marco
unread,May 21, 2013, 8:40:53 AM5/21/13Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to Editorial Staff
Matagumpay na Taktikal na Opensiba laban sa 2nd IBPA sa Camalig, Albay
Florante Orobia
Santos Binamera Command, NPA-Albay
Mayo 20, 2013
Matagumpay na isinakatuparan ng isang platun ng Bagong Hukbong Bayan �
Santos Binamera Command ang taktikal na opensiba laban sa isang section
ng Charlie Company, 2nd IBPA nitong Mayo 20, 2013 sa ganap na 8:54 ng
umaga sa Baranggay Del Rosario, Camalig, Albay. Nasamsam sa nasabing
taktikal na opensiba ang dalawang M16 armalite rifle at isang K3 light
machine gun at maraming bilang ng bala. Napatay ang tatlong elemento ng
2nd IBPA na sina Cpl. Sandy Senadan na siyang team leader, Pfc. Jaypee
Cortez at Pfc. Roderick Barrameda. Malubhang nasugatan naman si Pfc.
Ruel Soltes. Walang pinsala sa panig ng BHB.
Sa nasabing taktikal na opensiba, sabay na inilunsad ng yunit ng BHB-SBC
ang tambang at operasyong harass. Tinambangan ng isang section ng
BHB-SBC ang pito-kataong iskwad ng 2nd IBPA habang nagkokondukta ang mga
ito ng reconnaisance patrol sa Sityo Mamara, Baranggay Del Rosario,
Camalig, Albay. Kasabay naman nito ang operasyong harass ng isa pang
section ng BHB-SBC laban sa sampu-kataong iskwad ng 2nd IBPA na
nakahimpil sa sentrong baryo ng parehong baranggay. Ang tropa ng 2nd
IBPA na nakalaban ng BHB-SBC ay bahagi ng isang kumpanya ng 2nd IBPA na
security force ng Alobo International Airport.
Ang matagumpay na taktikal na opensiba ay sagot ng Bagong Hukbong Bayan
sa pinatitinding kampanyang militarisasyon sa buong probinsya ng Albay.
Sa mga bayan ng Camalig, Daraga at Legazpi City, nakatambak ang tropa ng
AFP at PNP dahil sa pagbabantay nila sa mga anti-mamamayang proyektong
eko-turismo na pumapabor sa interes ng mga kapitalistang lokal at
dayuhan. Ang mga hungkag na proyektong eko-turismo tulad ng airport at
cement factory ay nagpapalayas sa mamamayan sa kanilang tirahan, umaagaw
sa kanilang lupain, nagdidisloka sa kanilang hanapbuhay at nagiging
sanhi ng mas matinding kahirapan. Sa iba pang bahagi ng Albay, mas
pinasaklaw ang operasyong Peace and Development Team at mga mapanibasib
na combat operations. Ang pinatinding militarisasyon ay nangangahulugan
ng mas malalang paglabag sa karapatang-pantao ng mamamayan.
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan! Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!