Mabibigo ang Pakanang Localized Peace Talks ng Rehimeng US-Aquino

1 view
Skip to first unread message

marco

unread,
May 19, 2013, 7:26:30 AM5/19/13
to Editorial Staff
Mabibigo ang Pakanang Localized Peace Talks ng Rehimeng US-Aquino

Patnubay De Guia
NDFP Southern Tagalog Chapter
May 19, 2013

Kung may ilusyon angrehimeng US-Aquino na mabibitag ang rebolusyonaryong
kilusan sa mga lokalisadong usapang pangkapayapaan, nakatakdang magising
ito sa bangungot ng nag-aalimpuyong digmang bayan sa buong kapuluan bago
magtapos ang kanyang panunungkulan sa 2016.

Ilang ulit nang nasubukang inutil at baog ang diumanong “new approach”
ni Aquino na localized peace talks. Nauna nang tinangkang ipatupad ito
ng rehimen ni Corazon Aquino, Ramos, Estrada at Arroyo na pawing nauwi
lamang sa masaklap na kabiguan. Bigo ang lahat ng pakanang lokalisadong
usapang pangkapayapaan sa nagdaang mga taon na layuning pahinain at
pagwatak-watakin ang rebolusyonaryong kilusan.

Ang lahat ng pangrehiyong organisasyon ng Partido Komunistang Pilipinas
at kumand ng NPA ay matatag na humahanay sa likod ng pambansang
lideratong Partido at kinikilala ang NDFP Negotiating Panel bilang
itinakdang may solong otoridad na katawanin ang rebolusyonaryong kilusan
at makipagnegosasyon sa reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas. Walang iba
pang kikilalaninang pambansa-demokratikong kilusan sa Pilipinas na
entidad para makipag-usap sa gubyerno ng Pilipinas kundi ang NDFP
Negotiating Panel.

Nang ipinahayag ng rehimeng US-Aquino na ihinto at tapusin na ang
pakikipag-usap sa NDFP Negotiating Panel, inilantad lamang nito ang
tunay na adyenda na hindi paghahanap ng komon na solusyon sa ugat ng
armadong tunggalian sa Pilipinas ang hangad ng rehimeng Aquino kundi
pagpapasuko at pasipikasyon sa CPP-NPA-NDFP.

Bawat maniubrang mga kinatawan ni Aquino sa katauhan nina Teresita Deles
at Alex Padilla ay pagsabotahe sa usapang pangkapayapaan at
pagpawalambisa’t pagtalikod sa mga nauna nang kasunduang pinagtibay ng
magkabilang prinsipal.

Sinalaula ng rehimeng Aquino at mga negosyador nito ang Joint Agreement
on Security and Immunity Guarantee (JASIG) sa pagtarget ng panunugis,
pag-aresto at pagpatay sa mga consultant at tauhan ng NDFP sa usapang
pangkapayapaan. Patuloy na nilalabag nito ang Comprehensive Agreement on
Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL)
sa patuloy na kriminalisasyon at pagpiit sa mahigit 300 detenidong
pulitikal, pagpinsala sa buhay at ari-arian ng mamamayan resulta ng
militarisasyon sa kanayunan, ekstra-hudisyal na pamamaslang at pagdukot
sa mga aktibista at patuloy na humahabang listahan na paglabag sa
karapatang pantao.

At upang ganap nang tapusin ang negosasyon, nais ng mga negosyador ni
Aquino na ibasura ang The Hague Joint Declaration at isaklob ang
Konstitusyon ng Pilipinas bilang tanging pampulitikang balangkas sa
negosasyon na walang ibang kahulugan kundi pagsurender sa otoridad ng
reaksyunaryong gubyerno at walang-taning na tigil-putukan kahit wala pa
man lamang nararating na makabuluhang kasunduan sa apat na substantibong
adyenda: karapatang pantao at internasyunal na makataong batas; mga
repormang sosyo-ekonomiko; repormang pampulitika at konstitusyunal; at
pagtatapos ng mga sagupaan at dispusisyon ng armadong pwersa.

Walang ibang tatanggaping balangkas ang rebolusyonaryong kilusan sa
negosasyong pangkapayapaan kundi ang The Hague Joint Declaration na
naglalagay sa rebolusyonaryong kilusan sa kapantay na katayuan ng
Gubyerno ng Pilipinas bilang isang belligerent force. Ito ang tanging
prinsipyadong pampulitikang balangkas na katanggap-tanggap at makatwiran
sa dalawang partidong nag-uusap.

Ang pagbasura ng rehimeng Aquino sa naunang mga kasunduang nilagdaan at
pinagtibay ng magkabilang prinsipal ay rurok ng arogansyang kasalukuya
ng reaksyunaryong rehimen na ipilit ang reaksyunaryong konstitusyon
bilang balangkas sa pag-uusap at bitagin ito sa kapitulasyon.

Nabubuhay sa ilusyon ang rehimeng Aquino na mas magiging madali nitong
durugin ang rebolusyonaryong kilusang pinamumunuan ng Partido dahil
lamang nabitag nito ang MILF sa isang walang taning na tigil-putukan sa
ilalim ng isangframework agreement kahit walang substantibong nilalaman.

Pinatutunayan lamang nito na walang ibang natitirang landas kundi
magpunyagi sa armadong rebolusyon, tuloy-tuloy na magpalakas at dalhin
ang digmang bayan sa estratehikong pagpatas hanggang sa ganap na
tagumpay. At sa yugtong ito, ang lakas ng reboluyonaryong mamamayan ang
magpupwersa sa reaksyunaryong gubyerno na seryusuhin ang usapang
pangkapayapaan.

marco

unread,
May 19, 2013, 7:27:48 AM5/19/13
to Editorial Staff
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages