Nabigong atake ng 16th IB laban sa BHB-Rizal, Isang sundalo patay!
Logo.bhb
Macario Liwanag (Ka Karyo)
Spokesperson
NPA Rizal (Narciso Antazo Aramil Command)
/February 24, 2012/
<https://www.philippinerevolution.net/statements/nabigong-atake-ng-16t...>
Isang sundalo ang napaslang sa nabigong atake ng 16th IB laban sa mga
pulang mandrigma ng Narciso Antazo Aramil Command ala-1:10 ng hapon,
ika-19 ng Pebrero 2012 na naganap sa So.Kinabuan, Bgy.Sta Ines, Tanay,
Rizal.
Pansamantalang nakahimpil noon ang yunit ng Bagong Hukbong Bayan nang
salakayin sila ng nasabing tropa ng reaksyunaryong hukbo. Subalit ang
planong atake ng pasistang sundalo ay naging opensiba laban sa kanila
sapagkat aktibo silang nilabanan ng mga pulang mandirgma. Matapos
matamaan ang isa nilang elemento ay mabilis silang nagsitakbo. Tumagal
lamang nang 10 minuto ang labanan subalit ang mga takot na takot na
sundalo ay walang habas na nagpaputok hanggang ika 4 nang hapon. Malayo
na noon ang mga pulang mandirigma at ligtas silang nakaatras.
Ang nabigong yunit ng 16th IB ay pinangunahan ni Lt. Bagbag, samantalang
ang nasawi ay si PFC Agcaoili. Sila ay binubo ng 19 katao samantalang
ang mga pulang mandirgma ay 12 lamang. Bago pa man ang pangyayari ay
namonitor sila ng Bagong Hukbong Bayan na nagsasagawa ng combat operation.