa kanila, sulat na wala na sa atin at
nagtungo siya sa Corinto matapos niyang maisulat ang 1 corinto.
Sinasabi na di madaling sundan ang daloy ng pag-iisip ng sulat. Ito ay
madamdamin,personal, at mapangpuna. Ipinagtatangol ni San Pablo ang
kanyang reputasyon bilang apostol, pinahayag niya na nakita niya si
Hesus at siya ay naatasan na magbalita ng ebanghelyo. Maaring mahati ang
sulat sa 3 bahagi. 1. Kabanata 1-7 nangusap si San Pablo tungkol sa
kanyang relasyon sa mga taga Corinto at ang kanyang mga naging gawain
duon. 2. Kabanata 8-9. Nakiusap siya na kumolekta para sa
nangangailangang simbahan ng Herusalem, ang inang simbahan. 3. Kabanata
10-13 Ang direktang pagsagot niya sa mga nag-aakusa sa kanya sa
Corinto. Ipinagtanggol niya ang kanyang pagiging apostol at pagpapahayag
na ang mga lumabans kanya ay mga huwad na apostol. Dahil sa mahirap
maipag-ugnay ang sulat, sinasabi na maaring may 2 o 3 pang sulat ang
pinagkuhanan ng mga bahagi para maisama sulat na ito. Ngunit base sa
mga unang manuskreto ng sulat, pinagtitibay na ito ay tunay na iisang
sulat at ito ay pinatutunayan din ng tradisyon. Sa kanyang pagsusulat
nito, dahil siya ay tao din, maaring nagkaroon ng pagbabagu-bago ng
emosyon habang siya ay nagsusulat na nagresulta sa pagbabagu-bago ng mga
paksa. Ang sulat na ito ay itinuturing na pinakapersonal nyang sukat na
nagpapakita sa atin ng kanyang malalim na kaisipan, buhay at ang kanyang
apostolikong paglilingkod. Malalaman natin ang tungkol sa komunidad sa
Corinto na 'di mababasa sa Libro ng mga Gawa. Sa komunidad na iyon, may
mga pang-aabuso, mga makasalanan, huwad ng tapagturo at mga kalaban ni
San Pablo. Sinagot nya ang mga ito. Sa pagsagot niya sa mga ito,
naikwento niya ang kanyang paglalakbay, pagdudurusa, ang kanyang mga
kabiguan, mga pag-uusig sa kanya, ang mga mistiko nyang karanasan at mga
pangitain. Kaya masasabi natin na ang 2 Corinto ay nagpapakita ng
kanyang kaisipan at puso na 'di makikita sa ibang mga sulat. Pinapakita
ng sulat na siya ay isang mapagmahal at sensitibong tao. Pinagmalaki
niya din ang kanyang kahinaan, mga pangitain, pagdurusa. Ito ay ginawa
niya nang walang kayabangan. "dahil sa panahon nang aking kahinaan, ako
ay malakas"12:1-10. Sinabi din niya na binigyan siya ng Diyos ng
karamdaman upang manatili siyang mapagkumbaba. Ang sikreto ng kanyang
paglilingkod ay ang pag-ibig ni Kristo na nagpapagalaw sa kanya. Ang
kanyang pag-iisip ay napuno kay Kristo na nagdadala na mag-isip katulad
ni Kristo. Pinapakita sa sulat na ito ang doktrina ng Banal na
Santatlo, Espiritu Santo, si Hesus bilang manunubos ng sankatauhan at
ang luwalhati ng bagong tipan na katuparan at kaganapan ng Lumang Tipan.
Pinaghambing niya ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Anng luma ay
nakasulat at pumapatay, ang bago ay espiritu na nagbibigay ng buhay. Ang
ina ay nagdala sa kamatayan at pagkasakdal, ang isa ay espiritu na
nagbibigay ng buhay at pagiging banal. Ang una ay lumilipas, ang huli
ay pang eternidad (2 Cor 3:6-11) Nagpaalala din ang sulat sa tungkol sa
importansya ng pangongolektang mga tulong para sa mga simbahan.
Samakatuwid, lumilitaw na apat ang sulat na naisulat ni San Pablo. Una
ay ang pre-canonical na nawala ngunit nabanggit sa 1 Cor 5:9, ang
pangalawa ay naisulat sa Efeso noong 57 AD na kinasihan at napasama sa
Canon bilang Unang Sulat ni Pablo sa Corinto. Ang pangatlo ay naisulat
din sa Efeso na naisulat ng maraming luha na nabanggit sa 2 Corinto 2:4.
Ang ika-4 ay ang naisulat sa Macedonia noong 57 AD na naipasok sa Canon
bilang 2 Corinto. Sa simula ng lahat ng sulat ni San Pablo, lagi niyang
pinapahayag "sa kagustuhan ng Diyos, apostol ni Kriso Hesus " 2 Cor 1:1
na nagsasabi na ang kanyang pagkakapili ay 'di dahil sa kanyang
sariling gawa ngunit dahil sa awa ng Diyos. Natawag si San Pablo sa
likod ng kaniyang mga pagkukulang, ay nagbigay ng kakayahan din sa kanya
2 Cor 3:5-6 "wala sa amin ang kakayahan at walang naiisip na galing sa
aming sarili, kundi mula sa Diyos ang kakayahan namin. Siya ang
nagpapangasiwa sa amin sa bagong tipan...". Ang apostolado ay
pinapahayag bilang pakikibahagi sa nakapanliligtas na gawa ni Hesus: ang
apostol ay katulong ng Diyos "bilang katulong ng Diyos..."2 cor 6:1,
"mga embahador" ng Diyos 2 Cor 5:20, pinagkalooban sa "pangangasiwa ng
pagkakasundo" na gawa ng Diyos (2 Cor 5:18-19). Dahil dito, kailangang
maging tapat si Pablo sa pagtuturo tungkol kay Kristo kung saan ang
lahat ng pangako ay natupad. At tulad ng ang pinakamakapngyarihang
pagtutubos ay sa pagdurusa at at Kanyang kamatayan, ganon din na
nakikibahagi ang apostol sa espesyal na paraan sa pagdurusa ni Kristo "
Nag-uumapaw talaga sa amin ang mga paghihirap ni Kristo ngunit ganoon
din nag-uumapaw ang aming kaaliwan dahil kay Kristo" 2 Cor1:5.
Nagkuwento si Pablo tungkol sa kanyang mga karanasan at nagsabi na
hinahayaan ng Diyos ito upang maipakita na ang kapangyarihan ay mula sa
Diyos at di sa kanila na nasabi niya sa 2 Cor 4:7. Magsusulat naman si
Pablo pagkatapos nuon, ang mga partikular na halimbawa ng mga pagsubok
na nadanasan niya upang maipakita higit lalo na siya ay tagapaglingkod
ng Diyos 2 Cor 6:3-10. At sa bandang huli ng kanyang sulat, siya ay
nagsulat ng mahaba, at detalyadong listahan ng kanyang nagawa at
pinagdusahan para kay Kristo 2 Cor 11:23-33. Nasabi niya na ang
pagmamahal tulad ng pagmamahal ng magulang sa anak ang nagkakaisa sa
kaniya at sa mga mananampalataya (2 Cor 6:11-13;12-14).
hello mga groupmates! Gusto ko lang ishare ang aking notes sa librong
binigay sa akin ni Sr. Myrna, ang "Devout life" ni San Francisco de
Sales. Ang ganda ng libro na ito sa pagbibigay ng mga hakbang at sistema
na magagamit natin at makakasanayan upang lalo tayong mapalapit sa
Panginoon. Ang notes na ito ay bahagi ng aking personal project na kung
magkakaroon pa ng oras, ay gagawan ko din ng oral presentation. Sana
ay magustuhan ninyo at makapag bigay kayo ng mga komento at suggestions.
your groupmate, eric Ang totoong debosyon ay hindi naghihinto sa
paglago ninuman ngunit kumukumpleto ng lahat. Ang tunay na debosyon ay
naaangkop sa lahat ng bokasyon at propesyon. Ito ay tumutulong upang
sagutin ang ating mga bokasyon. Sa pamamagitan nito, nililinaw nito at
pinagtitibay ang bokasyon. Sa buhay ng mga deboto, kailangan sa
pag-usad ang espiritwal na gabay Unang hakbang Ang unang hakbang sa
debotong buhay ay ang paglilinis ng kaluluwa, kailangan na iwan ang
lumang sarili, iwan ang kasalanan at mabisan ng bagong tao. Ang
ordinaryong paglilinis ng sarili at paggaling, kaluluwa man o katawan
nang paunti-unti. Ang mga anghel na nagpanik panaog sa hagdan ni Jacob
ay mayroong nga pakpak ngunit 'di lumipad, bagkus ay tumapak sa
sunud-sunod na tapakan sa hagdanan. Maari nating maihambing sa
madaling-araw na kapag tumataas ay 'di kaagarang nagwawakas ng
kadiliman. Ito ay unti-unting nangyayari. Ang disiplina ng paglilinis ay
humihinto lamang kasabay ng ating buhay kaya 'wag tayong mawalan ng
lakas ng loob sa ating mga kahinaan. Ang unang paglilinis ay ang
paglilinis ng ating mga kasalanan at ito ay sa pamamagitan ng Sakramento
ng Kumpisal. Matapos na ma-eksamen at matandaan ang mga sugat ng
kasalanan sa ating konsiyensya , kamuhian ang mga itong buong puso,
itakwil ang mga ito sa pamamagitan ng pagsisisi. Tatandaan natin ang 4
na mga bagay na ito sa ating pagkakasala 1) napapatay ang grasya sa atin
2) tinatanggihan ang langit 3) nakukuha ang impyerno 4) at tumatanggi sa
walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Madalas, ang mga tao ay wala o may
kaunting paghahanda at nagkukumpisal ng wala ang kinakailangang
pagsisisi. Ni 'di nila iniiwasa ang kasalanan o nag-aayos ng kanilang
buhay. Kailangan tayong maglinis sa ating kagustuhan na magkasala. Kaya
nga ang karamihan ay panlabas na nag-iiwan ng kanyang kasalanan ngunit
'di umiiwan sa kanilang kagustuhan na magkasala. Dapat nating iwan ang
kasalanan at ang mga kagustuhan na gawin ito. Pangalawang Hakbang Ang
pangalawang hakbang ay ang pagkilala sa lubos na kasamaan ng kasalanan.
Tulad ng mahinang pagsisisi kapag ito ay nakakapag-isa sa mga Sakramento
at naglilinis sa atin sa mga nagawang kasalanan ang lubos at totoong
pagsisisi ay naglilinis sa atin mula sa lahat ng epekto ng kasalanan.
May mga pagninilay na ibinigay si San Franscisco de Sales. Ang mga
pagninilay na ito ay maaring gawin ng isa bawat araw sa umaga hanggang
maari at pagnilayan ito ng buong araw. Unang Pagninilay Paglilikha
Paghahanda: Ilagay ang sarili sa piling ng Diyos. Hingin na kumilos Siya
sa inyo. Isipin ang mga taon na wala tayo sa mundong ito na tayo ay 'di
pa tao. Tayo ay nilalang mula sa wala. Pagnilayan ang pagkakalikha ng
Diyos sa atin, may kakayahan na magkaroong ng walang hanggang buhay at
sa ganap na pagkakaisa sa Diyos Mga damdamin: magpakumbaba sa harap ng
Panginoon. Magpasalamat sa Kanya. Sa pagtatapos, magpasalamat sa Diyos
dahil tayo ay nilikha mula sa wala nang dahil sa Kanyang kabaitan. Ialay
ang inyong mga puso sa Kanya. Ipagdasal natin ang na tayo ay pagtibayin
sa ating mga gagawin at sa ating nararamdaman. Pangalawang Pagninilay
Ang dahilan ng ating pagkakalikha: ang dahilan ng ating pagkakalikha ay
upang makagawa siya ng kabutihan sa pagbibigay sa iyo ng Kanyang grasya
at luwalhati. Pinagkalooban tayo ng pagkakaintindi upang makilala Siya.
Memorya para maalala Siya. Imahinasyon para maalala ang Kanyang Awa.
Mata upang makita ang kanyang mga gawa at dila upang siya ay papurihan.
Iwasan natin ang mga bagay na laban dito. Mga damdamin at mga gagawin:
magpakumbaba at pagsabihan ang sariling kaluluwa sa paglimot sa
katotohanan na ito. Kamuhian ang nakaraang buhay. Magbalik loob sa
Diyos. Sa pagtatapos, magpasalamat sa Diyos sa pagkakalikha sa atin para
sa mga dahilan na ito. Ialay sa panginoon ang ating mga nararamdaman at
mga gagawin nang buong puso at kaluluwa. Magdasal na tanggapin ng
Panginoon ang ating mga kagustuhan at mga pangako. Ika-3 na
Pagninilay: awa ng Diyos Paghahandaagay natin ang ating sarili sa
piling ng Diyos. Hilingin na kumilos Siya sa atin. Pagninilay: Tandaan
ang mga kaloob o mga regalo ng Diyos na bigay Niya sa atin at pagkatapos
ay ihambing ang ating sarili sa ibang tao na mas nararapat sa mga kaloob
na ito. Tandaan ang mga mental na kaloob. Magpasalamat na ikaw ay may
masigla at maayos na pag-iisip. Tandaan ang ating mga esperitwal na
kaloob. Ikaw ay anak ng Simbahan at naturuan sa mga doktrina mula
pagkabata. Ga'no kadalas na niloob ng Diyos na matanggap Sya sa
Sakramento. Gaano kadalas niya tayo pinapatawad? Damdamin at gagawin:
hangaan ang kabutihan ng Panginoo. Isipin ang kawalan natin ng pagtanaw
ng utang na loob. Pag-ibayuhin ang damdamin ng Pagpapasalamat. Iwan
natin ang ating mga kasalanan at ipailalim natin ang ating mga katawan
sa paglilingkod sa Panginoon. Magsikap tayo na makilala ng ating
kaluluwa ang Diyos. Pagtatapos: magpasalamat sa Diyos para dito. Ialay
ang puso pati ang mga gagawin tungkol dito. Hingin ang lakas para
masundan ito sa pamamagitan ng gawa Niya sa krus. Hingin ang tulong ni
Maria. Ika-4 na Pagninilay Paghahanda: ilagay ang sarili sa piling ng
Diyos. Hilingin sa Kanya na kumilos sa atin. Pagninilay: magnilay sa
haba ng panahon na tayo ay nagkakasala at tignan kung gaano katagal na
dumadami ang mga kasalanan sa ating puso. Tandaan ang mga maling
pagnanasa at ang pagbibigay ng ating mga sarili sa kanila. Tandaan ang
kasalanan ng kawalan ng utang na loob sa Diyos, isang kasalanan na may
kaugnayan sa lahat ng iba pang mga kasalanan at nagpapabigat sa kanila.
Ilang beses na ba natin natatanggap ang mga Sakramento at nasa'n ang
kanilang mga bunga? Mga damdamin at gagawin: kamuhian natin ang ating
kasamaan. Manghingi ng tawag. Magbagong buhay. Gawin ang lahat para
mapatay ang ugat ng kasalanan. Sundin ang mga payo na ating natatanggap.
Pagtatapos: magpasalamat sa Diyos sa pagdadala sa inyo sa oras na ito.
Ialay ang inyong mga puso upang mapawi ang pagka-uhaw nito. Magdasal
para ikaw ay lumakas. Ika-5 pagninilay: kamatayan Paghahanda: ilagay
ang ating sarili sa piling ng Panginoon. Hingin ang Kanyang grasya.
Isipin na tayo ay nasa kama ng ating kamatayan na walang pag-asang
gumaling pa. Pagninilay: isipin na walang may alam ng araw ng ating
kamatayan. Isipin na ang mundo ay magugunaw. Isipin ang malungkot na
pagpapaalam natin sa mundo na ito. Isipin ang bilis ng paglibing sa
katawan na ito at ang 'di na pag-alala sa iyo. Tandaan na sa ating
pagpanaw, tayo ay mapupunta sa kaliwa o sa kanan. Saan ka papatungo?
Ika-6 na pagninilay: paghuhukom Paghahanda tulad sa nakaraan.
Pagninilay: sa katapusan ng mundo, matapos ang mga tanda at kababalaghan
matutupok ang mundo ng apoy. Matapo nuon, ang mga patay, maliban sa mga
bumangon na muli, ay babangon sa kanilang mga libingan. May malaking
pagkakaiba sa kanila, ang iba ay may niluwalhating katawan, ang iba ay
hindi. Isipin ang kaluwalhatian at gloria ng Hukom na napapaligiran ng
mga Santo. Ang mga mabuti at masama ay paghihiwalayin. Matapos ang
paghihiwalay, ang lahat ng konsiyensya ay makikita. Ang kasamaan ay
makikita, pati na din ang mga penitensya ng mga mabubuti at ang resulta
ng grasya ng Diyos na gumagawa sa kanila. Babanggitin ang huling hatol.
Damdamin at mga gagawin: matakot dapat ang kaluluwa. Kamuhian mo ang
kasalanan na siyang sisira sa tao para sa araw na iyon.
Pagtatapos:pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay ng mga tulong para sa
pagdating ng araw na iyon. Ialay ang ating mga puso ng may pagsisisi.
Ika-7 pagninilay: impyerno Paghahanda:ilagay ang sarili sa piling ng
Diyos. Magpakumbaba at hilingin ang tulong. Isipin na ikaw ay nasa
madilim na siyudad na may nagbabagang at asopre na may mamayan na 'di
makatakas. Pagninilay: ang mga masasama ay nasa impyerno kung saan ang
mga nanduon ay nagdurusa. Bukod pa duon, sila ay napagkaitan ng Diyos
at ng Kanyang luwalhati. Ika-8 pagninilay: paraiso Paghahanda: ilagay
ang sarili sa piling ng Diyos. Tawagin siya. Pagninilay: pagnilayan ang
kagandahan ng paraiso. Damdamin at gawain: mamngha at hangaan sa ganda
ng paraiso. Bakit natin pinababayaan na mawala ang ating pagkakataon na
makapasok sa paraiso? Ika-8 pagninilay: ang pagpili sa paraiso
Paghahanda tulad ng mga una. Pagninilay: isipin na ikaw ay nasa
kapatagan kasama ang iyong ang guwardiyang anghel. Na ikaw ay nailagay
sa pagitan ng langit at lupa at naghihintay sila na ikaw ay pumili. Ang
iyong desisyon na gagawin ngayon ay iyong dadalin hanggang sa kabilang
buhay. Nakatingin sa iyo si Hesus mula sa langit, nagmamahal sa iyo.
Nakatingin din si Inang Maria at ang mga Santo na nagpapangaral sa iyo.
Pagpili: kinamumuhian ko ang impyerno. Tanggapin mo ang tulong na
binibigay ng Inang Maria, at ng mga Santo. Ika-10 pagninilay: ang
pagpili ng kaluluwa sa debotong buhay. Paghahanda:paglagay sa sarili sa
piling ng Diyos. Magpatirapa at hingin ang Kanyang tulong. Pagninilay:
isipin ang mga demonyo na nakaupo sa kanyang trono. Tignan ang mga
nangyayari sa kanyang kinaroroonan na puno ng galit at pagkamuhi sa
isa't-isa. Tignan ang kaharian ng Diyos na nagdadasal para sa mga
makasalanan. Pagnilayan ang kagandahan ng kanyang kaharian ng kabanalan.
Iniwan mo na si Satan sa pamamagitan ng kagustuhan na mula sa Diyos. Ang
mga santo kasama si Inang Maria ay naghihikayat sa iyo. Tinawag ka sa
pangalan ng Panginoon. Pagpili: o mundo 'di ako sasama sa iyong mga
gawi. Akapin mo si Hesus, ating Hari at sambahin siya. Dapat din
nating iwanan ang ating kagustuhan na magkasala ng venial na kasalanan.
Ang Espiritu Santo ay gumagabay sa ating mga konsiyensya mas nakikita
natin ang kasalanan, kagustuhan at pagkukulang na pumipigil sa atin sa
totoong debosyon. Ang maling kagustuhan na iyon ay hahadlang sa ating
debosyon tulad ng kagustuhan ng mortal na kasalanan ay humahadang sa
pagmamahal. Pinapahina nito ang espiritu na makaranas ng banal na
kaaliwan o consolation. Ito ay nagbubukas sa atin sa mga tukso. Ito ay
di pumapatay sa kaluluwa ngunit sumusugat ng malalim.binabarahan nito
ang kaluluwa ng mga masasamang gawain at kagustuhan na pumapatay sa
aktibong pagmamahal na buhay ng debosyon. Anong klase ng kaluluwa ang
magsasaya sa pagkakasala laban sa Diyos? ipagpapatuloy...
-
Hello mga groupmates!
Patuloy pa din ang imbitasyon natin sa paggawa ng Oral Presentation tungkol sa sulat ni San Pablo, ang 2 Corinto.
Sa ngayon, ang pansamantalang pagkakahati ng report ay
Chapter 1-5 Ate Dwen
Chapter 6-10 Brod Prinz
Chapter 11-Huli Eric
Ang pagkakahati ng mga kabanata ay babaguhin sa pagsali ng iba pang mga groupmates na makakalibre sa para sa project.
God bless!!
your groupmate,
eric
2 Corinto text
Ang 2 Corinto ay nasa pagitan ng 1 Corinto at ng Galasya. Ang sulat na ito ay naisulat sa Macedonia o hilaga ng Greece noong 57 AD, mga 6 na buwan matapos ang kanyang unang sulat sa mga Corinto. Ito ay naglalaman ng 13 na kabanata. Ang sulat na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng ministro ng mga apostol at ang pagtatanggol niya sa kanyang paglilingkod bilang apostol ng mga Hentil.
Upang lalong maunawaan ang sulat kailangang makita ang kaugnayan nito sa 1 Corinto na naisulat upang maitama ang mga pang-aabuso at pagbabalik ng kapayapaan sa komunidad. Sa mga panahon na iyon, may mga kristianong Hudyo na nagpunta sa Corinto at nanggulo sa pamamagitan ng maling pagpaparatang kay Pablo at sa kanyang awtoridad. Sinasabi ng mga nanggugulo na 'di daw kabilang si Pablo sa mga apostoles dahil sa 'di nya pagkakakita kay Hesus. Na siya daw ay mapagmalaki, paiba-iba ng isip at mapagsamantala. Si Pablo daw ay matapang lamang pag nagsusulat ngunit duwag na harapin ang kanyang mga kalaban ng harap-harapan. Sinagot ito ni Pablo. Mababasa natin sa 2 corinto na nauna nang sumulat siya sa kanila, sulat na wala na sa atin at nagtungo siya sa Corinto matapos niyang maisulat ang 1 corinto.
Sinasabi na di madaling sundan ang daloy ng pag-iisip ng sulat. Ito ay madamdamin,personal, at mapangpuna. Ipinagtatangol ni San Pablo ang kanyang reputasyon bilang apostol, pinahayag niya na nakita niya si Hesus at siya ay naatasan na magbalita ng ebanghelyo.
Maaring mahati ang sulat sa 3 bahagi.
1. Kabanata 1-7 nangusap si San Pablo tungkol sa kanyang relasyon sa mga taga Corinto at ang kanyang mga naging gawain duon.
2. Kabanata 8-9. Nakiusap siya na kumolekta para sa nangangailangang simbahan ng Herusalem, ang inang simbahan.
3. Kabanata 10-13 Ang direktang pagsagot niya sa mga nag-aakusa sa kanya sa Corinto. Ipinagtanggol niya ang kanyang pagiging apostol at pagpapahayag na ang mga lumabans kanya ay mga huwad na apostol.
Dahil sa mahirap maipag-ugnay ang sulat, sinasabi na maaring may 2 o 3 pang sulat ang pinagkuhanan ng mga bahagi para maisama sulat na ito. Ngunit base sa mga unang manuskreto ng sulat, pinagtitibay na ito ay tunay na iisang sulat at ito ay pinatutunayan din ng tradisyon. Sa kanyang pagsusulat nito, dahil siya ay tao din, maaring nagkaroon ng pagbabagu-bago ng emosyon habang siya ay nagsusulat na nagresulta sa pagbabagu-bago ng mga paksa.
Ang sulat na ito ay itinuturing na pinakapersonal nyang sukat na nagpapakita sa atin ng kanyang malalim na kaisipan, buhay at ang kanyang apostolikong paglilingkod.
Malalaman natin ang tungkol sa komunidad sa Corinto na 'di mababasa sa Libro ng mga Gawa. Sa komunidad na iyon, may mga pang-aabuso, mga makasalanan, huwad ng tapagturo at mga kalaban ni San Pablo. Sinagot nya ang mga ito. Sa pagsagot niya sa mga ito, naikwento niya ang kanyang paglalakbay, pagdudurusa, ang kanyang mga kabiguan, mga pag-uusig sa kanya, ang mga mistiko nyang karanasan at mga pangitain. Kaya masasabi natin na ang 2 Corinto ay nagpapakita ng kanyang kaisipan at puso na 'di makikita sa ibang mga sulat. Pinapakita ng sulat na siya ay isang mapagmahal at sensitibong tao. Pinagmalaki niya din ang kanyang kahinaan, mga pangitain, pagdurusa. Ito ay ginawa niya nang walang kayabangan. "dahil sa panahon nang aking kahinaan, ako ay malakas"12:1-10. Sinabi din niya na binigyan siya ng Diyos ng karamdaman upang manatili siyang mapagkumbaba. Ang sikreto ng kanyang paglilingkod ay ang pag-ibig ni Kristo na nagpapagalaw sa kanya. Ang kanyang pag-iisip ay napuno kay Kristo na nagdadala na mag-isip katulad ni Kristo.
Pinapakita sa sulat na ito ang doktrina ng Banal na Santatlo, Espiritu Santo, si Hesus bilang manunubos ng sankatauhan at ang luwalhati ng bagong tipan na katuparan at kaganapan ng Lumang Tipan. Pinaghambing niya ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Anng luma ay nakasulat at pumapatay, ang bago ay espiritu na nagbibigay ng buhay. Ang ina ay nagdala sa kamatayan at pagkasakdal, ang isa ay espiritu na nagbibigay ng buhay at pagiging banal. Ang una ay lumilipas, ang huli ay pang eternidad (2 Cor 3:6-11)
Nagpaalala din ang sulat sa tungkol sa importansya ng pangongolektang mga tulong para sa mga simbahan.
Samakatuwid, lumilitaw na apat ang sulat na naisulat ni San Pablo. Una ay ang pre-canonical na nawala ngunit nabanggit sa 1 Cor 5:9, ang pangalawa ay naisulat sa Efeso noong 57 AD na kinasihan at napasama sa Canon bilang Unang Sulat ni Pablo sa Corinto. Ang pangatlo ay naisulat din sa Efeso na naisulat ng maraming luha na nabanggit sa 2 Corinto 2:4. Ang ika-4 ay ang naisulat sa Macedonia noong 57 AD na naipasok sa Canon bilang 2 Corinto.
Sa simula ng lahat ng sulat ni San Pablo, lagi niyang pinapahayag "sa kagustuhan ng Diyos, apostol ni Kriso Hesus " 2 Cor 1:1 na nagsasabi na ang kanyang pagkakapili ay 'di dahil sa kanyang sariling gawa ngunit dahil sa awa ng Diyos. Natawag si San Pablo sa likod ng kaniyang mga pagkukulang, ay nagbigay ng kakayahan din sa kanya 2 Cor 3:5-6 "wala sa amin ang kakayahan at walang naiisip na galing sa aming sarili, kundi mula sa Diyos ang kakayahan namin. Siya ang nagpapangasiwa sa amin sa bagong tipan...".
Ang apostolado ay pinapahayag bilang pakikibahagi sa nakapanliligtas na gawa ni Hesus: ang apostol ay katulong ng Diyos "bilang katulong ng Diyos..."2 cor 6:1, "mga embahador" ng Diyos 2 Cor 5:20, pinagkalooban sa "pangangasiwa ng pagkakasundo" na gawa ng Diyos (2 Cor 5:18-19). Dahil dito, kailangang maging tapat si Pablo sa pagtuturo tungkol kay Kristo kung saan ang lahat ng pangako ay natupad.
At tulad ng ang pinakamakapngyarihang pagtutubos ay sa pagdurusa at at Kanyang kamatayan, ganon din na nakikibahagi ang apostol sa espesyal na paraan sa pagdurusa ni Kristo " Nag-uumapaw talaga sa amin ang mga paghihirap ni Kristo ngunit ganoon din nag-uumapaw ang aming kaaliwan dahil kay Kristo" 2 Cor1:5. Nagkuwento si Pablo tungkol sa kanyang mga karanasan at nagsabi na hinahayaan ng Diyos ito upang maipakita na ang kapangyarihan ay mula sa Diyos at di sa kanila na nasabi niya sa 2 Cor 4:7. Magsusulat naman si Pablo pagkatapos nuon, ang mga partikular na halimbawa ng mga pagsubok na nadanasan niya upang maipakita higit lalo na siya ay tagapaglingkod ng Diyos 2 Cor 6:3-10. At sa bandang huli ng kanyang sulat, siya ay nagsulat ng mahaba, at detalyadong listahan ng kanyang nagawa at pinagdusahan para kay Kristo 2 Cor 11:23-33.
Nasabi niya
na ang pagmamahal tulad ng pagmamahal ng magulang sa anak ang nagkakaisa sa
kaniya at sa mga mananampalataya (2 Cor 6:11-13;12-14).
7th sunday in Ordinary Time.
2 Cor 1:18-22
Ayon na din sa sulat na ito 2:12 naisulat ni San Pablo ito sa Macedonia matapos nyang manggaling sa Efeso. Ito ay nagpapahiwatig na naisulat ni Pablo ito ng 57 AD. Namalagi ng 18 na buwan si Pablo sa Corinto at ngayon ay nababahala dahil sa gulo duon at nalungkit dahil sa masasamang gawai ng kanyang minamahal na mga taga Corinto. Ngunit pinuri din nya sila sa ilang mga bagay.
Tila ang mga taga Corinto ay naimpluwensiyahan ng mga misyonero na nagpapakilala bilang mga sobrenatural na tao, mga makalangit na tao , mga binhi ni Abraham. Sila ay nagtuturo na sila daw ay may kakayanan na maging katulad nila ang mga tao. Ginagamit nilang halimbawa si Hesus at pinababa ang kanyang pagiging tao ni Hesus. Binalewala nila ang pagkatao ni Hesus pati ang kanyang kamatayan dahil bago pa man iyon nangyari, siya daw ay naging makalangit na kahit sa pagkatapos ng kanyang kamatayan. Mistulang wala silang pakinabang sa sakripisyo o pasakit at nagpapakita ng kanilang tagumpay at materyal na yaman para patunayan ito.
18 Tapat ang Diyos! Alam niyang hindi Oo at Hindi ang aming pananalita.
Hindi pabago bago o madaya ang sagot ni San Pablo. Siya ay matapat sa kanyang sinasabi.
19 Hindi nga Oo at Hindi si Jesucristo, ang anak ng Diyos na ipinangaral namin nina Silas at Timoteo. Sa halip, isang Oo ang pinatunayan sa kanya.
Di maaaring paiba-iba ang sagot ni Pablo dahil si Hesus ay ang pinaka-katotohanan.
20 Isipin ninyo ang lahat ng pangako ng Diyos: na kay Kristo ang Oo sa mga iyon. Ito ang dahilan kayat sa ngalan ni Kristo, nakasasagot tayo ng "Amen" para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Ang pagtupad ng pangako na iyon ay natutupad pa hanggang ngayon. Natupad ang mga pangako ng Diyos kay Hesus.
Sabi nga ni San Juan Crisostomo, "maraming nabanggit na pangako si San Pablo. Nangusap siya ng pagbangon ulit ng mga patay at pagdala sa kanila sa langit. Nasabi din niya ang tungkol sa di pagkabulok ng katawan at mga gantimpala na kanilang makakamtam. Ang mga pangako na ito ay hindi magbabago."
Ang Amen ay nangangahulugang 'oo'. Siya ay laging matapat at 'di nagbabago ang Kanyang sagot. Laging 'oo' ang Kanyang sagot sa Ama at Siya ang modelo natin. Sa pamamagitan ng katapatan ni Kristo, tayo na nasa kanya ay sumusunod sa mga turo ng mga apostoles.
21 Ang humirang sa atin at nagpapatibay sa amin kasama ninyo papunta kay Kristo ay ang Diyos
Pinapaalala ni San Pablo ang 3 epekto ng bautismo. Tayo ay napahiran, nagkakaroon tayo ng marka sa ating kaluluwa, at kasama ng Espiritu Santo, tayo sa Kanyang Grasya ay nagagabayan.
22 na nagtatak din sa atin at nagkaloob sa kaibuturan natin ng Espiritu bilang garantiya ng lahat ng iba pa.
Ang kabuuan ng nabili ng Mesiyas ay dadating pa lamang ngunit nasa atin na ang Espiritu Santo na katiyakan at patunay ng mga gantimpala na ating makakamit sa kabilang buhay. Sa ganitong gawa, ang bawat isa ay nagiging mga propeta, hari, at pari.
Nasabi ni San Juan Crisostomo ang ganito: Sa mga unang panahon, ang mga napahiran ng langis ay para sa pagbibigay ng katungkulan sa kung sino ang magiging pari, propeta o hari. Ngunit sa bautismo ang lahat ng 3 dignidad na ito ay napapasa-atin. 'di ba't tayo'y mga hari na tiyak na magmamana ng mga kaharian. Di ba't tayo'y mga pari sa pag-aalay natin ng ating mga sarili sa halip ng mga patay na hayop tulad ng nasabi ng apostol: "Nangungusap ako na ialay ninyo ang inyong mga sariling katawan bilang mga buhay na alay banal at katanggap tanggap sa Diyos." Rom 12:1 at tayo ay ginawang mga propeta, salamat sa Diyos at nabunyag sa atin na 'di nadinig ng tenga o 'di nakita ng mata.
-----------------
Ika-8 ng Ordinaryong Panahon
2 Cor 3:1-6
Parang ang mga taga-Corinto ay naimpluwensiyahan ng mga misyonero galing ng Palestino. Ang mga misyonero ay nagtuturing sa kanilang mga sarili bilang mga sobrenatural na tao, mga anak ni Abraham. Naniniwala sila na makakaya nilang gawing sobrenatural na tao ang ibang mga tao tulad ng sarili nila. Sinasabi nila na si Hesus ay isa sa kanila, at hinamak nila ang pagkatao ni Hesus. Ang Kanyang pagkamatay daw ay walang halaga dahil sa makalangit na si Kristo bago pa ito maganap at kahit sa pagkatapos nito. Walang halaga sa kanila ang pasakit at sakripisyo, tinuturing nila na ang kanilang tagumpay at kayamanan ang patunay ng kanilang kapangyarihan.
Para sagutin ni San Pablo ang kanilang mga paratang na iminumungkahi niya ang kanyang sarili, sinabi niya na ang sulat ng pagmumungkahi sa kanya ay nasa puso ng mga taga-Corinto.
Ang malaking karangalan ng mga
lingkod ni Kristo
3 • 1 Muli ko bang sinisimulang purihin ang aking sarili? Kailangan pa ba namin, tulad ng ilan, ang liham ng pagpapakilala para sa inyo o mula sa inyo?
Malamang na nagdala ang mga kalaban no San Pablo ng sulat ng pagmumungkahi . Di sinabi ni San Pablo na mali ang ganitong uri ng sulat na tulad ng sulat na pinadal ng mga taga-Efeso para sa mga taga Corinto tungkol kay Apollos ( Gawa 18:27).
2 Kayo mismo ang sulat na dala namin sa aming puso; at nalalaman at nababasa naman iyon ng lahat.
Itinuturing ni Sa Pablo na ang liham ng pagmumungkahi para sa kanya ay ang mga taga Corinto mismo na nagpapatotoo sa kahalagahan niya. Kahit may mga sumunod sa mga misyonero na galing ng Palestine, ang karamihan ay naging tapat pa din kay San Pablo.
3 Malinaw na kayo'y isang liham ni Kristo na isinagawa namin at nasulat hindi ng tinta kundi ng Espiritu ng Diyos na buhay, hindi sa mga tapyas na bato kundi sa mga pusong laman.
Nakasulat ang mga batas ng mga hebreo sa mga tinapyas na bato na naglalaman ng 613 na batas levtico at ang sampung utos na pinapasunod. Ang mga ito ay pinapasunod ulit ng mga misyonero. Ang batas ng mga Kristiano ay nakasulat sa ating mga puso
4 Ganito ang aming katiyakan sa harap ng Diyos, dahil kay Kristo. 5 Wala sa amin ang kakayahan at walang naiisip na galing sa aming sarili, kundi mula sa Diyos ang kakayahan namin.
Ang lahat ng mga mabubuting bagay ay galing sa Diyos.
6 Siya ang nagpapangasiwa sa amin sa bagong tipan – hindi sa bisa ng sulat kundi ng Espiritu. Pumapatay ang sulat; ang Espiritu nama'y nagbibigay ng buhay.
Ang sulat, o mga batas ng Lumang Tipan ay nagdadala ng esperitwal na kamatayan, nagbabawal ng mga bagay at nagtuturo ng mga ritwal ng hindi nakapagbibigay ng katapat na grasya upang magawa ang mga ito, isang pagkukulong sa mga bagay na 'di magagawa ng lubusan.
Ang espiritu ay nagbibigay ng grasya upang magawa natin ang mga dapat magawa.
--------------
Ika-9 ng Ordinaryong Panahon Yr B 2 Cor 4:6-11
Nabasa natin ang mga akusasyon ng mga misyonero laban ka San Pablo. Sinabi niya na ang kung anuman ang sulat na kailangan niya ay nakasulat sa mga puso ng mga taga-corinto, na sa pamamagitan ng pananampalataya ay naniniwala sa kahalagahan ni San Pablo. Sa pagbasa natin ngayon, ilalarawan ni San Pablo ang mga pasakit at paghihirap na kanyang naranasan sa kanyang pagpapakalat ng Ebanghelyo at kung paanong sumasaklolo palagi ang grasya. Ang pasakit na kanyang naranasan ay di makapapantay sa pasakit ni Kristo.
6 Ang Diyos na nagsabing: Magkaroon ng liwanag, siya ang nagbigay-liwanag sa aming mga puso nang magningning ang maluwalhating kaalaman sa Diyos na nasa katauhan ni Kristo.
Malamang ito ay nagpapaalala ng mga nakasaulat sa Gen 1:3 o Juan 1:4-5. Ang liwanag ng Bagong Tipan ay nagliliwanag sa mukha ni Hesus, sa atin na katawan Niya. Ang liwanag naman ng lumang Tipan ay nagliwanag sa mukha ni Moises na unti unting nawalan ng liwanag. Ang mga puso ng mga Kristiano ay naliwanagan sa pamamagitan ng ilaw ng pananampalataya. Ngayong tayo ay tinawag sa grasya ni Hesus, ang karimlan ay nawala na, at nagliwanag sa atin ang luwalhati ni Kristo. Di lang ito ilaw para tayo ay maliwagan, ang ilaw na ito ay upang maibahigi natin ang liwanag sa iba
7 Dala naman namin ang kayamanang ito sa sisidlang-putik upang ipakitang sa Diyos ang sukdulang kayamanang ito at hindi sa amin.
Ang tinuturing na kayamanan dito ay ang kayamanan ng paglilingkod ng mga apostol. Ang sisidlang putik ay nagpapaalala sa atin ng mga nangyari sa Gen 2:7 ang tao ay mula sa lupa at ginawang lalagyan ng Ebanghelyo. Dahil sa kahinaan ng lalagyan na ito, ang kapangyarihan ng Diyos ay mas naipapamalas.
8 Lagi kaming namimighati ngunit hindi nalulupig; wala kaming malusutan ngunit di nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami ngunit di napapabayaan; naibubuwal kami ngunit hindi naigugupo.
Laging makakaasa ang mga tao sa tulong ng Diyos. Ang tagumpay natin ay sa pamamagitan ng Grasya ng Diyos. Maaring masira ang mga palayok na ito ngunit ang mga ito ay naaayos sa Sakramento ng kumpisal.
10 Lagi naming dala sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus upang ipakita rin sa aming katawan ang kanyang buhay.
Dala ng mga kristiano sa kanilang mga sarili ang mga pagdudurusa ni Hesus sa pamamagitan ng paglimot sa sarili at paggawa ng mga penitensya. Kailangan natin itong gayahin.
. 11 Dapat ngang kami, na mga nabubuhay, ay laging mabingit sa kamatayan alang-alang kay Jesus upang ipakita ang buhay ni Jesus sa aming katauhang namamatay.
Ang buhay ng Kristiano ay buhay ng pag-aalay, penitensiya at pag-sasakripisyo. Kailangan tayong magdasal para sa ating kasalanan at sa kasalanan ng mundo. Tayo ay 'di bibigyan ng pagsubok na higit pa sa ating kakayanan. Tiniyak ng Panginoon na makakaahon tayo sa mga pagsubok 1 Cor 10:13. Lagi nating pagsumikapan na maging kawangis ni Kristo
----------------
Ika-10 Linggo sa Ordinaryong panahon
2 Cor 4:13-5:1
13 Taglay din namin ang kaloob na pananampalataya ng sumulat: Sumampalataya ako kaya ako nagsalita. Sumasampalataya din kami, kaya kami nagsasalita.
Hinango ni San Pablo ang talata na ito sa
Salmo 116:10 nagpapahayag na ang pananampalataya ang nagpapakilos.
14 Alam naming ang bumuhay sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay sa aming kasama ni Jesus at dadalhin niya kaming kasama ninyo sa kanyang harap.
Sa kanyang unang sulat 1 Cor 15, tinalakay siya tungkol sa realidad ng muling pagkabuhay. Ngayon, sinasabi niya na ang dahilan ng kanyang pag-asa ay dahil sa muling pagkabuhay ni Hesus. Makikita sa pagpapahayag na ito na 'di inaasahan ni San Pablo na siya ay mabubuhay pa hanggang sa huling araw. Ayon din sa iniugnay ni Policarpio, Filipos 2 na ang siyang bumuhay mulo kay Kristo ay bubuhay din sa atin kung tayo ay susunod sa Kanyang kalooban, lalakad sa kanyang pag-uutos, magmamahal sa kanyang minahal at iiwas sa di pagiging matuwid, pagkamaiinggitin, pagmamahal sa salapi, paninirang puri.
15 Sa ikabubuti ninyo ang lahat ng ito. Pinasasagana ng Diyos ang kaloob niya para pasaganain ng marami ang pagpapasalamat para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Ang lahat ng bagay ay para sa ikaliligtas ng tao na siyang lumalapit sa pananampalataya. Ang lahat ng ito ay para sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos.
Nananabik tayo sa ating makalangit
na tirahan
• 16 Kaya hindi kami pinanghihinaan ng loob. Patuloy mang nasisira ang panlabas na sarili namin, nababago naman araw-araw ang aming panloob na sarili.
Patuloy na binabago ng Diyos ang kalooban ng mga tao na nagsisikap na maging kalugudlugod sa Diyos, patuloy ang kanyang paglago at lalong nagiging kawangis ni Kristo.
17 Nagbubunga ang magaan at panandaliang kapighatian namin ng walang hanggang yaman ng kaluwalhatian, na walang kasukat.
Ang mga pagtitiis sa pighati natin sa buhay na ito ay lumilikha ng gantimpala na higit pa sa kapalit ng ating pinagdusahan.
18 Kaya hindi na kami tumitingin sa mga nakikitang bagay, kundi sa di-nakikita. Panandalian lamang ang nakikita ngunit walang hanggan ang di-nakikita.
May mga bagay na higit pa sa ating mga nakikita. Sinabi ni San Juan Crisostomo na ang mga nararanasan natin dito ay pansamantala lamang, sa kabilang banda, ang mga bagay na makakamit ay walang hanggan. Kaya pagtiisan natin ang mga bagay na lumilipas upang makamtan ang kaligayahan na walang hanggan.
5 1 Alam namin na pag nasira ang aming
makalupang tirahan, na isang tolda lamang, maaasahan namin sa Diyos ang gusali, ang isang walang-hanggang tirahan sa langit na di-gawa ng tao.
Ang ating mga katawan ay maituturing na tolda at ang mga ito ay babaguhin ng Panginoon , luluwalhatiin sa luwalhati ng muling pagkabuhay ni Hesus.
------------------
Ika-11 Linggo sa Ordinaryong Panahon
2 Cor 5:6-10
Ipagpapatuloy naman ni San Pablo ang ating makalangit na tirahan at kung paano ito makakamit.
6 Kaya laging malakas ang aming loob. Alam naming habang tirahan namin ang katawan, malayo tayo sa Panginoon.
Ang ating tahanan dito sa lupa ay hindi natin permanenteng tirahan, ang ating tunay na tirahan ay ang langit.
Ayon sa dokumentong Gadium et Spes,"ang konsilyo na ito ay nangungusap sa mga Kristiano, mamamayan ng 2 lungsod upang gawin ang makalupang gawain ng mabuti, bilang pagtugon sa ebanghelyo. Sila ay nagkakamali, sila na may alam na wala tayong permanenteng lungsod na matitirahan ngunit naghahanap ng dadating , ay maari nang talikuran ang mga makamundong gawain. Nakakalimutan nila na dahil sa pananampalataya mas lalo nilang kinakailangan na gawin ang mga responsibilidad nang naayon sa kanil-kanilang sariling bokasyon...ang taong lumilimot sa kanilang makalupang gawain ay lumilimot sa kanilang tungkulin sa Diyos at sa kanilang kapwa, at naglalagay sa peligro ng kanilang pagkaligtas. Ang mga kristiano nga ay dapat na magsaya sa pagsunod sa halimbawa ni Hesus na naging manggagawa, tayo ay malayang nakakagawa ng gawain dito sa lupa, sa kanilang makatao, pambahay, propesyonal, sosyal at teknikal na mga gawain na napagpag-isa sa kasama ang mga mabuting-asal, na sa pagdala sa pinaka magandang direksyon ay naisasama sa pagluluwalhati sa Diyos."
7 Pananampalataya ang ating pamumuhay, hindi pagtingin.
Tayo ay naglalakad sa gabay ng pananampalataya papunta sa buhay na walang hanggan.
8 Kaya malakas ang aming loob. Gusto pa naming maalis na sa katawan upang mapasatirahang kasama ng Panginoon
Dito nakikita natin ang panindigan ni San Pablo na sa ating pagpanaw, tayo ay makakapunta sa langit.
9 at pinahahalagahan namin ang pagbibigay-kasiyahan sa kanya, manirahan man kami sa katawan o makaalis dito. 10 Pagkat dapat tayong lahat dalhin sa liwanag sa hukuman ni Kristo upang tanggapin ng bawat isa ang bayad sa mga ginawa niya habang nasa katawan, maging mabuti man o masama.
-----------------Hello groupmates!
Gusto ko lang i-share sa inyo ang notes ko sulat ni San Francisco de Sales na "Introduction to devout life". Sa bahagi nang notes na ito, tinuturuan tayo ni San Francisco ng paraan ng pagninilay o orasyon mental. Kaugnay ito ng mga sinabi sa atin ni bro Carlos tungkol sa meditation ng rosary.
Ang report na ito ay tatapusin ko bilang bahagi ng aking personal project. Pagkatapos nito, gagawin ko ang oral presentation para naman sa mapakinggan natin at ng ating mga kaibigan!
God bless!!
eric
Kailangang maglinis sa lasa ng mga walang halaga at peligrosong mga bagay
Kahit walang masama sa pagsasayaw, pananamit, libangin ang sarili, ang malulon sa mga bagay na iyon ay laban sa debosyon ,na maaring makasakit at peligroso. Ang kasamaan ay hindi sa paggawa nito kung hindi sa paglagay sa puso ng mga ito.
Paglilinis ng sarili sa masamang pagnanasa
Mayroon tayong mga pagnanasa na 'di bunga ng ating sariling kasalanan, ngunit ang mga ito ay mga limitasyon. Ang kanilang mga bunga ay pagkakamali at pagkukulang. Bagama't ang mga ito ay mga likas na kahinaan, nangangailangan pa din dito ng pag-iingat, kailangan ng pagtatama at pagwawasto, at pagpapagaling. Walang ugali ang sapat upang hindi matuto ng masamang gawi at walang masamang ugali na di maaaring magapi ng grasya ng Diyos.
II
Mga payo tungkol sa paglapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagdadasal at mga Sakramento
Ang pagdadasal ay nagdadala sa ating pag-iisip sa liwanag ng Diyos at nagbubukas sa ating kalooban sa init ng pag-ibig ng Diyos. Ito ay parang bukal na bumubuhay sa ating mga mabubuting kagustuhan, nag-aalis sa mantsa ng mga pagkukulang ng ating kaluluwa at nagpapahupa sa mga kagustuhan ng puso.
Inimumungkahi ni San Francisco Sales higit sa lahat ang pagdadasal na mental, ang pagdadasal ng puso na nakukuha sa pagninilay ng buhay at pasakit ng ating Manunubos. Kapag inuugali natin ang pagninilay na ito , pupunuin Niya ng ating kaluluwa ng Kanyang sarili, matututuhan natin ang Kanyang pagpapahayag at matututuhan nating ibase ang ating mga galaw base sa Kanyang mga ehemplo.
Laging umpisahan ang lahat ng pagdadasal sa paglalagay ng ating sarili sa Kanyang presensya.
Minumungkahi ni San Francisco de Sales ang pagdadasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Kredo ng mga Apostol sa Latin. Ang isang Ama Namin na dinasal ng may debosyon ay higit na mas mahaga kaysa sa maraming Ama Namin na nagmamadaling dinadasal.
Kung habang nagdadasal ng may salita at ang ating puso ay madala sa mental na pagdadasal, huwag mo itong pigilan, hayaan ang sarili na gawin ito kahit dumating sa punto ng sa pag-iwan sa dasal na pasalita na una nating gustong gawin. Ang mangyayari na iyon ay mas magugustuhan ng Diyos at mas may pakinabang sa iyong kaluluwa.
Kapag ang umaga ay lumipas nang hindi nagagawa ang mental na pagdadasal, subukan na gawin ito sa loob ng araw na iyon ngunit 'di pagkatapos ng pagkain dahil baka 'di ito maging madali at makatulugan niyo ito. Kung 'di pa din ito magawa sa loob ng isang araw, kailangan makabawi sa pagsasabi ng mga simpleng dasal, pagbabasa ng mga espritwal na libro o mga gawa ng penitensya.
Maikling plano para pagninilay. Tungkol sa presensiya ng Diyos: unang punto ng pagninilay
Ang una ay ang pagkilala na ang Diyos ay nasa lahat ng lugar. 'Di natin nakikita ang Diyos, at kahit nasasabi ng ating pananampalataya na kapiling natin Siya, nalilimutan natin ito at naiisip natin na Siya ay malayo. Kaya mahalaga bago tayo magdasal, kailangang maalala natin ang presensya ng Diyos.
Ang pangalawa, dapat nating matandaan na 'di lang natin kasama ang Diyos sa lugar kung nasaan tayo, Siya din ay nasa puso natin at espiritu na Kanyang pinapagalaw nang Kanyang banal na presensya.
Ang pangatlo ay ang pagninilay sa ating Manunubos, na sa Kanyang pagkatao ay tumingin sa atin mula sa langit. Siya ay tumitingin sa lahat ng tao, lalo sa mga Kristiano na Kanyang mga Anak, at higit lalo sa mga nagdadasal sa Kanya.
Ang pang-apat ay ang imahinasyon na matignan ang Manunubos sa Kanyang Banal na Pagkatao na siya ay totoong kapiling natin, tulad ng ginagawa natin sa ating mahal na kaibigan. Ngunit kung tayo ay nasa harap ng Banal na Sakramento, ang Kanyang presensyang pangtao ay totoo at di na imahinasyon.
Ang pagtawag: ika-2 bahagi ng paghahanda..
Sa paglalagay ng sarili sa piling ng Diyos, magpakumbaba nang may buong paggalang ng may pag-amin na 'di tayo karapat-dapat na lumapit sa Makapangyarihang Hari. Maaring dasalin ang mga maiikling kahilingan tulad ng dasal ni David "huwag mo akong paalisin sa Iyong harapan at huwag Mong alisin ang Espiritu Mo sa akin" (Ps 1) "Magliwanag sana ang Iyong mukha sa iyong lingkod at ituro mo sa akin ang Iyong batas" (ps 118:135) "Ibigay mo sa amin ang pang-unawa at hahanapin ko ang Iyong batas at itatago ko ito sa aking puso." "ako ang Iyong tagapaglingkod ibigay mo sa akin ang pang-unawa"
Makakatulong din ang pagdasal sa mga santo lalo na ang mga santo na may relasyon sa pagninilayan.
Ang pagninilay sa misteryo: ika-3 punto ng paghahanda.
Ang susunod ay ang "compositio loci" o paggawa ng lugar. Ito ay ang simpleng paglikha sa ating mga sarili sa pamamagitan ng imahinasyon na ating pagninilayan na parang ito talaga ay nangyayari sa harap ng ating nga mata. Sa tulong nito, naiiwasan ang pagpunta ng isip sa ibang bagay.
Ika-2 bahagi ng pagninilay- repleksyon
Matapos ang paggamit ng imahinasyon, sumusunod naman ang pag-unawa na ating tinatawag na pagninilay. May pagkakaiba ang pagninilay at ang pag-aaral. Ang pag-aaral ay may kawalan ng pagmamahal ng pag-ibig sa Diyos bilang layunin. Ang layunin ng pag-aaral ay pansamantala lamang, tulad ng karagdadang kaalaman para sa talakayan o pagsulat atbp.
Matapos matuon ang pansin sa pinagninilayan, magnilay sa mga bagay na ito. Kung ang isip ay nakakakuha ng sapat na pagkain at ilaw sa pagninilay na iyon, mamalagi sa pagninilay na iyon. Kung hindi makakita ng sapat na bagay na pagninilayan sa unang paksa, ituloy ang pagninilay sa ibang bagay nang hindi nagmamadali.
Ika-3 bahagi ng pagninilay- ang nararamdaman at mga gagawin
Pinupuno ng pagninilay ang ating kagustuhan ng mabubuting mga pampakilos, tulad ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Kailangan nating palakahin at palakasin ang ating kaluluwa sa ganitong mga damdamin. Huwag tayong makukuntento sa mga mithiin at kagustuhan na ito, sa halip, gawin itong mga gagawin para sa sariling pagtatama at pagbabago.
Konklusyon
Tapusin ang pagninilay sa tatlong mga gawain na gagawin ng may pagkukumbaba. Una, pagpapasalamat. Ika-2 pag-aalay ng sarili kung saan iniaalay natin sa Diyos ang Kanyang sariling Awa at kabutihan, Kamatayan, Dugo, at ang mga bunga ng Kanyang Anak kasama ang ating saloobin at mga naiisip na gagawin.
(ito naman ang aking naibahagi noong nakaraan kong post)
Devout life
Ang totoong debosyon ay hindi nagpapahinto sa paglago ninuman ngunit kumukumpleto sa lahat ng tao. Ang tunay na debosyon ay naaangkop sa lahat ng bokasyon at propesyon. Ito ay tumutulong upang sagutin ang ating mga bokasyon. Sa pamamagitan nito, nililinaw at pinagtitibay ang bokasyon.
Sa buhay ng mga deboto, kailangan sa pag-usad ang espiritwal na gabay
Unang hakbang
Ang unang hakbang sa debotong buhay ay ang paglilinis ng kaluluwa, kailangan na iwan ang lumang sarili, iwan ang kasalanan at ibihis ang bagong tao. Kinakailangan ang ordinaryong paglilinis ng sarili at paggaling, kaluluwa man o katawan nang paunti-unti. Ang mga anghel na nagpanik panaog sa hagdan ni Jacob ay mayroong nga pakpak ngunit 'di lumipad, bagkus ay tumapak sa sunud-sunod na tapakan sa hagdanan. Maari nating maihambing sa madaling-araw na kapag tumataas ay 'di kaagarang nagwawakas ng kadiliman. Ito ay unti-unting nangyayari. Ang disiplina ng paglilinis ay humihinto lamang kasabay ng ating buhay kaya 'wag tayong mawalan ng lakas ng loob na wakasan ang ating mga kahinaan.
Ika -13 na Linggo sa Ordinaryong Panahon 2 Cor 8:7,9,13-15
Magdadala ng koleksyon si San Pablo sa mga taga Jerusalem at nakikiusap siya sa mga taga-corinto. Sinabi niya ang "kilala na kayo sa inyong karisma sa pananampalataya, sa pagsusulat at sa kaalaman, paano naman ang inyong pagmamahal?"
7 Nangunguna kayo sa lahat: pananampalataya, pananalita, kaalaman, malasakit, at unang-una rin kayo sa aming pagmamahal; manguna rin kayo sa kawanggawang ito.
Kinilala ni San Pablo ang mga kaloob na nasa mga taga-corinto. Nakikiusap si San Pablo na sana ay maipaabot ng mga taga Corinto ang kanilang pagmamahal para sa mga taga-Jerusalem
8 Hindi sa inuutusan ko kayo. Ipinaaalam ko lamang sa inyo ang malasakit ng iba upang subukin ang inyong pagmamahal. 9 Alam ninyo ang kagandahang-loob ni Jesucristo na ating Panginoon: Bagamat mayaman, nagpakadukha siya para sa inyo upang yumaman kayo sa kanyang karukhaan.
Si Jesus ay ang ehemplo ng di pagiging makamundo at ang pagiging mapagbigay. Siya ay Diyos, ginusto Niyang maging tao at maging walang hanggang sakripisyo kung saan laging sinasariwa ang Tipan ng tao sa Diyos. Siya ay naparito bilang karaniwang tao na nabuhay bilang dukha mula sa pagkakapanganak hanggang sa kamatayan. Minsan pa nga, siya ay nabuhay nang kulang sa materyal na pangangailangan ngunit binigay pa din Niya ang lahat.
10 Ito ang payo ko: yamang kayo ang unang nagbalak at nagsagawa nito noong nakaraang taon, 11 tapusin na ninyo ang masigla ninyong binalak, sa abot ng inyong kaya. 12 Kung may kusa ang nagbibigay, kinalulugdan ang pagbibigay niya ng kung anong meron siya at hindi ng wala. 13 Huwag na magaanan ang iba, at mabigatan naman kayo. Mayroon sanang pagkakapantay-pantay. 14 Mapunta ngayon ang kasaganaan ninyo sa kanilang pangangailangan upang balang araw ay mapunta sa pangangailangan ninyo ang kanilang kasaganaan.
Di hinihiling ni San Pablo na ibigay ang lahat sa mga nangangailangan, ang hinihiling niya ay ang sobra nila. Kapalit naman nito, ang esperitwal na kasaganahan ng mga taga-Jerusalem naman ay naipapamahagi naman sa mga taga-Corinto.
Sa gayon, magkakapare-pareho na, 15 tulad ng nasusulat: "Ang nagtipon nang marami ay hindi lumabis, at ang nagtipon ng kaunti ay hindi nagkulang."
Ito ay hango sa Exodus 16:18 na tungkol sa manna na natanggap nila sa disyerto. Ang bawat isa ay nakatanggap ng isang omer o katumbas ng isang galon bawat araw. Ang kahulugan nito ay dapat na may sapat na taglay ng kung anuman ang kailangan nila at dapat na tumulong at matulungan ng naayon sa kanyang pangangailangan at pangangailangan ng iba.
Ika-14 na Linggo sa Ordinaryong Panahon Yr B 2 Cor 12:7-10
Sa sulat na ito, sasagutin ni San Pablo ang mga kasinungalingan na pinapakalat ng kanyang mga kalaban (mga Judaizers). Ang sulat na ito ay naghanda din sa kanyang susunod na bisita, ang ika-3, sa Corinto.
7 Ngunit nagpipigil ako at baka magpahalaga sa akin ang sinuman nang higit pa sa nakikita o nababalitaan niya tungkol sa akin. Napakadakila ng mga pagbubunyag na iyon. Kaya para huwag akong magmalaki, binigyan ako ng tinik sa laman, isang mensahero ni Satanas, para sampalin ako – baka magmalaki ako.
Ang ibig sabihin nito ay sakit sa katawan o sa kaisipan, isang uri ng pananalita ng mga Hudio. Sa Lumang Tipan, ang tinik ay nangangahulugan na kalaban. Ang mga ito ay itinuturing niyang mga hadlang sa magampanan ang kanyang tungkulin bilang apostol.
8 Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoon na alisin ito sa akin.
Ang 3 ay simbolo ng pagiging kumpleto sa simbolismo ng mga Hebreo. Ito ay ang dasal niya dati, pero sa huli, ito ay kanya ding tinanggap.
9 Ngunit sinabi niya sa akin: "Sapat na sa iyo ang biyaya ko; gumaganap nga sa kahinaan ang bisa ng aking kapangyarihan."
Kaya buong galak kong ipagmamapuri ang aking mga kahinaan para kanlungan ako ng kapangyarihan ni Kristo. 10 At nagagalak ako tuwinang ako'y mahina at hinahamak at nangangailangan at inuusig at nababalisa dahil kay Kristo. Pagkat kung kailan ako mahina, saka ako malakas.
Dito, ang grasya ay may kaugnayan sa kahinaan. Tinanggap niya ang kahinaan kapalit ng grasya na makukuha niya dito.
--------------------
Join the challenge
and lose weight.
Hello mga Groupmates!!
Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus!
Medyo di ako nakakasulat nang ilang mga araw gawa ng pag-aasikaso ko ng ilang mga bagay. Nandian pa ang pagsubaybay ko sa training, mga balita at sa laban ni Pacquiao. Hanggang ngayon nga ay panay ang basa ko ng mga balita tungkol sa mga susunod niyang laban. Mabuhay ka Manny! Salamat sa Diyos sa pag-gabay sa iyong panalo laban kay Hatton. Salamat din sa Diyos at ligtas ang dalawang boksingero at nalayo sa peligro.
Mga groupmates, mag iimbita na naman ako para sa ating gagawin na oral presentation. Ang gagawin natin na presentation, bilang pakikibahagi natin sa naideklarang taon ni San Pablo na matatapos sa June, ay magtutuon ng pansin sa sulat ni Pablo sa mga taga Efeso Galacia Colosas.
Ang bawat sulat na ito ay naglalaman ng halos 5 Chapters. Susubukan nating matapos ang presetation sa kalagitnaan ng July.Kung sino man ang makakalibre, magbigay alam lang para mahati natin ang Report.
Maraming salamat kina Ate Dwen at Bro Prinz sa kanilang participation sa nakaraang Oral Presentation tungkol sa 2 Corinto na aking pang bubuin.
God bless!!
your groupmate,
Eric