Mabuhay ang Ika-39 na Anibersaryo ng NDFP! Manggagawa at maralita, sumapi sa NPA! Mabuhay ang Ika-39 na Anibersaryo ng NDFP! Manggagawa at maralita, sumapi sa NPA!

1 view
Skip to first unread message

Marco Valbuena

unread,
Apr 25, 2012, 1:35:59 AM4/25/12
to ab_b...@googlegroups.com, ab_en...@googlegroups.com, ab_hil...@googlegroups.com, ab_i...@googlegroups.com, ab_pi...@googlegroups.com, ab_w...@googlegroups.com, Alexander Caballero, andrea bermudez, angbayan_up...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_upda...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_upd...@yahoogroups.com, angbayan_up...@yahoogroups.com, angb...@yahoo.com, bobby...@gmail.com, Carsten Stormer, Cong Corrales, corr...@gmx.com, CPP_news...@yahoogroups.com, cpp_re...@googlegroups.com, davida...@gmail.com, Dnoysaur Eriksson, dzrh...@yahoo.com, Editorial Staff, Elmo Guevarra, Eva Fe Nacional, Fortunato Magtangol, Franciscan JPIC Office- Philippines, Francisco de Jesus, GMA NETWORK INC., Gmail, gomez.kalore...@gmail.com, hwh...@tninet.se, ilove...@yahoo.com.tw, ilp515, James Kenny, James Zamora, jeevin dran, jeof....@gmail.com, Jeoffrey Maitem, Jessica Evans, John, joma, K. M. Kabataang Makabayan, karlos maglinte, Liberation International, liliosa...@yahoo.com, louie & coni ledesma, lucill...@gmail.com, Malou Logan, mandal...@gmail.com, manl...@gmail.com, Marco Valbuena, markal...@gmail.com, marvyn benaning, Marvyn Benaning (LinkedIn Invitations), michael valencia, Navarro Osmena, n...@casema.nl, NDFP Monitoring Committee, ndfp.m...@gmail.com, ndfp...@gmail.com, Nika Antares, nio_c...@yahoo.com, Norbin Gruta, npa...@gmail.com, npap...@yahoo.com, Oliver Garcia, padepa...@instructor.net, Padraic Mc Cotter, pidee, Rafael Mariano, rage...@gmail.com, rage...@yahoo.com, RFS, rommel...@yahoo.com, Ruth De Leon, SCM philippines, Siegfred Deduro, svp...@live.ca, theman...@yahoo.com, tum...@gmail.com, vencercr...@gmail.com, zaibat...@gmail.com
Mabuhay ang Ika-39 na Anibersaryo ng NDFP!
Manggagawa at maralita, sumapi sa NPA!

Ipinagdiriwang naming mga rebolusyonaryong manggagawa ang ika-39
anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the
Philippines o NDFP!

Ang NDFP ay ang alyansa ng mga rebolusyonaryong organisasyon ng iba’t
ibang uri at sektor ng lipunan. Isinusulong nito ang pagtapos sa
kahirapan, kagutuman, pagsasamantala, at pang-aapi na dinaranas ng
nakakarami sa ating bansa. Sinusuportahan nito ang armadong
pakikibakang isinusulong ng miyembro nitong New People’s Army o NPA,
ang tunay na hukbo ng sambayanang Pilipino.

Isinusulong ng NDFP ang paglaya ng sambayanang Pilipino sa
imperyalismong US at mga alipores nitong naghaharing uri, ang
malalaking burgesya-komprador at panginoong maylupa. Isinusulong nito
ang tunay na demokrasya sa ating bansa – ang paglaya ng mga magsasaka,
na siyang pinakamarami sa ating populasyon, sa pagsasamantala at
paghahari ng iilang malaking panginoong maylupa.

Nagpalit-palit man ang pangulo ng bansa, hindi natapos ang kagutuman
at karukhaan ng nakakarami sa atin. Paano, lahat ng mga naging
pangulo, pawang tuta ng imperyalismong US at naglingkod sa iilang
naghaharing uri – hindi sa masang manggagawa, magsasaka, at
sambayanang Pilipino. Hindi na nga nila tinapos ang kagutuman at
karukhaan, pinasahol pa nila ito sa iba’t ibang paraan.

Kasama na diyan si Benigno “Noynoy” Aquino III. Hindi niya
pinapakinggan ang mga karaingan natin – tayong lalong naghirap at
nagutom sa loob ng mahigit siyam na taon ng paghahari ni Gloria
Macapagal-Arroyo. Pinapatindi pa niya ang ating kagutuman at
kahirapan. Ngayon, hinihigitan pa niya si Gloria sa pagtutulak ng
panghihimasok-militar sa bansa ng mga tropang militar ng
imperyalismong US.

Dine-demolish ang mga barung-barong ng maralita, pero binibigyan ng
base-militar ang mga Kano. Ayaw bawasan ang pinapasan nating buwis,
tulad ng VAT sa langis, pero tutustusan ang mga tropang Kano.
Kinokontra ang dagdag-sahod para sa manggagawa, pero todo-bigay ng
benepisyo sa mga kapitalistang Kano. Ginagawang pansamantala ang
trabaho ng maralita, pero permanente ang base-militar.

Rebolusyon lang ang tatapos sa kahirapan at kagutuman sa bansa.
Tinatawagan namin ang mga manggagawa at maralita: Pag-aralan natin ang
ugat ng kahirapan at ang solusyon dito. Sumali tayo sa mga
rebolusyonaryong organisasyon. Kumilos tayo para sa tunay na
pagbabago. Ibagsak natin ang mga nagpapahirap sa atin. Angkinin natin
ang kapangyarihan sa ating bayan. Magrebolusyon tayo at sumapi sa NPA!

Mabuhay ang National Democratic Front of the Philippines!
Labanan ang kontra-mamamayang rehimeng US-Aquino!
Imperyalismo, pyudalismo, burukrata-kapitalismo, ibagsak!
Isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon!
Manggagawa at maralita, sumapi sa NPA!

Revolutionary Council of Trade Unions-NDFP
23 Abril 2012
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages